ملة الإسلام

السورة 23 · 118 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة المؤمنون باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة المؤمنون (1,265 قارئاً)
مكيةسورة المؤمنون١١٨ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

قَدۡ أَفۡلَحَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ١Katiyakang matatagumpay ang mga sumasampalataya ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي صَلَاتِهِمۡ خَٰشِعُونَ ٢Sila na nagsisipag-alay ng kanilang panalangin ng may kataimtiman at ganap na pagpapasakop وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَنِ ٱللَّغۡوِ مُعۡرِضُونَ ٣At sila na lumalayo sa Al-Laghw (marumi, kasinungalingan, masama, walang kabutihang salita, at lahat ng mga ipinagbabawal ni Allah) وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِلزَّكَوٰةِ فَٰعِلُونَ ٤At sila na nagbabayad ng Zakah (katungkulang kawanggawa) وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ ٥At sila na nangangalaga sa kanilang kalinisan (alalaong baga, sa labag na relasyong seksuwal, sa kanilang maseselang bahagi ng katawan) إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ ٦Maliban sa kanilang mga asawa o (mga bihag), na angkin ng kanilang kanang kamay, - sa kanila, sila ay ligtas sa anumang panunumbat فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ ٧Datapuwa’t sinumang maghanap ng higit pa rito, sila ang mga lumalabag sa hangganan ng kautusan وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ ٨Silanamatatapatsamgaipinagkatiwala(inilagak) sakanila at tumutupad sa mga kasunduan وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَوَٰتِهِمۡ يُحَافِظُونَ ٩At sila na mahigpit na nagsasagawa (ng limang takdang) pagdarasal (sa tamang oras) أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡوَٰرِثُونَ ١٠Katotohanang sila ang mga tagapagmana ٱلَّذِينَ يَرِثُونَ ٱلۡفِرۡدَوۡسَ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ ١١Sila ang magmamana ng Firdaus (Paraiso). Mananahan sila rito magpakai-lanman وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن سُلَٰلَةٍ مِّن طِينٍ ١٢At katotohanang nilikha Namin ang tao (Adan) mula sa lagkit ng putik (tubig at lupa) ثُمَّ جَعَلۡنَٰهُ نُطۡفَةً فِي قَرَارٍ مَّكِينٍ ١٣At pagkatapos ay Aming nilikha siya (ang anak ni Adan) bilang isang Nutfah (magkahalong semilya ng lalaki at babae) at (inilagak) sa ligtas na himlayan (sinapupunan ng babae) ثُمَّ خَلَقۡنَا ٱلنُّطۡفَةَ عَلَقَةً فَخَلَقۡنَا ٱلۡعَلَقَةَ مُضۡغَةً فَخَلَقۡنَا ٱلۡمُضۡغَةَ عِظَٰمًا فَكَسَوۡنَا ٱلۡعِظَٰمَ لَحۡمًا ثُمَّ أَنشَأۡنَٰهُ خَلۡقًا ءَاخَرَۚ فَتَبَارَكَ ٱللَّهُ أَحۡسَنُ ٱلۡخَٰلِقِينَ ١٤At pagkatapos ay ginawa Namin ang Nutfah na isang kimpal (isang makapal na piraso ng namuong dugo), at pagkatapos ay ginawa Namin ang kimpal sa isang maliit na tambok ng laman, at pagkatapos ay ginawa Namin mula sa tambok ng laman ang mga buto, at pagkatapos ay binalutan Namin ang mga buto ng laman, at pagkatapos ay Aming iniluwal siya bilang isang anyo ng paglikha. Kaya’t papurihan si Allah, ang Pinakamahusay sa Tagapaglikha ثُمَّ إِنَّكُم بَعۡدَ ذَٰلِكَ لَمَيِّتُونَ ١٥Pagkatapos nito, katiyakang kayo ay mamamatay ثُمَّ إِنَّكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ تُبۡعَثُونَ ١٦At pagkatapos, (muli), katotohanang kayo ay ibabangon sa Araw ng Muling Pagkabuhay وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعَ طَرَآئِقَ وَمَا كُنَّا عَنِ ٱلۡخَلۡقِ غَٰفِلِينَ ١٧At katotohanang nilikha Namin sa itaas ninyo ang pitong kalangitan (sa magkakasunod na patong) at hindi kailanman Kami ay nakakaligta sa paglikha وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءَۢ بِقَدَرٍ فَأَسۡكَنَّٰهُ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَإِنَّا عَلَىٰ ذَهَابِۭ بِهِۦ لَقَٰدِرُونَ ١٨At pinamalisbis Namin mula sa alapaap ang tubig (ulan) sa (ganap) na sukat, at binigyan Namin ito ng hihimlayan sa lupa, at katotohanang magagawa Naming bawiin ito فَأَنشَأۡنَا لَكُم بِهِۦ جَنَّٰتٍ مِّن نَّخِيلٍ وَأَعۡنَٰبٍ لَّكُمۡ فِيهَا فَوَٰكِهُ كَثِيرَةٌ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ ١٩At inihantad Namin sa inyo mula rito ang mga halamanan ng punong palmera (datiles) at mga ubas, na rito ay maraming bungangkahoy para sa inyo, at dito kayo ay kumakain وَشَجَرَةً تَخۡرُجُ مِن طُورِ سَيۡنَآءَ تَنۢبُتُ بِٱلدُّهۡنِ وَصِبۡغٍ لِّلۡأٓكِلِينَ ٢٠At ng puno (oliba) na tumutubo mula sa Bundok ng Sinai, na nagbibigay ng langis, (at ito) ay pampagana sa kumakain وَإِنَّ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَنۡعَٰمِ لَعِبۡرَةًۖ نُّسۡقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهَا وَلَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ كَثِيرَةٌ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ ٢١At katotohanan! Sa mga bakahan (hayupan) ay may tunay na aral sa inyo. Aming binigyan kayo ng inumin (gatas) na nanggagaling sa kanilang tiyan. At marami pa mula sa kanila ang mga kapakinabangan, at sila ay inyong kinakain وَعَلَيۡهَا وَعَلَى ٱلۡفُلۡكِ تُحۡمَلُونَ ٢٢At mula sa kanila, at sa mga barko, kayo ay naglalakbay (o dinadala) وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ ٢٣At katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan, at siya ay nagsabi: “o aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah! wala na kayong ibang Ilah (diyos) malibansa Kanya. Hindibagakayonangangamba(sa Kanya, alalaong baga, sa Kanyang kaparusahan dahilan sa inyong pagsamba sa iba pa maliban sa Kanya)?” فَقَالَ ٱلۡمَلَؤُاْ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ مَا هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٌ مِّثۡلُكُمۡ يُرِيدُ أَن يَتَفَضَّلَ عَلَيۡكُمۡ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَأَنزَلَ مَلَٰٓئِكَةً مَّا سَمِعۡنَا بِهَٰذَا فِيٓ ءَابَآئِنَا ٱلۡأَوَّلِينَ ٢٤Datapuwa’t yaong mga pinuno ng mga hindi sumasampalataya sa lipon ng kanyang mga tao ay nagsabi: “Siya (Noe) ay hindi hihigit pa sa isang tao na katulad ninyo, nagnanais siya na maging mataas (malakas) sa inyo. Kung ninais lamang ni Allah, katiyakang makakapagpanaog Siya ng mga anghel; hindi namin kailanman narinig ang ganitong bagay sa aming mga ninuno.” إِنۡ هُوَ إِلَّا رَجُلُۢ بِهِۦ جِنَّةٌ فَتَرَبَّصُواْ بِهِۦ حَتَّىٰ حِينٍ ٢٥“Siya ay isang tao lamang na kinapitan ng kabaliwan, kaya’t pansamantala kayong maghintay sa kanya.” قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي بِمَا كَذَّبُونِ ٢٦(Si Noe) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay tulungan Ninyo sapagkat ako ay itinatakwil nila.” فَأَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡهِ أَنِ ٱصۡنَعِ ٱلۡفُلۡكَ بِأَعۡيُنِنَا وَوَحۡيِنَا فَإِذَا جَآءَ أَمۡرُنَا وَفَارَ ٱلتَّنُّورُ فَٱسۡلُكۡ فِيهَا مِن كُلٍّ زَوۡجَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِ وَأَهۡلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيۡهِ ٱلۡقَوۡلُ مِنۡهُمۡۖ وَلَا تُخَٰطِبۡنِي فِي ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ إِنَّهُم مُّغۡرَقُونَ ٢٧Kaya’t siya ay binigyan Namin ng inspirasyon (na nagsasabi): “Balangkasin mo ang Barko sa harapan ng Aming mga Mata at sa ilalim ng Aming Rebelasyon (patnubay). Kaya’t nang ang Aming pag-uutos ay dumatal, at ang bangan ay umagos ng tubig, isakay sa barko ang dalawa sa bawat uri (lalaki at babae), at ang iyong pamilya, maliban sa kanila na ang Salita ay binitawan (pinagsabihan na). At huwag kang manikluhod sa Akin para sa kapakanan ng mga nagsigawa ng kamalian. Katotohanang sila ay lulunurin فَإِذَا ٱسۡتَوَيۡتَ أَنتَ وَمَن مَّعَكَ عَلَى ٱلۡفُلۡكِ فَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي نَجَّىٰنَا مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ ٢٨At kung kayo ay nakasakay na sa barko, ikaw at sinumang kasama mo, kayo ay magsabi: “Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah lamang, na nagligtas sa amin sa mga tao na Zalimun (mapang-api, pagano, buktot, atbp) وَقُل رَّبِّ أَنزِلۡنِي مُنزَلًا مُّبَارَكًا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ ٢٩At ipagbadya: “Aking