بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلۡمُرۡسَلَٰتِ عُرۡفًا ١Sa pamamagitan ng hangin (o mga anghel o mga Tagapagbalita ni Allah), na isinugo nang magkakasunod (sa kapakinabangan ng tao) فَٱلۡعَٰصِفَٰتِ عَصۡفًا ٢At sa pamamagitan ng hangin na marahas na umiihip وَٱلنَّٰشِرَٰتِ نَشۡرًا ٣At sa pamamagitan ng hangin na nagsisipangalat ng mga ulap at ulan (na malayo at malawak) فَٱلۡفَٰرِقَٰتِ فَرۡقًا ٤At sa pamamagitan ng mga Talata (ng Qur’an) na nagbubukod (sa wasto at mali) فَٱلۡمُلۡقِيَٰتِ ذِكۡرًا ٥At sa pamamagitan ng mga anghel na nagdadala ng mga kapahayagan sa mga Tagapagbalita عُذۡرًا أَوۡ نُذۡرًا ٦Upang maputol ang lahat ng mga dahilan (at pag-iwas) at upang magbabala إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَٰقِعٌ ٧Katotohanan! Ang ipinangako sa inyo ay walang pagsalang daratal فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتۡ ٨At kung ang mga bituin ay mawalan ng liwanag وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ فُرِجَتۡ ٩At kung ang kalangitan ay mahati (at mapunit) وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ نُسِفَتۡ ١٠At kung ang kabundukan ay malansag ng hangin at maging alabok وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتۡ ١١At kung ang lahat ng mga Tagapagbalita ay tipunin sa takdang oras لِأَيِّ يَوۡمٍ أُجِّلَتۡ ١٢Sa ano bang Araw ang mga Palatandaang ito ay ibinimbin لِيَوۡمِ ٱلۡفَصۡلِ ١٣Sa Araw ng Pagbubukod-bukod (sa mga tao na nakatalaga sa Paraiso at sa mga tao na nakatalaga sa Impiyerno) وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ ١٤Ano nga ba ang magpapaliwanag sa iyo kung ano ang Araw ng Pagbubukod-bukod وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ١٥Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay) أَلَمۡ نُهۡلِكِ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٦Hindi baga Namin winasak ang mga tao nang panahong sinauna (dahilan sa kanilang kasamaan) ثُمَّ نُتۡبِعُهُمُ ٱلۡأٓخِرِينَ ١٧At hahayaan ba Namin na ang mga nahuhuling lahi ay matulad sa kanila كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ ١٨Kaya’t sa ganito Namin pinakikitunguhan ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus- diyosan, kriminal, atbp) وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ١٩Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay) أَلَمۡ نَخۡلُقكُّم مِّن مَّآءٍ مَّهِينٍ ٢٠Hindi baga kayo ay nilikha Namin mula sa katas na walang halaga (walang saysay) فَجَعَلۡنَٰهُ فِي قَرَارٍ مَّكِينٍ ٢١At inilagay Namin ito sa ligtas na sisidlan (ng pagkabuhay sa sinapupunan ng ina) إِلَىٰ قَدَرٍ مَّعۡلُومٍ ٢٢Sa natatakdaang panahon (ng paglaki ayon sa bilang ng buwan ng pagbubuntis) فَقَدَرۡنَا فَنِعۡمَ ٱلۡقَٰدِرُونَ ٢٣At Kami ang nag-ayos ng ganap na sukat. At Kami ang ganap na sakdal sa pagsasaayos (at pagsukat) وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ٢٤Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay) أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ كِفَاتًا ٢٥Hindi baga Namin nilikha ang kalupaan bilang lugar ng pagtitipon (at himlayan) أَحۡيَآءً وَأَمۡوَٰتًا ٢٦Na kapwa para sa (mga) buhay at patay وَجَعَلۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ شَٰمِخَٰتٍ وَأَسۡقَيۡنَٰكُم مَّآءً فُرَاتًا ٢٧At nagtatag dito ng kabundukan na mataas at matibay at naggawad sa inyo (mula sa kalupaan) ng malinamnam na tubig وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ٢٨Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay) ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ ٢٩(Atsakanilanahindisumasampalatayaayipagbabadya): “Magsiparoon kayo (sa kaparusahan) na inyong itinatatwa ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ ظِلٍّ ذِي ثَلَٰثِ شُعَبٍ ٣٠Magsiparoon kayo sa Lilim ( ng tumataas na usok ng Impiyerno) sa tatlong hanay لَّا ظَلِيلٍ وَلَا يُغۡنِي مِنَ ٱللَّهَبِ ٣١(Na hindi makakapagbigay) sa inyo ng lilim ng kaginhawahan, gayundin ng pananggalang sa Naglalagablab na Apoy.” إِنَّهَا تَرۡمِي بِشَرَرٍ كَٱلۡقَصۡرِ ٣٢Katotohanan! Ito (Impiyerno) ay naghahagis ng tilamsik (ng apoy) na (kasinglaki) ng Al Qasr (malaking pintuan o mahabang troso ng palasyo) كَأَنَّهُۥ جِمَٰلَتٌ صُفۡرٌ ٣٣Na wari bang Jimalatun Sufr (pangkat ng kamelyong dilaw na pumapadyak nang mabilis).” وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ٣٤Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay) هَٰذَا يَوۡمُ لَا يَنطِقُونَ ٣٥Ito ang Araw na hindi nila magagawang mangusap وَلَا يُؤۡذَنُ لَهُمۡ فَيَعۡتَذِرُونَ ٣٦At sila ay hindi bibigyan (ng pagkakataon) upang dinggin ang kanilang pagsusumamo وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ٣٧Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay) هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِۖ جَمَعۡنَٰكُمۡ وَٱلۡأَوَّلِينَ ٣٨Ito ang Araw ng Kapasiyahan (sa katarungan)! Kayo ay Aming titipunin nang sama-sama, gayundin ang inyong mga ninuno فَإِن كَانَ لَكُمۡ كَيۡدٌ فَكِيدُونِ ٣٩Ngayon, kung kayo ay may pakana (balak), inyong gamitin ito laban sa Akin وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ٤٠Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay) إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي ظِلَٰلٍ وَعُيُونٍ ٤١At katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid na tao na gumagawa ng lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah at may pangangamba sa Kanya, at umiiwas sa lahat ng mga ipinagbabawal ni Allah), sila ay mananahan sa gitna (ng lamig) ng mga lilim at mga bukal (ng tubig) وَفَوَٰكِهَ مِمَّا يَشۡتَهُونَ ٤٢At mga hitik na bungangkahoy, lahat ng inyong maiibigan كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ٤٣(At sa kanila ay ipagbabadya): “Halina kayo na mapapalad, kayo ay magsikain at uminom bilang kabayaran sa inyong pinagsumikapan (na kabutihan).” إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ ٤٤Katotohanang sa ganito Namin ginagantihan (ng biyaya) ang Muhsinun (mga matutuwid na tao na mapaggawa ng kabutihan) وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ٤٥Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay) كُلُواْ وَتَمَتَّعُواْ قَلِيلًا إِنَّكُم مُّجۡرِمُونَ ٤٦(o kayong hindi sumasampalataya)! Magsikain kayo at magpakaligaya sa inyong sarili sa ilang sandali (sa buhay sa mundong ito). Katotohanang kayo ay Mujrimun (mga makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig, kriminal, atbp) وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ٤٧Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay) وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱرۡكَعُواْ لَا يَرۡكَعُونَ ٤٨At kung sa kanila ay ipinagtuturing: “Magpatirapa kayo (sa pananalangin)!” Sila ay hindi nagpapatirapa (sa pag-aalay ng kanilang mga dasal) وَيۡلٌ يَوۡمَئِذٍ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ٤٩Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay) فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَهُۥ يُؤۡمِنُونَ ٥٠Sa gayon, sa ano pa kayang Pahayag (ang Qur’an), ang kanilang pananampalatayanan pagkaraan nito