بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
حمٓ ١Ha, Mim (mga titik Ha, Ma) وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ ٢Sa pamamagitan ng hayag naAklat na nagsasaad na maging maliwanag ang lahat ng bagay (ang Qur’an) إِنَّا جَعَلۡنَٰهُ قُرۡءَٰنًا عَرَبِيًّا لَّعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ ٣Katotohanang Aming ginawa ang Qur’an sa (wikang) Arabik upang inyong maunawaan (ang kanyang kahulugan at kanyang mga paala- ala) وَإِنَّهُۥ فِيٓ أُمِّ ٱلۡكِتَٰبِ لَدَيۡنَا لَعَلِيٌّ حَكِيمٌ ٤At katotohanang ito (Qur’an) ay nasa Ina ng Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz), sa Aming harapan, at katiyakang Mataas sa Karangalan at Tigib sa Karunungan أَفَنَضۡرِبُ عَنكُمُ ٱلذِّكۡرَ صَفۡحًا أَن كُنتُمۡ قَوۡمًا مُّسۡرِفِينَ ٥Hindi baga Namin (kayo paaalalahanan) at Aming kukunin ang Paala-ala (Qur’an) sa inyo sapagkat kayo ay mga tao na Musrifun (mga lumampas sa lahat ng hangganan ng pagsuway bilang mga mapagsamba sa mga diyus- diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, makasalanan, atbp) وَكَمۡ أَرۡسَلۡنَا مِن نَّبِيٍّ فِي ٱلۡأَوَّلِينَ ٦At ilan na nga ba ang propeta na Aming isinugo sa mga tao noon pang una وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن نَّبِيٍّ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ ٧At walang sinumang propeta ang dumatal sa kanila na hindi nila pinagtawanan at tinuya فَأَهۡلَكۡنَآ أَشَدَّ مِنۡهُم بَطۡشًا وَمَضَىٰ مَثَلُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٨Kaya’t Aming winasak ang mga tao, na higit ang lakas kaysa rito; at ito ang halimbawa ng mga pumanaw na noon pang una (bago pa sa kanila) وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ ٩At katiyakang kung sila ay inyong tatanungin, “Sino ang lumikha ng kalangitan at kalupaan?” Tunay nga nilang sasabihin: “Ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman ang lumikha sa kanila.” ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدًا وَجَعَلَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلًا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ ١٠Na Siyang lumikha sa kalupaan na tila higaan (nakalatag), at gumawa sa inyo rito ng mga daan (at landas) upang kayo ay makatagpo ng patnubay (sa pagtahak) وَٱلَّذِي نَزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءَۢ بِقَدَرٍ فَأَنشَرۡنَا بِهِۦ بَلۡدَةً مَّيۡتًاۚ كَذَٰلِكَ تُخۡرَجُونَ ١١Na nagpapamalisbis (sa tuwi- tuwina) ng ulan mula sa alapaap sa ganap na sukat; at Aming pinasigla sa pagkabuhay ang lupaing tigang; sa gayunding paraan, kayo ay ibabangon (mula sa mga patay) وَٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡفُلۡكِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ مَا تَرۡكَبُونَ ١٢At Siyang lumikha ng lahat ng bagay na may katambal (kapares), at gumawa sa inyo ng mga barko at hayupan na inyong masasakyan لِتَسۡتَوُۥاْ عَلَىٰ ظُهُورِهِۦ ثُمَّ تَذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ رَبِّكُمۡ إِذَا ٱسۡتَوَيۡتُمۡ عَلَيۡهِ وَتَقُولُواْ سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي سَخَّرَ لَنَا هَٰذَا وَمَا كُنَّا لَهُۥ مُقۡرِنِينَ ١٣Upang kayo ay makaupo nang matatag at lapat sa kanilang mga likod, at kung kayo ay nakaupo na, ay inyong maaala-ala ang (magandang) biyaya ng inyong Panginoon, at magsasabi: “Luwalhatiin Siya na nagbigay sa mga ito na mapailalim sa aming kapamahalaan, para sa aming (gamit), sapagkat ito ay hindi kailanman namin makakamtan (sa aming mga gawa) وَإِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا لَمُنقَلِبُونَ ١٤At katotohanang sa Aming Panginoon, katiyakang kami ay magbabalik!” وَجَعَلُواْ لَهُۥ مِنۡ عِبَادِهِۦ جُزۡءًاۚ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَكَفُورٌ مُّبِينٌ ١٥Datapuwa’t sila ay nag-aakibat sa ilan sa Kanyang mga alipin ng katambal sa Kanya (sa pagsasabi na Siya ay may anak o mga supling at nagtuturing sa kanila bilang mga karibal sa pagsamba sa Kanya). Katotohanan, ang tao ay maliwanag na walang pasasalamat أَمِ ٱتَّخَذَ مِمَّا يَخۡلُقُ بَنَاتٍ وَأَصۡفَىٰكُم بِٱلۡبَنِينَ ١٦Ano! Siya ba ay kumuha ng mga anak na babae mula sa bagay na Siya sa Kanyang Sarili ang lumikha, at pumili para sa inyo ng mga anak na lalaki وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحۡمَٰنِ مَثَلًا ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ ١٧At kung ang isa sa kanila ay makatanggap ng balita (ng pagsilang) ng isa sa kanilang inihahalintulad sa Pinakamagbigay (Allah) {tulad ng isang batang babae}, ang kanyang mukha ay nagdidilim, nalulumbay, at siya ay napupuspos ng kapighatian أَوَمَن يُنَشَّؤُاْ فِي ٱلۡحِلۡيَةِ وَهُوَ فِي ٱلۡخِصَامِ غَيۡرُ مُبِينٍ ١٨(Inihahalintulad baga nila kay Allah) ang isang nilikha na pinalaki sa pagsusuot ng mga palamuti (alalaong baga, ang mga babae), na sa isang pagtatalo ay hindi makapagbigay nang malinaw na pagsusulit sa kanyang sarili وَجَعَلُواْ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ ٱلَّذِينَ هُمۡ عِبَٰدُ ٱلرَّحۡمَٰنِ إِنَٰثًاۚ أَشَهِدُواْ خَلۡقَهُمۡۚ سَتُكۡتَبُ شَهَٰدَتُهُمۡ وَيُسۡـَٔلُونَ ١٩At itinuturing nila ang mga anghel, na sila sa kanilang sarili ay alipin ng Pinakamapagbigay (Allah); na mga babae. Napagmalas ba nila ang kanilang pagkalikha? Ang kanilang katibayan ay itatala, at sila ay tatanungin upang magsulit وَقَالُواْ لَوۡ شَآءَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مَا عَبَدۡنَٰهُمۗ مَّا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ ٢٠(Ah!) Sila ay nagsasabi: “Kung ito ang naging Kalooban ng Pinakamapagbigay (Allah), hindi sana natin sinamba (ang huwad na mga diyus-diyosan). Sa ganito, sila ay walang anumang kaalaman! wala silang ginagawa kundi ang kasinungalingan أَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ كِتَٰبًا مِّن قَبۡلِهِۦ فَهُم بِهِۦ مُسۡتَمۡسِكُونَ ٢١Ano? Sila ba ay pinagkalooban Namin ng Aklat bago pa rito (sa Qur’an), na kanilang pinanananganan بَلۡ قَالُوٓاْ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّهۡتَدُونَ ٢٢Hindi! Sila ay nagsasabi: “Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa isang tanging paraan at paniniwala, at aming pinatnubayan ang aming sarili sa kanilang mga yapak.” وَكَذَٰلِكَ مَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي قَرۡيَةٍ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتۡرَفُوهَآ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّقۡتَدُونَ ٢٣At gayundin naman, Kami ay hindi nagsugo ng isang Tagapagbabala bago pa sa iyo (o Muhammad) sa anumang bayan (pamayanan), na ang mga maalwan sa lipon nila ay hindi nagsabi ng ganito: “Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa isang tanging paraan ng pananalig, at walang pagsala na aming susundin ang kanilang mga yapak.” ۞ قَٰلَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكُم بِأَهۡدَىٰ مِمَّا وَجَدتُّمۡ عَلَيۡهِ ءَابَآءَكُمۡۖ قَالُوٓاْ إِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ ٢٤(Ang tagapagbabala) ay nagsabi: “Kahit na magdala ako sa inyo ng higit na mainam na patnubay kaysa sa natagpuan