ملة الإسلام

السورة 50 · 45 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة ق باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة ق (1,405 قارئاً)
مكيةسورة ق٤٥ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

قٓۚ وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡمَجِيدِ ١Qaf (titik Q): Sa pamamagitan ng Maluwalhating Qur’an (ikaw o Muhammad ay tunay na Tagapagbalita ni Allah) بَلۡ عَجِبُوٓاْ أَن جَآءَهُم مُّنذِرٌ مِّنۡهُمۡ فَقَالَ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا شَيۡءٌ عَجِيبٌ ٢Datapuwa’t sila ay namangha nang dumatal sa kanilang lipon ang isang Tagapagbabala. Kaya’t ang mga hindi sumasampalataya ay nagsabi: “Ito ay isang kamangha- manghang bagay!” أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابًاۖ ذَٰلِكَ رَجۡعُۢ بَعِيدٌ ٣“Ano? Na kung kami ay mamatay at maging abo, (kami ay muling mabubuhay?) Ito ay isang paraan ng Pagbabalik na malayo (sa aming pang-unawa).” قَدۡ عَلِمۡنَا مَا تَنقُصُ ٱلۡأَرۡضُ مِنۡهُمۡۖ وَعِندَنَا كِتَٰبٌ حَفِيظُۢ ٤Talastas Namin kung ilan sa kanila ang kinuha (inilibing) ng lupa (na mga patay na katawan). At nasa Amin ang isang Talaan (na nag-iingat sa lahat ng pagsusulit) بَلۡ كَذَّبُواْ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ فَهُمۡ فِيٓ أَمۡرٍ مَّرِيجٍ ٥Datapuwa’t itinatwa nila ang katotohanan (ang Qur’an) nang ito ay dumatal sa kanila, at sila ay nasa kalituhan (alalaong baga, hindi nila makilala ang pagkakaiba ng tumpak at mali) أَفَلَمۡ يَنظُرُوٓاْ إِلَى ٱلسَّمَآءِ فَوۡقَهُمۡ كَيۡفَ بَنَيۡنَٰهَا وَزَيَّنَّٰهَا وَمَا لَهَا مِن فُرُوجٍ ٦Hindi baga sila nagmamasid sa alapaap (langit) sa kaitaasan? Kung paano Namin nilikha at ginayakan yaon, at doon ay walang anumang kasahulan وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَٰهَا وَأَلۡقَيۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجِۭ بَهِيجٍ ٧At ang kalupaan! Aming inilatag ito at nilagyan ng kabundukan na nakatayo nang matatag, at nagpatubo (Kami) rito ng lahat ng uri ng magagandang pananim (na magkakatambal) تَبۡصِرَةً وَذِكۡرَىٰ لِكُلِّ عَبۡدٍ مُّنِيبٍ ٨Bilang pananaw at pagunita (paala-ala) sa bawat tagapaglingkod na nagbabalik-loob kay Allah (alalaong baga, siya na sumasampalataya kay Allah at gumagawa ng mga pagsunod sa Kanya at laging humihingi ng Kanyang kapatawaran) وَنَزَّلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً مُّبَٰرَكًا فَأَنۢبَتۡنَا بِهِۦ جَنَّٰتٍ وَحَبَّ ٱلۡحَصِيدِ ٩At pinamalisbis Namin mula sa alapaap ang ulan na puno ng biyaya, at pinasibol Namin dito (sa kalupaan) ang mga halamanan at butil sa mga pag-aani وَٱلنَّخۡلَ بَاسِقَٰتٍ لَّهَا طَلۡعٌ نَّضِيدٌ ١٠At matataas (at mabibikas) na punong palmera (datiles) na may mga piling na hitik sa bunga رِّزۡقًا لِّلۡعِبَادِۖ وَأَحۡيَيۡنَا بِهِۦ بَلۡدَةً مَّيۡتًاۚ كَذَٰلِكَ ٱلۡخُرُوجُ ١١Bilang mga pagkain at ikabubuhay ng mga tagapaglingkod (ni Allah); at ginawaran Namin ng (bagong) buhay ang patay (tigang) na lupa. Sa ganitong (paghahambing) ang Muling Pagkabuhay (ng patay) كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٍ وَأَصۡحَٰبُ ٱلرَّسِّ وَثَمُودُ ١٢Bago pa man sila, ay itinatwa na ng Pamayanan ni Noe, ng mga Kasamahan ni Rass, (ng tribu) ni Thamud (ang Kabilang Buhay) وَعَادٌ وَفِرۡعَوۡنُ وَإِخۡوَٰنُ لُوطٍ ١٣Ni A’ad, Paraon, at mga kapatid ni Lut وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ وَقَوۡمُ تُبَّعٍۚ كُلٌّ كَذَّبَ ٱلرُّسُلَ فَحَقَّ وَعِيدِ ١٤At ng mga Naninirahan sa Kakahuyan, at ng pamayanan ng Tubba. Ang bawat isa sa kanila ay nagtakwil sa (kanilang) mga Tagapagbalita, kaya’t ang Aking Babala ay ipinatupad sa kanila أَفَعَيِينَا بِٱلۡخَلۡقِ ٱلۡأَوَّلِۚ بَلۡ هُمۡ فِي لَبۡسٍ مِّنۡ خَلۡقٍ جَدِيدٍ ١٥Kami (Allah) baga ay napagal sa Aming Unang Paglikha, at sila ay naguguluhan at nag-aalinlangan sa bagong Paglikha (alalaong baga, ang Muling Pagkabuhay) وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ وَنَعۡلَمُ مَا تُوَسۡوِسُ بِهِۦ نَفۡسُهُۥۖ وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنۡ حَبۡلِ ٱلۡوَرِيدِ ١٦At katotohanang Kami ang lumikha sa tao, at batid Namin kung ano ang ibinubulong ng kanyang kaluluwa; sapagkat higit Kaming malapit sa kanya (sa Aming karunungan) kaysa sa kanyang ugat sa leeg إِذۡ يَتَلَقَّى ٱلۡمُتَلَقِّيَانِ عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ قَعِيدٌ ١٧Pagmasdan ang dalawang (nagbabantay na anghel ) na nakatalaga upang maalaman (ang kanyang mga gawa), mabatid (at maitala ito). Isa ang nakaupo sa kanan at isa sa kaliwa مَّا يَلۡفِظُ مِن قَوۡلٍ إِلَّا لَدَيۡهِ رَقِيبٌ عَتِيدٌ ١٨walang isa mang salita na kanyang usalin ang makakahulagpos sa matamang Tagapagbantay وَجَآءَتۡ سَكۡرَةُ ٱلۡمَوۡتِ بِٱلۡحَقِّۖ ذَٰلِكَ مَا كُنتَ مِنۡهُ تَحِيدُ ١٩At ang pagkabaghan (pagkatuliro) sa kamatayan ay daratal sa katotohanan. “Ito ang bagay na pinagsusumikapan mong takasan!” وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِۚ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡوَعِيدِ ٢٠At ang Tambuli ay hihipan. Ito ang Araw na ang Babala ay iginawad (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay) وَجَآءَتۡ كُلُّ نَفۡسٍ مَّعَهَا سَآئِقٌ وَشَهِيدٌ ٢١At ang bawat kaluluwa ay magsisilapit; na sa bawat isa ay (may anghel) na humihila at (anghel) na nagbibigay patotoo لَّقَدۡ كُنتَ فِي غَفۡلَةٍ مِّنۡ هَٰذَا فَكَشَفۡنَا عَنكَ غِطَآءَكَ فَبَصَرُكَ ٱلۡيَوۡمَ حَدِيدٌ ٢٢(At sa makasalanan ay ipagsasaysay ): “Katotohanang ikaw ay hindi nakinig dito, ngayon ay Aming tinanggal ang iyong lambong, at higit na matalim ang iyong paningin sa Araw na ito!” وَقَالَ قَرِينُهُۥ هَٰذَا مَا لَدَيَّ عَتِيدٌ ٢٣At ang kanyang kasamang (anghel) ay magsasabi: “Narito sa akin ang Talaan na laging nakahanda!” أَلۡقِيَا فِي جَهَنَّمَ كُلَّ كَفَّارٍ عَنِيدٍ ٢٤(At ang kahatulan ay ito:) “Kayong dalawa (mga anghel), inyong itapon sa Impiyerno ang bawat isang matigas ang ulo na walang pananalig (sa Kaisahan ni Allah, sa Kanyang mga Tagapagbalita, atbp.)