بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ وَقُرۡءَانٍ مُّبِينٍ ١Alif, Lam, Ra (mga titik A, La, Ra). Ito ang mgaTalata ngAklat, at isang maliwanag na Qur’an رُّبَمَا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ كَانُواْ مُسۡلِمِينَ ٢Marahil (ay malimit) na ang mga hindi sumasampalataya ay nagnanais na sila sana ay naging mga Muslim (sila na nagsuko ng kanilang sarili sa Kalooban ni Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam), ito (ang kalagayan) sa Araw ng Muling Pagkabuhay kung kanilang mapagmamalas ang mga hindi sumasampalataya na patungo sa Impiyerno (at ang mga Muslim ay patungo sa Paraiso) ذَرۡهُمۡ يَأۡكُلُواْ وَيَتَمَتَّعُواْ وَيُلۡهِهِمُ ٱلۡأَمَلُۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ ٣Hayaan sila na kumain at magpakasaya, at hayaan sila na maging abala (sa huwad) na pag-asa. (Ito ay) kanilang mapag-aalaman وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا وَلَهَا كِتَابٌ مَّعۡلُومٌ ٤At kailanman ay hindi Namin winasak ang isang bayan malibang may hayag (o nakatakdang) kautusan dito مَّا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ ٥walang bansa (pamayanan) ang makakaasam (ng natataningang panahon) na ito ay mauna, o maantala kaya وَقَالُواْ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِي نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلذِّكۡرُ إِنَّكَ لَمَجۡنُونٌ ٦At sila ay nagsasabi: “Ikaw (o Muhammad) na pinagpahayagan ng Dhikr (ang Qur’an)!, katotohanang ikaw ay isang taong baliw (o inaalihan ng masama) لَّوۡمَا تَأۡتِينَا بِٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ ٧Bakit hindi ka magpadala ng mga anghel sa amin kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan مَا نُنَزِّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَمَا كَانُوٓاْ إِذًا مُّنظَرِينَ ٨Hindi Namin isinusugo ang mga anghel maliban na sila ay may dalang katotohanan (alalaong baga, tungkol sa kaparusahan, atbp.), at sa gayong pangyayari (kalagayan), sila (ang mga hindi sumasampalataya), ay hindi bibigyan ng palugit إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا ٱلذِّكۡرَ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ ٩Katotohanang Kami; (at) Kami, ang nagpapanaog ng Dhikr (alalaong baga, ang Qur’an) at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa kabulukan (at katiwalian) وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي شِيَعِ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٠Katotohanang nagsugo Kami ng mga Tagapagbalita na una pa sa iyo (o Muhammad) sa lipon ng mga sekta (mga pamayanan) noong panahong sinauna وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ ١١At walang isa mang Tagapagbalita na dumatal sa kanila ang hindi nila tinuya كَذَٰلِكَ نَسۡلُكُهُۥ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ ١٢Kaya’t hinayaan Namin ito (ang pagsamba sa mga diyus- diyosan at kawalan ng pananalig) ay magsipasok sa puso ng Mujrimun (mga buhong, buktot, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp., dahilan sa kanilang panunuya sa mga Tagapagbalita) لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَقَدۡ خَلَتۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٣Sila ay hindi sasampalataya rito (ang Qur’an), at nangyari, na ang halimbawa (ng kaparusahan ni Allah) sa mga unang tao (na hindi nanampalataya) ay sumapit (sa kanila) وَلَوۡ فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابًا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَظَلُّواْ فِيهِ يَعۡرُجُونَ ١٤At kahit na buksan Namin ang Tarangkahan mula sa langit at doon sila ay magpatuloy na umakyat لَقَالُوٓاْ إِنَّمَا سُكِّرَتۡ أَبۡصَٰرُنَا بَلۡ نَحۡنُ قَوۡمٌ مَّسۡحُورُونَ ١٥Katiyakang sila ay magsasabi: “Ang aming mga