ملة الإسلام

السورة 82 · 19 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة الانفطار باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة الانفطار (1,366 قارئاً)
مكيةسورة الانفطار١٩ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنفَطَرَتۡ ١Kung ang kalangitan ay magbitak sa pagkalansag وَإِذَا ٱلۡكَوَاكِبُ ٱنتَثَرَتۡ ٢At kung ang mga bituin (at buntala) ay mahulog at magsipangalat وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ فُجِّرَتۡ ٣At kung ang karagatan ay sumabog sa pag- agos (at matuyuan ng tubig) وَإِذَا ٱلۡقُبُورُ بُعۡثِرَتۡ ٤At kung ang mga libingan ay bumaligtad (upang iluwa ang kanilang laman) عَلِمَتۡ نَفۡسٌ مَّا قَدَّمَتۡ وَأَخَّرَتۡ ٥(Sa gayon), ang bawat tao (kaluluwa) ay makakaalam kung ano ang kanyang ipinadala at (kung ano) ang kanyang iniwan (na masama at mabuti) يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ مَا غَرَّكَ بِرَبِّكَ ٱلۡكَرِيمِ ٦o Tao! Ano ang nagtulak sa iyo upang magwalang bahala sa iyong Panginoon, ang Tigib ng Biyaya ٱلَّذِي خَلَقَكَ فَسَوَّىٰكَ فَعَدَلَكَ ٧Na lumikha sa iyo, at humubog sa iyo ng ganap, at nagbigay sa iyo ng angkop na sukat فِيٓ أَيِّ صُورَةٍ مَّا شَآءَ رَكَّبَكَ ٨Sa anumang anyo na Kanyang naisin, ikaw ay Kanyang inilagay na magkasama (sa katawan, isipan, ispiritwal, atbp) كـَلَّا بَلۡ تُكَذِّبُونَ بِٱلدِّينِ ٩Hindi! Datapuwa’t itinatwa ninyo ang Araw ng Kabayaran (gantimpala sa mabubuting gawa at kaparusahan sa masasamang gawa) وَإِنَّ عَلَيۡكُمۡ لَحَٰفِظِينَ ١٠Datapuwa’t katotohanan na may mga anghel na nangangalaga sa inyo (upang magsulit) كِرَامًا كَٰتِبِينَ ١١Kiraman Katibin, (mabuti at kapuri-puri [sa Paningin ni Allah]), na nagtatala (ng inyong mga gawa) يَعۡلَمُونَ مَا تَفۡعَلُونَ ١٢Batid nila ang (lahat) ninyong ginagawa إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٍ ١٣Katotohanan, ang Abrar (mga matutuwid at matimtimang tao), sasakanila ang Kaligayahan (sa Paraiso) وَإِنَّ ٱلۡفُجَّارَ لَفِي جَحِيمٍ ١٤At katotohanan, ang Fujjar (mga tampalasan, walang pananampalataya, makasalanan at mapaggawa ng kabuktutan), sasakanila ang Naglalagablab na Apoy (ng Impiyerno) يَصۡلَوۡنَهَا يَوۡمَ ٱلدِّينِ ١٥Sila ay magsisipasok dito upang lasapin ang nag-aapoy na ningas sa Araw ng Kabayaran وَمَا هُمۡ عَنۡهَا بِغَآئِبِينَ ١٦At sila (na mga Fujjar) ay hindi mawawala rito (alalaong baga, hindi sila makakatakas sa Impiyerno) وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ ١٧At ano ang makakapaghantong sa iyo upang maalaman kung ano ang Araw ng Kabayaran ثُمَّ مَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ ١٨At muli, ano ang makakapaghantong sa iyo upang maalaman kung ano ang Araw ng Kabayaran يَوۡمَ لَا تَمۡلِكُ نَفۡسٌ لِّنَفۡسٍ شَيۡـًٔاۖ وَٱلۡأَمۡرُ يَوۡمَئِذٍ لِّلَّهِ ١٩(Ito ang) Araw na walang sinumang tao (kaluluwa) ang may anumamg kapangyarihan (upang makagawa) ng kahit na ano sa ibang tao (kaluluwa). At sa Araw na ito, tanging kay Allah lamang ang Lubos na Pag-uutos at Pasya

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.