ملة الإسلام

السورة 26 · 227 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة الشعراء باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة الشعراء (1,209 قارئاً)
مكيةسورة الشعراء٢٢٧ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

طسٓمٓ ١Ta, Sin, Mim (mga titik Ta, Sa, Ma) تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ ٢Ito ang mga Talata ng lantad na Aklat (ang Qur’an na ipinangako ni Allah sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, upang ang mga bagay ay maging maliwanag لَعَلَّكَ بَٰخِعٌ نَّفۡسَكَ أَلَّا يَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ ٣Maaaring ikaw (o Muhammad) ay magtangka na pumatay sa iyong sarili ng may kapighatian, sa dahilang sila ay hindi sumampalataya sa iyong pagka-Propeta at sa iyong Mensahe (ng Kaisahan ni Allah at ng Islam) إِن نَّشَأۡ نُنَزِّلۡ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ ءَايَةً فَظَلَّتۡ أَعۡنَٰقُهُمۡ لَهَا خَٰضِعِينَ ٤Kung Aming naisin, ay Aming maipapanaog sa kanila mula sa kalangitan ang isang tanda, at dahil dito, ay iyuyuko nila ang kanilang leeg sa kapakumbabaan وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن ذِكۡرٍ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ مُحۡدَثٍ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهُ مُعۡرِضِينَ ٥Datapuwa’t wala pang bagong kapahayagan mula sa Pinakamapagpala (Allah) ang dumating sa kanila nang hindi nila tinalikuran فَقَدۡ كَذَّبُواْ فَسَيَأۡتِيهِمۡ أَنۢبَٰٓؤُاْ مَا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ ٦Kaya’t katotohanang itinakwil nila (ang Katotohanan, ang Qur’an), at ang balita nang kanilang tinutuya ay sasapit sa kanila أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَمۡ أَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجٍ كَرِيمٍ ٧Hindi baga nila namamasdan ang kalupaan, - kung gaano karami ang lahat ng uri ng mabuting pananim na Aming pinatubo rito إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةًۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ ٨Katotohanang naririto ang Ayah (Katibayan o Tanda), datapuwa’t ang karamihan sa kanila (mga pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, atbp., na hindi nananalig sa Muling Pagkabuhay) ay hindi sumasampalataya وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ٩At katotohanan ang inyong Panginoon! Siya ang tunay na Pinakamakapang-yarihan, ang Pinakamaawain وَإِذۡ نَادَىٰ رَبُّكَ مُوسَىٰٓ أَنِ ٱئۡتِ ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ ١٠At (alalahanin) nang ang iyong Panginoon ay tumawag kay Moises (na nagsa-sabi): “Pumaroon ka sa mga tao na Zalimun (buktot, buhong, pagano, atbp) قَوۡمَ فِرۡعَوۡنَۚ أَلَا يَتَّقُونَ ١١Sa mga tao ni Paraon. Hindi baga nila pangangambahan si Allah at magiging matuwid sa kabutihan?” قَالَ رَبِّ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ ١٢Siya (Moises) ay nagsabi: “Aking Panginoon! Ako ay nangangamba na ako ay kanilang pasisinungalingan وَيَضِيقُ صَدۡرِي وَلَا يَنطَلِقُ لِسَانِي فَأَرۡسِلۡ إِلَىٰ هَٰرُونَ ١٣Ang aking dibdib ay naninikip, at ang aking dila ay naninigas (at hindi makakapangusap), kaya’t suguin ninyo si Aaron (na sumama sa akin) وَلَهُمۡ عَلَيَّ ذَنۢبٌ فَأَخَافُ أَن يَقۡتُلُونِ ١٤“At sila ay may paratang na krimen laban sa akin, at ako ay nangangamba na ako ay kanilang papatayin.” قَالَ كـَلَّاۖ فَٱذۡهَبَا بِـَٔايَٰتِنَآۖ إِنَّا مَعَكُم مُّسۡتَمِعُونَ ١٥Si Allah ay nagwika: “Hindi! Kayo ay kapwa pumaroon doonnamaydalangmgaTanda mulasaAmin. Katotohanang Kami ay nasa sa inyo at nakikinig.” فَأۡتِيَا فِرۡعَوۡنَ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١٦“At kung kayo ay kapwa dumating na kay Paraon, inyong ipahayag: “Kami ay mga Tagapagbalita ng Panginoon ng lahat ng mga nilalang أَنۡ أَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ١٧“Kaya’t hayaan (mong) ang Angkan ng Israel ay sumama sa amin.” قَالَ أَلَمۡ نُرَبِّكَ فِينَا وَلِيدًا وَلَبِثۡتَ فِينَا مِنۡ عُمُرِكَ سِنِينَ ١٨(Si Paraon) ay nagsabi (kay Moises): “Hindi baga ikaw ay pinalaki namin bilang aming anak? At ikaw ay namuhay sa amin sa maraming taon ng iyong buhay وَفَعَلۡتَ فَعۡلَتَكَ ٱلَّتِي فَعَلۡتَ وَأَنتَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ ١٩At ikaw ay gumawa ng isang gawa (na batid mong) ikaw ang may gawa (alalaong baga, ang krimen nang pagpatay sa isang tao). At ikaw ay isa sa mga walang utang na loob.” قَالَ فَعَلۡتُهَآ إِذًا وَأَنَا۠ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ ٢٠Si Moises ay nagsabi: “Nagawa ko yaon nang ako ay wala pang muwang (sa mga pag-uutos at mensahe ng aking Panginoon) فَفَرَرۡتُ مِنكُمۡ لَمَّا خِفۡتُكُمۡ فَوَهَبَ لِي رَبِّي حُكۡمًا وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ٢١“Kaya’t ako ay tumakas sa iyo nang ako ay matakot sa iyo. Datapuwa’t ang aking Panginoon ay nagkaloob sa akin ng Hukman (alalaong baga, ng