ملة الإسلام

السورة 20 · 135 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة طه باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة طه (1,355 قارئاً)
مكيةسورة طه١٣٥ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

طه ١Ta, Ha (mga titik Ta, Ha) مَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لِتَشۡقَىٰٓ ٢Hindi Namin ipinanaog ang Qur’an sa iyo (O Muhammad) upang ikaw ay bigyan ng siphayo إِلَّا تَذۡكِرَةً لِّمَن يَخۡشَىٰ ٣Maliban lamang na ito ay isang Paala-ala sa mga may pangangamba (kay Allah) تَنزِيلًا مِّمَّنۡ خَلَقَ ٱلۡأَرۡضَ وَٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلۡعُلَى ٤Isang kapahayagan mula sa Kanya (Allah) na lumikha ng kalupaan at kalangitan sa kaitaasan ٱلرَّحۡمَٰنُ عَلَى ٱلۡعَرۡشِ ٱسۡتَوَىٰ ٥Ang Pinakamapagbigay (Allah) ay matatag na naka-Istawa (nasa itaas) ng Kanyang (makapangyarihang) Luklukan (sa paraang naaangkop sa Kanyang Kamahalan) لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَمَا تَحۡتَ ٱلثَّرَىٰ ٦Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito at nasa kailaliman ng lupa وَإِن تَجۡهَرۡ بِٱلۡقَوۡلِ فَإِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ وَأَخۡفَى ٧At kung ikaw (o Muhammad) ay mangusap nang malakas (sa paninikluhod), kung gayon, katotohanang Siya ang nakakaalam ng mga lihim at kung anuman ang nalilingid ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ لَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰ ٨Allah! La ilaha illa Huwa! (Si Allah! Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya)! Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng Magagandang Pangalan وَهَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ ٩Ang kasaysayan ba ni Moises ay nakarating na sa iyo إِذۡ رَءَا نَارًا فَقَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارًا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِقَبَسٍ أَوۡ أَجِدُ عَلَى ٱلنَّارِ هُدًى ١٠Pagmasdan! Siya ay nakamalas ng apoy, kaya’t sinabi niya sa kanyang pamilya: “Maghintay kayo rito! Katotohanang ako ay nakakita ng apoy. Marahil ay makakapagdala ako sa inyo mula roon ng isang nag-aapoy na bagay o dili kaya, (ako) ay makakatagpo ng ilang patnubay mula sa apoy.” فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ يَٰمُوسَىٰٓ ١١Datapuwa’t nang makalapit na siya sa apoy, siya ay tinawag sa pangalan: “o Moises!” إِنِّيٓ أَنَا۠ رَبُّكَ فَٱخۡلَعۡ نَعۡلَيۡكَ إِنَّكَ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوًى ١٢Katotohanang Ako ang iyong Panginoon! Kaya’t hubarin mo ang iyong sapatos; ikaw ay nasa sagradong lambak ng Tuwa وَأَنَا ٱخۡتَرۡتُكَ فَٱسۡتَمِعۡ لِمَا يُوحَىٰٓ ١٣At ikaw ay Aking hinirang, kaya’t makinig ka sa bagay na sa iyo ay ipapahayag إِنَّنِيٓ أَنَا ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدۡنِي وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِذِكۡرِيٓ ١٤Katotohanan! Ako si Allah! La ilaha illa Ana (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Akin). Kaya’t paglingkuran mo (lamang) Ako at magsagawa ka ng palagiang panalangin (Iqamat-as-Salah) bilang pag-aala-ala sa Akin إِنَّ ٱلسَّاعَةَ ءَاتِيَةٌ أَكَادُ أُخۡفِيهَا لِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا تَسۡعَىٰ ١٥Katotohanang ang Takdang Sandali ay paparating na, at ito ay Aking sinadya na nalilingid upang ang bawat tao (kaluluwa) ay makatanggap ng kanyang gantimpala ayon sa sukat ng kanyang pinagsumikapan فَلَا يَصُدَّنَّكَ عَنۡهَا مَن لَّا يُؤۡمِنُ بِهَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ فَتَرۡدَىٰ ١٦Kaya’t huwag hayaan ang isang tao na hindi nananampalataya (sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sa Pagsusulit, sa Paraiso at Impiyerno, atbp.) at sumusunod lamang sa kanyang mga pagnanasa ay makapagligaw sa iyo (sa Tuwid na Landas); maaaring ikaw ay maglaho وَمَا تِلۡكَ بِيَمِينِكَ يَٰمُوسَىٰ ١٧“At ano yaong nasa iyong kanang kamay, o Moises!” قَالَ هِيَ عَصَايَ أَتَوَكَّؤُاْ عَلَيۡهَا وَأَهُشُّ بِهَا عَلَىٰ غَنَمِي وَلِيَ فِيهَا مَـَٔارِبُ أُخۡرَىٰ ١٨Siya ay nagsabi: “Ito ang aking tungkod. dito ako humihilig at sa pamamagitan nito ay aking hinahampas ang sanga (ng halaman) bilang pagkain ng aking mga tupa, at ito rin ay marami pang gamit sa akin.” قَالَ أَلۡقِهَا يَٰمُوسَىٰ ١٩(Si Allah) ay nagwika: “Ihagis mo iyan, o Moises!” فَأَلۡقَىٰهَا فَإِذَا هِيَ حَيَّةٌ تَسۡعَىٰ ٢٠Inihagis niya ito, at pagmasdan! Ito ay naging ahas na gumagalaw nang mabilis قَالَ خُذۡهَا وَلَا تَخَفۡۖ سَنُعِيدُهَا سِيرَتَهَا ٱلۡأُولَىٰ ٢١(Si Allah) ay nagwika: “Sakmalin mo ito at huwag kang matakot. Ibabalik Naming muli ito sa kanyang dating anyo وَٱضۡمُمۡ يَدَكَ إِلَىٰ جَنَاحِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٍ ءَايَةً أُخۡرَىٰ ٢٢At idiin mo ang iyong (kanang) kamay sa (kaliwa) mong tagiliran; ito ay magiging puti (at magluluningning), na walang anumang karamdaman; bilang naiibang Tanda لِنُرِيَكَ مِنۡ ءَايَٰتِنَا ٱلۡكُبۡرَى ٢٣Upang maipamalas Namin sa iyo ang (ilan) sa Aming higit na mga dakilang Tanda.” ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ ٢٤“Pumaroon ka kay Paraon! Katotohanang siya ay nagmalabis sa pagsuway (sa kawalan ng pananalig, pag-aasal ng kapalaluan at pagiging mapang- api).” قَالَ رَبِّ ٱشۡرَحۡ لِي صَدۡرِي ٢٥(Si Moises) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Buksan Ninyo ang aking dibdib (Inyong bigyan ako ng tiwala sa aking sarili at katatagan) وَيَسِّرۡ لِيٓ أَمۡرِي ٢٦Padaliin Ninyo ang aking tungkulin sa akin وَٱحۡلُلۡ عُقۡدَةً مِّن لِّسَانِي ٢٧At Inyong alisin ang aking kahinaan sa pagsasalita (alalaong baga, ang mapawi ang kanyang kaba at kamalian sa kanyang pangungusap) يَفۡقَهُواْ قَوۡلِي ٢٨Upang kanilang maunawaan ang aking sasabihin وَٱجۡعَل لِّي وَزِيرًا مِّنۡ أَهۡلِي ٢٩At Inyong gawaran ako ng isang kawaksi mula sa aking pamilya هَٰرُونَ أَخِي ٣٠Si Aaron, ang aking kapatid na lalaki ٱشۡدُدۡ بِهِۦٓ أَزۡرِي ٣١dagdagan Ninyo ang aking tatag at lakas sa pamamagitan niya وَأَشۡرِكۡهُ فِيٓ أَمۡرِي ٣٢At hayaan na siya ay makihati sa aking tungkulin كَيۡ نُسَبِّحَكَ كَثِيرًا ٣٣Upang aming maipagbunyi ang pagpupuri sa Inyo nang walang maliw وَنَذۡكُرَكَ كَثِيرًا ٣٤At higit namin Kayong alalahanin (nang walang pagsasawa) إِنَّكَ كُنتَ بِنَا بَصِيرًا ٣٥Sapagkat katotohanang Kayo sa amin ay Laging Nagmamasid!” قَالَ قَدۡ أُوتِيتَ سُؤۡلَكَ يَٰمُوسَىٰ ٣٦(Si Allah) ay nagwika: “o Moises, ang iyong panalangin ay Aking dininig!” وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَيۡكَ مَرَّةً أُخۡرَىٰٓ ٣٧At katotohanang Kami ay naggawad (noon) ng ibang biyaya sa iyo إِذۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ أُمِّكَ مَا يُوحَىٰٓ ٣٨Pagmasdan! Kami ay nagsugo sa iyong ina sa pamamagitan ng isang inspirasyon ng Aming kapahayagan أَنِ ٱقۡذِفِيهِ فِي ٱلتَّابُوتِ فَٱقۡذِفِيهِ فِي ٱلۡيَمِّ فَلۡيُلۡقِهِ ٱلۡيَمُّ بِٱلسَّاحِلِ يَأۡخُذۡهُ عَدُوٌّ لِّي وَعَدُوٌّ لَّهُۥۚ وَأَلۡقَيۡتُ عَلَيۡكَ مَحَبَّةً مِّنِّي وَلِتُصۡنَعَ عَلَىٰ عَيۡنِيٓ ٣٩Na nagsasabi: “Ilagay mo siya (ang sanggol) sa isang Tabut (kuna o kahon o tampipi), at iyong ipaanod ito sa ilog (ng Nile). Ang ilog ay magsasadsad sa kanya sa pampang at siya ay kukunin ng isang tao na Aking kaaway at kaaway din niya, datapuwa’t binahaginan kita ng pagmamahal mula sa Akin, upang ikaw ay lumaki (sa pagkakandili) ng Aking Paningin إِذۡ تَمۡشِيٓ أُخۡتُكَ فَتَقُولُ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ مَن يَكۡفُلُهُۥۖ فَرَجَعۡنَٰكَ إِلَىٰٓ أُمِّكَ كَيۡ تَقَرَّ عَيۡنُهَا وَلَا تَحۡزَنَۚ وَقَتَلۡتَ نَفۡسًا فَنَجَّيۡنَٰكَ مِنَ ٱلۡغَمِّ وَفَتَنَّٰكَ فُتُونًاۚ فَلَبِثۡتَ سِنِينَ فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ ثُمَّ جِئۡتَ عَلَىٰ قَدَرٍ يَٰمُوسَىٰ ٤٠Nang ang iyong kapatid na babae ay dumating at nagsabi: “Ipapakita ko ba sa iyo ang tao na mag-aalaga sa kanya?” Kaya’t ikaw ay ibinalik Namin sa iyong ina, upang ang kanyang paningin ay maging malamig at huwag mamighati. At ikaw ay nakapatay ng isang tao, datapuwa’t iniligtas ka Namin sa kaguluhan at ikaw ay Aming sinubukan sa maraming paraan. At ikaw ay namalagi sa maraming taon sa pamayanan ng Madyan. At ngayon, ikaw ay naparito ayon sa natataningan na panahon na Aming itinakda (sa iyo), o Moises وَٱصۡطَنَعۡتُكَ لِنَفۡسِي ٤١At ikaw ay Aking pinili at inihanda (tinuruan ng mga bagay-bagay) sa paglilingkod sa Akin ٱذۡهَبۡ أَنتَ وَأَخُوكَ بِـَٔايَٰتِي وَلَا تَنِيَا فِي ذِكۡرِي ٤٢Pumaroon ka at ang iyong kapatid na dala ang Aking Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) at huwag kayong magbawa (sa sigasig) at panghinaan sa pag-aala-ala sa Akin ٱذۡهَبَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ ٤٣“Magsiparoon kayo kay Paraon, sapagkat katotohanang siya ay nagmalabis sa lahat ng hangganan ng pagsuway (sa kawalan ng pananalig, kapalaluan at pang-aapi).” فَقُولَا لَهُۥ قَوۡلًا لَّيِّنًا لَّعَلَّهُۥ يَتَذَكَّرُ أَوۡ يَخۡشَىٰ ٤٤Datapuwa’t mangusap ka sa kanya nang mahinahon, maaaring siya ay tumanggap ng paala-ala o mangamba (kay Allah) قَالَا رَبَّنَآ إِنَّنَا نَخَافُ أَن يَفۡرُطَ عَلَيۡنَآ أَوۡ أَن يَطۡغَىٰ ٤٥Sila (Moises at Aaron) ay nagsabi: “o aming Panginoon! Katotohanang kami ay nangangamba na madaliin niya ang pagpaparusa sa amin, o di kaya ay magmalabis siya sa pagsuway (laban sa amin) قَالَ لَا تَخَافَآۖ إِنَّنِي مَعَكُمَآ أَسۡمَعُ وَأَرَىٰ ٤٦Siya (Allah) ay nagwika: “Huwag kayong matakot! Katotohanang Ako ay nasa sa inyo, na Nakakarinig at Nakakamasid.” فَأۡتِيَاهُ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولَا رَبِّكَ فَأَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَلَا تُعَذِّبۡهُمۡۖ قَدۡ جِئۡنَٰكَ بِـَٔايَةٍ مِّن رَّبِّكَۖ وَٱلسَّلَٰمُ عَلَىٰ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلۡهُدَىٰٓ ٤٧Kaya’t kapwa kayo magsiparoon sa kanya at magpahayag: “Katotohanang kami ay mga Tagapagbalita mula sa iyong Panginoon, kaya’t hayaan ang lahat ng Angkan ng Israel ay sumama sa amin at huwag mo silang pahirapan. Katotohanang kami ay dumatal na may dalang Tanda mula sa iyong Panginoon! At ang Kapayapaan ay mapapasakanya, siya na susunod sa patnubay!” إِنَّا قَدۡ أُوحِيَ إِلَيۡنَآ أَنَّ ٱلۡعَذَابَ عَلَىٰ مَن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ ٤٨“Katotohanang sa amin ay ipinahayag na ang kaparusahan ay naghihintay sa mga nagtatakwil (sa Kaisahan ni Allah, sa Kanyang mga Tagapagbalita, atbp.) at nagsisitalikod (sa katotohanan at pagsunod kay Allah).” قَالَ فَمَن رَّبُّكُمَا يَٰمُوسَىٰ ٤٩Si Paraon ay nagsabi: “Sino baga, o Moises ang Panginoon ninyong dalawa?” قَالَ رَبُّنَا ٱلَّذِيٓ أَعۡطَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ خَلۡقَهُۥ ثُمَّ هَدَىٰ ٥٠(Si Moises) ay nagsabi: “Ang aming Panginoon ay Siya, na nagbigay sa bawat bagay ng kanyang hugis at kalikasan at sa kanila ay namatnubay.” قَالَ فَمَا بَالُ ٱلۡقُرُونِ ٱلۡأُولَىٰ ٥١(Si Paraon) ay nagturing: “At ano naman ang tungkol (sa kalagayan) ng mga sali’t saling lahi (ninuno) noong pang una?” قَالَ عِلۡمُهَا عِندَ رَبِّي فِي كِتَٰبٍۖ لَّا يَضِلُّ رَبِّي وَلَا يَنسَى ٥٢(Si Moises) ay nagsabi: “Ang kaalaman diyan ay nasa aking Panginoon, sa isang Talaan. Ang aking Panginoon ay hindi kailanman nagkakamali at nakakalimot ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدًا وَسَلَكَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلًا وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجًا مِّن نَّبَاتٍ شَتَّىٰ ٥٣Siya na lumikha sa inyo ng kalupaan na tulad ng isang higaan (karpeta) na nakalatag; upang kayo ay matagumpay na makapaglakbay sa kanyang mga daan; at nagpamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap.” At dito ay nagpatubo Kami ng iba’t ibang uri ng halaman at pananim (sa pares) كُلُواْ وَٱرۡعَوۡاْ أَنۡعَٰمَكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٍ لِّأُوْلِي ٱلنُّهَىٰ ٥٤Magsikain kayo (para sa inyong sarili) at inyong pastulan ang inyong hayupan (bakahan) dito; katotohanang naririto ang mga Tanda sa mga tao na may pang-unawa ۞ مِنۡهَا خَلَقۡنَٰكُمۡ وَفِيهَا نُعِيدُكُمۡ وَمِنۡهَا نُخۡرِجُكُمۡ تَارَةً أُخۡرَىٰ ٥٥Mula (sa lupa) ay Aming nilikha kayo, at dito kayo ay Aming ibabalik, at dito kayo ay muli rin Naming bubuhayin وَلَقَدۡ أَرَيۡنَٰهُ ءَايَٰتِنَا كُلَّهَا فَكَذَّبَ وَأَبَىٰ ٥٦At katotohanang ipinamalas Namin sa kanya (Paraon) ang Aming mga Tanda at Katibayan, datapuwa’t siya ay nagtatwa at hindi kumilala قَالَ أَجِئۡتَنَا لِتُخۡرِجَنَا مِنۡ أَرۡضِنَا بِسِحۡرِكَ يَٰمُوسَىٰ ٥٧(Si Paraon) ay nagsabi: “Pumarito ka ba upang kami ay itaboy sa kalupaan sa pamamagitan ng iyong salamangka, o Moises?” فَلَنَأۡتِيَنَّكَ بِسِحۡرٍ مِّثۡلِهِۦ فَٱجۡعَلۡ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكَ مَوۡعِدًا لَّا نُخۡلِفُهُۥ نَحۡنُ وَلَآ أَنتَ مَكَانًا سُوًى ٥٨At katotohanang kami ay makapagsasagawa rin ng salamangka na katulad nito; kaya’t magtakda ka ng pakikipagtipan sa gitna natin, na sinuman sa atin ay hindi makakalimot, sa isang lantad at malawak na pook na ang bawat isa ay may magkatulad na pagkakataon (na matutunghayan ng mga manonood) قَالَ مَوۡعِدُكُمۡ يَوۡمُ ٱلزِّينَةِ وَأَن يُحۡشَرَ ٱلنَّاسُ ضُحًى ٥٩(Si Moises) ay nagsabi: “Ang iyong takdang araw ay ang Araw ng Pagdiriwang, at hayaan ang mga tao ay magsitambad kung mataas na ang araw (tanghali na) فَتَوَلَّىٰ فِرۡعَوۡنُ فَجَمَعَ كَيۡدَهُۥ ثُمَّ أَتَىٰ ٦٠Kaya’t si Paraon ay lumayo at nanahimik; siya ay nagtuon ng panahon sa kanyang balak at muling bumalik قَالَ لَهُم مُّوسَىٰ وَيۡلَكُمۡ لَا تَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا فَيُسۡحِتَكُم بِعَذَابٍۖ وَقَدۡ خَابَ مَنِ ٱفۡتَرَىٰ ٦١Si Moises ay nagsabi sa kanila: “Ang kasawian ay sa inyo! Huwag kayong gumawa ng kasinungalingan kay Allah, baka kayo ay Kanyang ganap na pinsalain sa kaparusahan. At katotohanang siya na nagsasagawa ng kasinungalingan (laban kay Allah), ay kaaba-aba na mabibigo.” فَتَنَٰزَعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّجۡوَىٰ ٦٢At sila ay nagsipagtalo-talo sa bawat isa kung ano ang kanilang gagawin, at inilihim nila ang kanilang pag-uusap قَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَٰنِ لَسَٰحِرَٰنِ يُرِيدَانِ أَن يُخۡرِجَاكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِمَا وَيَذۡهَبَا بِطَرِيقَتِكُمُ ٱلۡمُثۡلَىٰ ٦٣Sila ay nagsabi: “Ang dalawang ito ay walang alinlangan na mga bihasang salamangkero. Ang kanilang hangarin ay upang itaboy kayo sa inyong lupain sa pamamagitan ng kanilang salamangka at kanilang gahisin ang inyong pinuno at mga mahal na tao فَأَجۡمِعُواْ كَيۡدَكُمۡ ثُمَّ ٱئۡتُواْ صَفًّاۚ وَقَدۡ أَفۡلَحَ ٱلۡيَوۡمَ مَنِ ٱسۡتَعۡلَىٰ ٦٤Kaya’t pagbutihin ang inyong balak, at magtipon-tipon kayo sa iba’t ibang hanay. At sinumang magwagi sa araw na ito ay katotohanang matagumpay!” قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ أَوَّلَ مَنۡ أَلۡقَىٰ ٦٥Sila ay nagsabi: “o Moises! Maaaring ikaw ang maunang maghagis o kami ang mauunang maghagis?” قَالَ بَلۡ أَلۡقُواْۖ فَإِذَا حِبَالُهُمۡ وَعِصِيُّهُمۡ يُخَيَّلُ إِلَيۡهِ مِن سِحۡرِهِمۡ أَنَّهَا تَسۡعَىٰ ٦٦(Si Moises) ay nagsabi: “Hindi, mauna kayong maghagis!” At pagmasdan! Ang kanilang mga lubid at tungkod, sa pamamagitan ng kanilang salamangka, ay nahantad sa kanila na wari bang gumagalaw