Millat al-Islam

Chapter 37 · 182 verses · Abdullatif Eduardo M. Arceo

Surah As-Saaffat in Filipino

Arabic with tafsir Listen to Surah As-Saaffat (1189 reciters)
Meccanسورة الصافات182 verses

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

وَٱلصَّٰٓفَّٰتِ صَفًّا ١Sapamamagitan(ngmgaanghel) nanahahanaysaantas فَٱلزَّٰجِرَٰتِ زَجۡرًا ٢Sa pamamagitan (ng mga anghel) na matatag na nagtataboy sa (kasamaan) sa mabuting paraan فَٱلتَّٰلِيَٰتِ ذِكۡرًا ٣Sa pamamagitan (ng mga anghel) na nagdadala ng Aklat at ng Qur’an sa sangkatauhan mula kay Allah إِنَّ إِلَٰهَكُمۡ لَوَٰحِدٌ ٤Katotohanan! Katotohanan, ang inyong Ilah (diyos) ay Tanging Isa (si Allah) رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَرَبُّ ٱلۡمَشَٰرِقِ ٥Na Panginoon ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at Panginoon ng lahat ng bawat hanggahan ng sinisikatan ng araw! (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya) إِنَّا زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِزِينَةٍ ٱلۡكَوَاكِبِ ٦Katotohanang Aming pinalamutihan ang pinakamababang kalangitan ng kagandahan (sa pamamagitan) ng mga bituin وَحِفۡظًا مِّن كُلِّ شَيۡطَٰنٍ مَّارِدٍ ٧At bilang bantay laban sa bawat naghihimagsik na demonyo (Satanas) لَّا يَسَّمَّعُونَ إِلَى ٱلۡمَلَإِ ٱلۡأَعۡلَىٰ وَيُقۡذَفُونَ مِن كُلِّ جَانِبٍ ٨Sila ay hindi makakarinig sa mataas na pangkat (mga anghel), sapagkat sila ay binabato (itinataboy) sa bawat panig دُحُورًاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ وَاصِبٌ ٩Na itinatakwil, at sa kanila ang patuloy (o masakit) na pagpaparusa إِلَّا مَنۡ خَطِفَ ٱلۡخَطۡفَةَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٌ ثَاقِبٌ ١٠Maliban sa kanya na katulad nang nang- agaw ng isang bagay sa pamamagitan ng pagnanakaw at sila ay tinutugis ng naglalagablab na apoy na may nakakatusok na liwanag فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَهُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَم مَّنۡ خَلَقۡنَآۚ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّن طِينٍ لَّازِبِۭ ١١Kaya’ttanunginmo(OMuhammad, silanamapagsamba sa mga diyus-diyosan): “Sila ba ay higit na matibay bilang nilikha, o ang iba pa (katulad ng kabundukan, kalangitan, kalupaan, atbp.) na Aming nilikha?” Katotohanang Aming nilikha sila mula sa isang malagkit na putik بَلۡ عَجِبۡتَ وَيَسۡخَرُونَ ١٢Hindi, ikaw (o Muhammad) ay nagtataka (sa kanilang katigasan ng ulo) habang sila ay nangungutya (sa iyo at sa Qur’an) وَإِذَا ذُكِّرُواْ لَا يَذۡكُرُونَ ١٣At kung sila ay pinapaalalahanan, sila ay hindi nagbibigay pahalaga وَإِذَا رَأَوۡاْ ءَايَةً يَسۡتَسۡخِرُونَ ١٤At kung sila ay makakita ng isang Ayah (isang tanda, katibayan), ay ginagawa nila itong katatawanan وَقَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٌ مُّبِينٌ ١٥At sila ay nagsasabi: “Ito ay wala ng iba kundi maliwanag na panlilinlang!” أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ ١٦“Ano! Kung kami ay mamatay at maging alabok at mga buto, kami baga (ay katotohanan) na muling ibabangon?” أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ ١٧“Gayundin ang aming mga ninuno?” قُلۡ نَعَمۡ وَأَنتُمۡ دَٰخِرُونَ ١٨Ipagbadya (o Muhammad): “Tunay nga, at kayo ay aalispustain (dahilan sa inyong kasamaan).” فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٌ وَٰحِدَةٌ فَإِذَا هُمۡ يَنظُرُونَ ١٩At ito ay isang matinding pagsabog lamang (alalaong baga, sa pangalawang pagtunog ng Tambuli), at pagmasdan! Sila ay mandidilat وَقَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا هَٰذَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ ٢٠Sila ay magsasabi: “Ah! Kasawian sa amin! Ito ang Araw ng Paghuhukom!” هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ ٢١(At dito ay ipagbabadya): “Ito ang Araw ng Pagbubukod-bukod (Paghuhukom), na ang pagiging tunay ay palagi ninyong itinatatwa.” ۞ ٱحۡشُرُواْ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَأَزۡوَٰجَهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَعۡبُدُونَ ٢٢(At ipagbabadya sa mga anghel): “Tipunin ninyo nang sama-sama ang nagsigawa ng kamalian gayundin ang kanilang mga kasama (mula sa mga demonyo) at ang kanilang sinasamba noon (na mga diyus-diyosan) مِن دُونِ ٱللَّهِ فَٱهۡدُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡجَحِيمِ ٢٣Bukod pa kay Allah, at ihantong sila sa daan ng Naglalagablab na Apoy (Impiyerno) وَقِفُوهُمۡۖ إِنَّهُم مَّسۡـُٔولُونَ ٢٤Datapuwa’t patigilin sila, sapagkat sila ay tatanungin مَا لَكُمۡ لَا تَنَاصَرُونَ ٢٥“Ano ang nangyayari sa inyo? Bakit hindi kayo magtulungan sa isa’t isa (na kagaya noong ginagawa ninyo sa lupa)?” بَلۡ هُمُ ٱلۡيَوۡمَ مُسۡتَسۡلِمُونَ ٢٦Hindi, subalit sa Araw na ito, sila ay susuko (sa paghuhukom) وَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٍ يَتَسَآءَلُونَ ٢٧At sila ay babaling sa bawat isa at magtatanungan sa bawat isa قَالُوٓاْ إِنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَأۡتُونَنَا عَنِ ٱلۡيَمِينِ ٢٨Sila ay magsasabi: “Kayo yaong dumarating sa amin mula sa kanang bahagi (alalaong baga, sa kanang bahagi ng isa sa amin at nagpapaganda sa amin ng bawat kasamaan at mga tukso, nag-uutos sa amin sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at humahadlang sa amin sa Katotohanan, sa Kaisahan ni Allah at sa Islam at sa bawat mabubuting gawa) قَالُواْ بَل لَّمۡ تَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ ٢٩Sila ay magsisisagot: “Hindi, kayo rin sa inyong sarili ay walang pananampalataya وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيۡكُم مِّن سُلۡطَٰنِۭۖ بَلۡ كُنتُمۡ قَوۡمًا طَٰغِينَ ٣٠At kami ay walang kapamahalaan sa inyo. Hindi! Datapuwa’t kayo ay mga tao na nagmamalabis sa paglabag (palasuway, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig)!” فَحَقَّ عَلَيۡنَا قَوۡلُ رَبِّنَآۖ إِنَّا لَذَآئِقُونَ ٣١Kaya’t ngayon, ang Salita ng aming Panginoon ay binigyang katarungan laban sa amin, na katiyakang (dapat naming) lasapin (ang kaparusahan sa aming kasalanan) فَأَغۡوَيۡنَٰكُمۡ إِنَّا كُنَّا غَٰوِينَ ٣٢Kaya’t aming iniligaw kayo; sapagkat katotohanang kami rin sa aming sarili ay naliligaw.” فَإِنَّهُمۡ يَوۡمَئِذٍ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ ٣٣Katotohanang sa Araw na ito, silang lahat ay maghahati sa kaparusahan إِنَّا كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ ٣٤Katiyakang sa ganitong (paraan), ang Aming pakikitungo sa Mujrimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, palasuway kay Allah, walang pananalig, atbp) إِنَّهُمۡ كَانُوٓاْ إِذَا قِيلَ لَهُمۡ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ يَسۡتَكۡبِرُونَ ٣٥Katotohanang kapag sila ay pinagsasabihan ng: La ilaha ill Allah (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), ay pinatatambok nila ang kanilang sarili sa kapalaluan (alalaong baga, sila ay nagtatatwa sa katotohanan) وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُوٓاْ ءَالِهَتِنَا لِشَاعِرٍ مَّجۡنُونِۭ ٣٦At sila ay nagsasabi: “Ano? Tatalikdan ba namin ang aming mga diyos dahilan lamang sa isang makata na nasisiraan ng bait?” بَلۡ جَآءَ بِٱلۡحَقِّ وَصَدَّقَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ٣٧Hindi! Siya (Muhammad) ay dumatal na may (ganap) na katotohanan (alalaong baga, dala niya ang Islam, Qur’an at paniniwala sa Kaisahan ni Allah), at siya ay nagpapatotoo (sa mensahe) ng mga Tagapagbalita (noon pang una na nagdala ng Pananampalataya ni Allah, ang Islam at Kanyang Kaisahan) إِنَّكُمۡ لَذَآئِقُواْ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَلِيمِ ٣٨Katotohanang kayo (na mga pagano sa Makkah), inyong lalasapin ang kasakit-sakit na kaparusahan وَمَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ٣٩At kayo ay gagantihan ng wala ng iba maliban lamang sa inyong mga ginawa (masasamang gawa, kasalanan, pagsuway kay