بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰ ١Sa pamamagitan ng Gabi habang lumulukob (sa liwanag) وَٱلنَّهَارِ إِذَا تَجَلَّىٰ ٢At sa pamamagitan ng Araw habang ito ay namamanaag sa pagsikat وَمَا خَلَقَ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ ٣At sa pamamagitan Niya na lumikha ng lalaki at babae إِنَّ سَعۡيَكُمۡ لَشَتَّىٰ ٤Katotohanan, ang inyong pinagsusumikapan at mga gawa ay magkakaiba (sa layunin) فَأَمَّا مَنۡ أَعۡطَىٰ وَٱتَّقَىٰ ٥At sa kanya na nagbibigay (sa kawanggawa) at nananampalataya at may pangangamba kay Allah وَصَدَّقَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ ٦At (buong katapatan) na nananampalataya sa Al-Husna (ang Pinakamainam, alalaong baga, isang gantimpala mula kay Allah, na si Allah ang magbabayad sa anumang kanyang ginugol tungo sa Kapakanan ni Allah o maggagawad sa kanya ng Paraiso) فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡيُسۡرَىٰ ٧Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa Kaluwalhatian وَأَمَّا مَنۢ بَخِلَ وَٱسۡتَغۡنَىٰ ٨Datapuwa’t siya na makasarili at mapag-imbot at nagpapalagay na may sarili siyang kasapatan (alalaong baga, na nasa kanya ang lahat ng bagay) وَكَذَّبَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ ٩At hindi nananangan sa Al-Husna (ang Pinakamainam na gantimpalang manggagaling kay Allah, tingnan ang Talata bilang) فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡعُسۡرَىٰ ١٠Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa Kapariwaraan وَمَا يُغۡنِي عَنۡهُ مَالُهُۥٓ إِذَا تَرَدَّىٰٓ ١١At anong kapakinabangan ang maidudulot sa kanya ng kanyang kayamanan sa sandaling siya ay ibulid sa Balon (ng Apoy ng Impiyerno) إِنَّ عَلَيۡنَا لَلۡهُدَىٰ ١٢Katotohanan! Nasa sa Amin ang pagbibigay ng 962 Patnubay وَإِنَّ لَنَا لَلۡأٓخِرَةَ وَٱلۡأُولَىٰ ١٣At Katotohanang Kami ang nagtataglay (ng kapamahalaan) ng Katapusan (Kabilang Buhay) at ng Simula (ang Buhay sa mundong ito) فَأَنذَرۡتُكُمۡ نَارًا تَلَظَّىٰ ١٤Kaya’t kayo ay Aking binabalaan ng Naglalagablab at Umaalimpuyong Apoy (Impiyerno) لَا يَصۡلَىٰهَآ إِلَّا ٱلۡأَشۡقَى ١٥walang ibang papasok dito maliban sa mga tampalasan ٱلَّذِي كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ ١٦Na nagpapasinungaling sa Katotohanan at tumatalikod وَسَيُجَنَّبُهَا ٱلۡأَتۡقَى ١٧Datapuwa’t sa Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na tao na lubos na sumasampalataya kay Allah), ay malayo rito (Impiyerno) ٱلَّذِي يُؤۡتِي مَالَهُۥ يَتَزَكَّىٰ ١٨Sila na gumugugol ng kanilang kayamanan upang magkamit ng kadalisayan (sa kanilang sarili) وَمَا لِأَحَدٍ عِندَهُۥ مِن نِّعۡمَةٍ تُجۡزَىٰٓ ١٩At wala siyang iniisip na pag-asam ng ganti sa sinuman (na kanyang dinamayan) إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ رَبِّهِ ٱلۡأَعۡلَىٰ ٢٠Maliban lamang sa kanyang hangarin na mapaghanap ang Bukas na Mukha ng kanyang Panginoon, ang Kataas-taasan وَلَسَوۡفَ يَرۡضَىٰ ٢١Katiyakang Siya ay malulugod (kung siya ay papasok na sa Paraiso). BAgo tumAnghAli