Millat al-Islam

Chapter 81 · 29 verses · Abdullatif Eduardo M. Arceo

Surah At-Takwir in Filipino

Arabic with tafsir Listen to Surah At-Takwir (1302 reciters)

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

إِذَا ٱلشَّمۡسُ كُوِّرَتۡ ١Kung ang araw (na may lubos at malawak na liwanag) ay tumiklop وَإِذَا ٱلنُّجُومُ ٱنكَدَرَتۡ ٢At kung ang mga bituin ay mangalaglag, na said ang kanilang kislap وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ سُيِّرَتۡ ٣At kung ang kabundukan ay maparam sa pagkaguho (sa isang kisap-mata lamang) وَإِذَا ٱلۡعِشَارُ عُطِّلَتۡ ٤At kung ang mga babaeng kamelyo ay nagpapabaya sa kanyang mga batang anak وَإِذَا ٱلۡوُحُوشُ حُشِرَتۡ ٥At kung ang mababangis na hayop ay titipunin nang sama-sama (sa pinaninirahanan ng mga tao) وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ سُجِّرَتۡ ٦At kung ang karagatan ay maging isang Naglalagablab na Apoy o umapaw (sa matinding unos) وَإِذَا ٱلنُّفُوسُ زُوِّجَتۡ ٧At kung ang mga kaluluwa ay muling ibalik sa kani-kanilang katawan وَإِذَا ٱلۡمَوۡءُۥدَةُ سُئِلَتۡ ٨At kung ang sanggol na babae na inilibing ng buhay (na katulad nang ginawa ng mga paganong Arabo) ay tatanungin بِأَيِّ ذَنۢبٍ قُتِلَتۡ ٩Sa anong kasalanan siya ay pinatay وَإِذَا ٱلصُّحُفُ نُشِرَتۡ ١٠At kung ang Talaan ng mga gawa (mabuti man at masama) ng bawat tao ay ilaladlad وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ كُشِطَتۡ ١١At kung ang kalangitan (sa kaitaasan) ay itambad (sa pagkabiyak) at mawala sa kanyang kinalalagyan وَإِذَا ٱلۡجَحِيمُ سُعِّرَتۡ ١٢At kung ang Impiyerno ay pagningasin ng nag-aalimpuyong apoy وَإِذَا ٱلۡجَنَّةُ أُزۡلِفَتۡ ١٣At kung ang Halamanan (ng Paraiso) ay itambad ng malapit عَلِمَتۡ نَفۡسٌ مَّآ أَحۡضَرَتۡ ١٤At ang bawat tao (kaluluwa) ay makakabatid ng bagay na kanyang ginawa (masama man o mabuti) فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلۡخُنَّسِ ١٥Katotohanang Ako ay sumusumpa sa pamamagitan ng mga buntala na umuurong (alalaong baga, nawawala sa araw at lumilitaw sa gabi) ٱلۡجَوَارِ ٱلۡكُنَّسِ ١٦At sa pamamagitan ng mga buntala na kumikilos nang mabilis at nagkukubli ng kanilang sarili (lumilitaw at naglalaho) وَٱلَّيۡلِ إِذَا عَسۡعَسَ ١٧At sa pamamagitan ng gabi kung ito ay lumilisan وَٱلصُّبۡحِ إِذَا تَنَفَّسَ ١٨At sa pamamagitan ng bukang liwayway kung ito ay lumiliwanag إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٍ كَرِيمٍ ١٩Katotohanan! Ito ang Salita (ang Qur’an) na dinala ng karangal-rangal na Tagapagbalita (Gabriel, mula kay Allah patungo kay Propeta Muhammad) ذِي قُوَّةٍ عِندَ ذِي ٱلۡعَرۡشِ مَكِينٍ ٢٠Na ginawaran ng kapangyarihan, at may mataas na antas (at karangalan) kay Allah, ang Panginoon ng Luklukan مُّطَاعٍ ثَمَّ أَمِينٍ ٢١Na sinusunod (ng mga anghel), at mapagkakatiwalaan doon (sa kalangitan) وَمَا صَاحِبُكُم بِمَجۡنُونٍ ٢٢o mga tao! Ang inyong Kasama (Muhammad) ay hindi isang baliw (at hindi inaalihan ng masamang bagay) وَلَقَدۡ رَءَاهُ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡمُبِينِ ٢٣At katotohanang kanyang (Muhammad) napagmalas siya (Gabriel) sa maliwanag na hangganan ng sangkalupaan at kalangitan (tungo sa Silangan) وَمَا هُوَ عَلَى ٱلۡغَيۡبِ بِضَنِينٍ ٢٤At siya (Muhammad) ay hindi nagkikimkin ng kaalaman ng mga Nakalingid na Bagay وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَيۡطَٰنٍ رَّجِيمٍ ٢٥At ito (ang Qur’an) ay hindi salita ng isinumpang si Satanas فَأَيۡنَ تَذۡهَبُونَ ٢٦Kung gayon, saan ka patutungo إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٌ لِّلۡعَٰلَمِينَ ٢٧Katotohanan ! Ito (ang Qur’an) ay isang ganap na Kapahayagan sa lahat ng mga nilalang لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَسۡتَقِيمَ ٢٨(Na may kapakinabangan) sa sinuman sa inyo na nagnanais na tumahak nang matuwid وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٢٩Datapuwa’t hindi ninyo ito magagawa malibang loobin ni Allah, ang Tagapagtangkilik at Tagapanustos ng lahat ng mga nilalang

Translation: Abdullatif Eduardo M. Arceo.