ملة الإسلام

السورة 96 · 19 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة العلق باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة العلق (1,283 قارئاً)
مكيةسورة العلق١٩ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

ٱقۡرَأۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلَّذِي خَلَقَ ١Ipahayag!SaNgalanngiyongPanginoonatTagapagtaguyod na lumikha sa lahat ng bagay خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِنۡ عَلَقٍ ٢Na lumikha sa tao mula sa namuong patak ng dugo ٱقۡرَأۡ وَرَبُّكَ ٱلۡأَكۡرَمُ ٣Ipahayag! Ang iyong Panginoon ang Pinakamapagbigay ٱلَّذِي عَلَّمَ بِٱلۡقَلَمِ ٤Na nagturo sa tao (ng pagsulat) sa pamamagitan ng panulat (ang unang tao na sumulat ay si Propeta Idris [Enoch) عَلَّمَ ٱلۡإِنسَٰنَ مَا لَمۡ يَعۡلَمۡ ٥Na nagturo sa tao ng hindi niya nalalaman كـَلَّآ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَيَطۡغَىٰٓ ٦Hindi! Katotohanan, ang tao ay lumabag sa lahat ng hangganan (ng pagsuway, kawalan ng pananalig at kasamaan, atbp) أَن رَّءَاهُ ٱسۡتَغۡنَىٰٓ ٧Sapagkat itinuturing niya ang kanyang sarili na may sariling kasapatan (hindi nangangailangan ng anumang tulong) إِنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلرُّجۡعَىٰٓ ٨Katiyakan! Sa iyong Panginoon ang pagbabalik (ng lahat) أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يَنۡهَىٰ ٩Nakikita mo ba (o Muhammad) siya na humahadlang (alalaong baga, si Abu Jahl) عَبۡدًا إِذَا صَلَّىٰٓ ١٠Sa isang alipin (Muhammad) kung siya ay nananalangin أَرَءَيۡتَ إِن كَانَ عَلَى ٱلۡهُدَىٰٓ ١١Sabihin mo sa akin, kung siya (Muhammad) ay nasa patnubay (ni Allah) أَوۡ أَمَرَ بِٱلتَّقۡوَىٰٓ ١٢o nagtatagubilin sa kabanalan أَرَءَيۡتَ إِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰٓ ١٣Sabihin mo sa akin kung siya (na walang pananalig, si Abu Jahl) ay nagtatatwa (sa Katotohanan, alalaong baga sa Qur’an), at tumatalikod أَلَمۡ يَعۡلَم بِأَنَّ ٱللَّهَ يَرَىٰ ١٤Hindi baga niya nababatid na si Allah ang nakakamasid (ng kanyang ginagawa) كـَلَّا لَئِن لَّمۡ يَنتَهِ لَنَسۡفَعَۢا بِٱلنَّاصِيَةِ ١٥Hindi! Kung siya (Abu Jahl) ay hindi titigil, Aming kakaladkarin siya sa kanyang buhok na nakalawit sa noo نَاصِيَةٍ كَٰذِبَةٍ خَاطِئَةٍ ١٦Isang nagsisinungaling at makasalanang buhok na nakalawit sa noo فَلۡيَدۡعُ نَادِيَهُۥ ١٧At hayaan siyang tumawag (ng tulong) sa lipon (ng kanyang mga kapanalig) سَنَدۡعُ ٱلزَّبَانِيَةَ ١٨Tatawagin Namin ang mga tagapagbantay ng Impiyerno (anghel ng kaparusahan upang harapin siya) كـَلَّا لَا تُطِعۡهُ وَٱسۡجُدۡۤ وَٱقۡتَرِب ۩ ١٩Hindi! (O Muhammad)! Huwag mo siyang sundin (Abu Jahl), bagkus ay magpatirapa ka at lumapit kay Allah

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.