Millat al-Islam

Chapter 56 · 96 verses · Abdullatif Eduardo M. Arceo

Surah Al-Waqi'a in Filipino

Arabic with tafsir Listen to Surah Al-Waqi'a (1348 reciters)

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

إِذَا وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ ١Kung ang Pangyayari na hindi maiiwasan (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay) ay dumatal na لَيۡسَ لِوَقۡعَتِهَا كَاذِبَةٌ ٢Na walang (kaluluwa) ang makapagtatatwa tungkol sa pagdatal nito خَافِضَةٌ رَّافِعَةٌ ٣Na ito ay magpapababa (sa ilan) at magtataas naman (sa iba) إِذَا رُجَّتِ ٱلۡأَرۡضُ رَجًّا ٤Kung ang kalupaan ay makalog sa kanyang kailaliman وَبُسَّتِ ٱلۡجِبَالُ بَسًّا ٥Kung ang kabundukan ay gumulong at madurog فَكَانَتۡ هَبَآءً مُّنۢبَثًّا ٦At ito ay maging alabok na nagsisipangalat وَكُنتُمۡ أَزۡوَٰجًا ثَلَٰثَةً ٧At kayong (lahat) ay pagbubukod-bukurin sa tatlong uri (alalaong baga, sa tatlong pangkat) فَأَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ ٨(Ang una), ay mga kasamahan ng Kanang Kamay (alalaong baga, sila na bibigyan ng kanilang Talaan sa kanilang kanang kamay), - Sino baga sila na nasa Kanang Kamay (bilang paggalang sa kanila sapagkat sila ay papasok sa Paraiso) وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ ٩(At ang sumunod ) ay mga Kasamahan ng Kaliwang Kamay (alalaong baga, sila na bibigyan ng kanilang Talaan sa kanilang kaliwang kamay), - Sino baga sila na nasa Kaliwang Kamay (bilang kahihiyan sa kanila sapagkat sila ay papasok sa Impiyerno) وَٱلسَّٰبِقُونَ ٱلسَّٰبِقُونَ ١٠(At pangatlo) ang Pinakapangunahin (sa pagiging matimtiman sa Pananalig sa Islam at paniniwala sa Kaisahan ni Allah at gumagawa ng lahat ng mga pagsunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita), ay magiging tampok (sa Paraiso) أُوْلَٰٓئِكَ ٱلۡمُقَرَّبُونَ ١١Sila ang magiging pinakamalapit kay Allah فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ ١٢Sa Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso) ثُلَّةٌ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٣Ang karamihan ng mga tao (sa Pinakapangunahin) ay magmumula sa mga sinaunang henerasyon (na yumakap sa Islam) وَقَلِيلٌ مِّنَ ٱلۡأٓخِرِينَ ١٤At ang iba pang karamihan (sa Pinakapangunahin), ay sila na galing sa mga huling panahon (ng henerasyon) عَلَىٰ سُرُرٍ مَّوۡضُونَةٍ ١٥(Sila ay malalagay) sa mga luklukan na nagagayakan ng ginto at mamahaling bato مُّتَّكِـِٔينَ عَلَيۡهَا مُتَقَٰبِلِينَ ١٦Na nakahilig dito at magkakaharap يَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٌ مُّخَلَّدُونَ ١٧Atsakanilaaynakapaligidang(mganagsisilbing) kabataan na nananatiling (sariwa) sa habang panahon بِأَكۡوَابٍ وَأَبَارِيقَ وَكَأۡسٍ مِّن مَّعِينٍ ١٨Na may mga tangang kopita at (nangingislap) na bangang sisidlan at mga baso na puno ng dalisay na alak (mula sa batis) لَّا يُصَدَّعُونَ عَنۡهَا وَلَا يُنزِفُونَ ١٩(Na sa pag-inom nito), sila ay hindi makakaramdam ng pananakit ng ulo at gayundin ng pagkalasing وَفَٰكِهَةٍ مِّمَّا يَتَخَيَّرُونَ ٢٠At mga bungangkahoy, anuman ang kanilang piliin وَلَحۡمِ طَيۡرٍ مِّمَّا يَشۡتَهُونَ ٢١At anumang karne ng mga pabo (at kauri nito) na kanilang maibigan وَحُورٌ عِينٌ ٢٢At sila ay (magkakaroon) ng mga Houris (kasamahang babae na may magaganda, mapuputi at may maniningning na mga mata [bilang asawa ng mga matimtiman) كَأَمۡثَٰلِ ٱللُّؤۡلُوِٕ ٱلۡمَكۡنُونِ ٢٣Na tulad ng mga natatagong Perlas جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ٢٤Bilang gantimpala sa kanilang ginawa ng nakalipas (na buhay) لَا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوًا وَلَا تَأۡثِيمًا ٢٥At doon ay wala silang maririnig na malalaswang salita o anumang salita ng kapintasan o kasalanan (tulad ng paninirang puri, atbp) إِلَّا قِيلًا سَلَٰمًا سَلَٰمًا ٢٦Maliban lamang sa pagsasabi ng : Kapayapaan! (at muli ay) Kapayapaan وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡيَمِينِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡيَمِينِ ٢٧At sila na kasamahan ng Kanang Kamay, - Sino baga sila na magiging kasamahan ng Kanang Kamay فِي سِدۡرٍ مَّخۡضُودٍ ٢٨(Sila) ay mananahan sa gitna ng mga punong lote na walang tinik وَطَلۡحٍ مَّنضُودٍ ٢٩Sa gitna ng punong Talh (punong saging), na may mga bulaklak (at bunga) na kumpol-kumpol وَظِلٍّ مَّمۡدُودٍ ٣٠Sa malabay (at nakaladlad) na lilim وَمَآءٍ مَّسۡكُوبٍ ٣١Sa tabi ng tubig na patuloy na dumadaloy وَفَٰكِهَةٍ كَثِيرَةٍ ٣٢At mga bungangkahoy na sagana لَّا مَقۡطُوعَةٍ وَلَا مَمۡنُوعَةٍ ٣٣Na hindi nagmamaliw ang bunga (kahit wala sa panahon) at hindi nauubusan ng ani وَفُرُشٍ مَّرۡفُوعَةٍ ٣٤At sa mga luklukan (ng karangalan) na nakataas إِنَّآ أَنشَأۡنَٰهُنَّ إِنشَآءً ٣٥Pagmasdan! Katotohanang nilikha Namin ang kanilang Kasamahan (mga Dalaga), sa natatanging paglikha فَجَعَلۡنَٰهُنَّ أَبۡكَارًا ٣٦At (Aming) ginawaran sila ng pagiging birhen عُرُبًا أَتۡرَابًا ٣٧Na inaalagaan (ng kalikasan) ng pantay-pantay sa gulang لِّأَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ ٣٨Na nalalaan sa mga kasamahan ng Kanang Kamay ثُلَّةٌ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ ٣٩Ang karamihan sa mga tao (ng Kanang Kamay) ay magmumula sa sinaunang henerasyon (ng mga yumakap sa Islam) وَثُلَّةٌ مِّنَ ٱلۡأٓخِرِينَ ٤٠At ang iba pang karamihan ng mga tao (ng Kanang Kamay) ay sila na galing sa (henerasyon) ng huling panahon وَأَصۡحَٰبُ ٱلشِّمَالِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلشِّمَالِ ٤١At sila na kasamahan ng Kaliwang Kamay, - Sino nga ba sila na magiging kasamahan ng Kaliwang Kamay فِي سَمُومٍ وَحَمِيمٍ ٤٢(Sila ay magigitna) sa nakakapasong Lagablab ng Apoy at kumukulong tubig وَظِلٍّ مِّن يَحۡمُومٍ ٤٣At sa Anino (Lilim) ng Maitim na Usok لَّا بَارِدٍ وَلَا كَرِيمٍ ٤٤(Ang Lilim) na ito ay walang anumang lamig o kaginhawahan إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُتۡرَفِينَ ٤٥Katotohanang bago pa ito (ang Kaparusahan), sila ay nalulong sa karangyaan (at luho sa kayamanan) وَكَانُواْ يُصِرُّونَ عَلَى ٱلۡحِنثِ ٱلۡعَظِيمِ ٤٦At nagpatuloy sa pamimihasa sa kahiya- hiyang kabuktutan (tulad ng pagsasama ng katambal sa pagsamba kay Allah, pagpatay, paggawa ng mga krimen, atbp) وَكَانُواْ يَقُولُونَ أَئِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ ٤٧At lagi nilang ipinagbabadya: “Ano? Kung kami ba ay mamatay at maging alabok at kalansay, kami ba ay tunay na ibabangong muli sa pagkabuhay?” أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ ٤٨(Kami) at ang aming mga ninuno (noong pang panahong sinauna) قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَوَّلِينَ وَٱلۡأٓخِرِينَ ٤٩Ipagbadya (o Muhammad): “Tunay nga! Silang (mga tao) ng panahong sinauna at silang (mga tao) ng huling panahon.” لَمَجۡمُوعُونَ إِلَىٰ مِيقَٰتِ يَوۡمٍ مَّعۡلُومٍ ٥٠walang pagsala na titipunin ang lahat ng sama-sama sa natataningang pakikipagtipan sa Bantog na Araw ثُمَّ إِنَّكُمۡ أَيُّهَا ٱلضَّآلُّونَ ٱلۡمُكَذِّبُونَ ٥١Katotohanang kayo na mapaggawa ng kamalian, kayo na humahalakhak (sa katotohanan) at nagtatatwa (sa Muling Pagkabuhay) لَأٓكِلُونَ مِن شَجَرٍ مِّن زَقُّومٍ ٥٢Katotohanang inyong matitikman ang puno ng Zaqqum فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ ٥٣At inyong pupunuin ang inyong sikmura ng mga ito فَشَٰرِبُونَ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡحَمِيمِ ٥٤Tangi pa rito, kayo ay iinom ng kumukulong tubig فَشَٰرِبُونَ شُرۡبَ ٱلۡهِيمِ ٥٥Katotohanang kayo ay magsisiinom (nito) na katulad ng kamelyong may sakit na sumisingasing sa pagkauhaw هَٰذَا نُزُلُهُمۡ يَوۡمَ ٱلدِّينِ ٥٦Ito ang kanilang magiging pasalubong sa Araw ng Kabayaran نَحۡنُ خَلَقۡنَٰكُمۡ فَلَوۡلَا تُصَدِّقُونَ ٥٧Kami (Allah) ang lumikha sa inyo; bakit hindi ninyo saksihan ang Katotohanan أَفَرَءَيۡتُم مَّا تُمۡنُونَ ٥٨Nakikita ba ninyo ang binhi ng tao (semilya) na inyong inilalabas ءَأَنتُمۡ تَخۡلُقُونَهُۥٓ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡخَٰلِقُونَ ٥٩Kayo ba ang lumikha sa mga ito (semilya, na nagiging isang ganap na tao), o Kami ba ang Manlilikha نَحۡنُ قَدَّرۡنَا بَيۡنَكُمُ ٱلۡمَوۡتَ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ ٦٠Itinakda Namin ang kamatayan sa inyong lahat na inyong maranasan at Kami ay hindi manlulupaypay عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ أَمۡثَٰلَكُمۡ وَنُنشِئَكُمۡ فِي مَا لَا تَعۡلَمُونَ ٦١Na baguhin ang inyong anyo at muli kayong likhain sa (bagong) anyo na hindi ninyo nababatid وَلَقَدۡ عَلِمۡتُمُ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُولَىٰ فَلَوۡلَا تَذَكَّرُونَ ٦٢At katotohanang batid ninyo ang unang anyo ng paglikha (alalaong baga, ang paglikha kay Adan). Bakit nga ba hindi ninyo ipinagbubunyi ang pagpupuri sa Kanya o (kayo ay) tumatalima أَفَرَءَيۡتُم مَّا تَحۡرُثُونَ ٦٣Sabihin ninyo sa Akin! Nakikita ba ninyo ang butong (binhi) na inyong itinatanim sa lupa ءَأَنتُمۡ تَزۡرَعُونَهُۥٓ أَمۡ نَحۡنُ ٱلزَّٰرِعُونَ ٦٤Kayo ba ang nagpatubo sa mga ito o Kami ba na Manlilikha ang nagpatubo لَوۡ نَشَآءُ لَجَعَلۡنَٰهُ حُطَٰمًا فَظَلۡتُمۡ تَفَكَّهُونَ ٦٥Kung Aming nanaisin ay magagawa Namin na maging tulyapis ito at kayo ay magsisisi (o maiiwan sa pagkamangha) إِنَّا لَمُغۡرَمُونَ ٦٦Na magsasabi: “Katotohanang kami ay Maghramun (mga nabibigatan sa pagkakautang o nalugi at naparusahan sa kawalan ng pakinabang) بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ ٦٧Katotohanang kami ay hindi nakinabang (sa bunga ng aming paghihirap) أَفَرَءَيۡتُمُ ٱلۡمَآءَ ٱلَّذِي تَشۡرَبُونَ ٦٨Sabihin ninyo sa Akin! Nakikita ba ninyo ang tubig na inyong iniinom ءَأَنتُمۡ أَنزَلۡتُمُوهُ مِنَ ٱلۡمُزۡنِ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنزِلُونَ ٦٩Kayo ba ang nagpamalisbis nito mula sa mga ulap o Kami ba na Nagpapahintulot ang nagpamalisbis nito لَوۡ نَشَآءُ جَعَلۡنَٰهُ أُجَاجًا فَلَوۡلَا تَشۡكُرُونَ ٧٠Kung Aming ninais ay magagawa Namin ito na maging mapait (at maalat na hindi maiinom). Bakit nga ba kayo ay hindi nagbibigay pasalamat (kay Allah) أَفَرَءَيۡتُمُ ٱلنَّارَ ٱلَّتِي تُورُونَ ٧١Sabihin ninyo sa Akin! Nakikita ba ninyo ang apoy na inyong pinagdiringas ءَأَنتُمۡ أَنشَأۡتُمۡ شَجَرَتَهَآ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنشِـُٔونَ ٧٢Kayo ba ang nagpatubo sa mga punongkahoy na pinagkukunan ng apoy (at panggatong) o Kami ang nagpatubo nito نَحۡنُ جَعَلۡنَٰهَا تَذۡكِرَةً وَمَتَٰعًا لِّلۡمُقۡوِينَ ٧٣Ginawa Namin ito bilang Paala-ala (saApoy ng Impiyerno sa Kabilang Buhay); at isang bagay ng kaginhawahan sa mga naninirahan sa ilang (at sa lahat ng iba pa rito sa mundo) فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ ٧٤Kaya’t ipagdiwang ng may pagpupuri ang Pangalan ng iyong Panginoon, ang Kataas-taasan ۞ فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَوَٰقِعِ ٱلنُّجُومِ ٧٥Tunay nga! Aming tinawag upang magpatotoo ang Mawaqi (ang paglubog o malalaking palasyo ng mga bituin) وَإِنَّهُۥ لَقَسَمٌ لَّوۡ تَعۡلَمُونَ عَظِيمٌ ٧٦At katotohanang ito ay dakilang pagsumpa, kung inyo lamang nalalaman إِنَّهُۥ لَقُرۡءَانٌ كَرِيمٌ ٧٧At katotohanang (ito) ang pinakamarangal (at banal) na pagdalit (ang Qur’an) فِي كِتَٰبٍ مَّكۡنُونٍ ٧٨Sa isang Aklat na ganap na napapangalagaan (na kay Allah sa Kalangitan, alalaong baga ang Al Lauh Al Mahfuz) لَّا يَمَسُّهُۥٓ إِلَّا ٱلۡمُطَهَّرُونَ ٧٩Na walang sinuman ang makakahipo niyaon (Aklat ni