ملة الإسلام

السورة 36 · 83 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة يس باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة يس (1,367 قارئاً)
مكيةسورة يس٨٣ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

يسٓ ١Ya Seen (mga titik Ya, Sa) وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡحَكِيمِ ٢Sa pamamagitan ng Qur’an na Tigib ng Karunungan (alalaong baga, hitik sa mga batas, katibayan, aral, atbp) إِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ٣Katotohanang ikaw (O Muhammad) ay isa sa mga Tagapagbalita عَلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسۡتَقِيمٍ ٤Sa Tuwid na Landas (alalaong baga, nasa Pananampalataya ni Allah sa Islam at paniniwala sa Kanyang Kaisahan) تَنزِيلَ ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ ٥(Ito ay isang) Kapahayagan na ipinadala (Niya), ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaawain لِتُنذِرَ قَوۡمًا مَّآ أُنذِرَ ءَابَآؤُهُمۡ فَهُمۡ غَٰفِلُونَ ٦Upang iyong mapaalalahanan ang isang pamayanan na ang mga ninuno ay hindi napaalalahanan, kaya’t sila ay hindi sumunod (sa mga aral ni Allah) لَقَدۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَىٰٓ أَكۡثَرِهِمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ ٧Katotohanan, ang Salita (ng kaparusahan) ay ganap na naging totoo laban sa karamihan nila, kaya’t sila ay hindi sasampalataya إِنَّا جَعَلۡنَا فِيٓ أَعۡنَٰقِهِمۡ أَغۡلَٰلًا فَهِيَ إِلَى ٱلۡأَذۡقَانِ فَهُم مُّقۡمَحُونَ ٨Tunay nga! Kami (Allah) ay naglagay sa kanilang leeg ng mga tanikalang bakal na umaabot hanggang sa kanilang baba, upang ang kanilang ulo ay hindi makatungo وَجَعَلۡنَا مِنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ سَدًّا وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ سَدًّا فَأَغۡشَيۡنَٰهُمۡ فَهُمۡ لَا يُبۡصِرُونَ ٩At Kami ay naglagay ng hadlang (panakip) sa harapan nila at hadlang (panakip) sa likuran nila, at sila ay Aming tinakpan upang sila ay hindi makakita وَسَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ ١٠Magkatulad lamang ito sa kanila, kahit na sila ay iyong paalalahanan o hindi paalalahanan, sila ay hindi mananampalataya إِنَّمَا تُنذِرُ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلذِّكۡرَ وَخَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِۖ فَبَشِّرۡهُ بِمَغۡفِرَةٍ وَأَجۡرٍ كَرِيمٍ ١١Mapapaalalahanan mo lamang siya na sumusunod sa Tagubilin (ng Qur’an) at may pangangamba sa Pinakamapagbigay, Siya na nakalingid (Allah). Ibigay mo sa kanya (na may pananalig at pagkatakot kay Allah) ang magandang balita ng pagpapatawad at nag-uumapaw na gantimpala (Paraiso) إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَنَكۡتُبُ مَا قَدَّمُواْ وَءَاثَٰرَهُمۡۚ وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ فِيٓ إِمَامٍ مُّبِينٍ ١٢Katotohanang Kami ang nagbibigay buhay sa patay, at Kami ang nagtatala kung ano ang kanilang ipinadala sa (kanilang) harapan, at kung ano ang kanilang iniwanan (alalaong baga, ang mga bakas ng kanilang hakbang patungo sa Moske sa pag-aalay ng limang takdang panalangin, Jihad [makadiyos na pakikipaglaban], ang lahat ng mga mabuti at masama na kanilang ginawa, atbp.); at ang lahat ng bagay ay Aming isinulit sa maliwanag na Aklat (bilang katibayan) وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلًا أَصۡحَٰبَ ٱلۡقَرۡيَةِ إِذۡ جَآءَهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ ١٣At iyong ihantad sa kanila sa isang paghahambing (ang kasaysayan) ng mga naninirahan sa bayan (ng Antioch o Antakiya), nang may dumatal sa kanila na mga Tagapagbalita إِذۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمُ ٱثۡنَيۡنِ فَكَذَّبُوهُمَا فَعَزَّزۡنَا بِثَالِثٍ فَقَالُوٓاْ إِنَّآ إِلَيۡكُم مُّرۡسَلُونَ ١٤Nang Aming suguin sa