بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ ١Sa pamamagitan ng Bituin kung ito ay lumulubog (o naglalaho) مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمۡ وَمَا غَوَىٰ ٢Ang inyong kasama (Muhammad) ay hindi naligaw ng landas, gayundin ay hindi nagkamali وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلۡهَوَىٰٓ ٣At hindi rin siya nagsasabi (ng anuman) ng ayon (sa kanyang) kagustuhan إِنۡ هُوَ إِلَّا وَحۡيٌ يُوحَىٰ ٤Ito ay isa lamang Inspirasyon (Kapahayagan) na ipinahayag sa kanya عَلَّمَهُۥ شَدِيدُ ٱلۡقُوَىٰ ٥Siya ay tinuruan (ng Qur’an) ni (Gabriel) na Mataas sa Kapangyarihan ذُو مِرَّةٍ فَٱسۡتَوَىٰ ٦dhu Mirrah (ligtas sa lahat ng kapintasan sa katawan at isipan), Fastawa , na ginawaran ng karunungan, sapagkat siya (Gabriel) ay tumambad (na kapita-pitagan) وَهُوَ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡأَعۡلَىٰ ٧Habang siya ay nasa pinakamataas na bahagi ng santinakpan (kawalang hanggan) ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ ٨At siya (Gabriel) ay dumating at lumapit فَكَانَ قَابَ قَوۡسَيۡنِ أَوۡ أَدۡنَىٰ ٩Na ang layo lamang ay (tulad) ng pagitan ng dalawang binit ng pana (o higit pang malapit) فَأَوۡحَىٰٓ إِلَىٰ عَبۡدِهِۦ مَآ أَوۡحَىٰ ١٠Kaya’t (si Allah) ay nagparating ng kapahayagan sa Kanyang Alipin (na si Muhammad sa pamamagitan ni Gabriel) مَا كَذَبَ ٱلۡفُؤَادُ مَا رَأَىٰٓ ١١At ang puso (at isipan) ng (Propeta) ay hindi kailanman nagpasinungaling sa kanyang nakita أَفَتُمَٰرُونَهُۥ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ ١٢Kayo baga ay makikipagtalo sa kanya (Muhammad) hinggilsakanyangnakita(sasandaling Mi’raj, ang pagpanhik ng Propeta sa ibabaw ng pitong kalangitan) وَلَقَدۡ رَءَاهُ نَزۡلَةً أُخۡرَىٰ ١٣Sapagkat katotohanang kanyang (Muhammad) nakita siya (Gabriel) sa pangalawang antas ng pag-akyat (alalaong baga, sa ibang oras) عِندَ سِدۡرَةِ ٱلۡمُنتَهَىٰ ١٤Sa tabi ng Sidrat-ul-Muntaha (ang punong Lote ng kawalang hanggan, na walang sinuman, pagkalagpas ng kawalang hanggan ang makakaraan) عِندَهَا جَنَّةُ ٱلۡمَأۡوَىٰٓ ١٥Na sa tabi nito ay Tirahan ng Halamanan (Paraiso) إِذۡ يَغۡشَى ٱلسِّدۡرَةَ مَا يَغۡشَىٰ ١٦Pagmasdan, ang punong Lote ay nalalambungan ng ano (bagang) mga lambong مَا زَاغَ ٱلۡبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ ١٧Ang paningin (ni Propeta Muhammad) ay hindi lumihis (sa kanan o sa kaliwa), at hindi rin lumagpas sa hangganan (na itinagubilin sa kanya) لَقَدۡ رَأَىٰ مِنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ ١٨Sapagkat katotohanan na kanyang (Muhammad) namasdan ang mga dakilang Tanda ng kanyang Panginoon (Allah) أَفَرَءَيۡتُمُ ٱللَّٰتَ وَٱلۡعُزَّىٰ ١٩Nakita na ba ninyo si Lat at Uzza (dalawang diyus- diyosan ng mga paganong Arabo) وَمَنَوٰةَ ٱلثَّالِثَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ ٢٠At si Manat (ang iba pang diyus-diyosan ng mga paganong Arabo), ang pangatlo أَلَكُمُ ٱلذَّكَرُ وَلَهُ ٱلۡأُنثَىٰ ٢١Ano! Sa inyo ba ang mga lalaki at sa Kanya ang mga babae تِلۡكَ إِذًا قِسۡمَةٌ ضِيزَىٰٓ ٢٢Pagmasdan, katiyakang ito ay hindi makatarungan na pagbabaha-bahagi إِنۡ هِيَ إِلَّآ أَسۡمَآءٌ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَمَا تَهۡوَى ٱلۡأَنفُسُۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ ٱلۡهُدَىٰٓ ٢٣Ito ay wala ng iba kung hindi mga pangalan lamang na inyong ipinangalan, - kayo at ng inyong mga ninuno, - na rito ay hindi nagpapanaog si Allah ng anumang kapamahalaan. Sila ay walang sinusunod maliban lamang sa haka-haka at sa ninanais ng kanilang sarili (kaluluwa), kahit na katiyakang dumatal sa kanila ang Patnubay mula sa kanilang Panginoon أَمۡ لِلۡإِنسَٰنِ مَا تَمَنَّىٰ ٢٤o ang