nang mabilis فَأَوۡجَسَ فِي نَفۡسِهِۦ خِيفَةً مُّوسَىٰ ٦٧Kaya’t si Moises ay nagkaroon ng takot sa kanyang sarili قُلۡنَا لَا تَخَفۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡأَعۡلَىٰ ٦٨Kami (Allah) ay nagwika: “Huwag kang matakot! Katotohanang ikaw ang mangunguna وَأَلۡقِ مَا فِي يَمِينِكَ تَلۡقَفۡ مَا صَنَعُوٓاْۖ إِنَّمَا صَنَعُواْ كَيۡدُ سَٰحِرٍۖ وَلَا يُفۡلِحُ ٱلسَّاحِرُ حَيۡثُ أَتَىٰ ٦٩At iyong ihagis ang nasa kanan mong kamay! Lulunukin nitong lahat ang kanilang ginawa. Ang kanilang ginawa ay panlilinlang lamang ng isang salamangkero, at ang isang salamangkero ay hindi kailanman magtatagumpay, kahit na gaano pang kaalaman ang kanilang naabot.” فَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سُجَّدًا قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ هَٰرُونَ وَمُوسَىٰ ٧٠Kaya’t ang mga salamangkero ay nangayupapa na nangagpatirapa. Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasampalataya sa Panginoon ni Aaron at Moises.” قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَۖ فَلَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٍ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ فِي جُذُوعِ ٱلنَّخۡلِ وَلَتَعۡلَمُنَّ أَيُّنَآ أَشَدُّ عَذَابًا وَأَبۡقَىٰ ٧١(Si Paraon) ay nagsabi: “Naniniwala ba kayo sa kanya (Moises), bago ko pa kayo bigyan ng pahintulot? Katotohanan! Siya (Moises) ang inyong pinuno na nagturo sa inyo ng salamangka. Kaya’t walang pagsala na aking puputulin ang inyong mga kamay at paa sa magkabilang panig at katotohanang aking ibabayubay kayo sa puno ng mga palmera (datiles), at katiyakang inyong mapag- aalaman kung sino sa amin (ako, si Paraon o ang Panginoon ni Moises [Allah]), ang makakapaggawad ng matindi at higit na nagtatagal na kaparusahan.” قَالُواْ لَن نُّؤۡثِرَكَ عَلَىٰ مَا جَآءَنَا مِنَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلَّذِي فَطَرَنَاۖ فَٱقۡضِ مَآ أَنتَ قَاضٍۖ إِنَّمَا تَقۡضِي هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَآ ٧٢Sila ay nagsabi: “Hindi ka namin bibigyan ng higit na pansin kaysa sa Maliliwanag na Tanda na dumatal sa amin. Kaya’t iyong itakda kung anuman ang nais mong ipatupad sa amin, sapagkat ikaw ay makakapagtakda lamang (sa mga bagay) ng buhay sa mundong ito إِنَّآ ءَامَنَّا بِرَبِّنَا لِيَغۡفِرَ لَنَا خَطَٰيَٰنَا وَمَآ أَكۡرَهۡتَنَا عَلَيۡهِ مِنَ ٱلسِّحۡرِۗ وَٱللَّهُ خَيۡرٌ وَأَبۡقَىٰٓ ٧٣Katotohanang kami ay sumampalataya sa aming Panginoon, upang kami ay Kanyang mapatawad sa aming mga pagkukulang, at sa salamangka na iyong ipinag-utos sa amin. At si Allah ay higit na may mabuting gantimpala kung ihahambing sa iyong (Paraon) gantimpala, at higit na nagtatagal (kung tungkol sa kaparusahan kung ihahambing laban sa iyong pagpaparusa).” إِنَّهُۥ مَن يَأۡتِ رَبَّهُۥ مُجۡرِمًا فَإِنَّ لَهُۥ جَهَنَّمَ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ ٧٤Katotohanan! Sinuman ang lumapit sa kanyang Panginoon na isang Mujrimun (tampalasan, kriminal, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, makasalanan, buktot, atbp.), walang pagsala, sasakanya ang Impiyerno at dito siya ay hindi mamamatay o mabubuhay وَمَن يَأۡتِهِۦ مُؤۡمِنًا قَدۡ عَمِلَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلدَّرَجَٰتُ ٱلۡعُلَىٰ ٧٥Datapuwa’t sinumang lumapit sa Kanya (Allah) na isang nananampalataya, at nagsigawa ng mga kabutihan, sasakanila ang matataas na Antas (ng Kabilang Buhay) جَنَّٰتُ عَدۡنٍ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ مَن تَزَكَّىٰ ٧٦Walang Hanggang Halamanan (Paraiso) na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy; mananahan sila rito magpakailanman. Ito ang gantimpala sa mga nagpapadalisay sa kanilang sarili (sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng mga kasalanan at mga kasamaan na ipinagbabawal ni Allah at sa paggawa ng lahat Niyang ipinag-uutos) وَلَقَدۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَسۡرِ بِعِبَادِي فَٱضۡرِبۡ لَهُمۡ طَرِيقًا فِي ٱلۡبَحۡرِ يَبَسًا لَّا تَخَٰفُ دَرَكًا وَلَا تَخۡشَىٰ ٧٧At katotohanang Kami ay nagbigay ng inspirasyon kay Moises: “Maglakbay ka sa gabi na kasama ang Ibadi (Aking mga lingkod), at iyong hampasin ang tuyong landas hanggang sa dagat, na walang pagkatakot na kayo ay mapanaigan (ni Paraon) at walang iba pang pangangamba (na kayo ay malunod sa dagat).” فَأَتۡبَعَهُمۡ فِرۡعَوۡنُ بِجُنُودِهِۦ فَغَشِيَهُم مِّنَ ٱلۡيَمِّ مَا غَشِيَهُمۡ ٧٨At sila ay tinugis ni Paraon na kasama ang kanyang mga kabig, datapuwa’t ang tubig ay ganap na tumabon at lumukob sa kanila وَأَضَلَّ فِرۡعَوۡنُ قَوۡمَهُۥ وَمَا هَدَىٰ ٧٩Si Paraon ang nagtulak sa kanyang mga tao na maligaw kaysa ang mapatnubayan sila sa tuwid na landas يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ قَدۡ أَنجَيۡنَٰكُم مِّنۡ عَدُوِّكُمۡ وَوَٰعَدۡنَٰكُمۡ جَانِبَ ٱلطُّورِ ٱلۡأَيۡمَنَ وَنَزَّلۡنَا عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَنَّ وَٱلسَّلۡوَىٰ ٨٠o Angkan ng Israel! Aming iniligtas kayo sa inyong kaaway at Kami ay gumawa ng Kasunduan sa inyo sa kanang bahagi ng bundok ng Sinai; at