ملة الإسلام

السورة 91 · 15 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة الشمس باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة الشمس (1,360 قارئاً)
مكيةسورة الشمس١٥ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

وَٱلشَّمۡسِ وَضُحَىٰهَا ١At sa pamamagitan ng Araw at sa kanyang marilag na liwanag وَٱلۡقَمَرِ إِذَا تَلَىٰهَا ٢At sa pamamagitan ng Buwan kung siya ay sumusubaybay sa kanya (Araw) وَٱلنَّهَارِ إِذَا جَلَّىٰهَا ٣At sa pamamagitan ng Maghapon kung ito ay nagpapamalas ng kasikatan (ng Araw) وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰهَا ٤At sa pamamagitan ng Gabi kung ito ay lumulukob sa kanya (Araw) وَٱلسَّمَآءِ وَمَا بَنَىٰهَا ٥At sa pamamagitan ng Kalangitan (Alapaap) at sa Kanya na lumikha roon وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا طَحَىٰهَا ٦At sa pamamagitan ng Kalupaan at Siya na naglatag dito وَنَفۡسٍ وَمَا سَوَّىٰهَا ٧At sa pamamagitan ng Nafs (si Adan, o tao, o kaluluwa, atbp.), at Siya na lumikha sa kanya nang ganap at angkop na sukat فَأَلۡهَمَهَا فُجُورَهَا وَتَقۡوَىٰهَا ٨At Kanyang ipinamalas (sa inspirasyon) sa kanya kung ano ang tumpak at mali قَدۡ أَفۡلَحَ مَن زَكَّىٰهَا ٩Katotohanang siya na nagpapadalisay ng kanyang sarili ay magtatagumpay (alalaong baga, sumunod at magsagawa ng lahat ng mga ipinag-uutos ni 960 Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa Tunay na Pananalig at paggawa ng mga kabutihan) وَقَدۡ خَابَ مَن دَسَّىٰهَا ١٠At katotohanang siya na nagpapasama sa kanyang sarili ay mabibigo (alalaong baga, pagsuway sa mga ipinag-uutos ni Allah sa pamamagitan ng pagtatakwil sa Tunay na Pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan at paggawa ng mga kasalanan at kabuktutan) كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِطَغۡوَىٰهَآ ١١(Ang pamayanan) ni Thamud ay nagtatwa (sa kanilang Propeta) sa pamamagitan ng kanilang paglabag sa kautusan (pagtatakwil sa Tunay na Pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan at paggawa ng lahat ng uri ng kasalanan) إِذِ ٱنۢبَعَثَ أَشۡقَىٰهَا ١٢Pagmasdan! Ang pinakabuktot na tao sa kanilang lipon ay lumantad (upang patayin ang babaeng kamelyo na siyang ipinadala bilang Tanda ni Allah sa Kanyang Propetang si Salih) فَقَالَ لَهُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ نَاقَةَ ٱللَّهِ وَسُقۡيَٰهَا ١٣Datapuwa’t ang Tagapagbalita ni Allah (Salih) ay nagturing sa kanila: “Maging maingat! Pangambahan ninyo ang masamang kahihinatnan. Iyan ay isang babaeng kamelyo ni Allah! (Siya ay huwag ninyong saktan) at huwag siyang pigilan na uminom!” فَكَذَّبُوهُ فَعَقَرُوهَا فَدَمۡدَمَ عَلَيۡهِمۡ رَبُّهُم بِذَنۢبِهِمۡ فَسَوَّىٰهَا ١٤Datapuwa’t sila ay nagtakwil sa kanya (bilang huwad na propeta), at kanilang binigti ito (ang babaeng kamelyo). Kaya’t ang kanilang Panginoon ay sumumpa sa kanilang mga kasalanan at winasak silang lahat (mayaman, mahirap, mahina, malakas, mga tahanan, atbp) وَلَا يَخَافُ عُقۡبَٰهَا ١٥At Siya (Allah) ay hindi nangangamba sa anumang kahihinatnan nito (o sa susunod na magaganap)

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.