ninyong sinusunod ng inyong mga ninuno?” Sila ay nagsabi: “Katotohanang kami ay hindi nananalig sa mga bagay na ipinadala sa iyo.” فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ ٢٥Kaya’t Kami ay naningil ng ganti sa kanila, ngayon, inyong pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng mga nagtakwil (sa katotohanan, sa Islam at sa Kaisahan ni Allah) وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦٓ إِنَّنِي بَرَآءٌ مِّمَّا تَعۡبُدُونَ ٢٦Pagmasdan! Nang si Abraham ay nagsabi sa kanyang amaatsakanyangpamayanan:“Katotohanangakoaywalang kinalaman sa anumang inyong sinasamba إِلَّا ٱلَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُۥ سَيَهۡدِينِ ٢٧Maliban sa Kanya(natangikolamangsinasamba), nalumikhasaakin, at walang pagsala na ako ay Kanyang gagabayan.” وَجَعَلَهَا كَلِمَةَۢ بَاقِيَةً فِي عَقِبِهِۦ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ ٢٨At iniwan niya ang Salita (La ilaha ill Allah, Wala ng iba pang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), isang Salita na mananatili sa kanyang mga lahi na susunod sa kanya (ito ay ang pananalig sa tunay na Kaisahan ni Allah), upang sila ay magsipagbalik loob (sa pagsisisi at tumanggap ng paala-ala mula kay Allah) بَلۡ مَتَّعۡتُ هَٰٓؤُلَآءِ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ وَرَسُولٌ مُّبِينٌ ٢٩Hindi! Datapuwa’t Ako (Allah) ay nagbigay ng magagandang bagay sa buhay na ito sa kanila (mga mapagsamba sa diyus-diyosan) at sa kanilang mga ninuno upang maging maligaya, hanggang sa dumatal sa kanila ang Katotohanan (Qur’an), at ng isang Tagapagbalita (Muhammad) upang magbigay paliwanag sa mga bagay-bagay وَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٌ وَإِنَّا بِهِۦ كَٰفِرُونَ ٣٠At nang ang Katotohanan (Qur’an) ay dumatal sa kanila, ang (mga hindi sumasampalataya sa Qur’an) ay nagsabi: “Ito ay isang salamangka, at kami ay hindi naniniwala rito.” وَقَالُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ عَلَىٰ رَجُلٍ مِّنَ ٱلۡقَرۡيَتَيۡنِ عَظِيمٍ ٣١At sila ay nagsasabi: “Bakit kaya ang Qur’an na ito ay hindi ipinanaog sa ilang dakilang lalaki ng dalawang bayan (Makkah at Taif) أَهُمۡ يَقۡسِمُونَ رَحۡمَتَ رَبِّكَۚ نَحۡنُ قَسَمۡنَا بَيۡنَهُم مَّعِيشَتَهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَرَفَعۡنَا بَعۡضَهُمۡ فَوۡقَ بَعۡضٍ دَرَجَٰتٍ لِّيَتَّخِذَ بَعۡضُهُم بَعۡضًا سُخۡرِيًّاۗ وَرَحۡمَتُ رَبِّكَ خَيۡرٌ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ ٣٢Sila baga ang naghahati- hati sa Habag ng iyong Panginoon? Kami (Allah) ang naghahati-hati sa gitna nila ng kanilang ikabubuhay sa mundong ito, at Aming itinaas ang iba sa kanila sa hanay (katatayuan), upang ang iba ay mabigyan nila ng gawain sa kanilang hanapbuhay. Datapuwa’t ang Habag (Paraiso) ng iyong Panginoon (o Muhammad) ay higit na mainam (sa kayamanan ng mundong ito) na kanilang natipon وَلَوۡلَآ أَن يَكُونَ ٱلنَّاسُ أُمَّةً وَٰحِدَةً لَّجَعَلۡنَا لِمَن يَكۡفُرُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ لِبُيُوتِهِمۡ سُقُفًا مِّن فِضَّةٍ وَمَعَارِجَ عَلَيۡهَا يَظۡهَرُونَ ٣٣At kung hindi lamang na ang sangkatauhan ay hahantong sa pagiging isang pamayanan (lahat ng mga hindi sumasampalataya na naghahangad sa makamundong buhay lamang), Amin sanang pagkakalooban ang mga hindi sumasampalataya sa Pinakamapagbigay (Allah) ng pilak na mga bubong para sa kanilang bahay, at (pilak) na mga hagdan upang sila ay makapanhik وَلِبُيُوتِهِمۡ أَبۡوَٰبًا وَسُرُرًا عَلَيۡهَا يَتَّكِـُٔونَ ٣٤At ng (pilak) na mga pintuan para sa kanilang bahay, at ng mga diban at luklukan (na yari sa pilak) upang kanilang pagpahingalayan وَزُخۡرُفًاۚ وَإِن كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَٱلۡأٓخِرَةُ عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُتَّقِينَ ٣٥At gayundin ng mga palamuting ginto. Magkagayunman, ang lahat ng ito (alalaong baga, ang mga bubong, pinto, hagdan, luklukan, atbp.) ay walang saysay maliban sa isang pagsasaya sa pangkasalukuyang buhay sa mundong ito. Ang Kabilang Buhay sa Paningin ng inyong Panginoon ay para sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na nangangamba kay Allah nang labis at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa at nagmamahal kay Allah nang higit at nagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos) وَمَن يَعۡشُ عَن ذِكۡرِ ٱلرَّحۡمَٰنِ نُقَيِّضۡ لَهُۥ شَيۡطَٰنًا فَهُوَ لَهُۥ قَرِينٌ ٣٦At kung sinuman ang tumalikod sa pag-aala-ala sa Pinakamapagbigay (Allah), Kami ay nagtalaga sa kanya ng demonyo (Satanas) upang kanyang maging Qarin (matalik na kasama) وَإِنَّهُمۡ لَيَصُدُّونَهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ ٣٧At katotohanan, sila (na mga demonyo) ang humahadlang sa kanila sa Landas (ni Allah), datapuwa’t napag-aakala nila na sila ay tunay na napapatnubayan حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَنَا قَالَ يَٰلَيۡتَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَ بُعۡدَ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ فَبِئۡسَ ٱلۡقَرِينُ ٣٨At sa kalaunan, kung (siya na ganoon) ay lumapit sa Amin, siya ay nagsasabi (sa kanyang Qarin o masamang kasama): “Sana ang naging pagitan nating dalawa ay katulad ng pagkakalayo ng Silangan at Kanluran.” (Sa sandali nang pakikipagharap kay Allah o sa oras ng Paghuhukom, ang nalinlang na kaluluwa ay makakakita sa katotohanan at maghahangad na sana ay malayo siya kay Satanas). Ah! (Tunay) ngang masamang (uri) ng kasama وَلَن يَنفَعَكُمُ ٱلۡيَوۡمَ إِذ ظَّلَمۡتُمۡ أَنَّكُمۡ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ ٣٩walang magiging kapakinabangan sa iyo sa Araw na ito (o ikaw na tumalikod sa pag-aala-ala kay Allah at sa pagsamba sa Kanya, atbp.), sapagkat ikaw ay nakagawa ng kabuktutan, at sa Araw na ito, ikaw (at ang iyong mga Qarin, masamang mga kasama) ay magiging kabahagi sa kaparusahan أَفَأَنتَ تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ أَوۡ تَهۡدِي ٱلۡعُمۡيَ وَمَن كَانَ فِي ضَلَٰلٍ مُّبِينٍ ٤٠Ikaw ba (o Muhammad) ay makakagawa na makarinig ang bingi, o iyong mabigyan ng patnubay ang bulag o siya kaya na namamayagpag sa malaking kamalian فَإِمَّا نَذۡهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنۡهُم مُّنتَقِمُونَ ٤١At kahit na ikaw (o Muhammad) ay Aming kunin, katotohanang Kami ay maghihiganti laban sa kanila أَوۡ نُرِيَنَّكَ ٱلَّذِي وَعَدۡنَٰهُمۡ فَإِنَّا عَلَيۡهِم مُّقۡتَدِرُونَ ٤٢o (kung) Aming ipamamalas sa iyo kung ano ang Aming banta (ipinangako) sa kanila, kung gayon, katotohanang Kami ang may ganap na pag-uutos (kapangyarihan) laban sa kanila فَٱسۡتَمۡسِكۡ بِٱلَّذِيٓ أُوحِيَ إِلَيۡكَۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسۡتَقِيمٍ ٤٣Kaya’t ikaw ay manangan (o Muhammad) nang taimtim sa kapahayagan na Aming ipinadala sa iyo. Katotohanang ikaw ay nasa isang Tuwid na Landas وَإِنَّهُۥ لَذِكۡرٌ لَّكَ وَلِقَوۡمِكَۖ وَسَوۡفَ تُسۡـَٔلُونَ ٤٤At katotohanan, (ang Qur’an) ay katiyakang Paala-ala sa iyo (O Muhammad) at sa iyong pamayanan (mga Quraish at iyong mga tagasunod); at hindi magtatagal, kayong lahat ay itatambad upang magsulit وَسۡـَٔلۡ مَنۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رُّسُلِنَآ أَجَعَلۡنَا مِن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ءَالِهَةً يُعۡبَدُونَ ٤٥At iyong tanungin (o Muhammad) ang Aming mga Tagapagbalita na Aming isinugo nang una pa sa iyo: “Kami (Allah) baga ay nagtalaga ng anumang mga diyos tangi pa sa Pinakamapagbigay (Allah) upang sambahin?” وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٤٦At katotohanang isinugo Namin si Moises na taglay ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) kay Paraon at sa kanyang mga pinuno (na nag-aanyaya sa Islam, ang relihiyon ni Allah). Siya (Moises) ay nagsabi: “Katotohanang ako ay Tagapagbalita ng Panginoon ng lahat ng mga nilalang.” فَلَمَّا جَآءَهُم بِـَٔايَٰتِنَآ إِذَا هُم مِّنۡهَا يَضۡحَكُونَ ٤٧Datapuwa’t nang sila (Moises at Aaron) ay pumaroon sa kanila na taglay ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.), pagmalasin, sila ay nagtawa sa kanila وَمَا نُرِيهِم مِّنۡ ءَايَةٍ إِلَّا هِيَ أَكۡبَرُ مِنۡ أُخۡتِهَاۖ وَأَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡعَذَابِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ ٤٨Kami (Allah) ay nagpamalas sa kanila ng Ayat (mga tanda, atbp.) sa tuwi-tuwina, na higit na dakila kaysa sa kanilang kasama; at Aming sinakmal sila ng kaparusahan upang sila ay tumalikod (sa pagsamba sa mga diyus-diyosan) at magbalik loob (sa Amin) وَقَالُواْ يَٰٓأَيُّهَ ٱلسَّاحِرُ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ إِنَّنَا لَمُهۡتَدُونَ ٤٩At sila ay nagsabi (kay Moises): “o ikaw na manggagaway! Tawagan mo ang iyong Panginoon para sa amin ng ayon sa Kanyang kasunduan sa iyo; katotohanang kami ay tatanggap ng patnubay.” فَلَمَّا كَشَفۡنَا عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابَ إِذَا هُمۡ يَنكُثُونَ ٥٠Datapuwa’t nang Aming palisin ang kaparusahan sa kanila, pagmasdan, sila ay sumira sa kanilang salita (na sila ay mananampalataya kung Aming ibsan ang kaparusahan sa kanila) وَنَادَىٰ فِرۡعَوۡنُ فِي قَوۡمِهِۦ قَالَ يَٰقَوۡمِ أَلَيۡسَ لِي مُلۡكُ مِصۡرَ وَهَٰذِهِ ٱلۡأَنۡهَٰرُ تَجۡرِي مِن تَحۡتِيٓۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ ٥١At si Paraon ay nagpahayag sa kanyang pamayanan, na nagsasabi: “O aking pamayanan! Hindi baga ang pamamahala sa Ehipto ay tangi lamang sa akin, at sa mga ilog na nagsisidaloy sa ilalim (ng aking kinatatayuan). Hindi baga ninyo napagmamalas أَمۡ أَنَا۠ خَيۡرٌ مِّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي هُوَ مَهِينٌ وَلَا يَكَادُ يُبِينُ ٥٢Hindi baga ako ay higit na mainam sa kanya (Moises), siya na Mahin (walang dangal at hindi iginagalang, mahina at kasuklam-suklam), at halos hindi makapangusap sa kanyang sarili nang maliwanag?” فَلَوۡلَآ أُلۡقِيَ عَلَيۡهِ أَسۡوِرَةٌ مِّن ذَهَبٍ أَوۡ جَآءَ مَعَهُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ مُقۡتَرِنِينَ ٥٣“ Bakit kaya hindi siya ginawaran ng mga gintong pulseras o di kaya ang mga anghel ay pinasama sa kanya?” فَٱسۡتَخَفَّ قَوۡمَهُۥ فَأَطَاعُوهُۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمًا فَٰسِقِينَ ٥٤Sa ganito nilinlang at iniligaw (ni Paraon) ang kanyang pamayanan, at sila ay sumunod sa kanya. Katotohanang sila ay Fasiqun (mga tao na palasuway at mapaghimagsik kay Allah) فَلَمَّآ ءَاسَفُونَا ٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ فَأَغۡرَقۡنَٰهُمۡ أَجۡمَعِينَ ٥٥Kaya’t nang kanilang pinagalit Kami, Aming pinarusahan sila at nilunod