Millat al-Islam

Chapter 97 · 5 verses · Abdullatif Eduardo M. Arceo

Surah Al-Qadr in Filipino

Arabic with tafsir Listen to Surah Al-Qadr (1300 reciters)
Meccanسورة القدر5 verses

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ فِي لَيۡلَةِ ٱلۡقَدۡرِ ١Katotohanang Aming ipinanaog ang Kapahayagan (ang Qur’an) sa Gabi ng Al-Qadr (Kautusan o Kapangyarihan) وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا لَيۡلَةُ ٱلۡقَدۡرِ ٢At ano ang makakapagpahiwatig sa iyo kung ano ang Gabi ng Kautusan o Kapangyarihan لَيۡلَةُ ٱلۡقَدۡرِ خَيۡرٌ مِّنۡ أَلۡفِ شَهۡرٍ ٣Ang Gabi ng Al- Qadr (Kautusan o Kapangyarihan) ay higit na mainam sa isang libong buwan (alalaong baga, ang pagsamba kay Allah sa Gabing ito ay higit na mainam kaysa sa pagsamba sa Kanya sa isang libong buwan o 83 taon at 4 na buwan) تَنَزَّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ فِيهَا بِإِذۡنِ رَبِّهِم مِّن كُلِّ أَمۡرٍ ٤dito ay bumababa ang mga anghel at ruh (Gabriel) sa kapahintulutan ni Allah na may lahat ng Pag- uutos سَلَٰمٌ هِيَ حَتَّىٰ مَطۡلَعِ ٱلۡفَجۡرِ ٥Kapayapaan! (Sa buong Gabing ito ay mayroong Kapayapaan at Kabutihan mula kay Allah sa Kanyang nananampalatayang mga alipin), hanggang sa pagdatal ng bukang liwayway

Translation: Abdullatif Eduardo M. Arceo.