Panginoon! Inyong ipahintulot na kami ay dumaong sa pinagpalang lugar, sapagkat Kayo ang Pinakamahusay sa nagpapadaong.” إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٍ وَإِن كُنَّا لَمُبۡتَلِينَ ٣٠Katotohanan, dito (sa ginawa Naming paglunod sa mga tao ni Noe) ay mayroong tiyak na Ayat (mga katibayan, aral, tanda, atbp. sa mga tao upang makaunawa), katotohanang Kami ay lagi nang nagbibigay ng pagsubok (sa mga tao) ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قَرۡنًا ءَاخَرِينَ ٣١At pagkatapos nila, Kami ay lumikha ng iba pang saling-lahi فَأَرۡسَلۡنَا فِيهِمۡ رَسُولًا مِّنۡهُمۡ أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ ٣٢At nagsugo Kami ng Tagapagbalita mula sa kanilang lipon (na nagsasabi): “Sambahin si Allah! wala na kayong ibang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. Hindi baga kayo nangangamba sa Kanya (alalaong baga, sa Kanyang kaparusahan dahilan sa inyong pagsamba sa iba maliban pa sa Kanya) وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِلِقَآءِ ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَتۡرَفۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا مَا هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٌ مِّثۡلُكُمۡ يَأۡكُلُ مِمَّا تَأۡكُلُونَ مِنۡهُ وَيَشۡرَبُ مِمَّا تَشۡرَبُونَ ٣٣At ang mga pinuno ng kanyang pamayanan na hindi sumasampalataya at nagtatakwil sa Pakikipagtipan sa Kabilang Buhay, at sila na binigyan Namin ng kasaganaan at kaalwanan sa buhay na ito, ay nagsabi: “Siya ay hindi hihigit pa sa pagiging tao na katulad ninyo, siya ay kumakain ng inyong kinakain, at siya ay umiinom ng inyong iniinom.” وَلَئِنۡ أَطَعۡتُم بَشَرًا مِّثۡلَكُمۡ إِنَّكُمۡ إِذًا لَّخَٰسِرُونَ ٣٤“Kung kayo ay susunod sa isang tao na katulad ninyo, kung gayon, katotohanang kayo ay tiyak na mga talunan.” أَيَعِدُكُمۡ أَنَّكُمۡ إِذَا مِتُّمۡ وَكُنتُمۡ تُرَابًا وَعِظَٰمًا أَنَّكُم مُّخۡرَجُونَ ٣٥“Ipinangako ba niya sa inyo na kung kayo ay patay na at maging alabok at mga buto, na kayo ay lalabas nang buhay (sa muling pagbabangon) ۞ هَيۡهَاتَ هَيۡهَاتَ لِمَا تُوعَدُونَ ٣٦Malayo, lubhang malayo ang sa inyo ay ipinangako.” إِنۡ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا نَحۡنُ بِمَبۡعُوثِينَ ٣٧“wala ng iba pa maliban sa ating buhay sa mundong ito! Tayo ay mamamatay at tayo ay nabubuhay! At tayo ay hindi na muling ibabangon!” إِنۡ هُوَ إِلَّا رَجُلٌ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا وَمَا نَحۡنُ لَهُۥ بِمُؤۡمِنِينَ ٣٨“Isa lamang siyang tao na kumatha ng kasinungalingan laban kay Allah, subalit kami ay hindi maniniwala sa kanya.” قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي بِمَا كَذَّبُونِ ٣٩Siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay Inyong tulungan sapagkat ako ay ipinagkaila nila.” قَالَ عَمَّا قَلِيلٍ لَّيُصۡبِحُنَّ نَٰدِمِينَ ٤٠(Si Allah) ay nagwika: “Sa pasumandali lamang, katotohanang sila ay magsisisi.” فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ بِٱلۡحَقِّ فَجَعَلۡنَٰهُمۡ غُثَآءًۚ فَبُعۡدًا لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ ٤١Kaya’t ang As-Saiha (kaparusahan, nakakakilabot na hiyaw) ay sumaklot sa kanila ng may katarungan, at sila ay ginawa Namin na tila basura ng mga patay na halaman. Kaya’t itaboy ang mga tao na Zalimun (buhong, buktot, pagano, atbp) ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قُرُونًا ءَاخَرِينَ ٤٢At pagkatapos, pagkaraan nila, ay lumikha Kami ng ibang saling-lahi مَا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ ٤٣walang bansa (pamayanan) ang makapagpapauna ng kanilang takdang panahon, o makakaantala niyaon ثُمَّ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا تَتۡرَاۖ كُلَّ مَا جَآءَ أُمَّةً رَّسُولُهَا كَذَّبُوهُۖ فَأَتۡبَعۡنَا بَعۡضَهُم بَعۡضًا وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَحَادِيثَۚ فَبُعۡدًا لِّقَوۡمٍ لَّا يُؤۡمِنُونَ ٤٤At pagkatapos ay aming isinugo ang Aming mga Tagapagbalita nang sunod-sunod; sa bawat panahon na may dumatal na Tagapagbalita