Millat al-Islam

Chapter 83 · 36 verses · Abdullatif Eduardo M. Arceo

Surah Al-Mutaffifin in Filipino

Arabic with tafsir Listen to Surah Al-Mutaffifin (1304 reciters)

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

وَيۡلٌ لِّلۡمُطَفِّفِينَ ١Kasawian sa Al-Mutaffifin (sila na gumagawa ng pandaraya, alalaong baga, ang mga nagbibigay ng kulang sa sukat at timbang at nagbabawas sa mga karapatan ng iba) ٱلَّذِينَ إِذَا ٱكۡتَالُواْ عَلَى ٱلنَّاسِ يَسۡتَوۡفُونَ ٢Sila na kung tatanggap sa mga tao ng may sukat at timbang ay naghahanap ng ganap na sukat at timbang وَإِذَا كَالُوهُمۡ أَو وَّزَنُوهُمۡ يُخۡسِرُونَ ٣Datapuwa’t kung sila ang magbibigay sa mga tao ng may sukat at timbang ay nagbibigay ng kulang أَلَا يَظُنُّ أُوْلَٰٓئِكَ أَنَّهُم مَّبۡعُوثُونَ ٤Hindi baga nila napag-aakala na sila ay ibabangong muli upang tawagin sa Pagsusulit لِيَوۡمٍ عَظِيمٍ ٥Sa dakilang Araw يَوۡمَ يَقُومُ ٱلنَّاسُ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٦Sa Araw na yaon, ang buong sangkatauhan ay titindig sa harapan ng 946 Panginoon ng lahat ng mga nilalang كـَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡفُجَّارِ لَفِي سِجِّينٍ ٧Katotohanan! Ang Talaan (na kinapapalooban ng mga gawa) ng Fujjar (mga tampalasan, makasalanan, walang pananampalataya, mapaggawa ng kamalian) ay nakatago sa Sijjin وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سِجِّينٌ ٨Tunay nga, ano nga ba ang makakapagpahiwatig sa iyo kung ano ang kahulugan ng Sijjin كِتَٰبٌ مَّرۡقُومٌ ٩Isang nasusulat na Talaan وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ١٠Kasawian sa Araw na yaon sa mga nagtatatwa (kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Tagagapagbalita, sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sa Al-Qadar [maka- Diyos na Pagtatakda) ٱلَّذِينَ يُكَذِّبُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ ١١Sa mga nagtatakwil sa Araw ng Kabayaran وَمَا يُكَذِّبُ بِهِۦٓ إِلَّا كُلُّ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ ١٢At walang sinuman ang makakapagtakwil doon maliban sa mga makasalanan na lumalabag ng labis sa hangganan (ng kawalang pananampalataya, pang-aapi at pagsuway kay Allah), mga Makasalanan إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٣Na kung ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay ipinahahayag sa kanya, siya ay nagsasabi: “ Mga kathang isip lamang ng panahong lumipas!” كـَلَّاۖ بَلۡۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ ١٤Tunay nga! Ang kanilang puso ay may batik (nababahiran at nalalambungan ng mantsa dahil sa mga kasalanan at masasamang gawa) ng kanilang ginawa كـَلَّآ إِنَّهُمۡ عَن رَّبِّهِمۡ يَوۡمَئِذٍ لَّمَحۡجُوبُونَ ١٥Katotohanan, sa Araw na yaon, ang Habag ng kanilang Panginoon ay ipagkakait sa kanila (ang mga makasalanan ay malalambungan upang hindi nila mamalas ang kanilang Panginoon) ثُمَّ إِنَّهُمۡ لَصَالُواْ ٱلۡجَحِيمِ ١٦Tunay nga! Katotohanang sila ay papasok sa naglalagablab na Apoy ng Impiyerno ثُمَّ يُقَالُ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ ١٧At sa kanila ay ipagbabadya: “Ito ang kaganapan (at katotohanan) ng