karunungang pangrelihiyon, kaalaman, tamang paghatol, pagka-Propeta) at Kanyang hinirang ako bilang isa sa mga Tagapagbalita وَتِلۡكَ نِعۡمَةٌ تَمُنُّهَا عَلَيَّ أَنۡ عَبَّدتَّ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٢٢At ito ang nakaraang pabor (utang na loob) na tinutunton mo sa akin, - na iyong inalipin ang Angkan ng Israel.” قَالَ فِرۡعَوۡنُ وَمَا رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٢٣Si Paraon ay nagsabi: “At sino ang Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)?” قَالَ رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ ٢٤Si Moises ay nagpahayag: “(Siya) ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, kung ikaw ay naghahanap ng katiyakan upang mahikayat.” قَالَ لِمَنۡ حَوۡلَهُۥٓ أَلَا تَسۡتَمِعُونَ ٢٥Si Paraon ay nagsabi sa mga naroroon: “Hindi baga ninyo narinig (ang kanyang sinabi) قَالَ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٢٦Si Moises ay nagsabi: “(Siya) ang iyong Panginoon at Panginoon ng iyong mga ninuno!” قَالَ إِنَّ رَسُولَكُمُ ٱلَّذِيٓ أُرۡسِلَ إِلَيۡكُمۡ لَمَجۡنُونٌ ٢٧Si Paraon ay nagsabi: “Katotohanan, ang inyong Tagapagbalita na isinugo sa inyo ay isang nasisiraan ng bait!” قَالَ رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُمۡ تَعۡقِلُونَ ٢٨Si Moises ay nagsabi: “(Siya) ang Panginoon ng Silangan at Kanluran, at lahat ng nasa pagitan nito, kung inyo lamang nauunawaan!” قَالَ لَئِنِ ٱتَّخَذۡتَ إِلَٰهًا غَيۡرِي لَأَجۡعَلَنَّكَ مِنَ ٱلۡمَسۡجُونِينَ ٢٩Si Paraon ay nagsabi: “Kung ikaw ay pipili ng ilah (diyos) na iba pa sa akin, katiyakang ipipiit kita na kasama ng ibang mga bilanggo.” قَالَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكَ بِشَيۡءٍ مُّبِينٍ ٣٠Si Moises ay nagsabi: “Kahit na dalhin ko sa iyo ang isang bagay na maliwanag (at nakakahikayat)?” قَالَ فَأۡتِ بِهِۦٓ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ ٣١Si Paraon ay nagsabi: “Kung gayon, dalhin mo yaon dito, kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan!” فَأَلۡقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعۡبَانٌ مُّبِينٌ ٣٢Kaya’t inihagis (ni Moises) ang kanyang tungkod, at pagmasdan, ito ay isang ahas na naglulumantad وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِيَ بَيۡضَآءُ لِلنَّٰظِرِينَ ٣٣At inilabas niya ang kanyang kamay, at pagmasdan, ito ay naging ganap na kaputian sa mga nakakamasid قَالَ لِلۡمَلَإِ حَوۡلَهُۥٓ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌ عَلِيمٌ ٣٤Si (Paraon) ay nagsabi sa mga pinuno sa paligid niya: “Katotohanan! Ito ay walang pagsala na isang bihasang manggagaway (o salamangkero) يُرِيدُ أَن يُخۡرِجَكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِۦ فَمَاذَا تَأۡمُرُونَ ٣٥Ibig niyang itaboy kayo sa inyong lupain sa pamamagitan ng kanyang pangga-gaway, kaya’t ano ang inyong maipapayo, at ano ang inyong maipag-uutos?” قَالُوٓاْ أَرۡجِهۡ وَأَخَاهُ وَٱبۡعَثۡ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ ٣٦Sila ay nagsabi: “Pigilan mo siya at ang kanyang kapatid (nang pansamantala), at magpadala ka ng mga tagatawag sa mga lungsod يَأۡتُوكَ بِكُلِّ سَحَّارٍ عَلِيمٍ ٣٧Upang dalhin sa iyo ang lahat ng magagaling na manggagaway.” فَجُمِعَ ٱلسَّحَرَةُ لِمِيقَٰتِ يَوۡمٍ مَّعۡلُومٍ ٣٨Kaya’t ang mga manggagaway ay inihanay na lahat sa takdang araw at oras na itinalaga وَقِيلَ لِلنَّاسِ هَلۡ أَنتُم مُّجۡتَمِعُونَ ٣٩At ipinagbadya sa mga tao: “Kayo rin ba ay magsisihanay لَعَلَّنَا نَتَّبِعُ ٱلسَّحَرَةَ إِن كَانُواْ هُمُ ٱلۡغَٰلِبِينَ ٤٠Upang ating masundan ang mga manggagaway (na kapanalig ni Paraon sa kanyang relihiyon ng kawalang paniniwala), kung sila ay magtatagumpay.” فَلَمَّا جَآءَ ٱلسَّحَرَةُ قَالُواْ لِفِرۡعَوۡنَ أَئِنَّ لَنَا لَأَجۡرًا إِن كُنَّا نَحۡنُ ٱلۡغَٰلِبِينَ ٤١Kaya’t nang ang mga manggaway ay dumating, sila ay nagsabi kay Paraon: “Mayroon bang tiyak na gantimpala na aming tatamuhin kung kami ay manalo?” قَالَ نَعَمۡ وَإِنَّكُمۡ إِذًا لَّمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ ٤٢Siya ay nagsabi: “oo, at kayo ay katiyakan na mapapabilang sa mga malalapit (sa akin).” قَالَ لَهُم مُّوسَىٰٓ أَلۡقُواْ مَآ أَنتُم مُّلۡقُونَ ٤٣Si Moises ay nagsabi sa kanila: “Ihagis ninyo kung ano ang gusto ninyong ihagis!” فَأَلۡقَوۡاْ حِبَالَهُمۡ وَعِصِيَّهُمۡ وَقَالُواْ بِعِزَّةِ فِرۡعَوۡنَ إِنَّا لَنَحۡنُ ٱلۡغَٰلِبُونَ ٤٤Kaya’t inihagis nila ang kanilang mga lubid at kanilang mga tungkod, at nagsabi: “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Paraon, kami ang siyang tunay na magtatagumpay!” فَأَلۡقَىٰ مُوسَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ تَلۡقَفُ مَا يَأۡفِكُونَ ٤٥Nang magkagayon, ay inihagis ni Moises ang kanyang tungkod, at pagmasdan, nilagom nitong lahat ang mga kabulaanan na kanilang ipinamalas فَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سَٰجِدِينَ ٤٦At ang mga manggagaway ay lumugmok na nagpapatirapa قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٤٧Na nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang) رَبِّ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ ٤٨Ang Panginoon ni Moises at Aaron.” قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَ فَلَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَۚ لَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٍ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ أَجۡمَعِينَ ٤٩Si (Paraon) ay nagsabi: “Kayo ay naniwala na sa kanya bago ko pa kayo bigyan ng pahintulot. Katotohanang siya ay inyong pinuno, na nagturo sa inyo ng salamangka! Kaya’t katotohanang mapag-aalaman ninyo. Katotohanang aking puputulin ang inyong mga kamay at paa sa magkabilang panig, at kayong lahat ay aking pahihirapan (ititirik sa krus).” قَالُواْ لَا ضَيۡرَۖ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا مُنقَلِبُونَ ٥٠Sila ay nagsabi: “walang kapinsalaan! Katotohanang sa aming Panginoon (Allah), kaming lahat ay magbabalik إِنَّا نَطۡمَعُ أَن يَغۡفِرَ لَنَا رَبُّنَا خَطَٰيَٰنَآ أَن كُنَّآ أَوَّلَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٥١Katotohanan! Kami ay lubusang umaasa na ang aming Panginoon ay magpapatawad ng aming mga kasalanan, sapagkat kami ang una sa mga sumasampalataya (sa pagka-Propeta ni Moises at sa ipinahayag sa kanya ni Allah).” ۞ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَسۡرِ بِعِبَادِيٓ إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ ٥٢At binigyang inspirasyon Namin si Moises na nagsasabi: “Kaunin mo ang Aking mga alipin sa gabi, katotohanang kayo ay tutugisin.” فَأَرۡسَلَ فِرۡعَوۡنُ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ ٥٣Nang magkagayon, si Paraon ay nagpadala ng mga tagatawag sa mga lungsod إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَشِرۡذِمَةٌ قَلِيلُونَ ٥٤(Na nagsasabi): “Katotohanang sila ay isa lamang maliit na lipon وَإِنَّهُمۡ لَنَا لَغَآئِظُونَ ٥٥At katotohanang sila ay gumawa ng bagay na nakapagbigay poot sa atin وَإِنَّا لَجَمِيعٌ حَٰذِرُونَ ٥٦Datapuwa’t tayo ay mga nananahan dito na nakahanda at ganap na napasa-bihan.” فَأَخۡرَجۡنَٰهُم مِّن جَنَّٰتٍ وَعُيُونٍ ٥٧Kaya’t Aming itinaboy sila mula sa mga halamanan at dalisdis وَكُنُوزٍ وَمَقَامٍ كَرِيمٍ ٥٨Sa mga kayamanan at sa lahat ng uri ng marangal na lugar كَذَٰلِكَۖ وَأَوۡرَثۡنَٰهَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٥٩Kaya’t (itinaboy Namin ang mga tao ni Paraon) at hinayaan Namin ang Angkan ng Israel ang humalili (o magmana) sa kanila فَأَتۡبَعُوهُم مُّشۡرِقِينَ ٦٠Kaya’t kanilang tinugis sila sa sandali nang pagsikat ng araw فَلَمَّا تَرَٰٓءَا ٱلۡجَمۡعَانِ قَالَ أَصۡحَٰبُ مُوسَىٰٓ إِنَّا لَمُدۡرَكُونَ ٦١At nang ang dalawang pangkat ay magtagpo sa isa’t isa, ang pamayanan ni Moises ay nagsabi: “Katiyakang tayo ay kanilang malulupig.” قَالَ كـَلَّآۖ إِنَّ مَعِيَ رَبِّي سَيَهۡدِينِ ٦٢Si (Moises) ay sumagot: “Hindi, katotohanan! Nasa panig ko ang aking Panginoon, ako ay Kanyang papatnubayan.” فَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنِ ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡبَحۡرَۖ فَٱنفَلَقَ فَكَانَ كُلُّ فِرۡقٍ كَٱلطَّوۡدِ ٱلۡعَظِيمِ ٦٣At binigyang inspirasyon Namin si Moises (at sa kanya ay winika): “Hampasin mo ng iyong tungkod ang dagat.” At ito ay nahati, at ang bawat gilid ng (tubig-dagat) ay naging malaki at matibay na anyo ng bundok وَأَزۡلَفۡنَا ثَمَّ ٱلۡأٓخَرِينَ ٦٤At makaraaan, hinayaan Naming ang mga iba (sa pangkat ni Paraon) ay sumapit sa lugar na yaon وَأَنجَيۡنَا مُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ ٦٥At iniligtas Namin si Moises at ang lahat ng kasama niya ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ ٦٦At Aming nilunod ang mga iba (ang pangkat ni Paraon) إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةًۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ ٦٧Katotohanan! Katiyakang naririto ang isang Tanda (o isang Katibayan), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ٦٨At katotohanan, ang iyong Panginoon! Siya lamang ang tunay na Pinakama- kapangyarihan, ang Pinakamaawain وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ إِبۡرَٰهِيمَ ٦٩At isalaysay mo sa kanila ang kasaysayan ni Abraham إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَا تَعۡبُدُونَ ٧٠Nang sabihin niya sa kanyang ama at sa kanyang mga tao: “Ano baga ang inyong sinasamba?” قَالُواْ نَعۡبُدُ أَصۡنَامًا فَنَظَلُّ لَهَا عَٰكِفِينَ ٧١Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasamba sa mga imahen, at sa kanila kami ay lagi nang matimtiman.” قَالَ هَلۡ يَسۡمَعُونَكُمۡ إِذۡ تَدۡعُونَ ٧٢Siya (Abraham) ay nagsabi: “Kayo ba ay naririnig nila, kung kayo ay tumatawag (sa kanila) أَوۡ يَنفَعُونَكُمۡ أَوۡ يَضُرُّونَ ٧٣o sila ba ay nagbibigay ng kapakinabangan sa inyo o pinipinsala nila (kayo)?” قَالُواْ بَلۡ وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا كَذَٰلِكَ يَفۡعَلُونَ ٧٤Sila ay nagsabi: “Hindi, nguni’t nakagisnan na namin ang aming mga ninuno na gumagawa ng ganito.” قَالَ أَفَرَءَيۡتُم مَّا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ ٧٥Siya(Abraham) aynagsabi:“Nagmamasidbakayosamga bagay na inyong sinasamba?” أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُمُ ٱلۡأَقۡدَمُونَ ٧٦“Kayo, at ang inyong mga ninuno noon pa sa panahong sinauna?” فَإِنَّهُمۡ عَدُوٌّ لِّيٓ إِلَّا رَبَّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٧٧Katotohanan! Sila ay aking mga kaaway, maliban sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang) ٱلَّذِي خَلَقَنِي فَهُوَ يَهۡدِينِ ٧٨Na lumikha sa akin, at Siya na Tanging namamatnubay sa akin وَٱلَّذِي هُوَ يُطۡعِمُنِي وَيَسۡقِينِ ٧٩At Siya ang nagpapakain at nagbibigay sa akin ng inumin وَإِذَا مَرِضۡتُ فَهُوَ يَشۡفِينِ ٨٠At kung ako ay maysakit, Siya ang nagbibigay lunas sa akin وَٱلَّذِي يُمِيتُنِي ثُمَّ يُحۡيِينِ ٨١At Siya ang maggagawad sa akin ng kamatayan, at Siya rin ang magbabangon sa akin sa (muling) pagkabuhay وَٱلَّذِيٓ أَطۡمَعُ أَن يَغۡفِرَ لِي خَطِيٓـَٔتِي يَوۡمَ ٱلدِّينِ ٨٢At sa Kanya, ako ay nanalig na (Siya ay) magpapatawad ng aking mga kamalian sa Araw ng Kabayaran, (ang Araw ng Muling Pagkabuhay) رَبِّ هَبۡ لِي حُكۡمًا وَأَلۡحِقۡنِي بِٱلصَّٰلِحِينَ ٨٣Aking Panginoon! Inyong gawaran ako ng Hukman (alalaong baga, karunungang pangrelihiyon, kaalaman, pagka-Propeta), at ako ay Inyong ibilang sa mga matutuwid وَٱجۡعَل لِّي لِسَانَ صِدۡقٍ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ ٨٤At Inyongpagkaloobanakongkarangal-rangalnabanggit sa mga darating na sali’t saling lahi وَٱجۡعَلۡنِي مِن وَرَثَةِ جَنَّةِ ٱلنَّعِيمِ ٨٥At Inyong gawin ako na isa sa mga tagapagmana ng Paraiso ng Kasiyahan وَٱغۡفِرۡ لِأَبِيٓ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ ٨٦At patawarin Ninyo ang aking ama, katotohanang siya ay isa sa mga nalilihis (ng landas) وَلَا تُخۡزِنِي يَوۡمَ يُبۡعَثُونَ ٨٧At ako ay huwag Ninyong alisan ng biyaya sa Araw (na ang lahat ng mga nilikha) ay muling ibabangon (sa pagkabuhay) يَوۡمَ لَا يَنفَعُ مَالٌ وَلَا بَنُونَ ٨٨Sa Araw na ang kayamanan o maging mga anak (na lalaki) ay hindi makaka-panaig إِلَّا مَنۡ أَتَى ٱللَّهَ بِقَلۡبٍ سَلِيمٍ ٨٩Maliban sa kanya na magdadala kay Allah ng isang malinis na puso (malinis sa pagsamba sa mga diyus-diyosan [shirk] at kapaimbabawan [Nifaq]).” وَأُزۡلِفَتِ ٱلۡجَنَّةُ لِلۡمُتَّقِينَ ٩٠At ang Paraiso ay itatambad nang malapit sa Muttaqun (mga mabubuti, banal at matutuwid na tao na higit na nangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal, at labis na nagmamahal kay Allah sa pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos) وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِلۡغَاوِينَ ٩١At ang Apoy (Impiyerno) ay ilalantad nang ganap sa paningin ng mga makasalanan وَقِيلَ لَهُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ ٩٢At sa kanila ay ipagbabadya:“Nasaansila(mgadiyus-diyosannaitinatambal nila bilang karibal ni Allah) na lagi ninyong sinasamba مِن دُونِ ٱللَّهِ هَلۡ يَنصُرُونَكُمۡ أَوۡ يَنتَصِرُونَ ٩٣Maliban pa kay Allah? Sila ba ay makakapagbigay ng tulong sa inyo (o di kaya) ay matutulungan nila ang kanilang sarili?” فَكُبۡكِبُواْ فِيهَا هُمۡ وَٱلۡغَاوُۥنَ ٩٤(Kung magkagayon), sila ay ihahagis (sa Apoy) na una ang kanilang mukha, sila at ang Ghawun (mga demonyo at lahat ng mga nasa kamalian) وَجُنُودُ إِبۡلِيسَ أَجۡمَعُونَ ٩٥At ang buong lipon ni Iblis (Satanas) nang sama-sama قَالُواْ وَهُمۡ فِيهَا يَخۡتَصِمُونَ ٩٦Sila ay magsasabi habang sila ay nagtatalo (at nagsisisihan) doon تَٱللَّهِ إِن كُنَّا لَفِي ضَلَٰلٍ مُّبِينٍ ٩٧Sa (Ngalan) ni Allah, katiyakang tayo ay nasa maliwanag na kamalian إِذۡ نُسَوِّيكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٩٨Nang aming itinuring kayo (mga huwad na diyos) bilang kapantay (sa pagsamba) sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang) وَمَآ أَضَلَّنَآ إِلَّا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٩٩At wala ng iba pa ang naghatid sa amin sa kamalian kung hindi ang Mujrimun (si Iblis [Satanas] at mga tao na buhong, pagano, buktot, mapang-api, atbp فَمَا لَنَا مِن شَٰفِعِينَ ١٠٠Ngayon, kami ay walang mga tagapamagitan وَلَا صَدِيقٍ حَمِيمٍ ١٠١Gayundin ng isang malapit na kaibigan (upang kami ay tulungan) فَلَوۡ أَنَّ لَنَا كَرَّةً فَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ١٠٢(oh!) Kung kami ay mayroon lamang na isa pang pagkakataon na makabalik (sa kalupaan), katiyakang kami ay mapapabilang sa mga sumasampalataya إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةًۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ ١٠٣Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ١٠٤At katotohanan, ang iyong Panginoon! Siya ang tunay na Pinakamakapangya-rihan, ang