!” مَّنَّاعٍ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٍ مُّرِيبٍ ٢٥“ Na nagbabawal sa mga mabubuti, na nagmalabis sa hangganan (ng pagsuway ), at nag-aalinlangan ٱلَّذِي جَعَلَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَأَلۡقِيَاهُ فِي ٱلۡعَذَابِ ٱلشَّدِيدِ ٢٦Na nagtitindig ng iba pang diyos bilang katambal ni Allah, siya ay kapwa ninyo (ang mga anghel) itapon sa Kasakit-sakit na Kaparusahan.” ۞ قَالَ قَرِينُهُۥ رَبَّنَا مَآ أَطۡغَيۡتُهُۥ وَلَٰكِن كَانَ فِي ضَلَٰلِۭ بَعِيدٍ ٢٧Ang kanyang kasama (si Satanas) ay magsasabi: “Aming Panginoon! Siya ay hindi ko itinulak na magmalabis sa pagsuway (kawalan ng pananalig, pang-aapi, kabuktutan), datapuwa’t siya (sa kanyang sarili) ay nasa kamalian at pagkaligaw na malayo.” قَالَ لَا تَخۡتَصِمُواْ لَدَيَّ وَقَدۡ قَدَّمۡتُ إِلَيۡكُم بِٱلۡوَعِيدِ ٢٨Si Allah ay magwiwika: “Huwag kayong magtalo sa Aking Harapan. Noon pa mang una, Ako ay nagparating na sa inyo ng Babala.” مَا يُبَدَّلُ ٱلۡقَوۡلُ لَدَيَّ وَمَآ أَنَا۠ بِظَلَّٰمٍ لِّلۡعَبِيدِ ٢٩“Ang Aking Salita ay hindi magbabago, at Ako ay hindi maggagawad ng kahit isa mang katiting ng di katarungan sa Aking mga alipin” يَوۡمَ نَقُولُ لِجَهَنَّمَ هَلِ ٱمۡتَلَأۡتِ وَتَقُولُ هَلۡ مِن مَّزِيدٍ ٣٠Sa Araw na Aming tatanungin ang Impiyerno:, “Ikaw baga ay nalalagyan na ng husto?” Ito ay magsasabi: “ Mayroon pa bang ibang darating?” وَأُزۡلِفَتِ ٱلۡجَنَّةُ لِلۡمُتَّقِينَ غَيۡرَ بَعِيدٍ ٣١At ang Halamanan (Paraiso) ay itatambad nang malapit sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na umiiwas sa lahat ng mga ipinagbabawal at sumusunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah) هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِكُلِّ أَوَّابٍ حَفِيظٍ ٣٢(At dito ay ipagbabadya): “ Ito ang ipinangako sa inyo, (ito ay para) sa kanila na lagi nang nagbabalik-loob (kay Allah) sa taos na pagsisisi at nagpapanatili sa kanilang kasunduan kay Allah (sa pagsunod sa Kanya sa lahat ng Kanyang ipinag-utos at sumasamba lamang sa Kanya) مَّنۡ خَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِ وَجَآءَ بِقَلۡبٍ مُّنِيبٍ ٣٣“ Na nangangamba sa Pinakamapagbigay (Allah) sa Ghaib (Lingid) [alalaong baga, sa buhay sa mundong ito bago ang pagkikita at pakikipagtipan sa Kanya, at nag-aalay ng puso na sagana sa debosyon (sa Kanya)]” ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٍۖ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُلُودِ ٣٤“ Magsipasok kayo rito sa kapayapaan at kapanatagan; ito ang Araw ng walang Hanggang Buhay!” لَهُم مَّا يَشَآءُونَ فِيهَا وَلَدَيۡنَا مَزِيدٌ ٣٥Matatamasa nila rito ang lahat nilang ninanais, at mayroon pang ibang nakalaan na nasa Amin وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هُمۡ أَشَدُّ مِنۡهُم بَطۡشًا فَنَقَّبُواْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ هَلۡ مِن مَّحِيصٍ ٣٦Ngunit ilan na bang mga lahi ang winasak Namin nang una pa rito (dahilan sa kanilang kabuktutan), na