Millat al-Islam

Chapter 105 · 5 verses · Abdullatif Eduardo M. Arceo

Surah Al-Fil in Filipino

Arabic with tafsir Listen to Surah Al-Fil (851 reciters)
Meccanسورة الفيل5 verses

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِأَصۡحَٰبِ ٱلۡفِيلِ ١Hindi mo ba napagmalas (O Muhammad) kung paano pinakitunguhan ng iyong Panginoon ang may-ari ng Elepante? [ang hukbo ng mga elepante na nanggaling sa Yemen sa pamumuno ni Abraha Al-Ashram na nagnanais na wasakin ang Ka’ba sa Makkah] أَلَمۡ يَجۡعَلۡ كَيۡدَهُمۡ فِي تَضۡلِيلٍ ٢Hindi baga Niya hinadlangan ang kanilang (masamang) balak at (sila ay) mapaligaw وَأَرۡسَلَ عَلَيۡهِمۡ طَيۡرًا أَبَابِيلَ ٣At isinugo Niya laban sa kanila ang mga kawan ng ibon تَرۡمِيهِم بِحِجَارَةٍ مِّن سِجِّيلٍ ٤Na pumupukol sa kanila ng mga bato ng Sijjil (mga batong gawa sa matigas na putik) فَجَعَلَهُمۡ كَعَصۡفٍ مَّأۡكُولِۭ ٥At Kanyang ginawa sila na tila mga hungkag na bukirin ng mga dayami (na ang mais dito ay ginasak at kinain ng mga baka)

Translation: Abdullatif Eduardo M. Arceo.