Millat al-Islam

Chapter 44 · 59 verses · Abdullatif Eduardo M. Arceo

Surah Ad-Dukhan' in Filipino

Arabic with tafsir Listen to Surah Ad-Dukhan' (1216 reciters)
Meccanسورة الدخان59 verses

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

حمٓ ١Ha, Mim (mga titik Ha, Ma) وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ ٢Sa pamamagitan ng lantad na Aklat (ang Qur’an), na nagbibigay kaliwanagan sa mga bagay إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ فِي لَيۡلَةٍ مُّبَٰرَكَةٍۚ إِنَّا كُنَّا مُنذِرِينَ ٣Ipinanaog Namin ito (ang Qur’an) sa pinagpalang Gabi (alalaong baga, ang Gabi ng Qadr, [sa buwan ng ramadhan, ang pangsiyam na buwan ng kalendaryong Islamiko]). Katotohanang Kami ay lagi nang nagbababala (sa sangkatauhan, na ang Aming Kaparusahan ay sasapit sa kanila na hindi nananalig sa Aming Kaisahan at pagiging Panginoon at sa Kaisahan ng PagsambasaAmin) فِيهَا يُفۡرَقُ كُلُّ أَمۡرٍ حَكِيمٍ ٤dito(sanatatanging Gabi) ayitinakda ang lahat ng mga (pag-uutos) sa mga pangyayari (alalaong baga, lahat ng mga bagay tungkol sa kamatayan, pagsilang, ikabubuhay, kapinsalaan, atbp. [sa susunod] na buong taon ayon sa itinalaga ni Allah أَمۡرًا مِّنۡ عِندِنَآۚ إِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ ٥“Amran” (alalaong baga, ang pag-uutos sa Qur’an o ang Katakdaan ng bawat bagay) sa pamamagitan ng Aming pag-uutos. Katotohanang Kami ay lagi nang nagsusugo (ng mga Tagapagbalita) رَحۡمَةً مِّن رَّبِّكَۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ ٦(Bilang) Habag mula sa inyong Panginoon. Katotohanan! Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakaalam رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ ٧Ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, kung kayo (lamang) ay may tiyak na pananalig لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٨La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Siya ang naggagawad ng buhay at gayundin ng kamatayan, ang inyong Panginoon (na nagkakandili sa inyo), at ang Panginoon ng nauna ninyong mga lahi (ninuno) بَلۡ هُمۡ فِي شَكٍّ يَلۡعَبُونَ ٩Hindi! Sila ay naglalaro sa pag-aalinlangan فَٱرۡتَقِبۡ يَوۡمَ تَأۡتِي ٱلسَّمَآءُ بِدُخَانٍ مُّبِينٍ ١٠Kung gayon, kayo ay maghintay sa Araw na ang alapaap ay maglalabas ng usok na (inyong) mamamasdan يَغۡشَى ٱلنَّاسَۖ هَٰذَا عَذَابٌ أَلِيمٌ ١١Na lalambong sa mga tao. Ito ay isang Kasakit-sakit na Kaparusahan رَّبَّنَا ٱكۡشِفۡ عَنَّا ٱلۡعَذَابَ إِنَّا مُؤۡمِنُونَ ١٢(At sila ay magsasabi): “o aming Panginoon! Pawiin Ninyo sa amin ang Kaparusahang ito, katiyakang kami ay tunay na sasampalataya!” أَنَّىٰ لَهُمُ ٱلذِّكۡرَىٰ وَقَدۡ جَآءَهُمۡ رَسُولٌ مُّبِينٌ ١٣Paano silang magkakaroon ng paala-ala (sa sandaling ang Kaparusahan ay sumapit sa kanila), gayong ang isang Tagapagpaala-ala ay dumatal na sa kanila na nagpapaliwanag sa mga bagay nang malinaw ثُمَّ تَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ وَقَالُواْ مُعَلَّمٌ مَّجۡنُونٌ ١٤Datapuwa’t sila ay tumalikod sa kanya (Muhammad) at nagsabi: “Isang tinuruan lamang (ng ibang tao), isang tao na may sira ang pag-iisip!” إِنَّا كَاشِفُواْ ٱلۡعَذَابِ قَلِيلًاۚ إِنَّكُمۡ عَآئِدُونَ ١٥Katotohanang pansamantala Naming papawiin ang Kaparusahan sa ngayon. Katotohanang kayo ay magbabalik loob يَوۡمَ نَبۡطِشُ ٱلۡبَطۡشَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ إِنَّا مُنتَقِمُونَ ١٦Sa Araw na kayo ay Aming susukulin ng matinding Sakmal. Katotohanang Aming igagawad ang kabayaran ۞ وَلَقَدۡ فَتَنَّا قَبۡلَهُمۡ قَوۡمَ فِرۡعَوۡنَ وَجَآءَهُمۡ رَسُولٌ كَرِيمٌ ١٧At katotohanang Aming sinubukan nang una pa sa kanila ang mga tao ni Paraon nang dumatal sa kanila ang isang matimtimang Tagapagbalita (Moises) أَنۡ أَدُّوٓاْ إِلَيَّ عِبَادَ ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٌ ١٨Na nagsasabi: “Ibalik mo sa akin ang mga tagapaglingkod ni Allah (alalaong baga, ang Angkan ng