kanila ang dalawang Tagapagbalita, sila ay kapwa nila itinakwil; datapuwa’t Aming pinatibay sila sa pangatlo, na nagsasabi: “Katotohanang kami ay mga Tagapagbalita na isinugo sa inyo para sa isang layunin!” قَالُواْ مَآ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرٌ مِّثۡلُنَا وَمَآ أَنزَلَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مِن شَيۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا تَكۡذِبُونَ ١٥Sila (na mga tao sa bayan) ay nagsasabi: “Kayo ay katulad lamang namin na mga tao; at ang Pinakamapagbigay (Allah) ay hindi nagpadala ng anumang kapahayagan; ikaw ay gumagawa lamang ng mga kasinungalingan.” قَالُواْ رَبُّنَا يَعۡلَمُ إِنَّآ إِلَيۡكُمۡ لَمُرۡسَلُونَ ١٦Ang mga Tagapagbalita ay nagsabi: “Ang aming Panginoon ang nakakabatid na kami ay mga Tagapagbalita na isinugo sa inyo sa isang layunin وَمَا عَلَيۡنَآ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ ١٧Ang aming tungkulin ay ipahayag sa inyo ang maliwanag na Mensahe.” قَالُوٓاْ إِنَّا تَطَيَّرۡنَا بِكُمۡۖ لَئِن لَّمۡ تَنتَهُواْ لَنَرۡجُمَنَّكُمۡ وَلَيَمَسَّنَّكُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٌ ١٨Ang (mga tao) ay nagsabi: “Para sa amin, nakikita namin na kayo ay may dalang kamalasan, kaya’t kung kayo ay hindi titigil, katotohanang kayo ay babatuhin namin at isang kasakit-sakit na pagpaparusa ang malalasap ninyo sa amin.” قَالُواْ طَٰٓئِرُكُم مَّعَكُمۡ أَئِن ذُكِّرۡتُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٌ مُّسۡرِفُونَ ١٩Sila (na mga Tagapagbalita) ay nagsabi: “Ang inyong kamalasan (kasamaan) ay nasa inyong mga sarili! (Tinatawag ba ninyo na kamalasan [kasamaan] ito) kung kayo ay pinapaalalahanan? Hindi, kayo ay mga tao na Mushrifun (mga tampalasan, na sumusuway sa lahat ng hangganan ng paglabag, nagsisigawa ng malalaking kasalanan, atbp.)!” وَجَآءَ مِنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ رَجُلٌ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُواْ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ٢٠At mayroong isang taong dumating na tumatakbo mula sa malayong bahagi ng bayan na nagsasabi: “o aking pamayanan, sundin ninyo ang mgaTagapagbalita ٱتَّبِعُواْ مَن لَّا يَسۡـَٔلُكُمۡ أَجۡرًا وَهُم مُّهۡتَدُونَ ٢١Inyong sundin sila na hindi nanghihingi ng anumang kapalit (at pabuya mula sa inyo), sila na tuwid na napapatnubayan.” وَمَالِيَ لَآ أَعۡبُدُ ٱلَّذِي فَطَرَنِي وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ ٢٢At bakit ako ay hindi sasamba sa Kanya (kay Allah lamang), na Siyang lumikha sa akin, at kayong lahat sa Kanya ay magbabalik ءَأَتَّخِذُ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةً إِن يُرِدۡنِ ٱلرَّحۡمَٰنُ بِضُرٍّ لَّا تُغۡنِ عَنِّي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا وَلَا يُنقِذُونِ ٢٣Ako ba ay magtuturing pa (sa pagsamba) maliban sa Kanya ng iba pang diyos; kung ang Pinakamapagbigay (Allah) ay magnais sa akin ng kapinsalaan, ang kanilang pamamagitan ay walang magiging silbi sa anumang kaparaanan, gayundin, ako ay hindi nila maililigtas إِنِّيٓ إِذًا لَّفِي ضَلَٰلٍ مُّبِينٍ ٢٤Katotohanan! Kung magkagayon, ako ay masasadlak sa maliwanag na kamalian إِنِّيٓ ءَامَنتُ بِرَبِّكُمۡ فَٱسۡمَعُونِ ٢٥Katotohanan! Ako ay sumampalataya sa Panginoon ninyong (lahat). Magsipakinig kayo sa akin!” قِيلَ ٱدۡخُلِ ٱلۡجَنَّةَۖ قَالَ يَٰلَيۡتَ قَوۡمِي يَعۡلَمُونَ ٢٦At dito ay ipinagbadya (sa kanya na pinatay ng mga hindi sumasampalataya): “Pumasok ka sa Halamanan (Paraiso).” Siya ay nagsabi: “Ah! Kung nalalaman lamang ito ng aking pamayanan بِمَا غَفَرَ لِي رَبِّي وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ ٢٧Na ang aking Panginoon (Allah) ay nagkaloob sa akin ng kapatawaran at ako ay itinalaga Niya na mapabilang sa mga ginawaran ng karangalan!”