Allah, atbp) إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ ٤٠Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (matatapat, masunurin, tunay na may pananalig sa Islam at Kaisahan ni Allah) أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ رِزۡقٌ مَّعۡلُومٌ ٤١Sasakanila ang nakatakdang biyaya (panustos, sa Paraiso) فَوَٰكِهُ وَهُم مُّكۡرَمُونَ ٤٢Mga bungangkahoy; at sila ay pararangalan فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ ٤٣Sa Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso) عَلَىٰ سُرُرٍ مُّتَقَٰبِلِينَ ٤٤Na nakaharap sa bawat isa sa matataas na diban يُطَافُ عَلَيۡهِم بِكَأۡسٍ مِّن مَّعِينِۭ ٤٥Sa palibot nila ay idudulot ang kopa ng inumin mula sa malinaw na dalisdis (dalisay na alak) بَيۡضَآءَ لَذَّةٍ لِّلشَّٰرِبِينَ ٤٦Na tulad sa kaputian ng kristal, na ang lasa ay masarap sa mga umiinom لَا فِيهَا غَوۡلٌ وَلَا هُمۡ عَنۡهَا يُنزَفُونَ ٤٧Na ligtas sa Ghoul (hindi magiging mabigat o masakit ang ulo, walang sakit sa tiyan, hindi nakakapinsala sa katawan, walang damdamin ng kasalanan) mula (sa pag-inom), gayundin naman, sila ay hindi makadarama nang pagkalango وَعِندَهُمۡ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ عِينٌ ٤٨At sa tabi nila ay mayroong mga busilak na babae; na nagpipigil sa kanilang pagtingin (na hindi nagnanais sa iba maliban sa kanilang asawa), na may malalaki at magagandang mata كَأَنَّهُنَّ بَيۡضٌ مَّكۡنُونٌ ٤٩(Maselan at dalisay) na (wari bang natatakpang) itlog na binabantayan فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٍ يَتَسَآءَلُونَ ٥٠At sila ay haharap sa bawat isa at magkapanabay na magtatanungan قَالَ قَآئِلٌ مِّنۡهُمۡ إِنِّي كَانَ لِي قَرِينٌ ٥١Ang isa sa kanila ay magsasabi: “Katotohanang ako ay may isang malapit na kasama (sa kalupaan) يَقُولُ أَءِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُصَدِّقِينَ ٥٢Na lagi nang nagsasabi: “Ikaw ba ay isa sa mga tunay na nananalig (sa Muling Pagkabuhay matapos ang kamatayan) أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَدِينُونَ ٥٣Na kung tayo ay mamatay at maging alabok at mga buto, katotohanang bang tayo (ay muling ibabangon) upang tumanggap ng gantimpala o kaparusahan (ayon sa ating mga gawa)?” قَالَ هَلۡ أَنتُم مُّطَّلِعُونَ ٥٤(Ang isang tao) ay nagsabi: “Nais mo bang tumingin sa dakong ibaba?” فَٱطَّلَعَ فَرَءَاهُ فِي سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ ٥٥Kaya’t siya ay tumingin sa ibaba at kanyang nakita siya sa gitna ng Apoy قَالَ تَٱللَّهِ إِن كِدتَّ لَتُرۡدِينِ ٥٦Siya ay nagsabi: “Sa pamamagitan (sa Ngalan) ni Allah! Malapit mo na (sana) akong nadala sa pagkapanganyaya ng aking kaluluwa وَلَوۡلَا نِعۡمَةُ رَبِّي لَكُنتُ مِنَ ٱلۡمُحۡضَرِينَ ٥٧At kung hindi sa Habag ng aking Panginoon (Allah), walang pagsala na ako ay isa sa mga napasama roon (sa Impiyerno)!” أَفَمَا نَحۡنُ بِمَيِّتِينَ ٥٨(Ang tunay na sumasampalataya ay nagsabi): Tayo ba ay hindi na (muling) mamamatay إِلَّا مَوۡتَتَنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ ٥٩Maliban sa ating unang kamatayan, at tayo ba ay hindi paparusahan (makaraang tayo ay pumasok sa Paraiso) إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ ٦٠Katotohanang ito ang Sukdol na Tagumpay لِمِثۡلِ هَٰذَا فَلۡيَعۡمَلِ ٱلۡعَٰمِلُونَ ٦١Sa katulad nito, hayaan ang lahat ay magsikap, sa mga nagnanais na magsikap أَذَٰلِكَ خَيۡرٌ نُّزُلًا أَمۡ شَجَرَةُ ٱلزَّقُّومِ ٦٢Ito bang (Paraiso) ay higit na mainam sa pagsasaya o ang puno ng Zaqqum (isang kahindik-hindik na puno sa Impiyerno) إِنَّا جَعَلۡنَٰهَا فِتۡنَةً لِّلظَّٰلِمِينَ ٦٣Katotohanang Aming ginawa ito (bilang) isang buntot sa Zalimun (mapagsamba sa mga diyus- diyosan, walang pananalig, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp) إِنَّهَا شَجَرَةٌ تَخۡرُجُ فِيٓ أَصۡلِ ٱلۡجَحِيمِ ٦٤Katotohanang ito ay isang puno na tumutubo sa kailaliman ng Impiyerno طَلۡعُهَا كَأَنَّهُۥ رُءُوسُ ٱلشَّيَٰطِينِ ٦٥Na ang supling (usbong) ng kanyang buwig ay