silang lahat فَجَعَلۡنَٰهُمۡ سَلَفًا وَمَثَلًا لِّلۡأٓخِرِينَ ٥٦At Aming ginawa silang halintulad (bilang aral sa mga susunod na henerasyon pagkatapos nila) at bilang halimbawa sa mga darating na henerasyon ۞ وَلَمَّا ضُرِبَ ٱبۡنُ مَرۡيَمَ مَثَلًا إِذَا قَوۡمُكَ مِنۡهُ يَصِدُّونَ ٥٧At nang ang anak ni Maria ay hinirang na isang halimbawa (alalaong baga, si Hesus ay sinasamba na tulad ng kanilang mga diyus-diyosan), pagmasdan!, ang iyong mga tao ay nagkakamayaw (sa pagtatawa) وَقَالُوٓاْ ءَأَٰلِهَتُنَا خَيۡرٌ أَمۡ هُوَۚ مَا ضَرَبُوهُ لَكَ إِلَّا جَدَلَۢاۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٌ خَصِمُونَ ٥٨At nagsasabi: “Ang aming mga diyos baga ay higit na mainam o siya kaya (Hesus)? Inihahalintulad lamang nila ito hindi sa anupaman liban sa pagtatalo-talo. Hindi! Sila ay mga palaaway na tao إِنۡ هُوَ إِلَّا عَبۡدٌ أَنۡعَمۡنَا عَلَيۡهِ وَجَعَلۡنَٰهُ مَثَلًا لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٥٩Siya (Hesus) ay hindi hihigit pa sa isang alipin. Aming iginawad ang Aming paglingap sa kanya at Aming ginawa siyang halimbawa sa Angkan ng Israel (alalaong baga, siya ay nilikha na walang ama) وَلَوۡ نَشَآءُ لَجَعَلۡنَا مِنكُم مَّلَٰٓئِكَةً فِي ٱلۡأَرۡضِ يَخۡلُفُونَ ٦٠At kung ito lamang ay Aming Kalooban, magagawa Namin (na wasakin kayong lahat na mga tao) at ipalit sa inyo ang mga anghel dito sa kalupaan وَإِنَّهُۥ لَعِلۡمٌ لِّلسَّاعَةِ فَلَا تَمۡتَرُنَّ بِهَا وَٱتَّبِعُونِۚ هَٰذَا صِرَٰطٌ مُّسۡتَقِيمٌ ٦١At siya (Hesus, na anak ni Maria) ay magiging isang Tanda (sa pagdating) ng oras (Araw ng Muling Pagkabuhay; [na si Hesus ay mananaog sa lupa bago dumatal ito]), kaya’t huwag kayong mag-alinlangan (sa Oras), datapuwa’t Ako ay inyong sundin; ito ang Tuwid na Landas (tungo kay Allah at sa Paraiso) وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوٌّ مُّبِينٌ ٦٢Huwag ninyong hayaan si Satanas na humadlang sa inyo (sa Tamang Pananalig). Katotohanang siya sa inyo ay isang lantad na kaaway وَلَمَّا جَآءَ عِيسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ قَالَ قَدۡ جِئۡتُكُم بِٱلۡحِكۡمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُم بَعۡضَ ٱلَّذِي تَخۡتَلِفُونَ فِيهِۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ ٦٣Nang si Hesus ay dumatal na may Maliwanag na mga Katibayan (mula sa Amin), siya ay nagsabi: “Ako ay dumatal sa inyo na may Hikmah (karunungan ng isang propeta), upang aking gawing maliwanag sa inyo ang ilan (sa mga bagay-bagay) na inyong pinagtatalunan; kaya’t inyong pangambahan si Allah at ako ay inyong sundin.” إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٌ مُّسۡتَقِيمٌ ٦٤“Katotohanang si Allah, Siya ang aking Panginoon at inyong Panginoon; kaya’ttanging Siyaanginyongsambahin; ito (lamang) ang Matuwid na Landas.” فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٌ لِّلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡ عَذَابِ يَوۡمٍ أَلِيمٍ ٦٥Datapuwa’t ang mga sekta sa pagitan nila ay nabulid sa hindi pagkakasundo- sundo; kaya’t kasawian sa mga gumagawa ng kamalian (sa pamamagitan ng pagtuturing ng mga bagay kay Hesus na walang katotohanan) mula sa kaparusahan ng kahindik- hindik na Araw (ang Araw ng Muling Pagkabuhay) هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأۡتِيَهُم بَغۡتَةً وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ ٦٦Sila baga’y nagsisipaghintay lamang sa Oras, na ito ay dumatal sa kanila nang kaginsa-ginsa, habang ito ay hindi nila napag-aakala ٱلۡأَخِلَّآءُ يَوۡمَئِذِۭ بَعۡضُهُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوٌّ إِلَّا ٱلۡمُتَّقِينَ ٦٧Ang mga magkakaibigan sa Araw na ito ay magiging magkaaway, ang bawa’t isa sa kanila; maliban sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga masasamang gawa at kasalanan at gumagawa ng kabutihan na ipinag-utos ni Allah) يَٰعِبَادِ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡكُمُ ٱلۡيَوۡمَ وَلَآ أَنتُمۡ تَحۡزَنُونَ ٦٨(At dito ay ipagsusulit): “o Aking mga lingkod (tagapagsamba)! Sa Araw na ito ay walang pangangamba sa inyo, gayundin kayo ay hindi mamimighati ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ مُسۡلِمِينَ ٦٩(Kayo) na mga nagsisampalataya sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) at mga Muslim (buong ganap na nagsitalima sa kapasyahan at Kaisahan ni Allah at sa Islam) ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ أَنتُمۡ وَأَزۡوَٰجُكُمۡ تُحۡبَرُونَ ٧٠Magsipasok kayo sa Halamanan (Paraiso), kayo at ang inyong mga asawa, sa kaligayahan يُطَافُ عَلَيۡهِم بِصِحَافٍ مِّن ذَهَبٍ وَأَكۡوَابٍۖ وَفِيهَا مَا تَشۡتَهِيهِ ٱلۡأَنفُسُ وَتَلَذُّ ٱلۡأَعۡيُنُۖ وَأَنتُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ ٧١Sa buong paligid nila ay idudulot ang mga kubyertos at kopita na gawa sa ginto; (naroroong) lahat ang anumang bawat naisin ng kanilang kaluluwa, ang lahat ng bagay na magbibigay ligaya sa kanilang paningin; at kayo ay magsisipanahan dito magpakailanman وَتِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِيٓ أُورِثۡتُمُوهَا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ٧٢Ito ang Paraiso na itinakda sa inyo na inyong manahin dahilan sa inyong (mabubuting) gawa na ginawa ninyo (sa buhay sa mundong ito) لَكُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٌ كَثِيرَةٌ مِّنۡهَا تَأۡكُلُونَ ٧٣Naririto sa inyo ang masaganang bungangkahoy na inyong kakainin (sa inyong maibigan) إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي عَذَابِ جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ ٧٤Katotohanan, ang Mujrimun (mga tampalasan, kriminal, makasalanan, walang pananalig kay Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Kanyang Propetang si Muhammad, buktot, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp.) ay nasa Kaparusahan ng Impiyerno upang manahan dito magpakailanman لَا يُفَتَّرُ عَنۡهُمۡ وَهُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ ٧٥(Ang Kaparusahan) ay hindi magbabawa sa kanila, at sila ay ihuhulog sa pagkawasak na may matinding pagsisisi, kapighatian at kasawian at kawalang pag-asa وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُواْ هُمُ ٱلظَّٰلِمِينَ ٧٦Kailanman ay hindi Kami nagbigay nang kamalian o naging di makatarungan sa kanila, datapuwa’t sila ay Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp) وَنَادَوۡاْ يَٰمَٰلِكُ لِيَقۡضِ عَلَيۡنَا رَبُّكَۖ قَالَ إِنَّكُم مَّٰكِثُونَ ٧٧Sila ay magsisitaghoy: “o Malik (ang Tagapagbantay ng Impiyerno)! Hayaan ang iyong Panginoon ay magbigay wakas sa amin!” Siya ay magsasabi: “Hindi, katotohanang kayo ay mananatili rito magpakailanman!” لَقَدۡ جِئۡنَٰكُم بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَكُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ ٧٨Tunay ngang inihayag Namin sa inyo ang Katotohanan (sa pagsusugo kay Muhammad na may taglay na Qur’an), datapuwa’t ang karamihan sa inyo ay nasusuklam sa Katotohanan أَمۡ أَبۡرَمُوٓاْ أَمۡرًا فَإِنَّا مُبۡرِمُونَ ٧٩Ano! Sila ba ay nagsigawa ng ilang balakin (sa kanilang mga sarili)? Datapuwa’t