Millat al-Islam

Chapter 71 · 28 verses · Abdullatif Eduardo M. Arceo

Surah Nuh in Filipino

Arabic with tafsir Listen to Surah Nuh (1276 reciters)
Meccanسورة نوح28 verses

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦٓ أَنۡ أَنذِرۡ قَوۡمَكَ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ ١Katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan na may tagubilin: “Iyong bigyang babala ang iyong pamayanan bago dumatal sa kanila ang Kasakit- sakit na Kaparusahan” قَالَ يَٰقَوۡمِ إِنِّي لَكُمۡ نَذِيرٌ مُّبِينٌ ٢Siya (Noe) ay nagbadya: “o aking pamayanan! Katotohanang ako ay isang lantad na Tagapagbabala sa inyo أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُ وَأَطِيعُونِ ٣(Na nagtatagubilin) na marapat ninyong sambahin si Allah (lamang), at maging masunurin sa inyong tungkulin sa Kanya at ako ay inyong sundin يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُؤَخِّرۡكُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّىۚ إِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ إِذَا جَآءَ لَا يُؤَخَّرُۚ لَوۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ ٤Upang mapatawad Niya (Allah) ang inyong mga kasalanan at bigyan kayo ng sapat na panahon (palugit) na natatakdaan. Katotohanan, kung ang Takdang Oras ni Allah ay dumatal, ito ay hindi maaaring antalahin kung inyo lamang nababatid.” قَالَ رَبِّ إِنِّي دَعَوۡتُ قَوۡمِي لَيۡلًا وَنَهَارًا ٥(Si Noe) ay nagbadya: o aking Panginoon! Katotohanang aking tinawagan ang aking pamayanan sa gabi at araw (alalaong baga, sa lingid at lantad upang tanggapin ang doktrina ng Kaisahan ni Allah) فَلَمۡ يَزِدۡهُمۡ دُعَآءِيٓ إِلَّا فِرَارًا ٦Datapuwa’t ang aking panawagan sa kanila ay higit lamang na nakadagdag sa kanilang pagnanais na mapalayo (sa Tuwid na Landas) وَإِنِّي كُلَّمَا دَعَوۡتُهُمۡ لِتَغۡفِرَ لَهُمۡ جَعَلُوٓاْ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَٱسۡتَغۡشَوۡاْ ثِيَابَهُمۡ وَأَصَرُّواْ وَٱسۡتَكۡبَرُواْ ٱسۡتِكۡبَارًا ٧At katotohanan! Sa bawat sandali na sila ay aking pinagtatagubilinan upang sila ay Inyong mapatawad, ay tinatakpan nila ang kanilang mga tainga ng kanilang daliri, at tinatakpan nila ang kanilang sarili ng kanilang kasuotan, at nagpapatuloy sila (sa kanilang Propeta Noe 911 pagtutol) at pinag-iibayo nila ang kanilang kapalaluan ثُمَّ إِنِّي دَعَوۡتُهُمۡ جِهَارًا ٨At katotohanang ako ay nananawagan sa kanila nang hayagan (sa malakas na tinig) ثُمَّ إِنِّيٓ أَعۡلَنتُ لَهُمۡ وَأَسۡرَرۡتُ لَهُمۡ إِسۡرَارًا ٩At katotohanang ako ay nagpahayag sa kanila sa karamihan at ako ay nagsumamo sa kanila sa pribado (tagong pag-uusap) فَقُلۡتُ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ إِنَّهُۥ كَانَ غَفَّارًا ١٠Na nagsasabi: “Humingi kayo ng kapatawaran mula sa inyong Panginoon; katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارًا ١١Kayo ay pagkakalooban Niya ng saganang ulan وَيُمۡدِدۡكُم بِأَمۡوَٰلٍ وَبَنِينَ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ جَنَّٰتٍ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ أَنۡهَٰرًا ١٢At kayo ay gagawaran Niya ng higit pang kayamanan at mga anak, at ipagkakaloob Niya sa inyo ang halamanan at gayundin ng mga batis (na may tubig na nagsisidaloy).” مَّا لَكُمۡ لَا تَرۡجُونَ لِلَّهِ وَقَارًا ١٣Ano ang nagpapagulo sa inyo at hindi ninyo pinangangambahan si Allah (sa Kanyang kaparusahan), at kayo ay hindi umaasam ng gantimpala mula kay Allah o kayo ay hindi sumasampalataya sa Kanyang Kaisahan وَقَدۡ خَلَقَكُمۡ أَطۡوَارًا ١٤Samantalang kayo ay nilikha Niya sa (iba’t