بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
عَبَسَ وَتَوَلَّىٰٓ ١(Ang Propeta) ay kumunot at lumayo أَن جَآءَهُ ٱلۡأَعۡمَىٰ ٢Sapagkat may bulag na lalaki na lumapit sa kanya (at nang-aabala, alalaong baga, si Abdullah bin Umm-Maktum, na pumaroon sa Propeta habang siya ay nangangaral sa isa o ilang pinuno ng Quraish) وَمَا يُدۡرِيكَ لَعَلَّهُۥ يَزَّكَّىٰٓ ٣Datapuwa’t ano ang makakapagsabi sa iyo na baka sakaling siya ay maging dalisay (sa mga kasalanan at umunladsaispiritwalnapang-unawa) أَوۡ يَذَّكَّرُ فَتَنفَعَهُ ٱلذِّكۡرَىٰٓ ٤osiyaaytumanggap ng pangaral at ang tagubilin ay maging kapakinabangan sa kanya أَمَّا مَنِ ٱسۡتَغۡنَىٰ ٥At siya na nag-aakala sa kanyang sarili na siya 940 ay may sariling kasapatan (hindi nangangailangan ng anuman) فَأَنتَ لَهُۥ تَصَدَّىٰ ٦Sa kanya, ikaw (o Muhammad) ay nag-uukol ng iyong panahon وَمَا عَلَيۡكَ أَلَّا يَزَّكَّىٰ ٧Ito ay hindi mo pananagutan kung siya ay hindi maging dalisay (sa pananalig at makinabang sa ispiritwal na biyaya; ikaw ay isa lamang Tagapagbalita at ang iyong tungkulin ay iparating ang Mensahe ni Allah) وَأَمَّا مَن جَآءَكَ يَسۡعَىٰ ٨At sa kanya (Abdullah bin Umm-Maktum) na lumapit sa iyo na may pagsusumamo وَهُوَ يَخۡشَىٰ ٩At may pangangamba (kay Allah sa kanyang puso) فَأَنتَ عَنۡهُ تَلَهَّىٰ ١٠Ikaw sa kanya ay hindi nagbibigay pahalaga (o nag-aasikaso) كـَلَّآ إِنَّهَا تَذۡكِرَةٌ ١١Hindi, (huwag mong gawin ito o Muhammad), katotohanan, ito (ang mga talata ng Qur’an) ay mga pagpapaala-ala at tagubilin فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ ١٢Kaya’t sinuman ang magnais, hayaan siyang mag-ukol ng panahon dito (sa pag-aala-ala) فِي صُحُفٍ مُّكَرَّمَةٍ ١٣(Ito ay nasa) mga Talaan (na iniingatan sa karangalan, ang Al-Lauh Al-Mahfuz) مَّرۡفُوعَةٍ مُّطَهَّرَةِۭ ١٤Na mataas (sa karangalan), na nananatiling dalisay at banal بِأَيۡدِي سَفَرَةٍ ١٥Sa kamay ng mga tagasulat (mga Anghel) كِرَامِۭ بَرَرَةٍ ١٦Na karangal-rangal at masunurin قُتِلَ ٱلۡإِنسَٰنُ مَآ أَكۡفَرَهُۥ ١٧Kasumpa-sumpa ang tao! Ano ang nagtulak sa kanya upang itakwil si Allah مِنۡ أَيِّ شَيۡءٍ خَلَقَهُۥ ١٨Sa ano bang bagay siya ay nilikha Namin مِن نُّطۡفَةٍ خَلَقَهُۥ فَقَدَّرَهُۥ ١٩Siya ay nilikha Namin mula sa Nutfah (mga patak ng semilya ng lalaki at babae), at Aming binigyan siya ng ganap na sukat ثُمَّ ٱلسَّبِيلَ يَسَّرَهُۥ ٢٠At Kanyang ginawa na maging magaan ang daan sa kanya ثُمَّ أَمَاتَهُۥ فَأَقۡبَرَهُۥ ٢١At Kanyang kinitlan siya ng buhay, at inilagay siya sa kanyang libingan ثُمَّ إِذَا شَآءَ أَنشَرَهُۥ ٢٢At kung ito ay Kanyang kalooban, siya ay Kanyang bubuhayin (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) كـَلَّا لَمَّا يَقۡضِ مَآ أَمَرَهُۥ ٢٣Hindi, datapuwa’t (ang tao) ay hindi tumupad sa ipinag-uutos Niya sa kanya فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ إِلَىٰ طَعَامِهِۦٓ ٢٤Kaya’t hayaan ang tao ay magsaalang-alang ng kanyang pagkain (naAming ipinagkaloob) أَنَّا صَبَبۡنَا ٱلۡمَآءَ صَبًّا ٢٥At kung paano Namin ibinuhos ang saganang tubig ثُمَّ شَقَقۡنَا ٱلۡأَرۡضَ شَقًّا ٢٦At hinati Namin ang kalupaan (at pinatag) فَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا حَبًّا ٢٧At pinapangyari Namin na ang butil ay tumubo rito وَعِنَبًا وَقَضۡبًا ٢٨Ang ubas, at pagkaing halaman (sa mga bakahan) وَزَيۡتُونًا وَنَخۡلًا ٢٩Ang oliba at punong palmera (datiles) وَحَدَآئِقَ غُلۡبًا ٣٠At halamanan na makapal (at malago) sa maraming puno وَفَٰكِهَةً وَأَبًّا ٣١At mga bungangkahoy at Abba (herba, luntiang damo, atbp) مَّتَٰعًا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ ٣٢(Bilang) ikabubuhay at pagkain sa inyo at sa inyong bakahan فَإِذَا جَآءَتِ ٱلصَّآخَّةُ ٣٣Hindi maglalaon, at kung sumapit na ang As-Sakhkhah (ang pangalawang pag-ihip ng Tambuli sa Araw ng Muling Pagkabuhay) يَوۡمَ يَفِرُّ ٱلۡمَرۡءُ مِنۡ أَخِيهِ ٣٤Sa Araw na ang tao ay tatakas sa kanyang sariling kapatid وَأُمِّهِۦ وَأَبِيهِ ٣٥At sa kanyang ina at sa kanyang ama وَصَٰحِبَتِهِۦ وَبَنِيهِ ٣٦At sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak لِكُلِّ ٱمۡرِيٍٕ مِّنۡهُمۡ يَوۡمَئِذٍ شَأۡنٌ يُغۡنِيهِ ٣٧Sa Araw na ito, ang bawat tao ay mababahala lamang sa kanyang sarili at hindi makakapagbigay ng pansin sa iba وُجُوهٌ يَوۡمَئِذٍ مُّسۡفِرَةٌ ٣٨Sa Araw na ito, ang ibang mga mukha ay magniningning na tulad ng bukang liwayway (bilang isang tunay na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) ضَاحِكَةٌ مُّسۡتَبۡشِرَةٌ ٣٩Na humahalakhak at nagsasaya sa magandang balita (ng Paraiso) وَوُجُوهٌ يَوۡمَئِذٍ عَلَيۡهَا غَبَرَةٌ ٤٠Sa Araw na ito, ang ibang mga mukha ay may bahid ng dumi تَرۡهَقُهَا قَتَرَةٌ ٤١Ang kadiliman ang lalambong sa kanila أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَفَرَةُ ٱلۡفَجَرَةُ ٤٢Sila nga ang Kafarah (mga nagtatakwil kay Allah at sa Kanyang Kaisahan at sa Kanyang Tagapagbalita na si Muhammad, atbp.), ang Fajarah (mga mapaggawa ng katampalasanan, buktot, buhong, atbp)