tao kaya ay magtatamo kung ano ang kanyang ninanais فَلِلَّهِ ٱلۡأٓخِرَةُ وَٱلۡأُولَىٰ ٢٥Datapuwa’t si Allah ang nagmamay-ari ng huli (ang Kabilang Buhay) at una (Unang Buhay sa mundong ito) ۞ وَكَم مِّن مَّلَكٍ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغۡنِي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ أَن يَأۡذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرۡضَىٰٓ ٢٦At maraming anghel sa kalangitan na ang (kanilang) pamamagitan (kay Allah at sa mga tao) ay walang matatamo malibang pahintulutan ni Allah sa sinumang Kanyang maibigan at kinalulugdan إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ لَيُسَمُّونَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ تَسۡمِيَةَ ٱلۡأُنثَىٰ ٢٧Katotohanang sila na hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay ay nagpapangalan sa 834 mga anghel ng mga pangalang babae وَمَا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّۖ وَإِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغۡنِي مِنَ ٱلۡحَقِّ شَيۡـًٔا ٢٨Samantalang sila ay walang kaalaman dito. Sila ay sumusunod lamang sa wala maliban sa haka-haka, at tunay ngang ang haka-haka ay hindi makakapanaig sa Katotohanan فَأَعۡرِضۡ عَن مَّن تَوَلَّىٰ عَن ذِكۡرِنَا وَلَمۡ يُرِدۡ إِلَّا ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا ٢٩Kaya’t iyong talikdan (o Muhammad) siya na tumatalikod sa Aming Paala-ala (ang Qur’an), at walang ibang hinahangad maliban sa buhay sa mundong ito ذَٰلِكَ مَبۡلَغُهُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱهۡتَدَىٰ ٣٠Ito lamang ang hangganan ng kanilang karunungan. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang tunay na nakakaalam sa kanya na naliligaw sa Kanyang Landas, at ganap Niyang talastas siya na tumatanggap ng patnubay وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَسَٰٓـُٔواْ بِمَا عَمِلُواْ وَيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ بِٱلۡحُسۡنَى ٣١Tunay ngang si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at nasa kalupaan, upang Kanyang mabayaran sila na gumagawa ng kasamaan ng ayon sa kanilang ginawa (alalaong baga, ang parusahan sila sa Impiyerno), at magantimpalaan Niya ang mga gumagawa ng kabutihan sa pinakamainam (alalaong baga, sa Paraiso) ٱلَّذِينَ يَجۡتَنِبُونَ كَبَٰٓئِرَ ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡفَوَٰحِشَ إِلَّا ٱللَّمَمَۚ إِنَّ رَبَّكَ وَٰسِعُ ٱلۡمَغۡفِرَةِۚ هُوَ أَعۡلَمُ بِكُمۡ إِذۡ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ وَإِذۡ أَنتُمۡ أَجِنَّةٌ فِي بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡۖ فَلَا تُزَكُّوٓاْ أَنفُسَكُمۡۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱتَّقَىٰٓ ٣٢Sila na umiiwas sa mabibigat na kasalanan at Al-Fawahish (bawal na pakikipagtalik, gawaing malalaswa, atbp.), maliban sa maliliit na pagkakamali, katotohanang ang inyong Panginoon ay Tigib ng Pagpapatawad. Kayo ay ganap Niyang talastas nang kayo ay Kanyang nilikha sa kalupaan, at nang kayo ay nakatago pa sa sinapupunan ng inyong ina. Kaya’t huwag ninyong pananganan ang inyong sarili na dalisay. Ganap Niyang batid siya na may pangangamba kay Allah at nagpapanatili ng kanyang tungkulin sa Kanya أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي تَوَلَّىٰ ٣٣Napagmamasdan mo ba (o Muhammad) siya na tumatalikod (sa Islam) وَأَعۡطَىٰ قَلِيلًا وَأَكۡدَىٰٓ ٣٤Na nagbibigay ng karampot at nagmamatigas (sa kanyang puso) أَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلۡغَيۡبِ فَهُوَ يَرَىٰٓ ٣٥Ano! Mayroon ba siyang kaalaman ng mga nalilingid upang kanyang mamalas أَمۡ لَمۡ يُنَبَّأۡ بِمَا فِي صُحُفِ مُوسَىٰ ٣٦Hindi ba niya batid kung ano ang nasa dahon (ng