ibang) antas (alalaong baga, ang una ay Nutfah, sumunod ay Alaqa at sumunod ay Mudgha. [Tunghayan ang Quran) أَلَمۡ تَرَوۡاْ كَيۡفَ خَلَقَ ٱللَّهُ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٍ طِبَاقًا ١٥Hindi baga ninyo napagmamalas kung paano nilikha ni Allah ang pitong kalangitan, ng suson-suson (ang bawat isa ay mataas sa iba) وَجَعَلَ ٱلۡقَمَرَ فِيهِنَّ نُورًا وَجَعَلَ ٱلشَّمۡسَ سِرَاجًا ١٦At ginawa Niya ang buwan bilang liwanag doon at ng araw bilang isang ilaw وَٱللَّهُ أَنۢبَتَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ نَبَاتًا ١٧At nilikha kayo ni Allah mula sa alabok ng lupa (na dahan-dahan sa paglaki at pagyabong) ثُمَّ يُعِيدُكُمۡ فِيهَا وَيُخۡرِجُكُمۡ إِخۡرَاجًا ١٨At pagkaraan, kayo ay ibabalik Niyang muli rito (sa lupa), at Kanyang ibabangon kayong (muli sa Araw ng Muling Pagkabuhay) وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ بِسَاطًا ١٩At si Allah ang gumawa para sa inyo ng kalupaan na nakalatag nang malawak لِّتَسۡلُكُواْ مِنۡهَا سُبُلًا فِجَاجًا ٢٠Upang kayo ay makapaglakad dito sa malalapad na landas قَالَ نُوحٌ رَّبِّ إِنَّهُمۡ عَصَوۡنِي وَٱتَّبَعُواْ مَن لَّمۡ يَزِدۡهُ مَالُهُۥ وَوَلَدُهُۥٓ إِلَّا خَسَارًا ٢١Si Noe ay nagbadya: “Aking Panginoon! Katotohanang sila ay sumuway sa akin at sila ay sumunod sa kanya na ang 912 kayamanan at mga anak ay hindi makakapagbigay sa kanya ng kapakinabangan bagkus ay kapahamakan (pagkatalo).” وَمَكَرُواْ مَكۡرًا كُبَّارًا ٢٢At sila ay nagpakana ng malaking balak وَقَالُواْ لَا تَذَرُنَّ ءَالِهَتَكُمۡ وَلَا تَذَرُنَّ وَدًّا وَلَا سُوَاعًا وَلَا يَغُوثَ وَيَعُوقَ وَنَسۡرًا ٢٣At sila ay nagsipag-usapan sa isa’t-isa: “Huwag ninyong tatalikdan ang inyong mga diyos, gayundin ay huwag ninyong iiwan si Wadd, at si Suwa, at si Yaguth, at si Ya’uq, at si Nasr (mga pangalan ng mga imahen at rebulto);” وَقَدۡ أَضَلُّواْ كَثِيرًاۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا ضَلَٰلًا ٢٤At katotohanang inakay nila ang karamihan sa pagkaligaw. At (o Allah)! “Huwag Kayong magbigay ng dagdag sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, walang pananalig, atbp.), maliban sa kamalian.” مِّمَّا خَطِيٓـَٰٔتِهِمۡ أُغۡرِقُواْ فَأُدۡخِلُواْ نَارًا فَلَمۡ يَجِدُواْ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَنصَارًا ٢٥dahilan sa kanilang mga kasalanan sila ay nilunod (sa dilubyo ng baha), at pinag-utusan na magsipasok sa Apoy (ng kaparusahan), at sila ay hindi nakatagpo ng sinuman na makakatulong sa kanila sa halip (bilang kapalit) ni Allah وَقَالَ نُوحٌ رَّبِّ لَا تَذَرۡ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ دَيَّارًا ٢٦At si Noe ay nagturing: “Aking Panginoon! Huwag Kayong mag-iwan sa kalupaan ng kahit na isang hindi nananampalataya إِنَّكَ إِن تَذَرۡهُمۡ يُضِلُّواْ عِبَادَكَ وَلَا يَلِدُوٓاْ إِلَّا فَاجِرًا كَفَّارًا ٢٧Kung sila ay Inyong iwan, ay kanilang ililigaw ang Inyong matatapat na alipin, at sila ay magpapakarami (mga tao) na hindi hihigit pa sa pag- uugali maliban sa kabuktutan at kawalan ng utang na loob رَّبِّ ٱغۡفِرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيَّ وَلِمَن دَخَلَ بَيۡتِيَ مُؤۡمِنًا وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا تَبَارَۢا ٢٨Aking Panginoon! Inyong patawarin ako at ang aking mga magulang, at sa sinuman na pumapasok sa aking tahanan ng may pananalig, at lahat ng mga sumasampalatayang lalaki at sumasampalatayang babae, at huwag Ninyong pagkalooban ang mga tampalasan (ng anuman) maliban sa kapahamakan at pagkawasak!”

Translation: Abdullatif Eduardo M. Arceo.