ipinanaog Namin sa inyo ang Manna at mga pugo كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ وَلَا تَطۡغَوۡاْ فِيهِ فَيَحِلَّ عَلَيۡكُمۡ غَضَبِيۖ وَمَن يَحۡلِلۡ عَلَيۡهِ غَضَبِي فَقَدۡ هَوَىٰ ٨١(Na nagsasabi): “Magsikain kayo ng Tayyibat (mabubuti at mga pinahihintulutang bagay) na Aming iginawad sa inyo bilang inyong ikabubuhay, datapuwa’t huwag kayong magmalabis dito, (marahil) ay mangyayaring ang Aking poot ay bumaba sa inyo. At sa sinuman na mababaan ng Aking poot ay katotohanang maglalaho!” وَإِنِّي لَغَفَّارٌ لِّمَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحًا ثُمَّ ٱهۡتَدَىٰ ٨٢Datapuwa’t katotohanan na walang alinlangan,Ako ay Lagi nang Nagpapatawad ng Paulit-ulit sa kanya na nagtitika, na sumasampalataya (sa Aking Kaisahan at hindi nag-aakibat ng mga katambal sa pagsamba sa Akin) at gumagawa ng mga kabutihan at namamalagi sa paggawa nito (hanggang sa kanyang kamatayan) ۞ وَمَآ أَعۡجَلَكَ عَن قَوۡمِكَ يَٰمُوسَىٰ ٨٣(Nang si Moises ay nasa bundok na, si Allah ay nagwika): “Ano ang nagtulak sa iyo upang magmadali ka na mauna sa iyong pamayanan, o Moises?” قَالَ هُمۡ أُوْلَآءِ عَلَىٰٓ أَثَرِي وَعَجِلۡتُ إِلَيۡكَ رَبِّ لِتَرۡضَىٰ ٨٤Siya ay nagsabi: “Pagmasdan, sila ay malapit na sa aking mga yapak, at ako ay nagmadali (sa pagtungo) sa Inyo, o aking Panginoon, upang Kayo ay mabigyan ng kasiyahan.” قَالَ فَإِنَّا قَدۡ فَتَنَّا قَوۡمَكَ مِنۢ بَعۡدِكَ وَأَضَلَّهُمُ ٱلسَّامِرِيُّ ٨٥(Si Allah) ay nagwika: “Katotohanang Aming sinubukan ang iyong pamayanan nang ikaw ay wala sa kanila, at si As-Samiri ang nagtulak sa kanilang pagkaligaw.” فَرَجَعَ مُوسَىٰٓ إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ غَضۡبَٰنَ أَسِفًاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ أَلَمۡ يَعِدۡكُمۡ رَبُّكُمۡ وَعۡدًا حَسَنًاۚ أَفَطَالَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡعَهۡدُ أَمۡ أَرَدتُّمۡ أَن يَحِلَّ عَلَيۡكُمۡ غَضَبٌ مِّن رَّبِّكُمۡ فَأَخۡلَفۡتُم مَّوۡعِدِي ٨٦At si Moises ay bumalik sa kaniyang mga tao na tigib ng galit at pighati. Siya ay nagsabi: “o aking pamayanan! Hindi baga ang inyong Panginoon ay nangako sa inyo ng isang makatuwirang pangako? Ang pangako baga ay inakala ninyo na malayo pa (sa pagdatal)? o inyo bang ninanais na ang Poot ng inyong Panginoon ay manaog sa inyo, kaya’t inyong sinira ang inyong pangako sa akin (ang hindi pananampalataya kay Alah at pagsamba sa baka)?” قَالُواْ مَآ أَخۡلَفۡنَا مَوۡعِدَكَ بِمَلۡكِنَا وَلَٰكِنَّا حُمِّلۡنَآ أَوۡزَارًا مِّن زِينَةِ ٱلۡقَوۡمِ فَقَذَفۡنَٰهَا فَكَذَٰلِكَ أَلۡقَى ٱلسَّامِرِيُّ ٨٧Sila ay nagsabi: “Hindi namin sinira ang pangako namin sa iyo ng ayon sa aming kagustuhan, datapuwa’t kami ay pinag-utusan na magdala ng bigat ng mga hiyas ng tao (ni Paraon), kaya’t aming inihagis ito (sa apoy), ayon sa mungkahi ni As-Samiri.” فَأَخۡرَجَ لَهُمۡ عِجۡلًا جَسَدًا لَّهُۥ خُوَارٌ فَقَالُواْ هَٰذَآ إِلَٰهُكُمۡ وَإِلَٰهُ مُوسَىٰ فَنَسِيَ ٨٨At kanyang nilikha mula sa hiyas (na natunaw ng apoy) ang isang bulo (batang baka) at itinambad sa kanyang pamayanan na wari bang umuunga. Siya (As-Samiri) ay nagsabi: “Ito ang inyong diyos, at ang diyos ni Moises, datapuwa’t siya (Moises) ay nakalimot (sa kanyang diyos)!” أَفَلَا يَرَوۡنَ أَلَّا يَرۡجِعُ إِلَيۡهِمۡ قَوۡلًا وَلَا يَمۡلِكُ لَهُمۡ ضَرًّا وَلَا نَفۡعًا ٨٩Hindi baga nila napagmamalas na ito ay hindi makapagsasabi sa kanila ng isang salita (bilang tugon), at ito ay walang kapangyarihan na bigyan sila ng kapinsalaan o kabutihan وَلَقَدۡ قَالَ لَهُمۡ هَٰرُونُ مِن قَبۡلُ يَٰقَوۡمِ إِنَّمَا فُتِنتُم بِهِۦۖ وَإِنَّ رَبَّكُمُ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَٱتَّبِعُونِي وَأَطِيعُوٓاْ أَمۡرِي ٩٠At katotohanang si Aaron ay nagsabi noon pa sa kanila: “O aking pamayanan! Kayo ay sinusubukan dito, at katotohanan, ang inyong Panginoon (ay si Allah), ang Pinakamapagbigay, kaya’t sundin ninyo ako at tuparin ang aking pag-uutos.” قَالُواْ لَن نَّبۡرَحَ عَلَيۡهِ عَٰكِفِينَ حَتَّىٰ يَرۡجِعَ إِلَيۡنَا مُوسَىٰ ٩١Sila ay nagsabi: “Kami ay hindi titigil nang pagsamba rito (ang baka) hanggang si Moises ay hindi bumabalik sa amin.” قَالَ يَٰهَٰرُونُ مَا مَنَعَكَ إِذۡ رَأَيۡتَهُمۡ ضَلُّوٓاْ ٩٢(Si Moises) ay nagsabi: “o Aaron! Ano ang pumigil sa iyo nang iyong mamalas na sila ay napapaligaw أَلَّا تَتَّبِعَنِۖ أَفَعَصَيۡتَ أَمۡرِي ٩٣Na ako ay hindi mo sinunod (sa aking mga payo sa iyo)? Iyo bang sinuway ang aking pag-uutos?” قَالَ يَبۡنَؤُمَّ لَا تَأۡخُذۡ بِلِحۡيَتِي وَلَا بِرَأۡسِيٓۖ إِنِّي خَشِيتُ أَن تَقُولَ فَرَّقۡتَ بَيۡنَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَلَمۡ تَرۡقُبۡ قَوۡلِي ٩٤Siya (Aaron) ay nagsabi: “O anak (na lalaki) ng aking ina! Huwag mo akong sakmalin sa aking balbas, gayundin (sa buhok) ng aking ulo! Katotohanang ako ay nangangamba na marahil ay iyong sabihin: “Ikaw ang nagturo ng pagkakahidwa-hidwa sa Angkan ng Israel, at ikaw ay hindi naghintay sa aking salita!” قَالَ فَمَا خَطۡبُكَ يَٰسَٰمِرِيُّ ٩٥(Si Moises) ay nagsabi: “At ano ang nangyayari sa iyo, o Samiri? (bakit mo ito ginawa) قَالَ بَصُرۡتُ بِمَا لَمۡ يَبۡصُرُواْ بِهِۦ فَقَبَضۡتُ قَبۡضَةً مِّنۡ أَثَرِ ٱلرَّسُولِ فَنَبَذۡتُهَا وَكَذَٰلِكَ سَوَّلَتۡ لِي نَفۡسِي ٩٦(Si Samiri) ay nagsabi: “Nakita ko ang hindi nila nakikita, kaya’t kumuha ako ng isang dakot (ng alikabok) mula sa bakas ng Tagapagbalita (sa kabayo ni Gabriel) at inihagis ko ito (sa apoy na pinagtunawan ng mga hiyas, o sa nililok na baka). Ito ang ibinubulong sa akin ng aking kaluluwa.” قَالَ فَٱذۡهَبۡ فَإِنَّ لَكَ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ أَن تَقُولَ لَا مِسَاسَۖ وَإِنَّ لَكَ مَوۡعِدًا لَّن تُخۡلَفَهُۥۖ وَٱنظُرۡ إِلَىٰٓ إِلَٰهِكَ ٱلَّذِي ظَلۡتَ عَلَيۡهِ عَاكِفًاۖ لَّنُحَرِّقَنَّهُۥ ثُمَّ لَنَنسِفَنَّهُۥ فِي ٱلۡيَمِّ نَسۡفًا ٩٧Si Moises ay nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay humayo!At katotohanan, ang iyong (kaparusahan) sa buhay na ito, ay ikaw ay magsasabi: “Ako ay huwag ninyong salingin (alalaong baga, ikaw ay mamumuhay na mag-isa at malayo sa sangkatauhan); at katotohanang higit pa rito (ang darating na kaparusahan), ikaw ay mayroong pangako na hindi mabibigo. Ngayon, iyong malasin ang iyong diyos, na sa kanya ikaw ay naging matimtimang tagasamba; katiyakan na Aming sisilaban ito sa naglalagablab na apoy at ikakalat ang mga bahagi nito sa dagat.” إِنَّمَآ إِلَٰهُكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ وَسِعَ كُلَّ شَيۡءٍ عِلۡمًا ٩٨Ang Ilah (diyos) ninyong lahat ay si Allah, ang Tanging Isa; La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Siya ang may ganap na kaalaman sa lahat ng bagay كَذَٰلِكَ نَقُصُّ عَلَيۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ مَا قَدۡ سَبَقَۚ وَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ مِن لَّدُنَّا ذِكۡرًا ٩٩Kaya’t Aming inilahad sa iyo (O Muhammad) ang ilang kasaysayan na nangyari noon. At katotohanang ikaw ay pinagkalooban Namin ng isang Paala-ala (ang Qur’an) mula sa Amin مَّنۡ أَعۡرَضَ عَنۡهُ فَإِنَّهُۥ يَحۡمِلُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وِزۡرًا ١٠٠At sinumang tumalikod dito (sa Qur’an, alalaong baga, ang hindi maniwala rito at gumawa ayon sa pag-uutos nito), katotohanang sila ay magbabata ng bigat (ng mga kasalanan) sa Araw ng Muling Pagkabuhay خَٰلِدِينَ فِيهِۖ وَسَآءَ لَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ حِمۡلًا ١٠١Mananahan sila roon sa ganoong (kalagayan, sa Apoy ng Impiyerno), at katotohanang kasamaan ang kanilang magiging dalahin sa Araw ng Muling Pagkabuhay يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِۚ وَنَحۡشُرُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ يَوۡمَئِذٍ زُرۡقًا ١٠٢Sa Araw na ang Tambuli ay patutunugin (sa pangalawang pag- ihip); sa Araw na yaon ay Aming titipunin ang Mujrimun (mga tampalasan, kriminal, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, makasalanan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) na mga Zurqa (na nanlalabo ang mga mata o tila bughaw at nangingitim ang mukha sa sindak) يَتَخَٰفَتُونَ بَيۡنَهُمۡ إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا عَشۡرًا ١٠٣Sa mga bulong ay magsasalita sila sa isa’t isa (na nagsasabi): “Kayo ay namalagi lamang nang hindi hihigit sa sampung (araw).” نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَقُولُونَ إِذۡ يَقُولُ أَمۡثَلُهُمۡ طَرِيقَةً إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا يَوۡمًا ١٠٤Higit Naming batid kung ano ang kanilang sasabihin, kung ang pinakamagaling sa kanila sa pangangatwiran ay magsasabi: “Kayo ay namalagi lamang nang hindi hihigit sa isang araw!” وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡجِبَالِ فَقُلۡ يَنسِفُهَا رَبِّي نَسۡفًا ١٠٥At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa kabundukan; iyong ipagbadya: “Ang aking Panginoon ay magpapasabog sa kanila at Kanyang ikakalat ang mga ito bilang mga bahagi ng alikabok.” فَيَذَرُهَا قَاعًا صَفۡصَفًا ١٠٦At pagkatapos ay iiwanan Niya (ang kalupaan) na patag at makinis لَّا تَرَىٰ فِيهَا عِوَجًا وَلَآ أَمۡتًا ١٠٧walang anumang baluktot o kurba ang makikita ninyo rito يَوۡمَئِذٍ يَتَّبِعُونَ ٱلدَّاعِيَ لَا عِوَجَ لَهُۥۖ وَخَشَعَتِ ٱلۡأَصۡوَاتُ لِلرَّحۡمَٰنِ فَلَا تَسۡمَعُ إِلَّا هَمۡسًا ١٠٨Sa Araw na yaon, sila ay matiim na susunod (sa tinig) ng tagatawag ni Allah; at walang anumang pagkabaluktot (sa kanyang tinig). At ang lahat ng mga tinig ay mangangayupapa sa Pinakamapagbigay (Allah) at wala kayong maririnig maliban sa mahinang yabag ng kanilang mga paa يَوۡمَئِذٍ لَّا تَنفَعُ ٱلشَّفَٰعَةُ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَرَضِيَ لَهُۥ قَوۡلًا ١٠٩Sa Araw na yaon ay walang pamamagitan ang mananaig, maliban sa kanya na binigyan ng kapahintulutan ng Pinakamapagbigay (Allah), na ang kanyang salita ay katanggap-tanggap sa Kanya يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَلَا يُحِيطُونَ بِهِۦ عِلۡمًا ١١٠Batid Niya (Allah) kung ano ang nangyayari sa (Kanyang mga nilikha) sa mundong ito, at kung ano ang mangyayari sa kanila (sa Kabilang Buhay), at sila ay hindi makapagkakamit ng anuman ng Kanyang karunungan ۞ وَعَنَتِ ٱلۡوُجُوهُ لِلۡحَيِّ ٱلۡقَيُّومِۖ وَقَدۡ خَابَ مَنۡ حَمَلَ ظُلۡمًا ١١١At ang lahat ng mukha ay mangangayupapa sa harapan (ni Allah), ang Namamalaging Buhay, ang Tagapanustos at Tagapangalaga ng lahat. At siya na nagdadala (ng pasanin) ng maling gawa (alalaong baga, siya na hindi sumasampalataya kay Allah, nag-aakibat ng mga katambal sa Kanya, at sumusuway sa Kanya), katotohanang walang pag-asa at bigo siya (sa Araw na yaon) وَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَهُوَ مُؤۡمِنٌ فَلَا يَخَافُ ظُلۡمًا وَلَا هَضۡمًا ١١٢Datapuwa’t siya na gumagawa ng kabutihan at may pananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), ay walang anumang pangamba ng kapinsalaan at kawalang katarungan, gayundin naman, hindi mababawasan (ang kanyang gantimpala) وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَٰهُ قُرۡءَانًا عَرَبِيًّا وَصَرَّفۡنَا فِيهِ مِنَ ٱلۡوَعِيدِ لَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ أَوۡ يُحۡدِثُ لَهُمۡ ذِكۡرًا ١١٣Kaya’tAmingipinanaogang Qur’ansa(wikang)Arabik, at Aming ipinaliwanag dito nang puspusan ang mga babala at paala-ala upang sila ay magkaroon ng pangangamba kay Allah, o di kaya ay magbigay silbi ito bilang aral sa kanila (sa pag-aala-ala sa Kanya) فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡحَقُّۗ وَلَا تَعۡجَلۡ بِٱلۡقُرۡءَانِ مِن قَبۡلِ أَن يُقۡضَىٰٓ إِلَيۡكَ وَحۡيُهُۥۖ وَقُل رَّبِّ زِدۡنِي عِلۡمًا ١١٤Kataas-taasan si Allah sa lahat! Ang Tunay na Hari! Huwag kang magmadali (O Muhammad) sa Qur’an bago pa ang pahayag ay maganap na lahat, at ikaw ay magsabi: “Aking Panginoon! Inyong dagdagan ang aking kaalaman!” وَلَقَدۡ عَهِدۡنَآ إِلَىٰٓ ءَادَمَ مِن قَبۡلُ فَنَسِيَ وَلَمۡ نَجِدۡ لَهُۥ عَزۡمًا ١١٥At katotohanang Kami ay gumawa noon ng kasunduan kay Adan, datapuwa’t siya ay nakalimot, at Aming nakita sa kanya ang kawalan ng katatagan وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰ ١١٦At alalahanin nang Aming sabihin sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan.” Nagpatirapa silang lahat maliban kay Iblis, siya ay tumanggi فَقُلۡنَا يَٰٓـَٔادَمُ إِنَّ هَٰذَا عَدُوٌّ لَّكَ وَلِزَوۡجِكَ فَلَا يُخۡرِجَنَّكُمَا مِنَ ٱلۡجَنَّةِ فَتَشۡقَىٰٓ ١١٧At Kami ay nagsabi: “O Adan! Katotohanang siya ay isang kaaway sa iyo at sa iyong asawa. Kaya’t huwag ninyong hayaan na kanyang maitaboy kayo mula sa Halamanan upang kayo ay magkaroon ng lumbay sa kapighatian إِنَّ لَكَ أَلَّا تَجُوعَ فِيهَا وَلَا تَعۡرَىٰ ١١٨Katotohanang kayo ay mayroong (pangako mula sa Amin) na kailanman ay hindi kayo magugutom dito (Paraiso) o magiging hubad وَأَنَّكَ لَا تَظۡمَؤُاْ فِيهَا وَلَا تَضۡحَىٰ ١١٩At kayo ay hindi makakaranas dito ng pagkauhaw, gayundin ng init ng sikat ng araw.” فَوَسۡوَسَ إِلَيۡهِ ٱلشَّيۡطَٰنُ قَالَ يَٰٓـَٔادَمُ هَلۡ أَدُلُّكَ عَلَىٰ شَجَرَةِ ٱلۡخُلۡدِ وَمُلۡكٍ لَّا يَبۡلَىٰ ١٢٠Datapuwa’t si Satanas ay bumulong sa kanya na nagsasabi: “o Adan! Ihahantong ba kita sa Puno ng Walang Hanggang Buhay at sa kaharian na hindi masisira?” فَأَكَلَا مِنۡهَا فَبَدَتۡ لَهُمَا سَوۡءَٰتُهُمَا وَطَفِقَا يَخۡصِفَانِ عَلَيۡهِمَا مِن وَرَقِ ٱلۡجَنَّةِۚ وَعَصَىٰٓ ءَادَمُ رَبَّهُۥ فَغَوَىٰ ١٢١Sa kalaunan, sila ay kapwa kumain (ng bunga) ng puno; at sa gayon, ang kanilang maselang bahagi (ng katawan) ay nalantad sa kanila; at sila ay nagsimulang magtagni-tagni ng mga dahon sa Halamanan bilang kanilang pantakip. Sa ganito sinuway ni Adan ang kanyang Panginoon, kaya’t siya ay napaligaw sa kamalian ثُمَّ ٱجۡتَبَٰهُ رَبُّهُۥ فَتَابَ عَلَيۡهِ وَهَدَىٰ ١٢٢Datapuwa’t ang kanyang Panginoon ay humirang sa kanya. Siya ay bumaling sa kanya sa pagpapatawad at pinagkalooban siya ng patnubay قَالَ ٱهۡبِطَا مِنۡهَا جَمِيعَۢاۖ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوٌّۖ فَإِمَّا يَأۡتِيَنَّكُم مِّنِّي هُدًى فَمَنِ ٱتَّبَعَ هُدَايَ فَلَا يَضِلُّ وَلَا يَشۡقَىٰ ١٢٣Siya (Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayo kapwa (sa lupa) mula sa Halamanan nang magkasama, ang ilan sa inyo ay kaaway ng iba. At kung mayroong patnubay na manggagaling sa Akin, kung gayon, sinuman ang sumunod sa Aking patnubay ay hindi mapapaligaw, at gayundin naman, sila ay hindi mahuhulog sa kalumbayan at kapighatian وَمَنۡ أَعۡرَضَ عَن ذِكۡرِي فَإِنَّ لَهُۥ مَعِيشَةً ضَنكًا وَنَحۡشُرُهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ أَعۡمَىٰ ١٢٤Datapuwa’t sinumang sumuway sa Aking Paala-ala (alalaong baga, hindi naniniwala sa Qur’an at hindi sumusunod sa mga pag-uutos nito), katotohanang sasakanya ang buhay ng kahirapan at siya ay bubuhayin Naming muli na bulag sa Araw ng Muling Pagkabuhay قَالَ رَبِّ لِمَ حَشَرۡتَنِيٓ أَعۡمَىٰ وَقَدۡ كُنتُ بَصِيرًا ١٢٥Siya ay magsasabi: “o aking Panginoon! Bakit ako ay Inyong binuhay na bulag, noon ay mayroon akong paningin?” قَالَ كَذَٰلِكَ أَتَتۡكَ ءَايَٰتُنَا فَنَسِيتَهَاۖ وَكَذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمَ تُنسَىٰ ١٢٦(Si Allah) ay magwiwika: “Noon, nang ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) ay dumatal sa inyo, ito ay ipinagwalang bahala ninyo, kaya’t sa Araw na ito, kayo ay