Israel). Katotohanang ako sa inyo ay isang Tagapagbalita na karapat-dapat sa lahat (ng inyong) pagtitiwala وَأَن لَّا تَعۡلُواْ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنِّيٓ ءَاتِيكُم بِسُلۡطَٰنٍ مُّبِينٍ ١٩At huwag kayong maging mapagmalaki (sa inyong sarili) ng laban kay Allah. Katotohanang ako ay dumatal sa inyo na may maliwanag na kapamahalaan وَإِنِّي عُذۡتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُمۡ أَن تَرۡجُمُونِ ٢٠At tunay ngang ako ay lumuluhog ng kaligtasan mula sa aking Panginoon at inyong Panginoon, baka ako ay inyong batuhin (o saktan o tawagin akong isang manggagaway) وَإِن لَّمۡ تُؤۡمِنُواْ لِي فَٱعۡتَزِلُونِ ٢١Datapuwa’t kung ako ay hindi ninyo paniwalaan, kung gayon, magsilayo kayo sa akin at ako ay iwan ninyong mag-isa.” فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنَّ هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٌ مُّجۡرِمُونَ ٢٢(Nguni’t sila ay palalo), kaya’t siya (Moises) ay humibik sa kanyang Panginoon (na nagsasabi): “Katotohanang sila ang mga tao na Mujrimun (mga tampalasan, walang pananalig, makasalanan, kriminal, atbp.).” فَأَسۡرِ بِعِبَادِي لَيۡلًا إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ ٢٣(Si Allah ay nagwika): “At sa gabi, humayo ka na kasama ang Aking mga lingkod, katotohanang kayo ay tutugisin.” وَٱتۡرُكِ ٱلۡبَحۡرَ رَهۡوًاۖ إِنَّهُمۡ جُندٌ مُّغۡرَقُونَ ٢٤At iwan ninyo ang dagat na parang tudling (na tahimik at nahahati), sapagkat sila ay lipon (na nakatakdang) malunod كَمۡ تَرَكُواْ مِن جَنَّٰتٍ وَعُيُونٍ ٢٥Gaano karaming halamanan at mga batis ang maiiwan (ng mga tao ni Paraon) وَزُرُوعٍ وَمَقَامٍ كَرِيمٍ ٢٦At mga bukirin ng mais at mabubuting lugar وَنَعۡمَةٍ كَانُواْ فِيهَا فَٰكِهِينَ ٢٧At mga kaaliwan ng buhay na labis nilang kinatutuwaan كَذَٰلِكَۖ وَأَوۡرَثۡنَٰهَا قَوۡمًا ءَاخَرِينَ ٢٨Kaya’t ito nga (ang kanilang naging hantungan)! At ginawa Namin ang mga tao (Angkan ng Israel) na siyang magmana (ng kaharian ng Ehipto) فَمَا بَكَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلسَّمَآءُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَا كَانُواْ مُنظَرِينَ ٢٩At ang kalangitan at kalupaan ay hindi lumuha sa kanila, gayundin naman sila ay hindi binigyan ng palugit وَلَقَدۡ نَجَّيۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ مِنَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡمُهِينِ ٣٠At katotohanang iniligtas Namin ang Angkan ng Israel sa Kaaba-abang Kaparusahan مِن فِرۡعَوۡنَۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَالِيًا مِّنَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ ٣١Mula kay Paraon, katotohanang siya ay mapagpalalo at kabilang sa Musrifun (mga tampalasan, sila na lumalagpas sa hangganan ng paggugol at sa iba pang bagay at gumagawa ng malalaking kasalanan) وَلَقَدِ ٱخۡتَرۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ عِلۡمٍ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ ٣٢At Aming pinili ang Angkan ng Israel nang higit sa lahat ng mga nilalalang (sa panahon ni Moises) ng may Kaalaman وَءَاتَيۡنَٰهُم مِّنَ ٱلۡأٓيَٰتِ مَا فِيهِ بَلَٰٓؤٌاْ مُّبِينٌ ٣٣At iginawad sa kanila ang mga Tanda na naroroon ang maliliwanag na pagsubok إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَيَقُولُونَ ٣٤Katotohanan, ang mga taong ito (Quraish) ay nagsasabi إِنۡ هِيَ إِلَّا مَوۡتَتُنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُنشَرِينَ ٣٥“wala ng iba pa maliban sa aming unang kamatayan, at kami ay hindi na muling ibabangon فَأۡتُواْ بِـَٔابَآئِنَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ ٣٦Kaya’t ibangon mong muli ang aming mga ninuno kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan!” أَهُمۡ خَيۡرٌ أَمۡ قَوۡمُ تُبَّعٍ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ مُجۡرِمِينَ ٣٧Sila ba ay higit na mainam o ang mga tao ng “Tubba” at sila na nauna sa kanila? Sila ay Aming winasak sapagkat katotohanang sila ay Mujrimun (mga walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, atbp) وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا لَٰعِبِينَ ٣٨At hindi Namin nilikha ang kalangitan at ang kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito bilang isang laro lamang مَا خَلَقۡنَٰهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ ٣٩Hindi Namin nilikha sila maliban na may katotohanan (alalaong baga, upang suriin at subukan ang mga masunurin at palasuway at upang gantimpalaan ang palasunod at parusahan ang palasuway), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ مِيقَٰتُهُمۡ أَجۡمَعِينَ ٤٠Katotohanan, ang Araw ng Paghuhukom (kung si Allah ay hahatol na sa pagitan ng mga nilalang) ay siyang sandali na itinalaga sa kanilang lahat يَوۡمَ لَا يُغۡنِي مَوۡلًى عَن مَّوۡلًى شَيۡـًٔا وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ ٤١Sa Araw kung ang mawlan (isang malapit na kamag- anak) ay hindi makakaasa ng tulong sa mawlan (isang malapit na kamag-anak), at walang tulong ang kanilang matatanggap إِلَّا مَن رَّحِمَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ٤٢Maliban sa kanya na gawaran ng Habag ni Allah. Katotohanang Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain إِنَّ شَجَرَتَ ٱلزَّقُّومِ ٤٣Katotohanan, ang puno ng Zaqqum طَعَامُ ٱلۡأَثِيمِ ٤٤Ang siyang magiging pagkain ng mga Makasalanan كَٱلۡمُهۡلِ يَغۡلِي فِي ٱلۡبُطُونِ ٤٥Na tulad ng kumukulong langis, ito ay kukulo sa mga tiyan كَغَلۡيِ ٱلۡحَمِيمِ ٤٦Na katulad ng pagkulo nang nakakabanling tubig خُذُوهُ فَٱعۡتِلُوهُ إِلَىٰ سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ ٤٧(At dito ay ipagbabadya): “Sakmalin siya at kaladkarin siya sa gitna ng Naglalagablab na Apoy ثُمَّ صُبُّواْ فَوۡقَ رَأۡسِهِۦ مِنۡ عَذَابِ ٱلۡحَمِيمِ ٤٨Kaya’t ibuhos sa kanyang ulo ang Kaparusahan ng Kumukulong Tubig ذُقۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡكَرِيمُ ٤٩Lasapin mo (ito)! Katotohanang ikaw (ay nagkukunwari) na makapangyarihan, ang mapagbigay إِنَّ هَٰذَا مَا كُنتُم بِهِۦ تَمۡتَرُونَ ٥٠Katotohanang ito ang iyong pinag-aalinlanganan noon!” إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي مَقَامٍ أَمِينٍ ٥١Katotohanan, ang Muttaqun (mga matimtiman at matuwid na tao na nangangamba kay Allah ng labis at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at nagmamahal kay Allah ng higit at nagsasagawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos), ay mapapasalugar ng Kapanatagan (Paraiso) فِي جَنَّٰتٍ وَعُيُونٍ ٥٢Sa gitna ng Halamanan at mga Batis يَلۡبَسُونَ مِن سُندُسٍ وَإِسۡتَبۡرَقٍ مُّتَقَٰبِلِينَ ٥٣Na nadaramtan ng madulas na sutla at (gayundin) ng makapal na sutla, na nakaharap sa isa’t isa كَذَٰلِكَ وَزَوَّجۡنَٰهُم بِحُورٍ عِينٍ ٥٤(Kaya’t ito ang mangyayari), at sila ay Aming ipapangasawa sa Houris (lubhang maputing mga babae na nilikha ni Allah ngunit hindi mula sa supling ni Adan, na may tampok na itim ng mata at puti ng mata) يَدۡعُونَ فِيهَا بِكُلِّ فَٰكِهَةٍ ءَامِنِينَ ٥٥Sila ay tatawag dito sa lahat ng uri ng bungangkahoy sa kapayapaan at kapanatagan لَا يَذُوقُونَ فِيهَا ٱلۡمَوۡتَ إِلَّا ٱلۡمَوۡتَةَ ٱلۡأُولَىٰۖ وَوَقَىٰهُمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ ٥٦Sila ay hindi kailanman makakalasap ng kamatayan dito maliban sa unang kamatayan (sa buhay sa mundong ito), at Kanyang ililigtas sila sa Kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy فَضۡلًا مِّن رَّبِّكَۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ ٥٧Bilang isang Biyaya mula sa iyong Panginoon! Ito ang sukdol na tagumpay فَإِنَّمَا يَسَّرۡنَٰهُ بِلِسَانِكَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ ٥٨Katiyakang Aming ginawa ito (ang Qur’an) na magaan sa iyong dila upang sila ay makaala-ala فَٱرۡتَقِبۡ إِنَّهُم مُّرۡتَقِبُونَ ٥٩Kung gayon, maghintay ka (o Muhammad); katotohanang sila (rin) ay naghihintay

Translation: Abdullatif Eduardo M. Arceo.