الجزء الثالث والعشرون

۞ وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنۢ بَعۡدِهِۦ مِن جُندٍ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا كُنَّا مُنزِلِينَ ٢٨At hindi na Kami nagsugo pa sa kanyang pamayanan, pagkaraan nila (tatlong Tagapagbalita) ng sinumang Tagapagbalita mula sa kalangitan, gayundin, ito ay hindi na kailangan sa Amin na (muling) gawin pa إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةً وَٰحِدَةً فَإِذَا هُمۡ خَٰمِدُونَ ٢٩dito (ay sapat na) ang isang matinding pagsabog, at pagmasdan! Sila ay katulad (ng abo) na pumatag na (namatay at nawasak) يَٰحَسۡرَةً عَلَى ٱلۡعِبَادِۚ مَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ ٣٠Sayang, (sa aba) ng Sangkatauhan! Kailanman ay walang sinumang Tagapagbalita ang dumatal sa kanila na hindi nila tinuya أَلَمۡ يَرَوۡاْ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ أَنَّهُمۡ إِلَيۡهِمۡ لَا يَرۡجِعُونَ ٣١Hindi baga nila namamasdan kung ilang sali’t saling lahi na, na una pa sa kanila ang Aming winasak? Katotohanang sila ay hindi babalik sa kanila وَإِن كُلٌّ لَّمَّا جَمِيعٌ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ ٣٢At katiyakan, ang lahat,- ang bawat isa sa kanila ay itatanghal sa Amin (upang hukuman) وَءَايَةٌ لَّهُمُ ٱلۡأَرۡضُ ٱلۡمَيۡتَةُ أَحۡيَيۡنَٰهَا وَأَخۡرَجۡنَا مِنۡهَا حَبًّا فَمِنۡهُ يَأۡكُلُونَ ٣٣At ang isang Tanda sa kanila ay ang kalupaan na patay (tigang); binigyan Namin ito ng buhay (ulan) at nagpasibol dito ng mga butil na kanilang kinakain وَجَعَلۡنَا فِيهَا جَنَّٰتٍ مِّن نَّخِيلٍ وَأَعۡنَٰبٍ وَفَجَّرۡنَا فِيهَا مِنَ ٱلۡعُيُونِ ٣٤At nagpatubo Kami rito ng halamanan ng palmera at mga ubas, at hinayaan Namin na dumaloy dito ang tubig mula sa mga saluysoy لِيَأۡكُلُواْ مِن ثَمَرِهِۦ وَمَا عَمِلَتۡهُ أَيۡدِيهِمۡۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ ٣٥Upang kanilang makain ang kanilang mga bunga. Ang may gawa nito ay hindi ang kanilang mga kamay. Hindi baga sila kung gayon, magbibigay ng pasasalamat سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلۡأَرۡضُ وَمِنۡ أَنفُسِهِمۡ وَمِمَّا لَا يَعۡلَمُونَ ٣٦Luwalhatiin si Allah na lumikha sa lahat ng bagay na magkapares, na tumutubo sa kalupaan, gayundin ng kanilang mga sarili (lalaki at babae), at ng iba pang bagay na wala silang kaalaman وَءَايَةٌ لَّهُمُ ٱلَّيۡلُ نَسۡلَخُ مِنۡهُ ٱلنَّهَارَ فَإِذَا هُم مُّظۡلِمُونَ ٣٧At ang isang Tanda sa kanila ay ang gabi. Hinatak Namin dito ang liwanag (araw), at pagmasdan, sila ay nasa kadiliman وَٱلشَّمۡسُ تَجۡرِي لِمُسۡتَقَرٍّ لَّهَاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ ٣٨At ang araw ay umiinog sa kanyang takdang landas sa natataningang panahon. Ito ang pag-uutos ng Kataas-taasan sa Kapangyarihan, ang Pinakamaalam وَٱلۡقَمَرَ قَدَّرۡنَٰهُ مَنَازِلَ حَتَّىٰ عَادَ كَٱلۡعُرۡجُونِ ٱلۡقَدِيمِ ٣٩At ng buwan; Aming sinukat sa kanya (upang kanyang tahakin) ang mga himpilan (palasyo) hanggang sa siya ay magbalik na katulad ng lanta at tuyot na sungot ng palmera لَا ٱلشَّمۡسُ يَنۢبَغِي لَهَآ أَن تُدۡرِكَ ٱلۡقَمَرَ وَلَا ٱلَّيۡلُ سَابِقُ ٱلنَّهَارِۚ وَكُلٌّ فِي فَلَكٍ يَسۡبَحُونَ ٤٠Hindi pinahihintulutan na