Pinakamaawain كَذَّبَتۡ قَوۡمُ نُوحٍ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ١٠٥Ang mga tao (pamayanan) ni Noe ay nagpasinungaling sa mga Tagapagbalita إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ نُوحٌ أَلَا تَتَّقُونَ ١٠٦Nang ang kanilang kapatid na si Noe ay nangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٌ ١٠٧Ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ ١٠٨Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١٠٩walang anumang gantimpala ang hinihingi ko sa inyo para rito (sa aking pagbibigay ng Mensahe ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang) فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ ١١٠Kaya’t panatilihin ninyo ang inyong tungkulin kay Allah, pangambahan Siya at ako ay inyong sundin.” ۞ قَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ لَكَ وَٱتَّبَعَكَ ٱلۡأَرۡذَلُونَ ١١١Sila ay nagsasabi: “Kami ba ay mananampalataya sa iyo, kung ang mga sumusunod lamang sa iyo ay pawang mga hamak (walang sinasabi sa lipunan)?” قَالَ وَمَا عِلۡمِي بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ١١٢Siya (Noe) ay nagsabi: “At ano ba ang aking kaalaman, kung anuman ang kanilang ginagawa إِنۡ حِسَابُهُمۡ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّيۖ لَوۡ تَشۡعُرُونَ ١١٣Ang talaan (ng kanilang gawa) ay tanging nasa aking Panginoon, kung inyo (lamang) nalalaman وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ١١٤At hindi ko gagawin na itaboy ang mga sumasampalataya إِنۡ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٌ مُّبِينٌ ١١٥Ako ay isa lamang lantad na tagapagbabala.” قَالُواْ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ يَٰنُوحُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمَرۡجُومِينَ ١١٦Sila ay nagsasabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Noe! Katiyakang ikaw ay mapapabilang sa mga babatuhin (hanggang kamatayan).” قَالَ رَبِّ إِنَّ قَوۡمِي كَذَّبُونِ ١١٧Siya (Noe) ay nagsabi: “Aking Panginoon! Katotohanan, ang aking pamayanan ay nagpasinungaling sa akin فَٱفۡتَحۡ بَيۡنِي وَبَيۡنَهُمۡ فَتۡحًا وَنَجِّنِي وَمَن مَّعِيَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ١١٨Kaya’t Kayo ang humatol sa pagitan ko at nila, at Inyong iligtas ako at ang mga sumasampalataya na kapiling ko.” فَأَنجَيۡنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ ١١٩At Aming iniligtas siya at ang kanyang mga kasama sa nalululanang barko ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا بَعۡدُ ٱلۡبَاقِينَ ١٢٠At Aming nilunod ang mga naiwan (mga hindi sumasampalataya) matapos ang pagliligtas sa Al-Baqin (kay Noe at sa kanyang mga kasama na sumasampalataya) إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةًۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ ١٢١Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ١٢٢At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain كَذَّبَتۡ عَادٌ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ١٢٣(Ang mga tao) ni A’ad ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ هُودٌ أَلَا تَتَّقُونَ ١٢٤Nang ang kanilang kapatid na si Hud ay mangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٌ ١٢٥Katotohanang ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ ١٢٦Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١٢٧walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang) أَتَبۡنُونَ بِكُلِّ رِيعٍ ءَايَةً تَعۡبَثُونَ ١٢٨Kayo ba ay nagtatayo ng mga matataas na palasyo sa bawat mataas na burol, bagama’t kayo ay hindi nananahan doon وَتَتَّخِذُونَ مَصَانِعَ لَعَلَّكُمۡ تَخۡلُدُونَ ١٢٩At nag-aangkin ba kayo sa inyong sarili ng mga palasyo (maiinam na mga gusali), na wari bang maninirahan kayo roon sa panghabang panahon وَإِذَا بَطَشۡتُم بَطَشۡتُمۡ جَبَّارِينَ ١٣٠At kung kayo ay manaklot, kayo ay nananaklot bilang mga (pinunong) malulupit فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ ١٣١Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِيٓ أَمَدَّكُم بِمَا تَعۡلَمُونَ ١٣٢At panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya, pangambahan Siya na nagkaloob sa inyo ng lahat (ng magagandang bagay) na inyong nalalaman أَمَدَّكُم بِأَنۡعَٰمٍ وَبَنِينَ ١٣٣Kayo ay pinagkalooban Niya ng hayupan (bakahan) at mgaanak وَجَنَّٰتٍ وَعُيُونٍ ١٣٤Atmgahalamananatdalisdis إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٍ ١٣٥Katotohanan, aking pinangangambahan para sa inyo ang kaparusahan ng dakilang Araw.” قَالُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡنَآ أَوَعَظۡتَ أَمۡ لَمۡ تَكُن مِّنَ ٱلۡوَٰعِظِينَ ١٣٦Sila ay nagsabi: “walang pagkakaiba sa amin kung ikaw ay mangaral o hindi ka kabilang sa mga nangangaral إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا خُلُقُ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٣٧Ito ay wala ng iba maliban sa mga kaugalian at paniniwala noong panahong sinauna وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ ١٣٨At kami ay hindi mapaparusahan.” فَكَذَّبُوهُ فَأَهۡلَكۡنَٰهُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةًۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ ١٣٩Kaya’t siya ay pinabulaanan nila, at Aming winasak sila. Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ١٤٠At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapang-yarihan, ang Pinakamaawain كَذَّبَتۡ ثَمُودُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ١٤١(Ang mga tao) ni Thamud ay nagpabulaan sa Tagapagbalita إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ صَٰلِحٌ أَلَا تَتَّقُونَ ١٤٢Nang ang kanilang kapatid na si Salih ay nagbadya sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allahatsusundin Siya إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٌ ١٤٣Akoayisangmapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ ١٤٤Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١٤٥walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang) أَتُتۡرَكُونَ فِي مَا هَٰهُنَآ ءَامِنِينَ ١٤٦Kayo baga ay maiiwan nang ligtas sa lugar na kinaroroonan ng inyong mga pag-aari فِي جَنَّٰتٍ وَعُيُونٍ ١٤٧Sa mga halamanan at dalisdis وَزُرُوعٍ وَنَخۡلٍ طَلۡعُهَا هَضِيمٌ ١٤٨At sa mga bukirin ng mais at palmera (datiles) na may malalambot na sungot (o talulot, Eng. spadix) وَتَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتًا فَٰرِهِينَ ١٤٩At kayo ay umuukit ng mga tahanan sa gilid ng kabundukan na may natatanging kaalaman فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ ١٥٠Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin وَلَا تُطِيعُوٓاْ أَمۡرَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ ١٥١At huwag ninyong sundin ang pag-uutos ng Almusrifun (alalaong baga, ang kanilang mga pinuno na buktot, pagano, kriminal, atbp) ٱلَّذِينَ يُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا يُصۡلِحُونَ ١٥٢Na gumagawa ng mga katampalasanan sa kalupaan at tumatangging magbagong buhay.” قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِينَ ١٥٣Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isa lamang sa mga inalihan ng demonyo مَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٌ مِّثۡلُنَا فَأۡتِ بِـَٔايَةٍ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ ١٥٤Ikaw ay isa lamang tao na katulad namin. Kaya’t dalhin mo sa amin ang isang Tanda kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan.” قَالَ هَٰذِهِۦ نَاقَةٌ لَّهَا شِرۡبٌ وَلَكُمۡ شِرۡبُ يَوۡمٍ مَّعۡلُومٍ ١٥٥Siya (Salih) ay nagsabi: “Naririto ang isang babaeng kamelyo; siya ay mayroong karapatan na uminom (ng tubig), at kayo ay mayroong karapatan na uminom (ng tubig), sa maraming beses, sa araw na itinalaga وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٍ فَيَأۡخُذَكُمۡ عَذَابُ يَوۡمٍ عَظِيمٍ ١٥٦At huwag ninyong hipuin siya ng may pinsala, baka ang kaparusahan ng dakilang Araw ay sumaklot sa inyo.” فَعَقَرُوهَا فَأَصۡبَحُواْ نَٰدِمِينَ ١٥٧Datapuwa’t kanilang pinatay siya (babaeng kamelyo), at pagkaraan sila ay nagsisi فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةًۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ ١٥٨Kaya’t ang kaparusahan ay sumaklot sa kanila. Katotohanang naririto ang isang tunay na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ١٥٩At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ١٦٠Ang mga tao ni Lut (yaong mga nagsipanahan sa mga bayan ng Sodom at Palestina) ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ لُوطٌ أَلَا تَتَّقُونَ ١٦١Nang ang kanilang kapatid na si Lut ay nagsabi sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٌ ١٦٢Katotohanang ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ ١٦٣Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١٦٤wala akong hinihinging gantimpala mula sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang) أَتَأۡتُونَ ٱلذُّكۡرَانَ مِنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١٦٥Nagsisitungo kayo sa mga kalalakihan ng Aalamin (sangkatauhan) وَتَذَرُونَ مَا خَلَقَ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٌ عَادُونَ ١٦٦At iniiwan ninyo ang mga nilikha ni Allah (mga kababaihan) para inyong maging mga asawa? Hindi, kayo ay mga taong lumagpas sa hangganan ng pagsuway (makasalanan)!” قَالُواْ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ يَٰلُوطُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُخۡرَجِينَ ١٦٧Sila ay nagsabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Lut! Katotohanang ikaw ay isa sa mapapabilang sa mga itataboy!” قَالَ إِنِّي لِعَمَلِكُم مِّنَ ٱلۡقَالِينَ ١٦٨Siya (Lut) ay nagsabi: “Ako ay katotohanang isa sa mga tumututol nang may matinding pagkagalit at poot sa inyong (masamang) ginagawa (sodomya, pakikipagniig sa kapwa lalaki) رَبِّ نَجِّنِي وَأَهۡلِي مِمَّا يَعۡمَلُونَ ١٦٩Aking Panginoon! Inyong iligtas ako at ang aking pamilya sa kanilang ginagawa.” فَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ ١٧٠Kaya’t Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya, silang lahat إِلَّا عَجُوزًا فِي ٱلۡغَٰبِرِينَ ١٧١Maliban sa isang matandang babae (ang kanyang asawa) na isa sa mga nagpaiwan ثُمَّ دَمَّرۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ ١٧٢At pagkaraan ay Aming winasak ang mga iba pa وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِم مَّطَرًاۖ فَسَآءَ مَطَرُ ٱلۡمُنذَرِينَ ١٧٣At pinaulan Namin sa kanila ang ulan (ng pagpaparusa). At gaano kasama ang naging ulan ng mga pinaalalahanan إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةًۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ ١٧٤Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ١٧٥At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ لۡـَٔيۡكَةِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ١٧٦Ang mga naninirahan sa Al-Aiyka (malapit sa Madyan o Midian) ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita إِذۡ قَالَ لَهُمۡ شُعَيۡبٌ أَلَا تَتَّقُونَ ١٧٧Nang si Shu’aib ay mangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٌ ١٧٨Ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ ١٧٩Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١٨٠walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang) ۞ أَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَلَا تَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُخۡسِرِينَ ١٨١Magbigay ng tamang sukat at huwag maghangad ng kasahulan (sa mga iba) وَزِنُواْ بِٱلۡقِسۡطَاسِ ٱلۡمُسۡتَقِيمِ ١٨٢At magtimbang ng tunay at tumpak na timbang وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ ١٨٣At huwag manlinlang ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanilang mga ari-arian, at huwag ding gumawa ng kasamaan, na gumagawa ng katiwalian at panloloko sa kalupaan وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ وَٱلۡجِبِلَّةَ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٨٤At pangambahan Siya na lumikha sa inyo at sa mga sali’t saling lahi noong panahong sinauna.” قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِينَ ١٨٥Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isa lamang sa mga inalihan ng demonyo وَمَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٌ مِّثۡلُنَا وَإِن نَّظُنُّكَ لَمِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ ١٨٦Ikaw ay isa lamang tao na katulad namin, at katiyakan, kami ay nag-aakala na ikaw ay isa sa mga sinungaling فَأَسۡقِطۡ عَلَيۡنَا كِسَفًا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ ١٨٧Kaya’t hayaan ang isang bahagi (piraso) ng kalangitan ay bumagsak sa amin kung ikaw ay kabilang sa nagsasabingkatotohanan!” قَالَ رَبِّيٓ أَعۡلَمُ بِمَا تَعۡمَلُونَ ١٨٨Siya(Shuaib) aynagsabi: “Ang aking Panginoon ang Ganap na Nakakaalam ng anumang inyong ginagawa.” فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمۡ عَذَابُ يَوۡمِ ٱلظُّلَّةِۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٍ ١٨٩Datapuwa’t kanilang pinabulaanan siya, kaya’t ang kaparusahan ng araw ng anino (isang madilim na ulap) ay sumaklot sa kanila, katiyakang ito ang kaparusahan ng dakilang Araw إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةًۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ ١٩٠Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ١٩١At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangya- rihan, ang Pinakamaawain وَإِنَّهُۥ لَتَنزِيلُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١٩٢At katotohanan, ito (ang Qur’an) ay isang kapahayagan mula sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang) نَزَلَ بِهِ ٱلرُّوحُ ٱلۡأَمِينُ ١٩٣Na ipinanaog ng mapagkakatiwalaang ruh (Espiritu, si Gabriel Arkanghel) mula (kay Allah) عَلَىٰ قَلۡبِكَ لِتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُنذِرِينَ ١٩٤Sa iyong puso (o Muhammad), upang ikaw ay maging (isa) sa mga tagapag-babala بِلِسَانٍ عَرَبِيٍّ مُّبِينٍ ١٩٥Sa malinaw na wikang Arabik وَإِنَّهُۥ لَفِي زُبُرِ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٩٦At katotohanan, ito (ang Qur’an at ang pagkapahayag nito kay Propeta Muhammad) ay (ipinahayag) sa mga Kasulatan (alalaong baga, ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) sa mga naunang tao أَوَلَمۡ يَكُن لَّهُمۡ ءَايَةً أَن يَعۡلَمَهُۥ عُلَمَٰٓؤُاْ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ١٩٧Hindi pa ba isang tanda sa kanila na ang mga pantas (na katulad ni Abdullah bin Salam na yumakap sa Islam) mula sa Angkan ng Israel ay nakakaalam (na ito ay katotohanan) وَلَوۡ نَزَّلۡنَٰهُ عَلَىٰ بَعۡضِ ٱلۡأَعۡجَمِينَ ١٩٨At kung Aming inihayag ito (ang Qur’an) sa kaninuman na hindi Arabe (o Arabo) فَقَرَأَهُۥ عَلَيۡهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ مُؤۡمِنِينَ ١٩٩At kanyang dinalit ito sa kanila, sila ay hindi