Kasulatan) ni Moises وَإِبۡرَٰهِيمَ ٱلَّذِي وَفَّىٰٓ ٣٧At ni Abraham na tumupad (at nagparating) ng lahat (ng mga ipinag-utos ni Allah sa kanya) أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزۡرَ أُخۡرَىٰ ٣٨Na nagtatagubilin na walang sinuman na nagdadala ng pasanin (ng kanyang kasalanan) ang maaaring magdala ng pasanin ng iba (kasalanan ng iba) وَأَن لَّيۡسَ لِلۡإِنسَٰنِ إِلَّا مَا سَعَىٰ ٣٩Na ang tao ay walang mapapakinabang maliban lamang sa kanyang pinagsusumikapan (na mabuti o masama) وَأَنَّ سَعۡيَهُۥ سَوۡفَ يُرَىٰ ٤٠At ang (bunga) ng kanyang pagsisikap (mga gawa) ay malalantad ثُمَّ يُجۡزَىٰهُ ٱلۡجَزَآءَ ٱلۡأَوۡفَىٰ ٤١Kaya’t siya ay gagantihan ng ganap sa pinakamainam na kabayaran وَأَنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلۡمُنتَهَىٰ ٤٢Atsaiyong Panginoon(Allah) ang Huling Hantungan(ang pagbabalik ng lahat) وَأَنَّهُۥ هُوَ أَضۡحَكَ وَأَبۡكَىٰ ٤٣At Siya (Allah) ang nagkakaloob (sa sinumang Kanyang maibigan) ng halakhak at nagkakaloob (sa sinumang Kanyang maibigan) ng luha وَأَنَّهُۥ هُوَ أَمَاتَ وَأَحۡيَا ٤٤At Siya (Allah) ang nagpapapangyari (naggagawad) ng kamatayan at buhay وَأَنَّهُۥ خَلَقَ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰ ٤٥At Siya (Allah) ang lumilikha ng pares, - lalaki at babae مِن نُّطۡفَةٍ إِذَا تُمۡنَىٰ ٤٦Mula sa Nutfah (mga patak ng semilya ng lalaki at babae) na inilagay (sa sinapupunan) وَأَنَّ عَلَيۡهِ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰ ٤٧At ipinangako Niya (Allah) ang muling paglikha (ang pagkabuhay ng patay sa Araw ng Pagbangon) وَأَنَّهُۥ هُوَ أَغۡنَىٰ وَأَقۡنَىٰ ٤٨At Siya (Allah) ang nagbibigay ng sagana o karampot (o nagbibigay ng kayamanan at kasiyahan) وَأَنَّهُۥ هُوَ رَبُّ ٱلشِّعۡرَىٰ ٤٩At Siya (Allah) ang Panginoon ni Sirius (ang malaking bituin na sinasamba ng mga paganong Arabo) وَأَنَّهُۥٓ أَهۡلَكَ عَادًا ٱلۡأُولَىٰ ٥٠At Siya (Allah) ang nagwasak (sa makapangyarihang) pamayanan ni A’ad ng panahong sinauna وَثَمُودَاْ فَمَآ أَبۡقَىٰ ٥١At ni Thamud, at nilipol Niya ang kanilang lahi وَقَوۡمَ نُوحٍ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ هُمۡ أَظۡلَمَ وَأَطۡغَىٰ ٥٢At ang lahi ni Noe noong panahong sinauna, sapagkat katotohanang sila ay hindi makatarungan at mapaghimagsik at ang karamihan sa kanila ay lantarang sumusuway (kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Noe) وَٱلۡمُؤۡتَفِكَةَ أَهۡوَىٰ ٥٣At Kanyang winasak ang isinumpang lungsod (ng Sodom at Gomorrah na pinagsuguan kay Lut) فَغَشَّىٰهَا مَا غَشَّىٰ ٥٤At (Kanyang) tinabunan ito ng panabon (alalaong baga, ng kaparusahan ng pinaulan na bato) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكَ تَتَمَارَىٰ ٥٥Kaya’t alin sa mga biyaya ng iyong Panginoon (o Tao!) ang iyong pag- aalinlanganan هَٰذَا نَذِيرٌ مِّنَ ٱلنُّذُرِ ٱلۡأُولَىٰٓ ٥٦Siya (Muhammad) ay isang tagapagbabala (Tagapagbalita), sa mga kawing ng mga tagapagbabala (mga Tagapagbalita) noon pang panahong lumipas أَزِفَتِ ٱلۡأٓزِفَةُ ٥٧Ang (sandali) ng Araw ng Muling Pagkabuhay ay papalapit na لَيۡسَ لَهَا مِن دُونِ ٱللَّهِ كَاشِفَةٌ ٥٨wala ng iba pa maliban kay Allah ang makakahadlang dito (o makakapagpauna rito o makakaantala rito) أَفَمِنۡ هَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ تَعۡجَبُونَ ٥٩Kayo baga ay nagsisipamangha sa ganitong Pagdalit (ng Qur’an) وَتَضۡحَكُونَ وَلَا تَبۡكُونَ ٦٠At kayo ay tumatawa rito at hindi nananangis وَأَنتُمۡ سَٰمِدُونَ ٦١Na nag-aaksaya ng inyong (mahalagang) panahon sa mga makalupang pampalipas oras at pagsasaya (pagkanta, pagsayaw, atbp) فَٱسۡجُدُواْۤ لِلَّهِۤ وَٱعۡبُدُواْ ۩ ٦٢At manikluhod kayo na nagpapatirapa kay Allah at sambahin lamang Siya (at papurihan)