higit na malakas sa kapangyarihan sa kanila? (At nang ang Kaparusahan ay dumatal), sila ay nagsipamayagpag sa kalupaan (upang maghanap ng kanlungan)! Makakatagpo ba sila ng anumang pook ng kanlungan (upang iligtas ang kanilang sarili sa pagkawasak) إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكۡرَىٰ لِمَن كَانَ لَهُۥ قَلۡبٌ أَوۡ أَلۡقَى ٱلسَّمۡعَ وَهُوَ شَهِيدٌ ٣٧Katotohanang naririto ang isang tiyak na Paala-ala sa sinuman na may puso at pang-unawa o siya na dumirinig at isang saksi وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ وَمَا مَسَّنَا مِن لُّغُوبٍ ٣٨Katotohanang nilikha Namin ang kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito sa anim na araw, at walang anumang pagkapagal ang nakapanaig sa Amin فَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ قَبۡلَ طُلُوعِ ٱلشَّمۡسِ وَقَبۡلَ ٱلۡغُرُوبِ ٣٩Kaya’t iyong pagtiisan (O Muhammad) ang lahat nilang sinasabi, at ipagbunyi mo ang mga pagpupuri sa iyong Panginoon, bago dumatal ang pagbubukang liwayway at bago kumagat ang dilim (alalaong baga, ang pang-umaga, pangtanghali at panghapong panalangin - Fajr, Dhuhur at Asr) وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡهُ وَأَدۡبَٰرَ ٱلسُّجُودِ ٤٠At (gayundin) sa mga bahagi ng gabi, ipagbunyi ang Kanyang mga papuri (alalaong baga, ang pangtakipsilim at panggabing panalangin – Maghrib at Isha), (at gayundin naman) pagkatapos ng pagpapatirapa (sa pananalangin), [katulad halimbawa ng pagdalit ng isang daang beses ng Subhan Allah, Alhamdu lillah, Allahu Akbar] وَٱسۡتَمِعۡ يَوۡمَ يُنَادِ ٱلۡمُنَادِ مِن مَّكَانٍ قَرِيبٍ ٤١At pakinggan sa Araw (na yaon) kung ang Tagatawag ay tumawag na sa isang pook na lubhang malapit يَوۡمَ يَسۡمَعُونَ ٱلصَّيۡحَةَ بِٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُرُوجِ ٤٢Sa Araw na sila ay makakarinig ng (malakas) na Pagsambulat na (walang pagsala), at sa katotohanan (alalaong baga, ang paglabas ng mga tao sa kanilang libingan), ito ang Araw ng Muling Pagkabuhay إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِۦ وَنُمِيتُ وَإِلَيۡنَا ٱلۡمَصِيرُ ٤٣Katotohanang Kami ang naggagawad ng Buhay at nagkakaloob ng Kamatayan; at sa Amin ang Huling Pagbabalik يَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلۡأَرۡضُ عَنۡهُمۡ سِرَاعًاۚ ذَٰلِكَ حَشۡرٌ عَلَيۡنَا يَسِيرٌ ٤٤Sa Araw na ang Kalupaan ay malalansag (sa pagkabiyak), na hinahayaan sila na nagmamadali sa paglabas: ito ang takdang pagtitipon na lubhang magaan sa Amin نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَقُولُونَۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِجَبَّارٍۖ فَذَكِّرۡ بِٱلۡقُرۡءَانِ مَن يَخَافُ وَعِيدِ ٤٥Labis Naming nababatid ang kanilang sinasabi; at ikaw (o Muhammad) ay hindi (siyang) makakapagpasunod nang sapilitan sa kanila (upang manampalataya). Kaya’t pagtagubilinan mo sila sa pamamagitan ng Qur’an na pangambahan nila ang Aking Babala

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.