Allah) maliban sa (kanila) na dalisay at malilinis sa kasalanan (alalaong baga, ang mga anghel) تَنزِيلٌ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٨٠Isang Kapahayagan (ang Qur’an) mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang أَفَبِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَنتُم مُّدۡهِنُونَ ٨١Ang Pahayag bang ito (ang Qur’an) ay hindi ninyo (mga hindi sumasampalataya) gaanong pinapahalagahan وَتَجۡعَلُونَ رِزۡقَكُمۡ أَنَّكُمۡ تُكَذِّبُونَ ٨٢At sa halip (na inyong pasalamatan si Allah) sa mga biyaya na inyong ikinabubuhay mula sa Kanya, sa kabalintunaan ay inyong itinatwa Siya (sa kawalan ng pananalig) فَلَوۡلَآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلۡحُلۡقُومَ ٨٣Nguni’t bakit hindi ninyo (pinangahasan) nang ang ( kaluluwa ng isang mamamatay na tao) ay umabot na sa kanyang lalamunan وَأَنتُمۡ حِينَئِذٍ تَنظُرُونَ ٨٤At kayo ay pansamantalang (nakaupo) at nakatingin lamang وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنكُمۡ وَلَٰكِن لَّا تُبۡصِرُونَ ٨٥Datapuwa’t Kami (alalaong baga, ang Aming mga anghel na kumukuha ng kaluluwa) ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo, subalit (sila) ay hindi ninyo nakikita فَلَوۡلَآ إِن كُنتُمۡ غَيۡرَ مَدِينِينَ ٨٦Kaya’t bakit hindi ninyo ginawa, - kung kayo nga ay hindi sakop ng (darating) na pagsusulit at kabayaran (kaparusahan, atbp) تَرۡجِعُونَهَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ ٨٧Inyong ibalik (muli ang kanyang) kaluluwa sa kanyang katawan, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan فَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ ٨٨At kung siya (na mamamatay na) ay isa sa Muqaribun (siya na ang magiging kasama ay mga malalapit kay Allah) فَرَوۡحٌ وَرَيۡحَانٌ وَجَنَّتُ نَعِيمٍ ٨٩(Sasakanya) ang kapahingahan at kasiyahan sa Hardin ng Kaligayahan (Paraiso) وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ ٩٠At kung siya (na mamatay na) ay kasamahan ng Kanang Kamay فَسَلَٰمٌ لَّكَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ ٩١(Ay sasakanya ang pagbati): Sumainyo ang kapayapaan at kapanatagan mula sa mga kasamahan ng Kanang Kamay وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُكَذِّبِينَ ٱلضَّآلِّينَ ٩٢Datapuwa’t kung siya (na mamamatay) ay kasama roon sa mga nagtuturing na huwad (sa katotohanan ang Muling Pagkabuhay), at tumahak sa kamalian فَنُزُلٌ مِّنۡ حَمِيمٍ ٩٣Sa kanya ay isasalubong ang kumukulong tubig وَتَصۡلِيَةُ جَحِيمٍ ٩٤At pagkasunog sa Apoy ng Impiyerno إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ حَقُّ ٱلۡيَقِينِ ٩٥Tunay ngang ito ang Lubos na Katotohanan, ang Katiyakan فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ ٩٦Kaya’t ipagbunyi nang may pagpupuri ang Pangalan ng iyong Panginoon, ang Kataas-taasan

Translation: Abdullatif Eduardo M. Arceo.