maabot (malampasan) ng araw ang buwan, gayundin ang gabi na mahigtan ang maghapon. Sila ay kapwa lumalangoy (nakalutang) sa kanilang orbito (landas) وَءَايَةٌ لَّهُمۡ أَنَّا حَمَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُمۡ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ ٤١At ang isang Ayah (Tanda) sa kanila ay yaong Aming ipinanganak ang kanilang supling sa nakakargahang barko (Arko ni Noe) وَخَلَقۡنَا لَهُم مِّن مِّثۡلِهِۦ مَا يَرۡكَبُونَ ٤٢At nilikha Namin para sa kanila ang nakakatulad (na barko) na kanilang sinasakyan وَإِن نَّشَأۡ نُغۡرِقۡهُمۡ فَلَا صَرِيخَ لَهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنقَذُونَ ٤٣At kung Aming naisin, sila ay maaari Naming lunurin; at walang sinumang kawaksi roon (na makakarinig sa kanilang sigaw), gayundin, sila ay hindi maililigtas إِلَّا رَحۡمَةً مِّنَّا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٍ ٤٤Maliban sa pamamagitan ng Habag mula sa Amin, at bilang pagbibigay ng pansamantalang kasiyahan sa kanila وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّقُواْ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيكُمۡ وَمَا خَلۡفَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ ٤٥At nang ito ay ipagbadya sa kanila: “Mag-ingat kayo sa nasa harapan ninyo (pangmundong mga parusa) at nasa likuran ninyo (kaparusahan sa Kabilang Buhay), upang kayo ay magsitanggap ng Habag (alalaong baga, kung kayo ay mananalig sa Pananampalataya ni Allah, sa Islam at sa Kanyang Kaisahan, at iiwas sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at susunod kay Allah sa mabubuting gawa) وَمَا تَأۡتِيهِم مِّنۡ ءَايَةٍ مِّنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِمۡ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ ٤٦At hindi kailanman dumating sa kanila ang isang Ayah (Tanda) mula sa karamihan ng Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) mula sa kanilang Panginoon, ang hindi nila itinakwil وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ أَنفِقُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنُطۡعِمُ مَن لَّوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ أَطۡعَمَهُۥٓ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِي ضَلَٰلٍ مُّبِينٍ ٤٧At kung sa kanila ay ipinagbabadya: “Gugulin ninyo (ang biyaya) na ipinagkaloob sa inyo ni Allah”; ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi sa mga sumasampalataya: “Amin bagang pakakainin siya, na kung nanaisin lamang ni Allah, siya ay Kanyang mapapakain? Ikaw ay nasa maliwanag na kamalian lamang.” وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ ٤٨At sila ay nagsasabi: “Kailan kaya matutupad ang pangakong ito (ang Pagkabuhay na Mag-uli) kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan?” مَا يَنظُرُونَ إِلَّا صَيۡحَةً وَٰحِدَةً تَأۡخُذُهُمۡ وَهُمۡ يَخِصِّمُونَ ٤٩Hindi sila marapat maghintay sa isang matinding pagsabog lamang; ito ay sasaklot sa kanila habang sila ay nagsisipagtalo sa kanilang mga sarili فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ تَوۡصِيَةً وَلَآ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمۡ يَرۡجِعُونَ ٥٠At sila ay hindi magkakaroon