mata ay nilasing. Hindi, kami ay mga tao na ginaway (ng mangkukulam).” وَلَقَدۡ جَعَلۡنَا فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجًا وَزَيَّنَّٰهَا لِلنَّٰظِرِينَ ١٦At katotohanang ibinitin Namin sa kalangitan ang malalaking bituin, at ginawa Namin ito na marikit sa mata ng mga nagmamasid وَحَفِظۡنَٰهَا مِن كُلِّ شَيۡطَٰنٍ رَّجِيمٍ ١٧At katotohanang binabantayan Namin ang mga yaon sa bawat isinumpang Satanas إِلَّا مَنِ ٱسۡتَرَقَ ٱلسَّمۡعَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٌ مُّبِينٌ ١٨Maliban sa kanya (na masama o demonyo) na nakakarinig nang mainam sa pamamagitan ng pagnanakaw, siya ay tinutugis ng maliwanag na apoy na nagniningas وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَٰهَا وَأَلۡقَيۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ شَيۡءٍ مَّوۡزُونٍ ١٩At Aming inilatag ang kalupaan at Kami ay naglagay dito ng matatatag na kabundukan, at hinayaan Namin na magsitubo rito ang lahat ng uri ng mga bagay sa ganap na sukat وَجَعَلۡنَا لَكُمۡ فِيهَا مَعَٰيِشَ وَمَن لَّسۡتُمۡ لَهُۥ بِرَٰزِقِينَ ٢٠At naglagay Kami rito ng lahat ng panggagalingan ng ikabubuhay, - sa inyo at para sa lahat ng mga hindi ninyo tinatangkilik (mga ibang nilikha tulad ng mga hayop, insekto, atbp) وَإِن مِّن شَيۡءٍ إِلَّا عِندَنَا خَزَآئِنُهُۥ وَمَا نُنَزِّلُهُۥٓ إِلَّا بِقَدَرٍ مَّعۡلُومٍ ٢١At walang anumang bagay (sa santinakpan) ang hindi mula sa Amin ang kanilang ikinabubuhay. At hindi Namin ipinanaog ito maliban sa ganap na sukat وَأَرۡسَلۡنَا ٱلرِّيَٰحَ لَوَٰقِحَ فَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَسۡقَيۡنَٰكُمُوهُ وَمَآ أَنتُمۡ لَهُۥ بِخَٰزِنِينَ ٢٢At ipinadala Namin ang hangin na nagtatanim (ng tubig sa mga ulap) upang ang ulan ay mamalisbis mula sa alapaap tungo sa kalupaan, at ibinigay Namin ito sa inyo bilang inumin, at hindi kayo ang nagmamay-ari ng kanilang pinagkukunan (alalaong baga, wala tayong karapatan na magbigay ng tubig sa sinumang ating naisin o ipagkait ito sa sinumang ating naisin) وَإِنَّا لَنَحۡنُ نُحۡيِۦ وَنُمِيتُ وَنَحۡنُ ٱلۡوَٰرِثُونَ ٢٣At katotohanang Kami! Kami ang tagapagbigay ng buhay at nagkakaloob ng kamatayan, at Kami ang Tagapagmana (matapos ang lahat ay pumanaw) وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَقۡدِمِينَ مِنكُمۡ وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَـٔۡخِرِينَ ٢٤At katotohanang batid Namin ang inyong mga unang henerasyon na nagsipanaw, at walang pagsala na nababatid Namin ang inyong kasalukuyang henerasyon (ng sangkatauhan), gayundin ang darating na mga henerasyon وَإِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَحۡشُرُهُمۡۚ إِنَّهُۥ حَكِيمٌ عَلِيمٌ ٢٥At katotohanang ang inyong Panginoon ang magtitipon sa inyo nang sama-sama. Katotohanang Siya ang Ganap na Maalam, ang Lubos na Nakakabatid ng lahat وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٍ مِّنۡ حَمَإٍ مَّسۡنُونٍ ٢٦At katotohanang nilikha Namin ang sangkatauhan mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa وَٱلۡجَآنَّ خَلَقۡنَٰهُ مِن قَبۡلُ مِن نَّارِ ٱلسَّمُومِ ٢٧At ang Jinn, Na Aming nilikha noon pang una mula sa lagablab ng apoy na walang usok وَإِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنِّي خَٰلِقُۢ بَشَرًا مِّن صَلۡصَٰلٍ مِّنۡ حَمَإٍ مَّسۡنُونٍ ٢٨At alalahanin nang ang iyong Panginoon ay nangusap sa mga anghel: “Ako ay lilikha ng isang tao (Adan) mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa فَإِذَا سَوَّيۡتُهُۥ وَنَفَخۡتُ فِيهِ مِن رُّوحِي فَقَعُواْ لَهُۥ سَٰجِدِينَ ٢٩Kaya’t nang siya ay Aking matapos nang ganap, at nang Aking maihinga sa kanya (Adan) ang kaluluwa na Aking nilikha para sa kanya, ngayon, kayo (mga anghel) ay lumuhod at magpatirapa sa kanya (bilang paggalang at hindi