Millat al-Islam

Chapter 90 · 20 verses · Abdullatif Eduardo M. Arceo

Surah Al-Balad in Filipino

Arabic with tafsir Listen to Surah Al-Balad (1312 reciters)
Meccanسورة البلد20 verses

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

لَآ أُقۡسِمُ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ ١Ako ay sumusumpa sa pamamagitan ng Lungsod na ito (ang Makkah) وَأَنتَ حِلُّۢ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ ٢At ikaw ay isa sa (malayang) mamamayan ng Lungsod na ito وَوَالِدٍ وَمَا وَلَدَ ٣At sa pamamagitan ng nagsilang ( [o naging ama] , alalaong baga ay si Adan) at ang isinilang ( [o naging anak] , alalaong baga, ang kanyang naging lahi لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ فِي كَبَدٍ ٤Katotohanang Aming nilikha ang tao sa paggawa at pagsisikap (sa pakikitalad sa buhay) أَيَحۡسَبُ أَن لَّن يَقۡدِرَ عَلَيۡهِ أَحَدٌ ٥Inaakala ba niya na walang sinuman ang may kakayahan na makakapangyari sa kanya يَقُولُ أَهۡلَكۡتُ مَالًا لُّبَدًا ٦At siya ay nagtuturing (sa kapalaluan): “Aking nilustay ang kayamanan sa pagmamalabis!” أَيَحۡسَبُ أَن لَّمۡ يَرَهُۥٓ أَحَدٌ ٧Inaakala ba niya na walang sinuman ang nakakamatyag sa kaniya أَلَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ عَيۡنَيۡنِ ٨Hindi baga Namin nilikha ang kanyang dalawang mata وَلِسَانًا وَشَفَتَيۡنِ ٩At ang dila, at dalawang labi وَهَدَيۡنَٰهُ ٱلنَّجۡدَيۡنِ ١٠At Aming pinatnubayan siya sa dalawang landas (ng tumpak at mali) فَلَا ٱقۡتَحَمَ ٱلۡعَقَبَةَ ١١Datapuwa’t siya ay hindi nagsumikap na tahakin ang matarik na daan (ng kaligtasan) وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡعَقَبَةُ ١٢At ano nga ba ang ipinapahiwatig ng matarik na daan (ng pag-akyat) فَكُّ رَقَبَةٍ ١٣(Ito nga): Ang pagpapalaya sa isang leeg (alipin, atbp) أَوۡ إِطۡعَٰمٌ فِي يَوۡمٍ ذِي مَسۡغَبَةٍ ١٤At pagbibigay ng pagkain sa panahon ng taggutom (at pagdarahop) يَتِيمًا ذَا مَقۡرَبَةٍ ١٥Sa ulila na may kawing ng pagkakamag-anak أَوۡ مِسۡكِينًا ذَا مَتۡرَبَةٍ ١٦At sa naghihikahos (na lugmok sa kahirapan) ثُمَّ كَانَ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلصَّبۡرِ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلۡمَرۡحَمَةِ ١٧Kung magkagayon, siya ay isa sa mapapabilang sa mga sumasampalataya at nagtatagubilin sa isa’t isa sa pagiging matimtiman at matiyaga, at (gayundin) ay nagtatagubilin sa isa’t isa sa pagiging maawain at bukas ang puso أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ ١٨Ang kanilang lugar ay nasa Kanang Kamay (ang magsisipanirahan sa Paraiso) وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا هُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ ١٩Datapuwa’t sila na hindi sumampalataya sa Aming Ayat (katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sila nga ang titipunin sa Kaliwang Kamay (ang magsisipanirahan sa Impiyerno) عَلَيۡهِمۡ نَارٌ مُّؤۡصَدَةُۢ ٢٠Sa kanila ang Apoy ay ilulukob nang ganap (alalaong baga, sila ay mababalot ng Apoy na walang anumang singawan, butas o bintana)

Translation: Abdullatif Eduardo M. Arceo.