ng panahon na makapagpamana, gayundin, sila ay hindi na makakabalik pa sa kanilang pamilya وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَإِذَا هُم مِّنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ يَنسِلُونَ ٥١At ang Tambuli ay hihipan (sa pangalawang pagkakataon), at pagmasdan! Mula sa mga libingan ay magsisilabas (ang mga tao) patungo sa kanilang Panginoon قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا مَنۢ بَعَثَنَا مِن مَّرۡقَدِنَاۜۗ هَٰذَا مَا وَعَدَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَصَدَقَ ٱلۡمُرۡسَلُونَ ٥٢Sila ay magsasabi: “Ah! Kasawian sa amin! Sino ang nagpabangon sa amin mula sa aming lugar ng pagkakatulog?” (Isang tinig ang maririnig): “Ito ang ipinangako ng Pinakamapagbigay (Allah), at ang mga Tagapagbalita ay nagsaysay ng Katotohanan!” إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةً وَٰحِدَةً فَإِذَا هُمۡ جَمِيعٌ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ ٥٣dito ay sapat na ang isang matinding pagsabog, kaya’t pagmasdan! Silang lahat ay itatanghal sa harapan Namin فَٱلۡيَوۡمَ لَا تُظۡلَمُ نَفۡسٌ شَيۡـًٔا وَلَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ٥٤Sa Araw na ito (Araw ng Muling Pagkabuhay), walang sinuman ang gagawaran sa anuman ng hindi katampatan, at kayo ay hindi babayaran maliban lamang ng ayon sa antas nang inyong mga gawa إِنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ ٱلۡيَوۡمَ فِي شُغُلٍ فَٰكِهُونَ ٥٥Katotohanan, ang mga naninirahan sa Halamanan (Paraiso), sa Araw na yaon ay magkakaroon ng kasiyahan sa lahat nilang ginagawa هُمۡ وَأَزۡوَٰجُهُمۡ فِي ظِلَٰلٍ عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ مُتَّكِـُٔونَ ٥٦Sila at ang kanilang kadaupang palad ay mapapasatabi ng kaaya- ayang lilim, na nakahilig sa matataas na diban لَهُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٌ وَلَهُم مَّا يَدَّعُونَ ٥٧Sasakanila ang lahat ng (uri ng) bungangkahoy, at lahat ng kanilang hilingin سَلَٰمٌ قَوۡلًا مِّن رَّبٍّ رَّحِيمٍ ٥٨(At sa kanila ay ipagtuturing): “Salamun (Ang Kapayapaan ay sumainyo)!” Isang Salita (ng pagbati) mula sa Panginoon (Allah), ang Pinakamaawain وَٱمۡتَٰزُواْ ٱلۡيَوۡمَ أَيُّهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٥٩(At dito ay ipagsasaysay): “At, O kayong Al-Mujrimun (mga tampalasan, kriminal, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, walang pananalig kay Allah, buktot, atbp.)! Magsilayo kayo sa Araw na ito (sa mga sumasampalataya) ۞ أَلَمۡ أَعۡهَدۡ إِلَيۡكُمۡ يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ أَن لَّا تَعۡبُدُواْ ٱلشَّيۡطَٰنَۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوٌّ مُّبِينٌ ٦٠Hindi baga ipinagtagubilin Ko sa inyo, O angkan ni Adan na huwag ninyong sambahin si Satanas? Katotohanang siya sa inyo ay isang lantad na kaaway وَأَنِ ٱعۡبُدُونِيۚ هَٰذَا صِرَٰطٌ مُّسۡتَقِيمٌ ٦١At kayo ay marapat na sumamba sa Akin (lamang, sa Aking Kaisahan, at huwag sumamba at mag-akibat sa Akin ng mga diyus-diyosan). Ito ang Tuwid na Landas وَلَقَدۡ أَضَلَّ مِنكُمۡ جِبِلًّا كَثِيرًاۖ أَفَلَمۡ تَكُونُواْ تَعۡقِلُونَ ٦٢At katotohanang iniligaw niya (Satanas) ang