sa isang pamayanan, sila ay nagtatakwil sa kanya, kaya’t hinayaan Naming sumunod ang bawat isa sa kanila (sa pagkawasak), at Aming ginawa sila bilang Ahadith (kasaysayan sa sangkatauhan upang makaalam ng aral sa kanila). Kaya’t lumayo sa mga tao na hindi nananampalataya ثُمَّ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ وَأَخَاهُ هَٰرُونَ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٍ مُّبِينٍ ٤٥At pagkatapos ay isinugo Namin si Moises at ang kanyang kapatid na si Aaron, na mayroong Ayat (mga talata, tanda, aral, katibayan, atbp.) mula sa Amin, at ng lantad na kapamahalaan إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمًا عَالِينَ ٤٦Kay Paraon at sa kanyang mga punong kawal, datapuwa’t sila ay nagsikilos nang magaspang at sila ay mga tao na mapagpaimbabaw (sa pagsuway sa kanilang Panginoon at ang pagmamataas nila nang labis sa Tagapagbalita at kay Allah) فَقَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ لِبَشَرَيۡنِ مِثۡلِنَا وَقَوۡمُهُمَا لَنَا عَٰبِدُونَ ٤٧Sila ay nagsabi: “Kami baga ay maniniwala sa dalawang tao (lalaki) na katulad namin, ang kanilang mga tao ay sumusunod sa amin ng may kapakumbabaan (at aming ginagamit sila upang paglingkuran kami sa aming kagustuhan).” فَكَذَّبُوهُمَا فَكَانُواْ مِنَ ٱلۡمُهۡلَكِينَ ٤٨Kaya’t kapwa nila itinakwil sila (Moises at Aaron), at sila (mga tao ni Paraon) ay napasama sa mga winasak وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ لَعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ ٤٩At katotohanang ipinagkaloob Namin kay Moises ang Kasulatan, upang sila ay mapatnubayan وَجَعَلۡنَا ٱبۡنَ مَرۡيَمَ وَأُمَّهُۥٓ ءَايَةً وَءَاوَيۡنَٰهُمَآ إِلَىٰ رَبۡوَةٍ ذَاتِ قَرَارٍ وَمَعِينٍ ٥٠At ginawa Namin ang anak ni Maria (si Hesus) at ang kanyang ina bilang isang Tanda, at Aming binigyan sila ng kublihan sa mataas na lupa, bilang lugar ng kapahingahan, katiwasayan, at mga dumadaloy na batis يَٰٓأَيُّهَا ٱلرُّسُلُ كُلُواْ مِنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَٱعۡمَلُواْ صَٰلِحًاۖ إِنِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ عَلِيمٌ ٥١“O (kayong) mga Tagapagbalita! Kumain kayo ng Tayyibat (lahat ng uri ng Halal [legal o pinahihintulutang] pagkain na ginawa ni Allah), at magsigawa ng kabutihan. Katotohanan! Ako ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa وَإِنَّ هَٰذِهِۦٓ أُمَّتُكُمۡ أُمَّةً وَٰحِدَةً وَأَنَا۠ رَبُّكُمۡ فَٱتَّقُونِ ٥٢At katotohanan! Ang relihiyon ninyong ito (ang Islam at Kaisahan ni Allah) ay isang relihiyon, at Ako ang inyong Panginoon, kaya’t panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Akin فَتَقَطَّعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡ زُبُرًاۖ كُلُّ حِزۡبِۭ بِمَا لَدَيۡهِمۡ فَرِحُونَ ٥٣Datapuwa’t sila (mga tao) ay bumuwag (sumira) sa kanilang relihiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang sekta, at ang bawat pangkat ay nagsasaya sa kanilang maling pananampalataya فَذَرۡهُمۡ فِي غَمۡرَتِهِمۡ حَتَّىٰ حِينٍ ٥٤Kaya’t panandaliang hayaan sila sa kanilang kamalian أَيَحۡسَبُونَ أَنَّمَا نُمِدُّهُم بِهِۦ مِن مَّالٍ وَبَنِينَ ٥٥Sila ba ay nag-aakala na Aming pinagpala sila sa kayamanan at mga anak نُسَارِعُ لَهُمۡ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِۚ بَل لَّا يَشۡعُرُونَ ٥٦dagliang ipinagkaloob Namin sa kanila ang magagandang bagay (sa makamundong buhay na ito upang sila ay walang makamtam na mabuting bagay sa Kabilang Buhay)? Hindi, datapuwa’t hindi nila ito napag-aakala إِنَّ ٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ خَشۡيَةِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ ٥٧Katotohanan! Sila na namumuhay ng may pangingimi sa pangangamba sa kanilang Panginoon وَٱلَّذِينَ هُم بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ يُؤۡمِنُونَ ٥٨At sila na naniniwala sa Ayat (mga aral, talata, katibayan, tanda, atbp.) ng kanilang Panginoon وَٱلَّذِينَ هُم بِرَبِّهِمۡ لَا يُشۡرِكُونَ ٥٩At sila na hindi nagtatambal ng anupaman (sa pagsamba) bilang karibal