katulad ng ulo ng mga demonyo فَإِنَّهُمۡ لَأٓكِلُونَ مِنۡهَا فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ ٦٦Katotohanang sila ay kakain nito at ang kanilang tiyan ay mapupuno ng mga ito ثُمَّ إِنَّ لَهُمۡ عَلَيۡهَا لَشَوۡبًا مِّنۡ حَمِيمٍ ٦٧At bukod pa rito, sila ay bibigyan ng kumukulong tubig upang inumin na magiging magkasangkap (ang pinakulong tubig at Zaqqum sa kanilang tiyan) ثُمَّ إِنَّ مَرۡجِعَهُمۡ لَإِلَى ٱلۡجَحِيمِ ٦٨At pagkatapos, katotohanang sila ay ibabalik sa Naglalagablab na Apoy ng Impiyerno إِنَّهُمۡ أَلۡفَوۡاْ ءَابَآءَهُمۡ ضَآلِّينَ ٦٩Katotohanang kanilang natagpuan ang kanilang mga ninuno sa maling Landas فَهُمۡ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ يُهۡرَعُونَ ٧٠Kaya’t sila rin ay nagmadali na sundan ang kanilang mga yapak وَلَقَدۡ ضَلَّ قَبۡلَهُمۡ أَكۡثَرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٧١At katotohanan, ang mga tao noong una ay naligaw rin bago pa sa kanila وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا فِيهِم مُّنذِرِينَ ٧٢Datapuwa’tkatotohanangnoonpaman, silaaypinadalhan na Namin ng mga tagapagbabala (mga Tagapagbalita) فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُنذَرِينَ ٧٣Kaya’t pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng mga pinaalalahanan (subalit hindi nakinig) إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ ٧٤Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (matapat, masunurin, tunay na may pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) وَلَقَدۡ نَادَىٰنَا نُوحٌ فَلَنِعۡمَ ٱلۡمُجِيبُونَ ٧٥(Noon), katotohanang si Noe ay nanikluhod saAmin, at Kami ang Pinakamainam sa mga dumirinig (sa panalangin) وَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ ٧٦At Aming iniadya siya at ang kanyang pamayanan sa malaking kapinsalaan (sa pagkalunod) وَجَعَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُۥ هُمُ ٱلۡبَاقِينَ ٧٧At ginawa Namin ang kanyang kalahian na mamalagi (sa kalupaan) at ang mga nakaligtas (alalaong baga, si Shem, Ham at Japheth) وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ ٧٨At iniwan Namin sa kanya (ang magandang ala-ala) para sa kanyang mga lahi na susunod sa darating na panahon سَلَٰمٌ عَلَىٰ نُوحٍ فِي ٱلۡعَٰلَمِينَ ٧٩“Salamun (Kapayapaan) at pagbati kay Noe (mula sa Amin) at sa lahat ng mga nilalang!” إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ ٨٠Katotohanan, sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga gumagawa ng katuwiran at kabutihan sa kapakanan ni Allah na walang pagpapasikat o naghahangad ng papuri, bagkus ay gumagawa nito ayon sa pag-uutos ni Allah) إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٨١Katotohanang siya ay isa sa Aming tagapaglingkod na may pananalig ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ ٨٢At Aming nilunod ang iba (na walang pananampalataya, buktot, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, atbp) ۞ وَإِنَّ مِن شِيعَتِهِۦ لَإِبۡرَٰهِيمَ ٨٣At katotohanan, ang isa sa mga sumunod sa kanya (Noe) sa landas (ng Islam at Kaisahan ni Allah) ay si Abraham إِذۡ جَآءَ رَبَّهُۥ بِقَلۡبٍ سَلِيمٍ ٨٤Pagmasdan! Nang siya ay lumapit sa kanyang Panginoon na may dalisay na puso (tanging kay Allah lamang ang kanyang pagsamba at malinis siya sa dumi ng pananalig sa mga diyus-diyosan) إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَاذَا تَعۡبُدُونَ ٨٥Pagmasdan! Nang sinabi niya sa kanyang ama at sa mga tao: “Ano baga yaong inyong sinasamba?” أَئِفۡكًا ءَالِهَةً دُونَ ٱللَّهِ تُرِيدُونَ ٨٦“Ito ay isang kabulaanan, mga diyus-diyosan bukod pa kay Allah, ang inyong pinaninikluhuran?” فَمَا ظَنُّكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٨٧“At ano ang inyong pag-aakala tungkol sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang?” فَنَظَرَ نَظۡرَةً فِي ٱلنُّجُومِ ٨٨At siya ay tumanaw nang malalim sa mga bituin (upang sila ay linlangin) فَقَالَ إِنِّي سَقِيمٌ ٨٩At siya ay nagsabi: “Katotohanang ako ay maysakit (dahil sa salot na bigay ng mga bituin). [Ginawa niya ang pamamaraang ito upang siya ay makapanatili sa templo ng kanilang mga diyus-diyosan at kanyang mawasak ang mga ito, at upang siya ay hindi mapasama sa kanilang paganong pagdiriwang] فَتَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ مُدۡبِرِينَ ٩٠Kaya’t sila ay tumalikod sa kanya, at nagsilisan (dahilan sa pangangamba sa kanyang sakit) فَرَاغَ إِلَىٰٓ ءَالِهَتِهِمۡ فَقَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ ٩١At siya (Abraham) ay humarap sa kanilang mga diyus-diyosan at nagsabi: “Hindi ba ninyo kakainin ang mga handog sa harapan ninyo مَا لَكُمۡ لَا تَنطِقُونَ ٩٢At ano ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi nagsasalita?” فَرَاغَ عَلَيۡهِمۡ ضَرۡبَۢا بِٱلۡيَمِينِ ٩٣At siya ay lumapit sa kanila at kanyang sinuntok (hinampas) sila ng (kanyang) kanang kamay فَأَقۡبَلُوٓاْ إِلَيۡهِ يَزِفُّونَ ٩٤At dumating (ang mga sumasamba sa mga diyus- diyosan) na nagmamadali patungo sa kanya (Abraham) قَالَ أَتَعۡبُدُونَ مَا تَنۡحِتُونَ ٩٥Siya (Abraham) ay nagsabi: “Sinasamba ba ninyo ang mga bagay na (kayo rin sa inyong sarili) ang lumilok وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ وَمَا تَعۡمَلُونَ ٩٦Datapuwa’t si Allah ang lumikha sa inyo at sa ginawa ng inyong mga kamay!” قَالُواْ ٱبۡنُواْ لَهُۥ بُنۡيَٰنًا فَأَلۡقُوهُ فِي ٱلۡجَحِيمِ ٩٧Sila ay nagsabi: “Inyong igawa siya ng pugon at itapon siya sa naglalagablab na apoy!” فَأَرَادُواْ بِهِۦ كَيۡدًا فَجَعَلۡنَٰهُمُ ٱلۡأَسۡفَلِينَ ٩٨(Ito ay hindi magtatagumpay). At sila ay nagbalak nang laban sa kanya, datapuwa’t Aming inilaan sila sa pinakaaba وَقَالَ إِنِّي ذَاهِبٌ إِلَىٰ رَبِّي سَيَهۡدِينِ ٩٩Siya (Abraham) ay nagsabi (matapos na makaligtas siya sa apoy): “Katotohanang ako ay patutungo sa aking Panginoon! Siya ang mamamatnubay sa akin!” رَبِّ هَبۡ لِي مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ ١٠٠“o aking Panginoon! Ako ay pagkalooban Ninyo ng (mabuting) anak na lalaki mula sa matutuwid!” فَبَشَّرۡنَٰهُ بِغُلَٰمٍ حَلِيمٍ ١٠١Kaya’t ibinigay Namin sa kanya ang magandang balita ng matimtimang anak (na lalaki, si Ismail) فَلَمَّا بَلَغَ مَعَهُ ٱلسَّعۡيَ قَالَ يَٰبُنَيَّ إِنِّيٓ أَرَىٰ فِي ٱلۡمَنَامِ أَنِّيٓ أَذۡبَحُكَ فَٱنظُرۡ مَاذَا تَرَىٰۚ قَالَ يَٰٓأَبَتِ ٱفۡعَلۡ مَا تُؤۡمَرُۖ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّٰبِرِينَ ١٠٢At nang ang (anak na) lalaki ay sumapit na sa hustong gulang, siya (Abraham) ay nagsabi: “o aking anak! Ako ay nanaginip na iaalay kita bilang sakripisyo (kay Allah); iyong sabihin kung ano ang iyong nasasaloob!” (Ang anak) ay nagsabi: “o aking ama! Inyong sundin kung ano ang sa inyo ay ipinag-utos. Insha Allah (Kung pahihintulutan ni Allah), matatagpuan ninyo ako (kung ito ang kalooban ni Allah) na isang mapagbata.” فَلَمَّآ أَسۡلَمَا وَتَلَّهُۥ لِلۡجَبِينِ ١٠٣At nang sila ay kapwa nagsuko ng kanilang sarili (sa pagsunod kay Allah), at kanyang inihiga na siya na nakapatirapa sa kanyang noo (upang isakripisyo) وَنَٰدَيۡنَٰهُ أَن يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُ ١٠٤Amin (Allah) siyang tinawag: “o Abraham قَدۡ صَدَّقۡتَ ٱلرُّءۡيَآۚ إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ ١٠٥Iyo nang natupad nang ganap ang panaginip!” Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga gumagawa ng katuwiran at kabutihan na ganap na nagsasagawa ng mga ito tungo sa kapakanan ni Allah ng walang kapalaluan at hindi naghihintay ng papuri o katanyagan, bagkus ay gumagawa nito ayon sa pag-uutos ni Allah) إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡبَلَٰٓؤُاْ ٱلۡمُبِينُ ١٠٦Katotohanang ito ay isang tunay na lantad na pagsubok وَفَدَيۡنَٰهُ بِذِبۡحٍ عَظِيمٍ ١٠٧At siya ay tinubos (iniligtas) Namin sa isang malaking sakripisyo (ipinalit sa kanya ang isang hayop, alalaong baga, isang lalaking tupa) وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ ١٠٨At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon سَلَٰمٌ عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ ١٠٩“Salamun (Kapayapaan) at pagbati kay Abraham!” كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ ١١٠Kaya’t katotohanang sa ganito Namin binibiyayaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran) إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ١١١Katotohanang siya ay isa sa Aming tagapaglingkod na nananampalataya وَبَشَّرۡنَٰهُ بِإِسۡحَٰقَ نَبِيًّا مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ ١١٢At Aming ginawaran siya ng magandang balita (nang pagdating) ni Isaac, isang propeta, isa sa mga matutuwid وَبَٰرَكۡنَا عَلَيۡهِ وَعَلَىٰٓ إِسۡحَٰقَۚ وَمِن ذُرِّيَّتِهِمَا مُحۡسِنٌ وَظَالِمٌ لِّنَفۡسِهِۦ مُبِينٌ ١١٣Aming ginawaran siya at si Isaac ng biyaya, at mula sa kanilang lahi, (ang iba) ay gumagawa ng kabutihan at ang ilan ay gumagawa ng kamalian وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ ١١٤At muli (tulad din noong una), Aming ibinigay ang Aming paglingap kay Moises at Aaron وَنَجَّيۡنَٰهُمَا وَقَوۡمَهُمَا مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ ١١٥At Aming iniadya sila at ang kanilang pamayanan sa malaking kasiphayuan وَنَصَرۡنَٰهُمۡ فَكَانُواْ هُمُ ٱلۡغَٰلِبِينَ ١١٦At sila ay tinulungan Namin, at sila ay nagsipagtagumpay وَءَاتَيۡنَٰهُمَا ٱلۡكِتَٰبَ ٱلۡمُسۡتَبِينَ ١١٧At iginawad Namin sa kanila ang Kasulatan na nagpapaliwanag sa mga bagay-bagay وَهَدَيۡنَٰهُمَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ ١١٨At sila ay pinatnubayan Namin sa Matuwid na Landas وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِمَا فِي ٱلۡأٓخِرِينَ ١١٩At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon سَلَٰمٌ عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ ١٢٠“Salamun (Kapayapaan) at pagbati kina Moises at Aaron!” إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ ١٢١Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran) إِنَّهُمَا مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ١٢٢Sapagkat sila ay dalawa sa Aming mga tagapaglingkod na nananampalataya وَإِنَّ إِلۡيَاسَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ١٢٣At katotohanang si Elias ay isa rin sa Aming mga Tagapagbalita إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَلَا تَتَّقُونَ ١٢٤Pagmasdan! Nang kanyang ipahayag sa kanyang pamayanan: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah?” أَتَدۡعُونَ بَعۡلًا وَتَذَرُونَ أَحۡسَنَ ٱلۡخَٰلِقِينَ ١٢٥“Kayo ba ay magsisidalangin kay Baal (isang tanyag na diyus-diyosan sa kanilang pamayanan na kanilang sinasamba) atinyongtatalikuranang Pinakamainamsalahat ng mga Manlilikha?” ٱللَّهَ رَبَّكُمۡ وَرَبَّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٢٦“Si Allah, ang inyong Panginoon at Tagapagtaguyod, at Panginoon at Tagapagtaguyod ng inyong ninuno noong pang una?” فَكَذَّبُوهُ فَإِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ ١٢٧Datapuwa’t kanilang itinakwil siya (Elias), at katotohanan na walang pagsala na sila ay tatawagin (sa kaparusahan) إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ ١٢٨Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (sa kanilang lipon) وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ ١٢٩At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon سَلَٰمٌ عَلَىٰٓ إِلۡ يَاسِينَ ١٣٠“Salamun (Kapayapaan) at pagbati kay Ilyasin (Elias)!” إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ ١٣١Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran tungo sa kapakanan ni Allah) إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ١٣٢Katotohanang siya ay isa sa Aming tagapaglingkod na nananampalataya وَإِنَّ لُوطًا لَّمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ١٣٣At katotohanang si Lut ay isa sa Aming mga Tagapagbalita إِذۡ نَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ ١٣٤Pagmasdan! Nang Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya, silang lahat إِلَّا عَجُوزًا فِي ٱلۡغَٰبِرِينَ ١٣٥Maliban sa isang matandang babae (ang kanyang asawa) na isa sa mga nagpaiwan ثُمَّ دَمَّرۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ ١٣٦At Aming winasak ang natira (alalaong baga, ang mga bayan ng Sodom na nasa lugar ng Patay na Dagat [Dead Sea] sa Palestina وَإِنَّكُمۡ لَتَمُرُّونَ عَلَيۡهِم مُّصۡبِحِينَ ١٣٧Katotohanang kayo ay dumaraan (sa kanilang pook) sa umaga وَبِٱلَّيۡلِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ ١٣٨At sa gabi; kayo baga ay hindi nakakaunawa وَإِنَّ يُونُسَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ١٣٩At katotohanang si Jonah ay isa sa Aming mga Tagapagbalita إِذۡ أَبَقَ إِلَى ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ ١٤٠Nang siya ay tumakbo (na parang isang alipin) sa barko na puno ng karga فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ ٱلۡمُدۡحَضِينَ ١٤١Siya (ay pumayag) na magpalabunutan, at siya ay isa sa mga talunan فَٱلۡتَقَمَهُ ٱلۡحُوتُ وَهُوَ مُلِيمٌ ١٤٢Kaya’t isang (malaking) isda ang lumulon sa kanya, at siya ang dapat sisihin sa kanyang ginawa فَلَوۡلَآ أَنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلۡمُسَبِّحِينَ ١٤٣Datapuwa’t kung siya ay hindi (lamang) humingi ng kapatawaran at lumuwalhati kay Allah لَلَبِثَ فِي بَطۡنِهِۦٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ ١٤٤Katotohanan na walang pagsala na mananatili siya sa tiyan (ng isda) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay ۞ فَنَبَذۡنَٰهُ بِٱلۡعَرَآءِ وَهُوَ سَقِيمٌ ١٤٥Subalit siya ay iniluwa Namin sa patag na pasigan (ng dagat) samantalang (siya) ay may sakit وَأَنۢبَتۡنَا عَلَيۡهِ شَجَرَةً مِّن يَقۡطِينٍ ١٤٦At Aming pinatubo sa ibabaw (sa tabi) niya ang isang malabay na puno وَأَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ مِاْئَةِ أَلۡفٍ أَوۡ يَزِيدُونَ ١٤٧At Aming isinugo siya (sa isang misyon) sa isang daang libong tao o higit pa فَـَٔامَنُواْ فَمَتَّعۡنَٰهُمۡ إِلَىٰ حِينٍ ١٤٨At sila ay nagsisampalataya, kaya’t Aming hinayaan na sila ay magsaya sa kaunting sandali فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَلِرَبِّكَ ٱلۡبَنَاتُ وَلَهُمُ ٱلۡبَنُونَ ١٤٩Kaya’t ngayon (O Muhammad), iyong tanungin sila kung ano ang kanilang palagay. Tunay kaya baga na ang inyong Panginoon (ay mayroon lamang) ng mga anak na babae, at ang kanila ay mga anak na lalaki أَمۡ خَلَقۡنَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ إِنَٰثًا وَهُمۡ شَٰهِدُونَ ١٥٠o nilikha ba Namin ang mga babaeng anghel, samantalang sila ang mga saksi أَلَآ إِنَّهُم مِّنۡ إِفۡكِهِمۡ لَيَقُولُونَ ١٥١Pagmasdan! Sila (mga paganong Quraish) ay nagsasabi mula sa kanilang mga kabulaanan (gawa-gawang kasinungalingan) ng وَلَدَ ٱللَّهُ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ ١٥٢“Si Allah ay nagkaroon ng mga anak (alalaong baga, ang mga anghel ay mga anak na babae ni Allah)?” Katotohanang sila ay mga sinungaling أَصۡطَفَى ٱلۡبَنَاتِ عَلَى ٱلۡبَنِينَ ١٥٣Siya (Allah) baga ay pumili ng mga anak na babae kaysa sa mga anak na lalaki مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ ١٥٤Ano ang nangyayari sa inyo? Paano kayo humahatol أَفَلَا تَذَكَّرُونَ ١٥٥Hindi baga kayo tatanggap ng paala-ala أَمۡ لَكُمۡ سُلۡطَٰنٌ مُّبِينٌ ١٥٦o mayroon ba kayong maliwanag na kapamahalaan فَأۡتُواْ بِكِتَٰبِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ ١٥٧Kung gayon, inyong dalhin ang (inyong) Aklat (ng kapamahalaan) kung kayo ay makatotohanan وَجَعَلُواْ بَيۡنَهُۥ وَبَيۡنَ ٱلۡجِنَّةِ نَسَبًاۚ وَلَقَدۡ عَلِمَتِ ٱلۡجِنَّةُ إِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ ١٥٨At sila ay kumatha (naggawa-gawa ng kasinungalingan) na may pagkakamag-anak sa pagitan Niya at ng mga Jinn, datapuwa’t ang mga Jinn na rin (ang lubos na nakakaalam) na sila ay tatawagin upang magsulit sa Kanya سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ ١٥٩Luwalhatiin si Allah! (Siya ay ganap na malaya) sa lahat ng bagay na kanilang itinatambal sa Kanya إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ ١٦٠(Sila ay nasa kamalian) maliban sa mga tagapaglingkod ni Allah na Kanyang pinili (sa Kanyang Habag, alalaong baga, mga tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah at hindi nag-aakibat ng mga huwad na bagay kay Allah) فَإِنَّكُمۡ وَمَا تَعۡبُدُونَ ١٦١Kaya’t katotohanang kayong (mga pagano), at ang inyong mga sinasamba (na diyus- diyosan) مَآ أَنتُمۡ عَلَيۡهِ بِفَٰتِنِينَ ١٦٢Ay hindi makakapagligaw (sa kanila na tunay na sumasampalataya kay Allah na makalimot at lumayo sa Kanya) إِلَّا مَنۡ هُوَ صَالِ ٱلۡجَحِيمِ ١٦٣Maliban sa kanila na nakatakdang masunog sa Naglalagablab na Apoy (Impiyerno) وَمَا مِنَّآ إِلَّا لَهُۥ مَقَامٌ مَّعۡلُومٌ ١٦٤walang sinuman sa amin (mga anghel) ang hindi nakakaalam sa aming takdang kalalagyan (o puwesto) وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلصَّآفُّونَ ١٦٥Katotohanan, kaming (mga anghel) ay nakatindig sa mga hanay sa pagdarasal (na katulad din ninyong mga Muslim sa inyong pagdarasal) وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلۡمُسَبِّحُونَ ١٦٦At katotohanan, kaming (mga anghel), kami ay sumasambit ng kaluwalhatian (ni Allah sa aming pananalangin)!” وَإِن كَانُواْ لَيَقُولُونَ ١٦٧At katotohanang sila (mga paganong Arabo) ay laging nagsasabi لَوۡ أَنَّ عِندَنَا ذِكۡرًا مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٦٨“Kung kami lamang ay nakatanggap ng Mensahe noong una (bago dumatal si Propeta Muhammad bilang isang Tagapagbalita ni Allah) لَكُنَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ ١٦٩Katotohanang kami ay walang pagsala na magiging tagapaglingkod ni Allah, matapat at matimtiman (at tunay na nananampalataya sa Kanyang Kaisahan at sa Islam)!” فَكَفَرُواْ بِهِۦۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ ١٧٠Datapuwa’t (ngayon na ang Qur’an ay dumating), sila ay nagtakwil dito (sa Qur’an at kay Propeta Muhammad at sa lahat ng kanyang mga dinalang kapahayagan); ngunit hindi magtatagal ay kanilang mapag-aalaman!” وَلَقَدۡ سَبَقَتۡ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا ٱلۡمُرۡسَلِينَ ١٧١At katotohanan, ang Aming Salita ay pumalaot na noon pa mang una sa Aming mga tagapaglingkod, ang mga Tagapagbalita na Aming isinugo إِنَّهُمۡ لَهُمُ ٱلۡمَنصُورُونَ ١٧٢Atkatotohanangsilaayginawarannamagsipagtagumpay وَإِنَّ جُندَنَا لَهُمُ ٱلۡغَٰلِبُونَ ١٧٣At ang Aming mga tagapaglingkod, katotohanang sila ay magwawagi فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٍ ١٧٤Kaya’t tumalikod ka sa kanila (O Muhammad), nang pansamantala وَأَبۡصِرۡهُمۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ ١٧٥At pagmasdan mo sila, at makikita nila (ang kaparusahan) أَفَبِعَذَابِنَا يَسۡتَعۡجِلُونَ ١٧٦Sila baga ay naghahanap na madaliin ang Aming Kaparusahan فَإِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمۡ فَسَآءَ صَبَاحُ ٱلۡمُنذَرِينَ ١٧٧Datapuwa’t kung ito ay pababain na sa kanilang bakuran sa harapan nila, kasamaan ang magiging umaga ng mga pinaalalahanan (subalit hindi nakinig) وَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٍ ١٧٨Kaya’t talikuran mo sila (O Muhammad), nang pansamantala وَأَبۡصِرۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ ١٧٩At pagmasdan, kanilang makikita (ang kaparusahan) سُبۡحَٰنَ رَبِّكَ رَبِّ ٱلۡعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُونَ ١٨٠Maluwalhati ang iyong Panginoon! Ang Panginoon ng Karangalan at Kapangyarihan! (Siya ay ganap na malaya) sa lahat ng mga itinatambal nila sa Kanya وَسَلَٰمٌ عَلَى ٱلۡمُرۡسَلِينَ ١٨١At kapayapaan sa mga Tagapagbalita وَٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١٨٢At ang lahat ng mga Pagpupuri ay kay Allah, ang Panginoon at Tagapanustos ng lahat ng mga nilalang

Translation: Abdullatif Eduardo M. Arceo.