inyong tinalikdan (at tinalikuran) كـَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡأَبۡرَارِ لَفِي عِلِّيِّينَ ١٨Katotohanan, ang Talaan ng mga matutuwid (at may pangangamba kay Allah at umiiwas sa kasamaan) ay nakatago sa Illiyyun وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا عِلِّيُّونَ ١٩Tunay nga, ano nga ba ang kahulugan na ipinapahiwatig ng Illiyyun كِتَٰبٌ مَّرۡقُومٌ ٢٠Isang nasusulat na Talaan يَشۡهَدُهُ ٱلۡمُقَرَّبُونَ ٢١Na rito ay sumasaksi at nagpapatotoo ang mga pinakamalapit (kay Allah, alalaong baga, ang mga anghel) إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٍ ٢٢Katotohanan, ang mga matutuwid na may pangangamba kay Allah at umiiwas sa kasamaan ay mapapasa- Kaligayahan (sa Paraiso) عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ ٢٣Sa Luklukan (ng karangalan), at napagmamalas nila ang lahat ng bagay تَعۡرِفُ فِي وُجُوهِهِمۡ نَضۡرَةَ ٱلنَّعِيمِ ٢٤At mababanaag mo sa kanilang mukha ang kislap ng Kaligayahan يُسۡقَوۡنَ مِن رَّحِيقٍ مَّخۡتُومٍ ٢٥Ang kanilang pagkauhaw ay papawiin ng purong alak na natatakpan pa ang sisidlan خِتَٰمُهُۥ مِسۡكٌۚ وَفِي ذَٰلِكَ فَلۡيَتَنَافَسِ ٱلۡمُتَنَٰفِسُونَ ٢٦At ang huling (tungga) nito (alak) ay katulad ng halimuyak ng musko. At dahil dito, hayaan ang mga nagsisikap na may paghahangad sa kanilang kaligayahan (alalaong baga, ang magmadali sa pagsisigasig sa pagsunod kay Allah) وَمِزَاجُهُۥ مِن تَسۡنِيمٍ ٢٧At sa (alak) ay idaragdag pa ang sangkap ng Tasnim عَيۡنًا يَشۡرَبُ بِهَا ٱلۡمُقَرَّبُونَ ٢٨Isang batis, na sa tubig nito ay nagsisiinom ang malalapit kay Allah إِنَّ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْ كَانُواْ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَضۡحَكُونَ ٢٩Katotohanan! (Sa panahon ng makamundong buhay) ang mga mapaggawa ng katampalasanan ay lagi nang nanglilibak sa mga nananampalataya وَإِذَا مَرُّواْ بِهِمۡ يَتَغَامَزُونَ ٣٠At kailanman na sila ay dumaraan sa kanila, (sila ay) nagkikindatan sa isa’t isa (bilang panunuya) وَإِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمُ ٱنقَلَبُواْ فَكِهِينَ ٣١At kung sila ay magbalik na sa kanilang pamayanan, sila ay bumabalik ng may pagsasaya وَإِذَا رَأَوۡهُمۡ قَالُوٓاْ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَضَآلُّونَ ٣٢At kailanman na kanilang nakikita sila; sila (na hindi sumasampalataya) ay nagsasabi: “Tunay nga! Sila ang mga tao na napaligaw!” وَمَآ أُرۡسِلُواْ عَلَيۡهِمۡ حَٰفِظِينَ ٣٣Datapuwa’t sila (mga hindi sumasampalataya at tampalasan) ay hindi isinugo bilang tagapagbantay sa kanila (mga sumasampalataya) فَٱلۡيَوۡمَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنَ ٱلۡكُفَّارِ يَضۡحَكُونَ ٣٤Ngunit sa Araw na ito (ang Araw ng Kabayaran), ang mga sumasampalataya ay hahalakhak sa mga hindi sumasampalataya عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ ٣٥Sa luklukan (ng karangalan) ay napagmamalas nila ang lahat ng bagay هَلۡ ثُوِّبَ ٱلۡكُفَّارُ مَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ ٣٦Hindibagaangmgahindisumasampalatayaayginantihan (nang ganap) dahil sa kanilang ginawa

Translation: Abdullatif Eduardo M. Arceo.