بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
ٱلرَّحۡمَٰنُ ١(Si Allah) ang Pinakamahabagin عَلَّمَ ٱلۡقُرۡءَانَ ٢Siya na nagturo (sa inyo O Sangkatauhan) ng Qur’an (sa pamamagitan ng Kanyang Habag) خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ ٣Siya na lumikha sa tao عَلَّمَهُ ٱلۡبَيَانَ ٤Siya na nagturo sa kanya ng maindayog na pananalita ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ بِحُسۡبَانٍ ٥Ang araw at buwan ay tumatakbo (sumusunod) sa kanilang takdang landas (ng buong katumpakan sa oras at sukat) وَٱلنَّجۡمُ وَٱلشَّجَرُ يَسۡجُدَانِ ٦Ang mga bituin at mga punongkahoy ay kapwa nagpapatirapa sa pagpupuri وَٱلسَّمَآءَ رَفَعَهَا وَوَضَعَ ٱلۡمِيزَانَ ٧At ang kalangitan ay Kanyang itinaas nang matayog, at Kanyang itinakda ang Timbangan (ng katarungan) أَلَّا تَطۡغَوۡاْ فِي ٱلۡمِيزَانِ ٨Upang kayo ay hindi magmalabis sa hangganan (at sukat) وَأَقِيمُواْ ٱلۡوَزۡنَ بِٱلۡقِسۡطِ وَلَا تُخۡسِرُواْ ٱلۡمِيزَانَ ٩Kaya’t panatilihin ninyo ang bigat ng may katarungan at huwag ninyong bayaan ang timbangan na magkulang وَٱلۡأَرۡضَ وَضَعَهَا لِلۡأَنَامِ ١٠At Siya ang naglatag ng kalupaan para sa kanyang mga nilikha فِيهَا فَٰكِهَةٌ وَٱلنَّخۡلُ ذَاتُ ٱلۡأَكۡمَامِ ١١Na naririto ang mga bungangkahoy at mga palmera (datiles) na namumunga sa maraming buwig وَٱلۡحَبُّ ذُو ٱلۡعَصۡفِ وَٱلرَّيۡحَانُ ١٢At gayundin ang mais, ang (kanyang) dahon at tangkay ay bilang pagkain ng mga hayop, at mababangong halaman (herba) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ١٣Kaya’t alin sa mga kaloob ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٍ كَٱلۡفَخَّارِ ١٤Nilikha Niya ang tao (Adan) mula sa malambot na putik na tulad (ng gamit) sa palayukan وَخَلَقَ ٱلۡجَآنَّ مِن مَّارِجٍ مِّن نَّارٍ ١٥At nilikha Niya ang mga Jinn mula sa apoy na walang usok فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ١٦Kaya’t alin sa mga kaloob ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ وَرَبُّ ٱلۡمَغۡرِبَيۡنِ ١٧(Siya ang) Panginoon ng dalawang Silangan (ang lugar ng pagsikat ng araw sa panahon ng Tag-init at Taglamig), at Panginoon ng dalawang Kanluran (ang lugar ng paglubog ng araw sa panahon ng Tag-init at Taglamig) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ١٨Kaya’t alin sa mga kaloob ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) مَرَجَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ يَلۡتَقِيَانِ ١٩Hinayaan Niya na maging malaya ang dalawang bahagi ng dagat (ang maalat at matabang na tubig); na huwag magkatagpo بَيۡنَهُمَا بَرۡزَخٌ لَّا يَبۡغِيَانِ ٢٠Na sa pagitan nila ay may isang sagka at sila ay hindi magsasanib (sa isa’t isa) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٢١Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) يَخۡرُجُ مِنۡهُمَا ٱللُّؤۡلُؤُ وَٱلۡمَرۡجَانُ ٢٢Na rito (sa dagat) ay nagmumula ang mga perlas at batong bulaklak فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٢٣Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) وَلَهُ ٱلۡجَوَارِ ٱلۡمُنشَـَٔاتُ فِي ٱلۡبَحۡرِ كَٱلۡأَعۡلَٰمِ ٢٤At nasa Kanyang (pag-aaruga) ang mga barko na naglalayag nang mabilis sa karagatan, na matayog na tulad ng mga bundok فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٢٥Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) كُلُّ مَنۡ عَلَيۡهَا فَانٍ ٢٦Ang lahat ng anupamang nasa kalupaan ay maglalaho وَيَبۡقَىٰ وَجۡهُ رَبِّكَ ذُو ٱلۡجَلَٰلِ وَٱلۡإِكۡرَامِ ٢٧Datapuwa’t mananatili (magpakailanman) ang Mukha ng iyong Panginoon na Tigib ng Kaluwalhatian, Kasaganaan at Karangalan فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٢٨Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) يَسۡـَٔلُهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ كُلَّ يَوۡمٍ هُوَ فِي شَأۡنٍ ٢٩Ang bawat nilalang dito sa kalangitan at kalupaan ay sa Kanya humahanap ng kanilang pangangailangan. At sa