kalilimutan (sa Apoy ng Impiyerno na malayo sa Habag ni Allah).” وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَنۡ أَسۡرَفَ وَلَمۡ يُؤۡمِنۢ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦۚ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَشَدُّ وَأَبۡقَىٰٓ ١٢٧At sa ganito Namin binabayaran siya na nagmamalabis sa lahat ng hangganan ng pagsuway (alalaong baga, walang panananampalataya kay Allah at nagtatakwil sa mga Tagapagbalita at sa mga Kasulatan katulad ng Qur’an) at hindi sumasampalataya sa Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) ng kanyang Panginoon; at ang kaparusahan ng Kabilang Buhay ay higit na kasakit-sakit at nagtatagal أَفَلَمۡ يَهۡدِ لَهُمۡ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ يَمۡشُونَ فِي مَسَٰكِنِهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٍ لِّأُوْلِي ٱلنُّهَىٰ ١٢٨Hindi baga isang patnubay sa kanila (na mapag- alaman) kung ilan ng sali’t saling lahi ang Aming winasak nang una pa sa kanila, na sa kanilang (naging) tirahan sila ay lumalakad? Katotohanan! Naririto ang mga Tanda sa mga tao na may pang-unawa وَلَوۡلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَكَانَ لِزَامًا وَأَجَلٌ مُّسَمًّى ١٢٩At kung hindi lamang sa Salita na sumakanila noon mula sa inyong Panginoon, at sa natataningang araw, (ang kanilang kaparusahan) ay kinakailangan nang tupdin (sa mundong ito) فَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ قَبۡلَ طُلُوعِ ٱلشَّمۡسِ وَقَبۡلَ غُرُوبِهَاۖ وَمِنۡ ءَانَآيِٕ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡ وَأَطۡرَافَ ٱلنَّهَارِ لَعَلَّكَ تَرۡضَىٰ ١٣٠Kaya’t maging mapagbata ka (o Muhammad) sa kanilang sinasabi, at iyong luwalhatiin ang mga papuri sa iyong Panginoon bago ang pagsikat ng araw at bago ang paglubog ng araw, at gayundin sa ilang panahon ng gabi, at sa mga bahagi ng maghapon (ito ay patungkol sa limang ulit na takdang panalangin sa bawat araw), upang ikaw ay magkaroon ng kasiyahan sa gantimpala na ipagkakaloob sa iyo ni Allah وَلَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجًا مِّنۡهُمۡ زَهۡرَةَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا لِنَفۡتِنَهُمۡ فِيهِۚ وَرِزۡقُ رَبِّكَ خَيۡرٌ وَأَبۡقَىٰ ١٣١At huwag mong pagurin ang iyong mga mata sa pagnanasa sa mga bagay na Aming ipinagkaloob bilang paglilibang sa maraming pangkat (sila na mga hindi sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at mapagsamba sa mga diyus-diyosan), at sa karilagan ng buhay na ito, (ito) ay upang Aming masubukan sila. Datapuwa’t ang biyayang nakalaan (gantimpala sa Kabilang Buhay) mula sa iyong Panginoon ay higit na mainam at nagtatagal وَأۡمُرۡ أَهۡلَكَ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱصۡطَبِرۡ عَلَيۡهَاۖ لَا نَسۡـَٔلُكَ رِزۡقًاۖ نَّحۡنُ نَرۡزُقُكَۗ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلتَّقۡوَىٰ ١٣٢At iyong itagubilin ang pagdarasal sa iyong pamilya (at pamayanan), at maging matimtiman (sa pag-aalay ng mga panalangin). walang anuman na laang panustos (alalaong baga, ang bigyan mo Kami ng kahit ano) ang Aming hinihingi mula sa iyo. Kami ang magkakaloob nito sa iyo. At ang mabuting hantungan (alalaong baga, ang Paraiso) ay para sa Muttaqun (matimtiman at matutuwid na tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbabawal at nagmamamahal kay Allah nang higit at nagsasagawa ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-uutos) وَقَالُواْ لَوۡلَا يَأۡتِينَا بِـَٔايَةٍ مِّن رَّبِّهِۦٓۚ أَوَلَمۡ تَأۡتِهِم بَيِّنَةُ مَا فِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ ١٣٣Sila ay nagsasabi: “Bakit hindi siya nagdala sa amin ng isang Tanda (Katibayan) mula sa kanyang Panginoon?” Hindi baga dumatal na sa kanilang lahat ang maliwanag na Katibayan (na nasusulat) sa mga naunang Aklat ng Kapahayagan (mga Kasulatan, alalaong baga, ang Torah [mga Batas], ang Ebanghelyo hinggil sa pagdatal ni Propeta Muhammad وَلَوۡ أَنَّآ أَهۡلَكۡنَٰهُم بِعَذَابٍ مِّن قَبۡلِهِۦ لَقَالُواْ رَبَّنَا لَوۡلَآ أَرۡسَلۡتَ إِلَيۡنَا رَسُولًا فَنَتَّبِعَ ءَايَٰتِكَ مِن قَبۡلِ أَن نَّذِلَّ وَنَخۡزَىٰ ١٣٤At kung sila ay winasak Namin sa kaparusahan bago pa rito (alalaong baga, kay Propeta Muhammad at sa Qur’an), katiyakan na kanilang sasabihin: “O aming Panginoon! Kung Kayo ay nagsugo lamang sa amin ng isang Tagapagbalita, walang pagsala na kami ay nagsisunod sa Inyong Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) bago pa kami abahin at ilagay sa kahihiyan.” قُلۡ كُلٌّ مُّتَرَبِّصٌ فَتَرَبَّصُواْۖ فَسَتَعۡلَمُونَ مَنۡ أَصۡحَٰبُ ٱلصِّرَٰطِ ٱلسَّوِيِّ وَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ ١٣٥Ipagbadya (o Muhammad): “Ang bawat isa (sa atin, mga sumasampalataya at hindi sumasampalataya) ay naghihintay, kaya’t magsipaghintay din kayo. Hindi magtatagal at inyong mapag-aalaman kung sino ang nasa matuwid at patag na landas (alalaong baga, ang nasa Islam – ang Pananampalataya ni Allah) at kung sino sila na tumanggap sa kanilang sarili ng patnubay (sa tamang landas).”

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.