sa kanilang Panginoon وَٱلَّذِينَ يُؤۡتُونَ مَآ ءَاتَواْ وَّقُلُوبُهُمۡ وَجِلَةٌ أَنَّهُمۡ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ رَٰجِعُونَ ٦٠Atsilananagbibigayngkanilangkawanggawa nang taos sa kanilang puso, na puspos ng pangangamba, sapagkat sila ay nakakatiyak nang pagbabalik sa kanilang Panginoon (sa pagsusulit) أُوْلَٰٓئِكَ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِ وَهُمۡ لَهَا سَٰبِقُونَ ٦١Sila ang nag-uunahan sa mabubuting gawa, at sila ang tampok sa kanila (halimbawa, sa pagsasagawa ng palagiang pagdarasal sa takdang oras) وَلَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۚ وَلَدَيۡنَا كِتَٰبٌ يَنطِقُ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ ٦٢At hindi Kami naggagawad (o sumusubok) sa sinumang tao maliban sa maaabot ng kanyang kakayahan, at nasa sa Amin ang isang Talaan na nagsasabi ng katotohanan, at sila ay hindi mapapalungi بَلۡ قُلُوبُهُمۡ فِي غَمۡرَةٍ مِّنۡ هَٰذَا وَلَهُمۡ أَعۡمَٰلٌ مِّن دُونِ ذَٰلِكَ هُمۡ لَهَا عَٰمِلُونَ ٦٣Hindi, datapuwa’t ang kanilang puso ay nababalutan (bulag) sa pag-unawa nito (ang Qur’an), at sila ay may iba pang (masasamang) gawa maliban pa rito, na kanilang ginagawa حَتَّىٰٓ إِذَآ أَخَذۡنَا مُتۡرَفِيهِم بِٱلۡعَذَابِ إِذَا هُمۡ يَجۡـَٔرُونَ ٦٤Hanggang nang saklutin Namin ang iba sa kanila na nagtatamasa ng marangyang buhay, ng Aming kaparusahan, pagmasdan! Sila ay gumagawa ng mapagpakumbabang panalangin sa malakas na tinig لَا تَجۡـَٔرُواْ ٱلۡيَوۡمَۖ إِنَّكُم مِّنَّا لَا تُنصَرُونَ ٦٥Huwag kayong manikluhod sa malakas na tinig sa araw na ito! Katiyakang kayo ay hindi Namin tutulungan (diringgin) قَدۡ كَانَتۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَكُنتُمۡ عَلَىٰٓ أَعۡقَٰبِكُمۡ تَنكِصُونَ ٦٦Katotohanan, ang Aming mga Talata (noon pa man) ay dinadalit na sa inyo, datapuwa’t kayo ay tumatalikod sa inyong sakong (nagtatakwil sa kanila, at may poot na pakinggan sila) مُسۡتَكۡبِرِينَ بِهِۦ سَٰمِرًا تَهۡجُرُونَ ٦٧Sa kapalaluan (sila, ang mga paganong Quraish at mga mapagsamba sa diyus-diyosan sa Makkah na nagmamagaling sapagkat sila ay naninirahan sa santuwaryo ng Makkah - ang Haram), at nangungusap ng kasamaan tungkol dito (ang Qur’an) sa gabi أَفَلَمۡ يَدَّبَّرُواْ ٱلۡقَوۡلَ أَمۡ جَآءَهُم مَّا لَمۡ يَأۡتِ ءَابَآءَهُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٦٨Hindi baga sila namamangha sa Salita (ni Allah, na ipinahayag Niya sa Propeta), o may dumating kaya sa kanila na hindi dumating sa kanilang mga ninuno أَمۡ لَمۡ يَعۡرِفُواْ رَسُولَهُمۡ فَهُمۡ لَهُۥ مُنكِرُونَ ٦٩O ito ba’y sa dahilang hindi nila nakilala ang kanilang Tagapagbalita (na si Muhammad), kaya’t kanilang itinatakwil siya أَمۡ يَقُولُونَ بِهِۦ جِنَّةُۢۚ بَلۡ جَآءَهُم بِٱلۡحَقِّ وَأَكۡثَرُهُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ ٧٠o sila ba ay nagsasabi: “Mayroong kabaliwan sa kanya?” Hindi, datapuwa’t ipinahayag niya sa kanila ang Katotohanan (alalaong baga, ang Tauhid, ang sumamba lamang ng tangi kay Allah, ang manalig sa Qur’an, sa Relihiyon ng Islam), subalit ang karamihan sa kanila ay umaayaw sa katotohanan وَلَوِ ٱتَّبَعَ ٱلۡحَقُّ أَهۡوَآءَهُمۡ لَفَسَدَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهِنَّۚ بَلۡ أَتَيۡنَٰهُم بِذِكۡرِهِمۡ فَهُمۡ عَن ذِكۡرِهِم مُّعۡرِضُونَ ٧١At kung ang Katotohanan ay naging sang- ayon sa kanilang ninanasa, katotohanan, ang kalangitan at kalupaan, at anumang bagay na nasa pagitan nito ay magiging kabulukan (tiwali)! Hindi, ipinarating Namin sa kanila ang kanilang Paala-ala, datapuwa’t nagsitalikod sila sa kanilang Paala-ala أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ خَرۡجًا فَخَرَاجُ رَبِّكَ خَيۡرٌۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ ٧٢o dili kaya, ikaw ba (o Muhammad) ay nanghihingi sa kanila ng ilang bayad? Datapuwa’t ang kabayaran ng iyong Panginoon ay higit na mainam, at Siya ang Pinakamainam sa lahat ng nagkakaloob ng pabuya وَإِنَّكَ لَتَدۡعُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسۡتَقِيمٍ ٧٣At katiyakan na ikaw (o Muhammad) ay nanawagan sa kanila sa Matuwid na Landas (Tunay na Relihiyon – ang Islam at Kaisahan ni Allah) وَإِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ عَنِ ٱلصِّرَٰطِ لَنَٰكِبُونَ ٧٤At katotohanan, ang mga hindi nananampalataya sa Kabilang Buhay ay katiyakang lumilihis sa malayong pagkaligaw sa Landas (Tunay na relihiyon – ang Islam) ۞ وَلَوۡ رَحِمۡنَٰهُمۡ وَكَشَفۡنَا مَا بِهِم مِّن ضُرٍّ لَّلَجُّواْ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ ٧٥At bagama’t Aming iginawad ang Habag sa kanila at Aming hinango sila sa kapighatian na taglay nila, magkagayunman, katotohanang sila ay lantarang nagpapatuloy sa kanilang paglabag (sa utos), na naglilibot ng bulag وَلَقَدۡ أَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡعَذَابِ فَمَا ٱسۡتَكَانُواْ لِرَبِّهِمۡ وَمَا يَتَضَرَّعُونَ ٧٦At katotohanang sila ay sinaklot Namin ng kaparusahan, datapuwa’t sila ay hindi nagpakumbaba sa kanilang Panginoon, gayundin naman ay hindi sila lumuhog (kay Allah) ng may pagsuko sa Kanya حَتَّىٰٓ إِذَا فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابًا ذَا عَذَابٍ شَدِيدٍ إِذَا هُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ ٧٧Hanggang nang Aming buksan sa kanila ang tarangkahan ng matinding kaparusahan, at pagmasdan! Sila ay ilulubog sa pagkawasak ng may matinding pagsisisi, dalamhati at kawalang pag-asa وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلًا مَّا تَشۡكُرُونَ ٧٨Siya (Allah) ang lumikha sa inyo ng (senso ng) pandinig (tainga), paningin (mata), at puso (pang-unawa). Kakarampot na pasasalamat (lamang) ang inyong isinusukli وَهُوَ ٱلَّذِي ذَرَأَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ ٧٩At Siya ang lumikha sa inyo sa kalupaan, at kayo sa Kanya ay muling titipunin وَهُوَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُ وَلَهُ ٱخۡتِلَٰفُ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ ٨٠At Siya ang nagkakaloob ng buhay at Siya rin ang naggagawad ng kamatayan, at sa Kanya (ang kapamahalaan) nang pagsasalisihan ng gabi at araw. Hindi baga kayo nakakaunawa بَلۡ قَالُواْ مِثۡلَ مَا قَالَ ٱلۡأَوَّلُونَ ٨١Hindi, datapuwa’t sila ay nagsasabi ng katulad nang mga sinasabi ng mga tao ng panahong sinauna قَالُوٓاْ أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ ٨٢Sila ay nagsasabi: “Kung kami ba ay patay na at naging alabok at mga buto, katiyakan bang kami ay muling ibabangon?” لَقَدۡ وُعِدۡنَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا هَٰذَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٨٣“Katotohanang ito ang ipinangako sa amin, kami at ng aming mga ninuno na una pa (sa amin). Ito ay isa lamang sa mga kathang isip ng sinaunang panahon!” قُل لِّمَنِ ٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهَآ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ ٨٤Ipagbadya: “Kanino ang kalupaan at anu-ano ang nakapaloob dito? Kung inyong nalalaman?” سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ ٨٥Sila ay magsasabi: “Ito ay kay Allah!” Ipagbadya: “Hindi baga kayo makakaala-ala?” قُلۡ مَن رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلسَّبۡعِ وَرَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ ٨٦Ipagbadya: “Sino ang Panginoon ng pitong kalangitan, at ang Panginoon ng dakilang Luklukan?” سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَتَّقُونَ ٨٧Sila ay magsasabi: “Si Allah”. Ipagbadya: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah (ang manalig sa Kanyang Kaisahan, sundin Siya, maniwala sa Muling Pagkabuhay at Kabayaran sa bawat isa at lahat ng mabuti at masamang gawa)?” قُلۡ مَنۢ بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٍ وَهُوَ يُجِيرُ وَلَا يُجَارُ عَلَيۡهِ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ ٨٨Ipagbadya: “Nasa Kaninong Kamay ang kapamahalaan ng lahat ng bagay (alalaong baga, ang kayamanan ng isa at lahat ng bagay)? At Siya ang nangangalaga sa (lahat), datapuwa’t Siya ay walang tagapangalaga ([laban