araw-araw, Siya ang nagpapatupad (ng pansantinakpang) kapangyarihan (katulad ng pagbibigay ng karangalan sa ilan, kahihiyan sa iba, buhay sa ilan, kamatayan sa iba, atbp) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٣٠Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) سَنَفۡرُغُ لَكُمۡ أَيُّهَ ٱلثَّقَلَانِ ٣١Hindi maglalaon ay Aming igagawad (ang inyong kahihinatnan), o kayong dalawang uri ng nilalang (mga Jinn at Tao) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٣٢Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) يَٰمَعۡشَرَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ إِنِ ٱسۡتَطَعۡتُمۡ أَن تَنفُذُواْ مِنۡ أَقۡطَارِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ فَٱنفُذُواْۚ لَا تَنفُذُونَ إِلَّا بِسُلۡطَٰنٍ ٣٣O kayong kalipunan ng mga Jinn at Tao! Kung kayo ay may kapangyarihan upang sulasugin ang mga hangganan (at lahat ng sulok) ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay inyong sulasugin! Datapuwa’t hindi kayo makakatawid doon malibang Aming (Allah) pahintulutan فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٣٤Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) يُرۡسَلُ عَلَيۡكُمَا شُوَاظٌ مِّن نَّارٍ وَنُحَاسٌ فَلَا تَنتَصِرَانِ ٣٥At sa inyong dalawa (mga Jinn at Tao) ay ipapadala (sa inyong masasama) ang walang usok na lagablab ng apoy (upang tumupok) at ng (lusaw) na tanso, at kayo ay hindi makakapananggalang sa inyong sarili فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٣٦Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) فَإِذَا ٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ وَرۡدَةً كَٱلدِّهَانِ ٣٧At kung ang kalangitan ay mahati sa pagkapunit, at yaon ay maging pula na tila pamahid (na tunaw) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٣٨Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ang inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) فَيَوۡمَئِذٍ لَّا يُسۡـَٔلُ عَن ذَنۢبِهِۦٓ إِنسٌ وَلَا جَآنٌّ ٣٩Sa Araw na yaon, ang Tao maging ang Jinn ay hindi tatanungin sa kanyang kasalanan (sapagkat ito ay natukoy na sa kulay ng kanilang mukha, kung ito ay itim o puti) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٤٠Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (o mga Jinn at Tao) يُعۡرَفُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ بِسِيمَٰهُمۡ فَيُؤۡخَذُ بِٱلنَّوَٰصِي وَٱلۡأَقۡدَامِ ٤١Ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus-diyosan, kriminal, tampalasan, buktot, atbp.) ay makikilala sa kanilang mga tanda (maiitim na mukha), at sila ay sasakmalin sa kanilang nakalawit at natataliang buhok (sa noo) at sa kanilang mga paa فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٤٢Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) هَٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِي يُكَذِّبُ بِهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٤٣Ito ang Impiyerno na itinanggi ng Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus-diyosan, kriminal, tampalasan, buktot, atbp) يَطُوفُونَ بَيۡنَهَا وَبَيۡنَ حَمِيمٍ ءَانٍ ٤٤Sila ay magsisiikot sa pagitan (ng Impiyerno), sa gitna ng mainit at kumukulong tubig فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٤٥Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) وَلِمَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ جَنَّتَانِ ٤٦Datapuwa’tsiya(natunaynasumasampalatayakayAllah at sa Kanyang Kaisahan at sa Islam, na gumagawa ng lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita at umiiwas sa lahat ng masama at mga ipinagbabawal sa Islam), na may pagkatakot (at pangangamba) sa pagtindig sa harapan (ng Luklukan ng Paghuhukom) ng kanyang Panginoon, doon ay magkakaroon ng dalawang Halamanan (Paraiso) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٤٧Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) ذَوَاتَآ أَفۡنَانٍ ٤٨Na may malalabay na mga sanga (ng lahat ng uri ng mga punongkahoy) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٤٩Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) فِيهِمَا عَيۡنَانِ تَجۡرِيَانِ ٥٠At sa pagitan nito (Halamanan) ay mayroong dalawang Batis na malayang dumadaloy فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٥١Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) فِيهِمَا مِن كُلِّ فَٰكِهَةٍ زَوۡجَانِ ٥٢At naroroon ang lahat ng uri ng bungangkahoy sa bawat pares فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٥٣Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ فُرُشِۭ بَطَآئِنُهَا مِنۡ إِسۡتَبۡرَقٍۚ وَجَنَى ٱلۡجَنَّتَيۡنِ دَانٍ ٥٤Sila ay magsisihilig sa mga diban na nababalutan ng binurdahang sutla, at ang mga bungangkahoy ng dalawang Halamanan ay mababa at naaabot ng kamay فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٥٥Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) فِيهِنَّ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ لَمۡ يَطۡمِثۡهُنَّ إِنسٌ قَبۡلَهُمۡ وَلَا جَآنٌّ ٥٦At sasakanila ang (mga dalaga) na walang bahid dungis, na nagpipigil sa kanilang pagsulyap sa kanilang mga asawa, na wala pang sinumang tao o Jinn ang sa kanila ay nakasaling فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٥٧Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) كَأَنَّهُنَّ ٱلۡيَاقُوتُ وَٱلۡمَرۡجَانُ ٥٨(Na ang kagandahan) ay nawawangis sa mga batong rubi at batong bulaklak فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٥٩Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) هَلۡ جَزَآءُ ٱلۡإِحۡسَٰنِ إِلَّا ٱلۡإِحۡسَٰنُ ٦٠Mayroon pa bang ibang ganti ang kabutihan maliban sa kabutihan فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٦١Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) وَمِن دُونِهِمَا جَنَّتَانِ ٦٢At bukod pa sa dalawang (Halamanang ito) ay mayroon pang dalawang Halamanan (alalaong baga, ang Paraiso) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٦٣Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) مُدۡهَآمَّتَانِ ٦٤Na luntiang- luntian ang kanyang kulay (dahilan sa saganang tubig) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٦٥Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) فِيهِمَا عَيۡنَانِ نَضَّاخَتَانِ ٦٦At sa bawat (Halamanan) ay may dalawang batis na sagana at patuloy na umaagos na tubig فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٦٧Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (o mga Jinn at Tao) فِيهِمَا فَٰكِهَةٌ وَنَخۡلٌ وَرُمَّانٌ ٦٨Na naroroon ang mga bungangkahoy, at mga bungang palmera (datiles) at bungang granada (pomegrenates) فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٦٩Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) فِيهِنَّ خَيۡرَٰتٌ حِسَانٌ ٧٠At (sa Halamanan) ay sasakanila ang (mga asawa) na mainam at maganda فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٧١Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) حُورٌ مَّقۡصُورَٰتٌ فِي ٱلۡخِيَامِ ٧٢Mga Houris (magaganda at mapuputing babae na nagpipigil sa kanilang pagsulyap) na nakatahan sa mga bulwagan فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٧٣Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) لَمۡ يَطۡمِثۡهُنَّ إِنسٌ قَبۡلَهُمۡ وَلَا جَآنٌّ ٧٤Na wala pang sinumang tao o Jinn ang sa kanila ay nakasaling فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٧٥Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ رَفۡرَفٍ خُضۡرٍ وَعَبۡقَرِيٍّ حِسَانٍ ٧٦Na nakahilig sa mga luntiang diban at mga karpetang tigib sa kagandahan فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٧٧Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao) تَبَٰرَكَ ٱسۡمُ رَبِّكَ ذِي ٱلۡجَلَٰلِ وَٱلۡإِكۡرَامِ ٧٨Maluwalhati ang Pangalan ng inyong Panginoon (Allah), na Lubos ang Kataasan at Tigib ng Karangalan