malaking karamihan sa inyo, hindi baga kayo nakakaunawa هَٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ ٦٣Ito ang Impiyerno na sa inyo ay ipinangako ٱصۡلَوۡهَا ٱلۡيَوۡمَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ ٦٤Yakapin ninyo ang Apoy sa Araw na ito sapagkat kayo (ay patuloy) na nagtatwa (sa katotohanan) ٱلۡيَوۡمَ نَخۡتِمُ عَلَىٰٓ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَتُكَلِّمُنَآ أَيۡدِيهِمۡ وَتَشۡهَدُ أَرۡجُلُهُم بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ ٦٥Sa Araw na ito, Aming ilalapat ang kanilang bibig, at ang kanilang kamay ay mangungusap sa Amin, at ang kanilang binti ay magbibigay saksi sa kanilang pinagdaanang gawa وَلَوۡ نَشَآءُ لَطَمَسۡنَا عَلَىٰٓ أَعۡيُنِهِمۡ فَٱسۡتَبَقُواْ ٱلصِّرَٰطَ فَأَنَّىٰ يُبۡصِرُونَ ٦٦At kung Amin lamang ninais, tunay nga na magagawa Namin na bulagin ang kanilang mga mata, upang sila ay magsumikap na tumahak sa Landas, subalit paano sila kung gayon makakakita وَلَوۡ نَشَآءُ لَمَسَخۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ مَكَانَتِهِمۡ فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مُضِيًّا وَلَا يَرۡجِعُونَ ٦٧At kung Amin lamang ninais, magagawa Namin na palitan sila (bilang mga hayop o walang buhay na nilikha) sa kanilang kinalalagyan. Sa gayon, sila ay hindi makakapangyari na lumakad nang pasulong (lumibot), o di kaya ay makatalikod وَمَن نُّعَمِّرۡهُ نُنَكِّسۡهُ فِي ٱلۡخَلۡقِۚ أَفَلَا يَعۡقِلُونَ ٦٨At siya na ginawaran Namin ng mahabang buhay, Aming pinanumbalik muli ang kanyang pagkalikha (mula sa pagiging mahina hanggang sa maging malakas sa paglaki, at muli sa pagiging mahina sa kanyang pagtanda). Hindi baga sila nakakaunawa وَمَا عَلَّمۡنَٰهُ ٱلشِّعۡرَ وَمَا يَنۢبَغِي لَهُۥٓۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٌ وَقُرۡءَانٌ مُّبِينٌ ٦٩At hindi Namin tinuruan siya (Muhammad) ng tulain (pagtula), gayundin ito ay hindi nalalayon sa kanya; ito ay hindi hihigit pa maliban sa isang Paala-ala at isang Qur’an na nagbibigay ng kaliwanagan sa mga bagay لِّيُنذِرَ مَن كَانَ حَيًّا وَيَحِقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ ٧٠Upang ito (ang Qur’an) o siya (Muhammad) ay magbigay ng paala-ala sa sinuman na nabubuhay (may malusog na pag-iisip, isang may pananalig), upang ang salita ay mapatibayan laban sa mga hindi sumasampalataya (patay, sapagkat sila ay nagtatakwil sa mga babala) أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا خَلَقۡنَا لَهُم مِّمَّا عَمِلَتۡ أَيۡدِينَآ أَنۡعَٰمًا فَهُمۡ لَهَا مَٰلِكُونَ ٧١Hindi baga nila napagmamasdan kung paano Namin nilikha sa kanila; kung ano ang nilikha ng Aming mga Kamay, ang mga hayupan (bakahan), upang sila ang maging tagapag-ari nito وَذَلَّلۡنَٰهَا لَهُمۡ فَمِنۡهَا رَكُوبُهُمۡ وَمِنۡهَا يَأۡكُلُونَ ٧٢At Aming ipinailalim sila (hayupan, bakahan) sa kanila (sa paggamit). Ang iba ay kanilang sinasakyan at ang iba ay kanilang kinakain وَلَهُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ وَمَشَارِبُۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ ٧٣At sila ay mayroon (pang ibang) kapakinabangan sa kanila (maliban pa rito), sila ay nakakakuha (ng gatas) bilang inumin. Hindi baga sila magkakaroon ng utang na loob ng pasasalamat وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةً لَّعَلَّهُمۡ يُنصَرُونَ ٧٤Datapuwa’t sila ay nagturing (sa pagsamba) ng iba pang diyos bukod pa kay Allah, (na umaasa) na sila ay matutulungan (ng kanilang itinuturing na mga diyos) لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَهُمۡ وَهُمۡ لَهُمۡ جُندٌ مُّحۡضَرُونَ ٧٥Sila (mga diyus-diyosan) ay walang kapangyarihan na tulungan sila, datapuwa’t sila (mga diyus-diyosan) ay itatambad bilang isang pangkat laban sa mga sumamba sa kanila (sa Sandali ng Pagsusulit) فَلَا يَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّا نَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَ ٧٦Kaya’t huwag hayaan ang kanilang pananalita ay makapagpalumbay sa iyo (o Muhammad). Katotohanang batid Namin kung ano ang kanilang ikinukubli at kung ano ang kanilang inilalantad أَوَلَمۡ يَرَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن نُّطۡفَةٍ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٌ مُّبِينٌ ٧٧Hindi baga namamalas ng tao na Aming nilikha siya mula sa Nutfah (magkahalong semilya ng lalaki at babae)? Datapuwa’t pagmasdan! Siya (ay nakatindig) bilang isang lantad na kaaway وَضَرَبَ لَنَا مَثَلًا وَنَسِيَ خَلۡقَهُۥۖ قَالَ مَن يُحۡيِ ٱلۡعِظَٰمَ وَهِيَ رَمِيمٌ ٧٨At nagturing siya sa Amin ng isang talinghaga, at nakalimot sa kanyang sariling pagkalikha. Siya ay nagsasabi: “Sino ang magbibigay buhay sa mga butong ito na nangabulok na at naging abo?” قُلۡ يُحۡيِيهَا ٱلَّذِيٓ أَنشَأَهَآ أَوَّلَ مَرَّةٍۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلۡقٍ عَلِيمٌ ٧٩Ipagbadya (o Muhammad): “Siya ang magbibigay buhay sa kanila na Siyang lumikha sa kanila noong una! At siya ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng Kanyang mga nilikha ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلشَّجَرِ ٱلۡأَخۡضَرِ نَارًا فَإِذَآ أَنتُم مِّنۡهُ تُوقِدُونَ ٨٠Siya rin ang naggawad sa inyo ng apoy mula sa luntiang puno (alalaong baga, ang tuyong kahoy ay ginagamit na panggatong), at pagmasdan! Kayo ay nakapagpaparingas ng apoy dito أَوَلَيۡسَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۚ بَلَىٰ وَهُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ ٨١Hindi baga Siya na lumikha ng kalangitan at kalupaan ay makakagawa rin na makalikha ng katulad nila? Tunay nga, walang pagsala! Sapagkat Siya ang Ganap na Maalam, ang Sukdol na Manlilikha (na batbat ng kaalaman at karunungang walang maliw) إِنَّمَآ أَمۡرُهُۥٓ إِذَآ أَرَادَ شَيۡـًٔا أَن يَقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ ٨٢Katotohanang kung Siya ay magnais (na gumawa) ng isang bagay, ang Kanyang pag- uutos lamang ay: “Mangyari nga!” At ito ay magaganap فَسُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٍ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ ٨٣Kayat luwalhatiin Siya. Higit Siyang Mataas sa lahat ng mga itinatambal sa Kanya, at nasa Kanyang mga Kamay ang paghahari at kapamahalaan ng lahat ng bagay, at kayong lahat sa Kanya ay magbabalik

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.