Kami rin ay may balak أَمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّا لَا نَسۡمَعُ سِرَّهُمۡ وَنَجۡوَىٰهُمۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيۡهِمۡ يَكۡتُبُونَ ٨٠o napag- aakala baga nila na hindi Namin naririnig ang kanilang mga lihim at kanilang mga lingid na usapan at pagsasanggunian? Tunay nga (na Kami ay makakagawa), at ang Aming mga Tagapagbalita (mga itinakdang anghel sa sangkatauhan) ay nasa lipon nila upang magtala قُلۡ إِن كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٌ فَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡعَٰبِدِينَ ٨١Ipagbadya (O Muhammad): “Kung ang Pinakamapagpala (Allah) ay may anak na lalaki, (o mga supling na inyong iniaakibat sa Kanya), kung gayon, ako ang magiging una sa mga sasamba sa Kanya (datapuwa’t Siya, si Allah ay walang anak na lalaki o mga supling, kaya’t ako ang unang nagtatatwa at sumasalansang ng inyong paniniwala at una sa mga sasampalataya sa Kanya lamang at magpapatotoo na Siya ay walang mga anak).” سُبۡحَٰنَ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَرۡشِ عَمَّا يَصِفُونَ ٨٢Kaluwalhatian sa Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at sa Panginoon ng Luklukan! Higit Siyang mataas sa lahat ng mga inihahalintulad (sa Kanya) فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ ٨٣Kaya’t hayaan sila na mangusap ng walang katuturan at magsipaglaro hanggang sa kanilang sapitin ang kanilang Araw na sa kanila ay ipinangako وَهُوَ ٱلَّذِي فِي ٱلسَّمَآءِ إِلَٰهٌ وَفِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَٰهٌۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ ٨٤Siya (lamang, si Allah) ang tanging Ilah (diyos na dapat sambahin) sa kalangitan at Ilah (diyos na dapat sambahin) sa kalupaan; at Siya ay Tigib ng Karunungan at Puspos ng Kaalaman وَتَبَارَكَ ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ ٨٥At kapuri-puri Siya na nag-aangkin ng lahat ng Kaharian sa kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, atnasa Kanyalamangangkaalamansa Oras, atsa Kanya kayong (lahat) ay magbabalik وَلَا يَمۡلِكُ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَن شَهِدَ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ ٨٦At yaong mga sinasamba nila maliban sa Kanya ay walang anumang kapangyarihan upang makapamagitan; maliban sa kanila na nagbibigay saksi sa Katotohanan (alalaong baga, sumampalataya sa Kaisahan ni Allah, at sumunod sa Kanyang mga pag-uutos), at may ganap na kaalaman (tungkol sa katotohanan ng Kaisahan ni Allah) وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَهُمۡ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ ٨٧At kung sila ay iyong tatanungin kung sino ang lumikha sa kanila, walang pagsala na kanilang sasabihin: “Si Allah.” Paano sila kung gayon naligaw (sa katotohanan at sa pagsamba kay Allah na Siyang lumikha sa kanila) وَقِيلِهِۦ يَٰرَبِّ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٌ لَّا يُؤۡمِنُونَ ٨٨(Si Allah ay may Kaalaman) sa panambitan (ni Propeta Muhammad) na nagsasabi: “o aking Panginoon, katotohanang sila ang mga tao na walang pananalig!” فَٱصۡفَحۡ عَنۡهُمۡ وَقُلۡ سَلَٰمٌۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ ٨٩Kaya’t tumalikod ka (O Muhammad) sa kanila, at ikaw ay magsabi: “Salam (Kapayapaan)!” Subalit (hindi magtatagal) ay kanilang mapag-aalaman! [Ang pag-uutos sa Talatang ito ay pinawalang saysay sa pamamagitan ng mga pahayag ng mga Talata ng pakikipaglaban laban sa kanila, talatang 9:5 ng Qur’an]