ملة الإسلام

السورة 32 · 30 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة السجدة باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة السجدة (1,287 قارئاً)
مكيةسورة السجدة٣٠ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

الٓمٓ ١Alif, Lam, Mim (mga titik A, La, Ma) تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ لَا رَيۡبَ فِيهِ مِن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٢(Naririto ang) kapahayagan ng Aklat (ang Qur’an) na walang alinlangan mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۚ بَلۡ هُوَ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوۡمًا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٍ مِّن قَبۡلِكَ لَعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ ٣o sila ba ay nagsasabi: “Siya (Muhammad) ay kumatha (naggawa-gawa) lamang nito?” Hindi, ito ang Katotohanan mula sa iyong Panginoon upang iyong mapaalalahanan ang mga tao na sa kanila ay walang dumatal na Tagapagbabala nang una sa iyo; upang sila ay tumpak na mapatnubayan ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ مَا لَكُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِيٍّ وَلَا شَفِيعٍۚ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ ٤Si Allah, Siya ang lumikha ng kalangitan at kalupaan at lahat ng mga nasa pagitan nito sa anim na Araw; at in- Istawa (itinindig) Niya ang Kanyang sarili sa Luklukan (ng kapamahalaan ayon sa paraan na naaayon sa Kanyang Kamahalan). Kayo (O sangkatauhan) ay wala ng iba pa maliban sa Kanya bilang isang Wali (Tagapangalaga, Tagapagtanggol, Kawaksi, atbp.) o isang tagapamagitan (sa inyo). Hindi baga kayo tatanggap ng paala-ala يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ثُمَّ يَعۡرُجُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٍ كَانَ مِقۡدَارُهُۥٓ أَلۡفَ سَنَةٍ مِّمَّا تَعُدُّونَ ٥Siya ang namamahala (sa bawat) pangyayari mula sa kalangitan tungo sa kalupaan; at ito (ang pangyayari) ay pumapanhik sa Kanya, sa isang Araw, na ang sukat nito ay katulad ng isang libong taon sa inyong pagbilang (alalaong baga, ang pagbibilang ayon sa ating pangkasalukuyang oras sa mundong ito) ذَٰلِكَ عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ٦Siya (si Allah), ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng bagay, na nakalingid at lantad, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaawain ٱلَّذِيٓ أَحۡسَنَ كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقَهُۥۖ وَبَدَأَ خَلۡقَ ٱلۡإِنسَٰنِ مِن طِينٍ ٧Siya na lumikha ng lahat ng bagay sa pinakamainam na paraan at sinimulan Niya ang paglikha sa tao mula sa putik ثُمَّ جَعَلَ نَسۡلَهُۥ مِن سُلَٰلَةٍ مِّن مَّآءٍ مَّهِينٍ ٨At ginawa Niya ang kanyang (Adan) mga supling mula sa walang katuturang katas (ng semilya ng lalaki at babae) ثُمَّ سَوَّىٰهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِن رُّوحِهِۦۖ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلًا مَّا تَشۡكُرُونَ ٩At Kanyang hinubog siya sa ganap na sukat, at hiningahan Niya ito ng Kanyang espiritu (ang kaluluwa na nilikha ni Allah sa gayong tao), at iginawad Niya sa inyo ang pandinig (tainga), paningin (mata) at pang-unawa (puso). Kakarampot na pasasalamat lamang ang inyong ibinibigay وَقَالُوٓاْ أَءِذَا ضَلَلۡنَا فِي ٱلۡأَرۡضِ أَءِنَّا لَفِي خَلۡقٍ جَدِيدِۭۚ بَلۡ هُم بِلِقَآءِ رَبِّهِمۡ كَٰفِرُونَ ١٠At sila ay nagsasabi: “Ano! Kung kami ay pumanaw, matago at mawala sa kalupaaan, kami baga ay lilikhaing muli?” Hindi, datapuwa’t itinatakwil nila ang Pakikipagtipan sa kanilang Panginoon ۞ قُلۡ يَتَوَفَّىٰكُم مَّلَكُ ٱلۡمَوۡتِ ٱلَّذِي وُكِّلَ بِكُمۡ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ تُرۡجَعُونَ ١١Ipagbadya: “Ang anghel ng kamatayan na nakatalaga sa inyo ay (walang pagsalang) magtatangan ng inyong kaluluwa; at kayo ay muling ibabalik sa inyong Panginoon.” وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلۡمُجۡرِمُونَ نَاكِسُواْ رُءُوسِهِمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ رَبَّنَآ أَبۡصَرۡنَا وَسَمِعۡنَا فَٱرۡجِعۡنَا نَعۡمَلۡ صَٰلِحًا إِنَّا مُوقِنُونَ ١٢At kung inyo lamang mapagmamasdan kung ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananampalataya, kriminal, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) ay magyuyukod ng kanilang ulo sa harapan ng kanilang Panginoon, (na nagsasabi): “Aming Panginoon! Aming napagmasdan at aming napakinggan; kaya’t kami ay muli Ninyong ibalik (sa kalupaan); kami ay magiging matuwid at gagawa ng kabutihan. Katotohanan! Kami ngayon ay sumasampalataya ng walang alinlangan.” وَلَوۡ شِئۡنَا لَأٓتَيۡنَا كُلَّ نَفۡسٍ هُدَىٰهَا وَلَٰكِنۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ مِنِّي لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ ٱلۡجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ ١٣Kung Amin lamang ninais; walang pagsala, na mabibigyan Namin ang bawat kaluluwa ng tamang patnubay; datapuwa’t ang Salita mula sa Akin ay makapangyayari (sa mga mapaggawa ng kasalanan): “Aking pupunuin ang Impiyerno na magkasama ang mga Jinn at mga tao.” فَذُوقُواْ بِمَا نَسِيتُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَآ إِنَّا نَسِينَٰكُمۡۖ وَذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡخُلۡدِ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ١٤“Kaya’t lasapin ninyo ngayon (ang kaparusahan ng Apoy), sapagkat inyong kinalimutan ang inyong Pakikipagtipan sa Araw na ito; at (katotohanang) Kami rin ay makakalimot sa inyo; kaya’t lasapin ninyo ngayon ang walang hanggang kaparusahan dahilan sa inyong kasamaan!” إِنَّمَا يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُواْ بِهَا خَرُّواْۤ سُجَّدًاۤ وَسَبَّحُواْ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَهُمۡ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ ۩ ١٥Sila lamang na mga sumasampalataya sa Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.), sila nga, na kung ito ay dinadalit sa kanila ay nangangayupapa sa pagsamba, at nagpaparangal sa pagluwalhati sa kanilang Panginoon, at hindi sila nagmamataas sa kapalaluan تَتَجَافَىٰ جُنُوبُهُمۡ عَنِ ٱلۡمَضَاجِعِ يَدۡعُونَ رَبَّهُمۡ خَوۡفًا وَطَمَعًا وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ ١٦Iniiwan nila ang kanilang mga higaan, na nananalangin sa pangangamba at pag-asa; at gumugugol sila sa kawanggawa (tungo sa kapakanan ni Allah) mula sa biyaya na Aming ipinagkaloob sa kanila فَلَا تَعۡلَمُ نَفۡسٌ مَّآ أُخۡفِيَ لَهُم مِّن قُرَّةِ أَعۡيُنٍ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ١٧Ngayon, walang sinuman ang nakakaalam sa kaligayahan (ng paningin) na inilingid (bilang panlaan) sa kanila, isang gantimpala sa kanilang (mabubuting) gawa أَفَمَن كَانَ مُؤۡمِنًا كَمَن كَانَ فَاسِقًاۚ لَّا يَسۡتَوُۥنَ ١٨Siya kaya na isang nananampalataya ay katulad niya na isang Fasiq (walang pananampalataya at palasuway kay Allah)? Sila ay hindi magkatulad أَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَلَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلۡمَأۡوَىٰ نُزُلَۢا بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ١٩At sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng katuwiran at kabutihan, sasakanila ang mga Halamanan (Paraiso) bilang maasikasong tahanan dahilan sa kanilang (mabubuting) gawa وَأَمَّا ٱلَّذِينَ فَسَقُواْ فَمَأۡوَىٰهُمُ ٱلنَّارُۖ كُلَّمَآ أَرَادُوٓاْ أَن يَخۡرُجُواْ مِنۡهَآ أُعِيدُواْ فِيهَا وَقِيلَ لَهُمۡ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلنَّارِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ ٢٠At sa kanila na Fasiqun (mga walang pananalig, palasuway kay Allah, buktot, atbp.) ang kanilang tirahan ay Apoy; sa bawat sandaling naisin nila na makalayo rito, sila ay sapilitang ibabalik dito, at sa kanila ay ipagbabadya: “Lasapin ninyo ang kaparusahan ng Apoy, ang bagay na inyong itinatakwil bilang huwad.” وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَدۡنَىٰ دُونَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَكۡبَرِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ ٢١At katotohanang hahayaan Namin na lasapin nila ang magaan na pagpaparusa (alalaong baga, ang kaparusahan sa mundong ito tulad ng mga kalamidad, kapinsalaan, atbp.) bago Namin ibigay ang kasaki-sakit na kaparusahan (sa Kabilang Buhay) upang sila ay (magtika) at magbalik loob (at tumanggap sa Islam) وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ ثُمَّ أَعۡرَضَ عَنۡهَآۚ إِنَّا مِنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُنتَقِمُونَ ٢٢At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian kaysa sa kanya, na kung ang Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) ng kanyang Panginoon ay ipinahahayag, siya ay tumatalilis palayo rito? Katotohanang sa Mujrimun (mga lumalabag sa kautusan, kriminal, walang pananampalataya, buktot, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp.), Aming igagawad sa kanila ang (ganap) na ganti وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَلَا تَكُن فِي مِرۡيَةٍ مِّن لِّقَآئِهِۦۖ وَجَعَلۡنَٰهُ هُدًى لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٢٣Noon pang una, katiyakang Aming ibinigay ang Kasulatan (Torah, ang mga Batas) kay Moises; kaya’t huwag kang (Muhammad) mag-alinlangan na makakatagpo mo siya (alalaong baga, kung iyong makatagpo si Moises sa panahon ng Gabi ng Al-Isra at Al-Miraj sa ibabaw ng kalangitan); at ginawa Namin ito (ang Torah, ang mga Batas) na isang patnubay sa Angkan ng Israel وَجَعَلۡنَا مِنۡهُمۡ أَئِمَّةً يَهۡدُونَ بِأَمۡرِنَا لَمَّا صَبَرُواْۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يُوقِنُونَ ٢٤At Aming hinirang sa karamihan nila (Angkan ng Israel) ang mga Pinuno na nagbibigay sa kanila ng mga patnubay sa ilalim ng Aming Pag-uutos, habang sila ay nagpupunyagi sa pagtitiyaga at patuloy na nananampalataya ng may katiyakan sa Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp) إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفۡصِلُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ ٢٥Katotohanan, ang iyong Panginoon ang hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sa mga bagay na kanilang pinagkahidwaan (sa kanilang mga sarili) أَوَلَمۡ يَهۡدِ لَهُمۡ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ يَمۡشُونَ فِي مَسَٰكِنِهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٍۚ أَفَلَا يَسۡمَعُونَ ٢٦Ito baga ay hindi nagdudulot sa kanila ng aral; kung gaano karaming sali’t saling lahi ang Aming winasak noon, na una pa sa kanila, na ang kanilang mga tirahan ay kanilang dinadaan-daanan? Katotohanang naririto ang mga Tanda; hindi baga sila makikinig أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا نَسُوقُ ٱلۡمَآءَ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ٱلۡجُرُزِ فَنُخۡرِجُ بِهِۦ زَرۡعًا تَأۡكُلُ مِنۡهُ أَنۡعَٰمُهُمۡ وَأَنفُسُهُمۡۚ أَفَلَا يُبۡصِرُونَ ٢٧At hindi baga nila napagmamasdan na Aming itinataboy ang tubig (mga ulap na nagdadala ng ulan) sa tigang na lupa (na hubad sa halaman), at pinatutubo Namin dito ang pananim, na nagsisilbing pagkain sa kanila at sa kanilang hayupan (bakahan)? wala ba silang paningin وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡفَتۡحُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ ٢٨Sila ay nagsasabi: “Hanggang kailan ang Pagpapasyang ito (sa pagitan namin at sa iyo, alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan?” قُلۡ يَوۡمَ ٱلۡفَتۡحِ لَا يَنفَعُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِيمَٰنُهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ ٢٩Ipagbadya: “Sa Araw ng Pagpapasya, ito ay walang kapakinabangan sa mga hindi nananampalataya kahit na sila (sa bandang huli) ay manalig! Sila rin ay hindi bibigyan ng palugit.” فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَٱنتَظِرۡ إِنَّهُم مُّنتَظِرُونَ ٣٠Kaya’t lumayo ka sa kanila (O Muhammad) at maghintay; katotohanang sila (rin) ay naghihintay

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.