pagsamba).” فَسَجَدَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ كُلُّهُمۡ أَجۡمَعُونَ ٣٠Kaya’t ang mga anghel ay nagpatirapa (nagbigay galang) sa kanya, silang lahat nang sama-sama إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰٓ أَن يَكُونَ مَعَ ٱلسَّٰجِدِينَ ٣١Maliban kay Iblis (isa sa lipon ng mga Jinn), - siya ay tumanggi na magpatirapa قَالَ يَٰٓإِبۡلِيسُ مَا لَكَ أَلَّا تَكُونَ مَعَ ٱلسَّٰجِدِينَ ٣٢Si Allah ay nagwika: “o Iblis! Ano ang iyong dahilan upang ikaw ay hindi sumama sa mga nagpatirapa?” قَالَ لَمۡ أَكُن لِّأَسۡجُدَ لِبَشَرٍ خَلَقۡتَهُۥ مِن صَلۡصَٰلٍ مِّنۡ حَمَإٍ مَّسۡنُونٍ ٣٣Si Iblis ay nagsabi: “Hindi ako ang isa na magpapatirapa sa harapan ng isang tao, na Inyong nilikha mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa.” قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٌ ٣٤Si (Allah) ay nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay lumayas dito, sapagkat katotohanang ikaw ay Rajim (isang isinumpa o itinaboy).” وَإِنَّ عَلَيۡكَ ٱللَّعۡنَةَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلدِّينِ ٣٥At katotohanang ang sumpa ay sasaiyo hanggang sa Araw ng Pagbabayad (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay).” قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ ٣٦Si (Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay bigyan Ninyo, kung gayon, ng palugit hanggang sa Araw na sila (ang mga patay) ay ibabangon.” قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ ٣٧Si Allah ay nagwika: “Kung gayon, katotohanang ikaw ay isa sa mga pinalugitan إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ ٣٨Hanggang sa Araw ng natatakdaang panahon.” قَالَ رَبِّ بِمَآ أَغۡوَيۡتَنِي لَأُزَيِّنَنَّ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَأُغۡوِيَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ ٣٩Si (Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon, dahilan sa ako ay Inyong iniligaw, katotohanang aking gagawing marikit ang landas ng kamalian para (sa sangkatauhan) sa kalupaan, at sila ay aking ililigaw na lahat إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِينَ ٤٠Maliban sa Inyong pinili (pinatnubayang) mga alipin sa kanilang lipon.” قَالَ هَٰذَا صِرَٰطٌ عَلَيَّ مُسۡتَقِيمٌ ٤١Si (Allah) ay nagwika: “Ito ang Landas na patungo ng tuwid sa Akin.” إِنَّ عِبَادِي لَيۡسَ لَكَ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٌ إِلَّا مَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡغَاوِينَ ٤٢Katotohanan, ikaw ay walang kapamahalaan sa Aking mga alipin, maliban sa mga sumusunod sa iyo (Iblis) na mula sa Ghawin (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buhong, buktot, kriminal, mapaggawa ng kamalian, atbp) وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمَوۡعِدُهُمۡ أَجۡمَعِينَ ٤٣At katotohanang Impiyerno ang nakalaang lugar para sa kanilang lahat لَهَا سَبۡعَةُ أَبۡوَٰبٍ لِّكُلِّ بَابٍ مِّنۡهُمۡ جُزۡءٌ مَّقۡسُومٌ ٤٤Ito (ang Impiyerno) ay may pitong tarangkahan, at sa bawa’t isa sa mga tarangkahang ito ay may (natatanging) uri ng masasama na nakatalaga إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٍ وَعُيُونٍ ٤٥Katotohanan, ang Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao) ay mapapagitna sa mga Halamanan at mga bukal ng tubig (Paraiso) ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٍ ءَامِنِينَ ٤٦(At sa kanila ay ipagbabadya): “Magsipasok kayo sa loob (ng Paraiso), sa kapayapaan at katiwasayan.” وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلٍّ إِخۡوَٰنًا عَلَىٰ سُرُرٍ مُّتَقَٰبِلِينَ ٤٧At papalisin Namin sa kanilang puso ang anumang bahid ng kapinsalaan (na mayroon sila). Sila ay mahahalintulad sa mga magkakapatid (na buong lugod) na nagtitinginan sa isa’t isa sa matataas na diban لَا يَمَسُّهُمۡ فِيهَا نَصَبٌ وَمَا هُم مِّنۡهَا بِمُخۡرَجِينَ ٤٨walang bahid ng pagkapagal ang sasapit sa kanila, at gayundin naman, kailanman, sila ay hindi pagsasabihan na lumisan doon.” ۞ نَبِّئۡ عِبَادِيٓ أَنِّيٓ أَنَا ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ ٤٩Ipagbadya mo (o Muhammad) sa Aking mga alipin, katotohanang Ako ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain ۞ وَأَنَّ عَذَابِي هُوَ ٱلۡعَذَابُ ٱلۡأَلِيمُ ٥٠At ang Aking pagpaparusa ay katotohanang pinakamatinding parusa وَنَبِّئۡهُمۡ عَن ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ ٥١At isalaysay mo sa kanila ang tungkol sa mga panauhin (mga anghel) ni Abraham إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمًا قَالَ إِنَّا مِنكُمۡ وَجِلُونَ ٥٢Nang sila ay magsituloy sa kanya, at nagsabi: “Salaman” (Sumainyo ang kapayapaan)! Si (Abraham) ay nagsabi: “Tunay na kami ay natatakot sa inyo!” قَالُواْ لَا تَوۡجَلۡ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٍ ٥٣Ang (mga anghel) ay nagsabi: “Huwag kang matakot! Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang batang lalaki (anak) na nagtataglay ng maraming kaalaman at karunungan.” قَالَ أَبَشَّرۡتُمُونِي عَلَىٰٓ أَن مَّسَّنِيَ ٱلۡكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ ٥٤Si (Abraham) ay nagsabi: “Ako ba ay binibigyan ninyo ng magandang balita ng isang anak na lalaki kung ang katandaan ay sumapit na sa akin? Sa anong dahilan kung gayon ang inyong balita?” قَالُواْ بَشَّرۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡقَٰنِطِينَ ٥٥Ang (mga anghel) ay nangusap: “Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng may katotohanan. Kaya’t huwag (kang) maging isa sa mga nawawalan ng pag-asa.” قَالَ وَمَن يَقۡنَطُ مِن رَّحۡمَةِ رَبِّهِۦٓ إِلَّا ٱلضَّآلُّونَ ٥٦Si (Abraham) ay nagsabi: “At sino ang nawawalan ng pag-asa sa Habag ng kanyang Panginoon maliban lamang sa mga napapaligaw (sa tuwid na landas)?” قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ ٥٧Muli si (Abraham) ay nangusap: “Ano baga kung gayon ang inyong sadya kung bakit kayo ay naparito, o mga Tagapagbalita?” قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٍ مُّجۡرِمِينَ ٥٨Ang (mga anghel) ay nagsabi: “Kami ay ipinadala sa isang pamayanan (mga tao) na Mujrimun (mga buhong, buktot, walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, atbp) إِلَّآ ءَالَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمۡ أَجۡمَعِينَ ٥٩(Silang lahat) maliban sa pamilya ni Lut. Kaya’t sila (ang lahat ng pamilya ni Lut), ay tiyak Naming ililigtas (sa pagkawasak) إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَآ إِنَّهَا لَمِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ ٦٠Maliban sa kanyang asawa, na Aming ipinag-utos (itinakda) na mapabilang doon sa mga mananatili sa likuran (alalaong baga, siya ay wawasakin).” فَلَمَّا جَآءَ ءَالَ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلُونَ ٦١Kaya’t nang ang mga Tagapagbalita (mga anghel) ay dumatal sa pamilya ni Lut قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٌ مُّنكَرُونَ ٦٢Siya ay nagsabi: “Katotohanan! Kayo ay mga tao na hindi ko kilala.” قَالُواْ بَلۡ جِئۡنَٰكَ بِمَا كَانُواْ فِيهِ يَمۡتَرُونَ ٦٣Sila ay nagsabi: “Hindi, kami ay naparito sa iyo na may dalang (kaparusahan) na kanilang pinag-aalinlanganan وَأَتَيۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ ٦٤At dinala namin sa iyo ang katotohanan (ang balita nang pagkawasak ng iyong pamayanan), at katiyakan, na kami ay nagsasaysay ng katotohanan فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٍ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَٱتَّبِعۡ أَدۡبَٰرَهُمۡ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٌ وَٱمۡضُواْ حَيۡثُ تُؤۡمَرُونَ ٦٥Kaya’t maglakbay ka na kasama ang iyong pamilya sa ilang bahagi ng gabi, at ikaw ay lumagay sa kanilang likuran, at huwag hayaan ang sinuman sa inyo ay tuminging pabalik (sa likuran), subalit tumungo kayo kung saan kayo ay pinag-utusan.” وَقَضَيۡنَآ إِلَيۡهِ ذَٰلِكَ ٱلۡأَمۡرَ أَنَّ دَابِرَ هَٰٓؤُلَآءِ مَقۡطُوعٌ مُّصۡبِحِينَ ٦٦At ginawa Namin na kanyang (Lut) maalaman ang pag-uutos na ito, na ang ugat ng mga (makasalanan) ay puputulin sa madaling araw وَجَآءَ أَهۡلُ ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡتَبۡشِرُونَ ٦٧At ang mga naninirahan sa lungsod ay nagsilabas na nangagagalak (sa balita ng pagdating ng mga binata) قَالَ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ ضَيۡفِي فَلَا تَفۡضَحُونِ ٦٨Siya (Lut) ay nagsabi: “Katotohanang sila ay aking mga panauhin, kaya’t ako ay huwag ninyong bigyan ng kahihiyan وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ ٦٩At pangambahan ninyo si Allah, at ako ay huwag ninyong alisan ng karangalan (kapurihan).” قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ نَنۡهَكَ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٧٠Sila (ang mga tao ng lungsod) ay nagsabi: “Hindi baga pinagbawalan ka na namin (na ikaw ay mag-asikaso o mangalaga) sa alin man sa A’alamin (mga tao, mga banyaga, mga naiiba, atbp., mula sa amin)?” قَالَ هَٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِيٓ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ ٧١Siya (Lut) ay nagsabi: “Sila (ang kababaihan ng pamayanan) ay aking mga anak na babae (na maaari ninyong pakasalan), kung inyong nais.” لَعَمۡرُكَ إِنَّهُمۡ لَفِي سَكۡرَتِهِمۡ يَعۡمَهُونَ ٧٢Katotohanan, sa pamamagitan ng iyong buhay (O Muhamamd), sila ay nasa malalang pagkalasing, sila ay mga bulag na nagsisipangalat فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُشۡرِقِينَ ٧٣Kaya’t ang (nakatakdang) Sigaw ay dumaklot sa kanila sa oras na sumisikat na ang araw فَجَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةً مِّن سِجِّيلٍ ٧٤At Aming itinaob (ang mga bayan ng Sodom sa Palestina) na pabaligtad at pinaulan Namin sa kanila ang mga bato na yari sa hinurnong putik إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٍ لِّلۡمُتَوَسِّمِينَ ٧٥Katotohanan! Naririto ang mga Tanda sa mga tao na nagmamasid (o nakakaunawa o nakakakuha ng aral sa mga Tanda ni Allah) وَإِنَّهَا لَبِسَبِيلٍ مُّقِيمٍ ٧٦At katotohanan! (Ang mga lungsod na ito) ay nasa tabi lamang ng pangunahing daan (mula sa Makkah hanggang Syria, alalaong baga, ang lugar kung saan naroroon ang Patay na Dagat [Dead Sea) إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةً لِّلۡمُؤۡمِنِينَ ٧٧Katotohanan! Tunay na naririto ang isang Tanda sa mga sumasampalataya وَإِن كَانَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ لَظَٰلِمِينَ ٧٨At ang mga naninirahan sa Kakahuyan (alalaong baga, ang pamayanan ng Midian kung saan si Propeta Shuaib ay isinugo ni Allah), ay isa ring Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buktot, tampalasan, mapaggawa ng kamalian, atbp) فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ وَإِنَّهُمَا لَبِإِمَامٍ مُّبِينٍ ٧٩Kaya’t Kami ay naghiganti sa kanila. Sila ay kapwa nasa maluwag at pangunahing daan na madaling makita وَلَقَدۡ كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡحِجۡرِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ٨٠At katotohanan, ang mga naninirahan sa Al-Hijr (ang mabatong landas) ay nagtakwil sa mga Tagapagbalita وَءَاتَيۡنَٰهُمۡ ءَايَٰتِنَا فَكَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ ٨١At ibinigay Namin sa kanila ang Aming mga Tanda, datapuwa’t sila ay tutol (salungat) dito وَكَانُواْ يَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتًا ءَامِنِينَ ٨٢At sila, noon pa man, ay tumatabtab (sumisibak, o umuukit) ng (kanilang) tahanan sa gilid ng kabundukan (at nag-aakala sa kanilang sarili) na sila ay ligtas فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُصۡبِحِينَ ٨٣Datapuwa’t (ang nakatakdang ) Sigaw ay sumakmal sa kanila sa madaling araw (sa ika-apat na araw ng kanilang nakatakdang kaparusahan) فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ ٨٤At ang lahat ng kanilang kinita ay hindi nakatulong sa kanila وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٌۖ فَٱصۡفَحِ ٱلصَّفۡحَ ٱلۡجَمِيلَ ٨٥At hindi Namin nilikha ang mga kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito maliban sa katotohanan, at ang Oras ay walang pagsalang daratal, kaya’t suklian mo (o Muhammad) ang kanilang kamalian ng maraming pagpapatawad. [Ito ay bago pa ipag-utos ang Jihad (Banal na Digmaan] إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ ٨٦Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Siyang Manlilikha, na Lubos na Nakakaalam وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ سَبۡعًا مِّنَ ٱلۡمَثَانِي وَٱلۡقُرۡءَانَ ٱلۡعَظِيمَ ٨٧At tunay nga, na Aming ipinagkaloob sa iyo ang pitong Al-Mathani (ang pitong talata na laging inuulit [dinadalit], alalaong baga, ang Surat Al-Fatiha [Pambungad na Kabanata] ng Dakilang Qur’an لَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجًا مِّنۡهُمۡ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِلۡمُؤۡمِنِينَ ٨٨Huwag mong pagmasdan ng may paghahangad ang mga bagay na Aming ipinagkaloob sa ilang piling tao sa kanila (ang mga hindi sumasampalataya), gayundin ay huwag kang manimdin sa kanila. At ibaba ang iyong pakpak sa mga sumasampalataya (maging magalang at mapagbigay sa iyong kapwa mananampalataya) وَقُلۡ إِنِّيٓ أَنَا ٱلنَّذِيرُ ٱلۡمُبِينُ ٨٩At ipagbadya: “Ako ay tunay na isang lantad na tagapagbabala.” كَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَى ٱلۡمُقۡتَسِمِينَ ٩٠Sapagkat Aming ipinanaog sa mga magkakabukod (mga paganong Quraish, o mga Hudyo at mga Kristiyano) ٱلَّذِينَ جَعَلُواْ ٱلۡقُرۡءَانَ عِضِينَ ٩١Na gumawa sa Qur’an sa maraming bahagi (alalaong baga, naniniwala sa ilang bahagi nito at hindi naniniwala sa iba) فَوَرَبِّكَ لَنَسۡـَٔلَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ ٩٢Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Panginoon (o Muhammad), katiyakang silang lahat ay Aming tatawagin upang magsulit عَمَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ٩٣Sa lahat nilang ginagawa فَٱصۡدَعۡ بِمَا تُؤۡمَرُ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡمُشۡرِكِينَ ٩٤Kaya’t(iyong) ipagbadyananghayagan(ang Mensaheni Allah, ang Islam), na sa iyo ay ipinag-utos at tumalikod ka sa Al-Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, naniniwala sa mga imahen, walang pananampalataya sa Kaisahan ni Allah, makasalanan, atbp) إِنَّا كَفَيۡنَٰكَ ٱلۡمُسۡتَهۡزِءِينَ ٩٥Katotohanan! Kami ay gagabay sa iyo laban sa mga mapangutya ٱلَّذِينَ يَجۡعَلُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ ٩٦Na nagtuturing ng ibang diyos maliban pa kay Allah, (tunay nga) na mapag-aalaman nila وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّكَ يَضِيقُ صَدۡرُكَ بِمَا يَقُولُونَ ٩٧Katotohanang batid Namin na naninikip ang iyong dibdib dahilan sa kanilang sinasabi فَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ وَكُن مِّنَ ٱلسَّٰجِدِينَ ٩٨Kaya’t iyong ipagbunyi ang mga papuri ng iyong Panginoon at maging isa sa mga nagpapatirapa ng kanilang sarili (sa Kanya) وَٱعۡبُدۡ رَبَّكَ حَتَّىٰ يَأۡتِيَكَ ٱلۡيَقِينُ ٩٩At sambahin mo ang iyong Panginoon hanggang sa sumapit sa iyo ang natatakdaang oras (alalaong baga, ang kamatayan)