sa Kanya], alalaong baga, kung gusto Niyang magligtas, walang makakapagparusa o makakapinsala sa kanya, at kung si Allah ay magparusa o puminsala sa sinuman, walang makapagliligtas sa kanya سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ فَأَنَّىٰ تُسۡحَرُونَ ٨٩Sila ay magsasabi: “(Ang lahat) ay nasa pag-aangkin ni Allah.” Ipagbadya: “Paano kayo kung gayon nalinlang at tumalikod sa katotohanan?” بَلۡ أَتَيۡنَٰهُم بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ ٩٠Hindi, datapuwa’t ipinarating Namin sa kanila ang Katotohanan (ang Islam at Kaisahan ni Allah), at katotohanang sila (ang mga hindi sumasampalataya) ay mga sinungaling مَا ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ مِن وَلَدٍ وَمَا كَانَ مَعَهُۥ مِنۡ إِلَٰهٍۚ إِذًا لَّذَهَبَ كُلُّ إِلَٰهِۭ بِمَا خَلَقَ وَلَعَلَا بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٍۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ ٩١walang anak na lalaki (o supling, o mga anak) ang ipinanganak ni Allah, gayundin ay wala ng ibang Ilah (diyos) na kasama Niya; (at kung mayroon mang iba pang diyos), pagmasdan, ang bawat diyos ay kukuha sa anumang kanyang nilikha, at ang iba ay magpipilit na madaig ang iba! Maluwalhati si Allah nang higit sa lahat ng mga itinatambal sa Kanya عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ ٩٢Ang Lubos na Nakakaalam ng mga nalilingid at nakalantad! Higit siyang Mataas sa lahat ng mga itinatambal nila na kasama sa Kanya قُل رَّبِّ إِمَّا تُرِيَنِّي مَا يُوعَدُونَ ٩٣Ipagbadya (O Muhammad): “Aking Panginoon! Kung Inyo sanang ipamamalas sa akin ang bagay na sa kanila ay ibinabanta (kaparusahan) رَبِّ فَلَا تَجۡعَلۡنِي فِي ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ ٩٤“Aking Panginoon! Kaya’t (ako ay iligtas Ninyo sa Inyong kaparusahan), at ako ay huwag Ninyong ibilang sa mga tao na Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, atbp) وَإِنَّا عَلَىٰٓ أَن نُّرِيَكَ مَا نَعِدُهُمۡ لَقَٰدِرُونَ ٩٥At katotohanang magagawa Naming ipamalas sa iyo (o Muhammad) ang bagay na Aming ibinabanta sa kanila ٱدۡفَعۡ بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ ٱلسَّيِّئَةَۚ نَحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَصِفُونَ ٩٦(Na) salansangin ang kasamaan sa bagay na higit na mabuti. Kami ay Ganap na Nakakatalos sa lahat nilang ipinahahayag وَقُل رَّبِّ أَعُوذُ بِكَ مِنۡ هَمَزَٰتِ ٱلشَّيَٰطِينِ ٩٧At ipagbadya: “Aking Panginoon! Ako ay napapakalinga sa Inyo sa mga ibinubulong (inuulot) ng mga demonyo وَأَعُوذُ بِكَ رَبِّ أَن يَحۡضُرُونِ ٩٨At ako ay napapakalinga sa Inyo, aking Panginoon!, baka sila ay gumanyak (o lumapit) sa akin.” حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَحَدَهُمُ ٱلۡمَوۡتُ قَالَ رَبِّ ٱرۡجِعُونِ ٩٩Hanggang (nang) ang kamatayan ay sumapit sa isa sa kanila (sila na nagtatambal ng kapangkat o karibal kay Allah), siya ay nagsasabi: “Aking Panginoon! Ako ay ibalik Ninyong muli لَعَلِّيٓ أَعۡمَلُ صَٰلِحًا فِيمَا تَرَكۡتُۚ كـَلَّآۚ إِنَّهَا كَلِمَةٌ هُوَ قَآئِلُهَاۖ وَمِن وَرَآئِهِم بَرۡزَخٌ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ ١٠٠Upang ako ay makagawa ng kabutihan sa mga bagay na aking naiwan!” Hindi, ito ay isa lamang salita na kanyang ipinangungusap, at sa likuran nila ay may Barzakh (isang hadlang), hanggang sa Araw na sila ay muling ibabangon فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَلَآ أَنسَابَ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَئِذٍ وَلَا يَتَسَآءَلُونَ ١٠١At kung ang Tambuli ay mahipan, walang magiging pagkakamag-anak sa pagitan nila sa Araw na ito, gayundin, sila ay hindi magtatanungan sa isa’t isa فَمَن ثَقُلَتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ ١٠٢At sila na ang timbangan (ng mabuting gawa) ay mabigat, - sila, sila ang matatagumpay وَمَنۡ خَفَّتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فِي جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ ١٠٣At sila na ang timbangan (ng mabuting gawa) ay magaan, - sila yaong ipinatalo nila ang kanilang sarili, - sa Impiyerno sila ay mananatili تَلۡفَحُ وُجُوهَهُمُ ٱلنَّارُ وَهُمۡ فِيهَا كَٰلِحُونَ ١٠٤Ang Apoy ay susunog sa kanilang mukha, at dito sila ay magsisingiti, ng may nakalihis na mga labi (masamang anyo) أَلَمۡ تَكُنۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَكُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ ١٠٥“Hindi baga ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay dinadalit sa inyo, at kayo ay (lagi nang) nagtatakwil dito?” قَالُواْ رَبَّنَا غَلَبَتۡ عَلَيۡنَا شِقۡوَتُنَا وَكُنَّا قَوۡمًا ضَآلِّينَ ١٠٦Sila ay magsasabi: “Aming Panginoon! Ang aming kabuktutan ay nakapanaig sa amin, at kami ay mga palasuway na tao.” رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا مِنۡهَا فَإِنۡ عُدۡنَا فَإِنَّا ظَٰلِمُونَ ١٠٧“Aming Panginoon! Kami ay hanguin Ninyo rito, at kung kami ay sakaling magbalik sa kasamaan, katotohanang kami ay Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, atbp) قَالَ ٱخۡسَـُٔواْ فِيهَا وَلَا تُكَلِّمُونِ ١٠٨Siya (Allah) ay magwiwika: “Manatili kayo riyan sa pagdurusa! At huwag kayong mangusap sa Akin!” إِنَّهُۥ كَانَ فَرِيقٌ مِّنۡ عِبَادِي يَقُولُونَ رَبَّنَآ ءَامَنَّا فَٱغۡفِرۡ لَنَا وَٱرۡحَمۡنَا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّٰحِمِينَ ١٠٩Katotohanan! Mayroong mga pangkat ng Aking mga alipin ang lagi nang nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay sumasampalataya, kaya’t patawarin kami, at gawaran kami ng habag, sapagkat Kayo ang Pinakamainam sa lahat ng nagpapamalas ng Habag!” فَٱتَّخَذۡتُمُوهُمۡ سِخۡرِيًّا حَتَّىٰٓ أَنسَوۡكُمۡ ذِكۡرِي وَكُنتُم مِّنۡهُمۡ تَضۡحَكُونَ ١١٠Datapuwa’t sila ay itinuring ninyo na katatawanan, na naging dahilan upang inyong makalimutan ang Pag-aala-ala sa Akin habang kayo ay nanglilibak sa kanila إِنِّي جَزَيۡتُهُمُ ٱلۡيَوۡمَ بِمَا صَبَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ ١١١Katotohanan! Ako ay nagkaloob sa kanila ng gantimpala sa Araw na ito dahilan sa kanilang pagtitiyaga, katotohanang sila ang matatagumpay قَٰلَ كَمۡ لَبِثۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ عَدَدَ سِنِينَ ١١٢Siya (Allah) ay magwiwika: “Ilang taon ba kayong nanatili sa lupa?” قَالُواْ لَبِثۡنَا يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٍ فَسۡـَٔلِ ٱلۡعَآدِّينَ ١١٣Sila ay magsasabi: “Kami ay nanatili ng isang araw o bahagi ng isang araw. Tanungin ang mga nagtatala.” قَٰلَ إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا قَلِيلًاۖ لَّوۡ أَنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ ١١٤Siya (Allah) ay magwiwika: “Nanatili lamang kayo nang sandali, - kung inyo lamang nalalaman!” أَفَحَسِبۡتُمۡ أَنَّمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ عَبَثًا وَأَنَّكُمۡ إِلَيۡنَا لَا تُرۡجَعُونَ ١١٥“Napag-aakala ba ninyo na Aming nilikha lamang kayo sa paglalaro (na walang layunin), at kayo ay hindi muling magbabalik sa Amin?” فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡحَقُّۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡكَرِيمِ ١١٦Higit na Kataas-taasan si Allah, ang tunay na Hari, La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Panginoon ng Mataas na Luklukan وَمَن يَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ لَا بُرۡهَٰنَ لَهُۥ بِهِۦ فَإِنَّمَا حِسَابُهُۥ عِندَ رَبِّهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ ١١٧At sinuman ang tumawag (o sumamba) sa iba pang diyos maliban kay Allah, na roon siya ay walang katibayan, kung gayon, ang kanyang pagsusulit ay tanging sa kanyang Panginoon lamang. Katotohanan! Ang Al-Kafirun (ang mga hindi sumasampalataya, pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, atbp.) ay hindi magsisipagtagumpay وَقُل رَّبِّ ٱغۡفِرۡ وَٱرۡحَمۡ وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّٰحِمِينَ ١١٨At ipagbadya (o Muhammad): “Aking Panginoon! Magkaloob Kayo ng pagpapatawad at habag! Sapagkat Kayo ang Pinakamainam sa mga nagpapamalas ng habag!”

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.