بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
عَمَّ يَتَسَآءَلُونَ ١Ano baga ang kanilang pinagtatalunan (sa isa’t isa) عَنِ ٱلنَّبَإِ ٱلۡعَظِيمِ ٢Tungkol ba sa Malaking Balita (alalaong baga, ang Islam, Kaisahan ni Allah, ang Qur’an na dinala ni Propeta Muhammad, ang Araw ng Muling Pagkabuhay, atbp) ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ مُخۡتَلِفُونَ ٣Na dahil dito, sila ay hindi nagkakasundo كـَلَّا سَيَعۡلَمُونَ ٤Katotohanan! 934 Hindi magtatagal at kanilang mapag-aalaman ثُمَّ كـَلَّا سَيَعۡلَمُونَ ٥Katotohanan! Katotohanan! Hindi magtatagal at kanilang mapag-aalaman أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ مِهَٰدًا ٦Hindi baga ginawa Namin ang kalupaan na malawak (bilang himlayan) وَٱلۡجِبَالَ أَوۡتَادًا ٧At ang kabundukan bilang pampatatag (na may ugat) وَخَلَقۡنَٰكُمۡ أَزۡوَٰجًا ٨At Aming nilikha kayo sa pares (lalaki at babae, mataas at mababa, mabuti at masama, atbp) وَجَعَلۡنَا نَوۡمَكُمۡ سُبَاتًا ٩At Aming ginawaran kayo ng pagtulog (o antok upang maidlip), sa inyong pamamahinga وَجَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِبَاسًا ١٠At ginawa Namin ang gabi bilang pantakip (sa pamamagitan ng kanyang kadiliman) وَجَعَلۡنَا ٱلنَّهَارَ مَعَاشًا ١١At ginawa Namin ang araw (maghapon) tungo sa inyong ikabubuhay وَبَنَيۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعًا شِدَادًا ١٢At itinatag Namin sa itaas ninyo ang pitong matatatag (na kalangitan) وَجَعَلۡنَا سِرَاجًا وَهَّاجًا ١٣At ginawaran Namin yaon ng Marilag na Liwanag (sikat ng araw) وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلۡمُعۡصِرَٰتِ مَآءً ثَجَّاجًا ١٤At nagpamalisbis Kami ng saganang ulan mula sa kimpal ng mga ulap لِّنُخۡرِجَ بِهِۦ حَبًّا وَنَبَاتًا ١٥Upang mapatubo Namin dito (sa pag-aani) ang mga butil at mga gulayan وَجَنَّٰتٍ أَلۡفَافًا ١٦At mga halamang mayabong at luntian إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ كَانَ مِيقَٰتًا ١٧Katotohanan! Ang Araw ng Pagpapasya (sa katarungan) ay natatakdaang panahon يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَتَأۡتُونَ أَفۡوَاجًا ١٨Sa Araw na ang Tambuli ay hihipan at kayo ay magsisiparito ng langkay-langkay (at sa maraming pangkat) وَفُتِحَتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ أَبۡوَٰبًا ١٩At ang kalangitan ay bubuksan na waring mga pintuan وَسُيِّرَتِ ٱلۡجِبَالُ فَكَانَتۡ سَرَابًا ٢٠At ang kabundukan ay maglalaho sa kanilang kinatatayuan na tulad ng isang malikmata إِنَّ جَهَنَّمَ كَانَتۡ مِرۡصَادًا ٢١Katotohanan! Ang Impiyerno ay matutulad (sa isang pook) ng pagtambang لِّلطَّٰغِينَ مَـَٔابًا ٢٢Bilang isang Tahanan sa Taghun (sila na lumalabag at sumusuway sa hangganan na itinakda ni Allah, katulad ng mga mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam, mga mapagkunwari, mga makasalanan, mga kriminal, atbp) لَّٰبِثِينَ فِيهَآ أَحۡقَابًا ٢٣Magsisipanatili sila rito sa mahabang panahon لَّا يَذُوقُونَ فِيهَا بَرۡدًا وَلَا شَرَابًا ٢٤dito ay wala silang malalasap na lamig (at ginhawa), ni anumang inumin (na pampasigla) إِلَّا حَمِيمًا وَغَسَّاقًا ٢٥Maliban sa kumukulong tubig at maruming katas ng sugat (nana, dugo, atbp) جَزَآءً وِفَاقًا ٢٦Na siyang katumbas na kabayaran (ayon sa kanilang kabuktutan) إِنَّهُمۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ حِسَابًا ٢٧Sapagkat katotohanang sila ay hindi nagbigay pahalaga ( at nangamba) tungo sa (araw) ng pagsusulit (ng kanilang mga gawa) وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كِذَّابًا ٢٨At ganap nilang itinuring na walang katotohanan ang Aming Ayat (kapahayagan, tanda, katibayan, aral, atbp) وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ كِتَٰبًا ٢٩At ang lahat ng bagay ay Aming itinala sa napapangalagaang Aklat فَذُوقُواْ فَلَن نَّزِيدَكُمۡ إِلَّا عَذَابًا ٣٠Kaya’t lasapin ninyo ang bunga (na inani) ng inyong masasamang gawa, at kayo ay hindi Namin bibigyan ng anuman maliban sa Kaparusahan إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ مَفَازًا ٣١Katotohanan! Sa Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na sumusunod sa lahat ng ipinag-uutos ni Allah at umiiwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal) ay tagumpay, at katuparan ng kanilang inaasam (Paraiso) حَدَآئِقَ وَأَعۡنَٰبًا ٣٢Na napapalibutan ng Halamanan at malinamnam na ubasan وَكَوَاعِبَ أَتۡرَابًا ٣٣At mga birheng dalaga na magkakatulad sa gulang وَكَأۡسًا دِهَاقًا ٣٤At ng tigib na Kopita (ng alak) لَّا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوًا وَلَا كِذَّٰبًا ٣٥dito ay wala silang maririnig na hinagpis o kasinungalingan (sa pag- uusap) جَزَآءً مِّن رَّبِّكَ عَطَآءً حِسَابًا ٣٦Isang kabayaran mula sa inyong Panginoon, isang Biyayang sagana رَّبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا ٱلرَّحۡمَٰنِۖ لَا يَمۡلِكُونَ مِنۡهُ خِطَابًا ٣٧Mula sa Panginoon ng kalangitan at kalupaan at anumang nasa pagitan nito, ang diyos na Lubos na Mapagbigay ng biyaya, at walang sinuman (ang may kapamahalaan) na makakasalansang sa Kanya (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), malibang Kanyang pahintulutan يَوۡمَ يَقُومُ ٱلرُّوحُ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ صَفًّاۖ لَّا يَتَكَلَّمُونَ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَقَالَ صَوَابًا ٣٨SaAraw na ang ruh (si Gabriel o ibangAnghel) at iba pang anghel ay nakatindig (nang tuwid at maayos) sa mga hanay, at hindi makakapangusap malibang pahintulutan siya ng Lubos na Mapagbigay (Allah), at kanyang ipagsasaysay kung ano ang matuwid ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلۡحَقُّۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ مَـَٔابًا ٣٩Ito ang Araw ng Katotohanan na walang alinlangan, kaya’t sinuman ang magnais, hayaang tahakin niya ang Pagbabalik, sa tuwid na landas ng kanyang Panginoon (sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya sa buhay sa mundong ito) إِنَّآ أَنذَرۡنَٰكُمۡ عَذَابًا قَرِيبًا يَوۡمَ يَنظُرُ ٱلۡمَرۡءُ مَا قَدَّمَتۡ يَدَاهُ وَيَقُولُ ٱلۡكَافِرُ يَٰلَيۡتَنِي كُنتُ تُرَٰبَۢا ٤٠Katotohanang Aming pinaaalalahanan kayo ng daratal na Kaparusahan. Sa Araw na ang tao ay makakapagmalas (sa gawa) ng kanyang kamay kung saan siya inihantong. Ang mga hindi sumasampalataya ay magsasabi: “ Kasawian sa akin! Sana ay naging alabok na lamang ako!”