magsisipaniwala rito كَذَٰلِكَ سَلَكۡنَٰهُ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ ٢٠٠Kaya’t hinayaan Namin ito (ang pagtatakwil sa Qur’an) na magsipasok sa puso ng Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, atbp) لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ حَتَّىٰ يَرَوُاْ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ ٢٠١Hindi sila mananampalataya rito hanggang sa kanilang makita ang masakit na Kaparusahan فَيَأۡتِيَهُم بَغۡتَةً وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ ٢٠٢Ito ay daratal sa kanila sa isang iglap, sa sandaling ito ay hindi nila napag-aakala فَيَقُولُواْ هَلۡ نَحۡنُ مُنظَرُونَ ٢٠٣(At kung magkagayon) sila ay magsasabi: “Kami ba ay maaaring bigyan ng kaunting panahon (palugit)?” أَفَبِعَذَابِنَا يَسۡتَعۡجِلُونَ ٢٠٤Sila ba kung gayon ay magnanais na ang Aming Kaparusahan ay madaliin sa kanila أَفَرَءَيۡتَ إِن مَّتَّعۡنَٰهُمۡ سِنِينَ ٢٠٥Sabihin sa Akin; kung hinayaan Namin na sila ay magpakasaya sa maraming taon ثُمَّ جَآءَهُم مَّا كَانُواْ يُوعَدُونَ ٢٠٦At pagkatapos ay dumatal sa kanila (ang kaparusahan) na sa kanila ay ipinangako مَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يُمَتَّعُونَ ٢٠٧Ang lahat ng bagay na kanilang pinagpapasasaan ay hindi makakatulong sa kanila وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا لَهَا مُنذِرُونَ ٢٠٨At kailanman ay hindi Namin winasak ang anumang pamayanan, maliban na sila ay binigyan ng mga tagapagbabala ذِكۡرَىٰ وَمَا كُنَّا ظَٰلِمِينَ ٢٠٩Sa pamamagitan ng Pagpapaala-ala, at Kami kailanman ay laging makatarungan وَمَا تَنَزَّلَتۡ بِهِ ٱلشَّيَٰطِينُ ٢١٠At hindi ang mga demonyo ang nagpapanaog nito (ang Qur’an) وَمَا يَنۢبَغِي لَهُمۡ وَمَا يَسۡتَطِيعُونَ ٢١١Ito ay hindi makakatugon sa kanilang naisin, gayundin naman, sila ay hindi maaaring (makagawa nito) إِنَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّمۡعِ لَمَعۡزُولُونَ ٢١٢Katotohanan, sila ay inilipat nang malayo upang duminig dito فَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُعَذَّبِينَ ٢١٣Kaya’t huwag kayong manawagan kay Allah na may kasama pang ibang ilah (diyos), kung magkagayon, kayo ay mapapabilang sa mga tatanggap ng kaparusahan وَأَنذِرۡ عَشِيرَتَكَ ٱلۡأَقۡرَبِينَ ٢١٤At paalalahanan mo (o Muhammad) ang iyong tribo at malalapit na kamag-anak وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِمَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٢١٥At maging mabait at mapagpakumbaba sa mga sumasampalataya na sumusunod sa iyo فَإِنۡ عَصَوۡكَ فَقُلۡ إِنِّي بَرِيٓءٌ مِّمَّا تَعۡمَلُونَ ٢١٦At kung sila ay sumuway sa iyo, iyong ipagbadya: “Ako ay walang kaalaman sa inyong ginagawa.” وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ ٢١٧At ilagak mo ang iyong pagtitiwala sa Pinakamakapangyarihan, ang Pinaka-maawain ٱلَّذِي يَرَىٰكَ حِينَ تَقُومُ ٢١٨Na nakakamasid sa iyo (o Muhammad) kung ikaw ay nakatindig (na mag-isa sa pagdarasal ng Tahajjud sa gabi) وَتَقَلُّبَكَ فِي ٱلسَّٰجِدِينَ ٢١٩At sa iyong mga kilos, sa gitna ng mga nagpapatirapa (kay Allah, na kasama ka sa pagdarasal ng mga takdang panalangin) إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ ٢٢٠Katotohanan! Siya, at Siya lamang ang Lubos na Nakakarinig, ang Puspos ng Kaalaman هَلۡ أُنَبِّئُكُمۡ عَلَىٰ مَن تَنَزَّلُ ٱلشَّيَٰطِينُ ٢٢١Ipapaalam Ko ba sa inyo (O mga tao) kung kanino bumababa ang mga demonyo تَنَزَّلُ عَلَىٰ كُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٍ ٢٢٢Sila ay bumababa sa bawat sinungaling (na nagsasabi ng mga kabulaanan), at makasalanang tao يُلۡقُونَ ٱلسَّمۡعَ وَأَكۡثَرُهُمۡ كَٰذِبُونَ ٢٢٣Na nakikinig (sa mga demonyo at kanilang ibinubuhos kung anuman ang kanilang marinig tungkol sa nakalingid mula sa mga anghel), at karamihan sa kanila ay mga sinungaling وَٱلشُّعَرَآءُ يَتَّبِعُهُمُ ٱلۡغَاوُۥنَ ٢٢٤At sa mga makata, ang mga nasa kamalian ay sumusunod sa kanila أَلَمۡ تَرَ أَنَّهُمۡ فِي كُلِّ وَادٍ يَهِيمُونَ ٢٢٥Hindi baga ninyo namamasdan na sila ay nagsasalita tungkol sa lahat ng mga bagay (na nagpupuri sa iba, maging tama man o mali) sa kanilang mga tula وَأَنَّهُمۡ يَقُولُونَ مَا لَا يَفۡعَلُونَ ٢٢٦At sila ay nagsasabi ng bagay na hindi nila ginagawa إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَذَكَرُواْ ٱللَّهَ كَثِيرًا وَٱنتَصَرُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْۗ وَسَيَعۡلَمُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَيَّ مُنقَلَبٍ يَنقَلِبُونَ ٢٢٧Maliban sa mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah), at gumagawa ng mga kabutihan at laging may pag-aala-ala kay Allah, at sumasagot rin (nang patula) sa mga walang katarungang tula (na dinadalit ng mga paganong makata laban sa mga Muslim). At sila na gumagawa ng kamalian ay makakaalam kung anong pagbagsak ang sa kanila ay babagsak

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.