بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلنَّٰزِعَٰتِ غَرۡقًا ١Sa pamamagitan ng (mga anghel) na bumabatak (sa kaluluwa ng mga walang pananampalataya at tampalasan) ng may matinding dahas وَٱلنَّٰشِطَٰتِ نَشۡطًا ٢Sa pamamagitan ng (mga anghel) na mabanayad na kumukuha (ng kaluluwa ng mga sumasampalataya at mapapalad) وَٱلسَّٰبِحَٰتِ سَبۡحًا ٣At sa pamamagitan ng (mga anghel) na bumababa sa kalangitan na may dalang pag-uutos ng kanilang Panginoon (o ang mga lumilipad [na mga anghel] o lumalangoy [na mga planeta] sa kanilang daan o landas فَٱلسَّٰبِقَٰتِ سَبۡقًا ٤At sa pamamagitan nila na nagpapatuloy na nangunguna na katulad ng isang karera (alalaong baga, ang mga anghel, o mga bituin o mga kabayo, atbp) فَٱلۡمُدَبِّرَٰتِ أَمۡرًا ٥At sa pamamagitan ng mga anghel na nagsasaayos upang gawin ang Pag-uutos ng kanilang Panginoon, (kaya’t katunayang kayo na hindi sumasampalataya ay tatawagin upang magsulit) يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلرَّاجِفَةُ ٦Sa Araw na (kung ang unang Pag-ihip ng Tambuli ay gawin), ang kalupaan at kabundukan ay mayayanig nang marahas (at ang lahat ay mamamatay) تَتۡبَعُهَا ٱلرَّادِفَةُ ٧Na susundan ng pangalawang Pag-ihip ng Tambuli (at ang lahat ay ibabangon) قُلُوبٌ يَوۡمَئِذٍ وَاجِفَةٌ ٨Sa Araw na ito, ang (ibang) mga puso ay magsisitibok sa pangamba at hapis أَبۡصَٰرُهَا خَٰشِعَةٌ ٩Na ang kanilang mga mata ay nakatuon sa lupa يَقُولُونَ أَءِنَّا لَمَرۡدُودُونَ فِي ٱلۡحَافِرَةِ ١٠Sa gayon , sila ay magtuturing: “Ano! Kami baga ay katotohanang ibabalik (na muli) sa aming dating anyo ng buhay أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمًا نَّخِرَةً ١١Ano? Kahit kami ay lansag- lansag na mga buto na?” قَالُواْ تِلۡكَ إِذًا كَرَّةٌ خَاسِرَةٌ ١٢Sila ay magsasabi: “Ito, sa gayong pangyayari, ay isang pagbabalik na walang pakinabang!” فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٌ وَٰحِدَةٌ ١٣Datapuwa’t katotohanang ito ay isang Hiyaw lamang (o isang Pag-ihip) فَإِذَا هُم بِٱلسَّاهِرَةِ ١٤At pagmasdan! Natagpuan nila ang kanilang sarili sa ibabaw ng lupa na buhay matapos ang kanilang kamatayan هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ ١٥Narinig na ba ninyo ang kasaysayan ni Moises إِذۡ نَادَىٰهُ رَبُّهُۥ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوًى ١٦Nang siya ay tawagin ng kanyang Panginoon sa banal na Lambak ng Tuwa ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ ١٧(Na nagsasabi): “Pumaroon ka kay Paraon. Katotohanang siya ay nagmalabis sa pagsuway at paglabag (sakanyangmgakasalanan, kawalanngpananalig, pagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.).” فَقُلۡ هَل لَّكَ إِلَىٰٓ أَن تَزَكَّىٰ ١٨At iyong sabihin (sa kanya): “Nais mo bang dalisayin ang iyong sarili (sa kasalanan ng kawalang pananalig, sa pagiging isang mananampalataya) وَأَهۡدِيَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخۡشَىٰ ١٩At upang mapatnubayan kita sa iyong Panginoon, at ikaw ay magkaroon ng pagkatakot sa Kanya?” فَأَرَىٰهُ ٱلۡأٓيَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰ ٢٠At ipinamalas ni Moises sa kanya ang dakilang Tanda (mga himala) فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ ٢١Datapuwa’t si Paraon ay nagtakwil dito at sumuway ثُمَّ أَدۡبَرَ يَسۡعَىٰ ٢٢At siya ay tumalikod na labis na tumututol (laban kay Allah) فَحَشَرَ فَنَادَىٰ ٢٣At kanyang tinipon ang kanyang tao (at mga sundalo) at sumigaw ng malakas فَقَالَ أَنَا۠ رَبُّكُمُ ٱلۡأَعۡلَىٰ ٢٤Na nagsasabi: “ Ako ang inyong panginoon, ang kataas-taasan.” فَأَخَذَهُ ٱللَّهُ نَكَالَ ٱلۡأٓخِرَةِ وَٱلۡأُولَىٰٓ ٢٥Datapuwa’t sinakmal siya ni Allah ng kaparusahan, (at ginawa siya) na isang halimbawa, sa Kabilang Buhay , at sa buhay na ito إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةً لِّمَن يَخۡشَىٰٓ ٢٦Katotohanang naririto ang isang nagtuturong tagubilin (at aral) sa sinumang may pagkatakot kay Allah ءَأَنتُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَمِ ٱلسَّمَآءُۚ بَنَىٰهَا ٢٧Ano? Kayo baga ay higit na mahirap likhain kaysa sa kalangitan na Kanyang itinatag رَفَعَ سَمۡكَهَا فَسَوَّىٰهَا ٢٨Sa kaitaasan ay Kanyang itinaas ang kulandong nito at Kanyang ginawaran yaon nang kaayusan at pagiging ganap وَأَغۡطَشَ لَيۡلَهَا وَأَخۡرَجَ ضُحَىٰهَا ٢٩Ang kanyang gabi ay nilukuban Niya ng kadiliman, at ang kanyang katanghalian ay ginawaran Niya ng liwanag وَٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ دَحَىٰهَآ ٣٠At matapos ito, ay inilatag Niya ang kalupaan nang malawak أَخۡرَجَ مِنۡهَا مَآءَهَا وَمَرۡعَىٰهَا ٣١At nagpasibol Siya mula rito ng kanyang tubig at kanyang pastulan (na luntiang halaman) وَٱلۡجِبَالَ أَرۡسَىٰهَا ٣٢At ang kabundukan ay itinindig Niya nang matatag مَتَٰعًا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ ٣٣Bilang kapakinabangan sa inyo at sa inyong bakahan (at hayupan) فَإِذَا جَآءَتِ ٱلطَّآمَّةُ ٱلۡكُبۡرَىٰ ٣٤Datapuwa’t kung dumatal na ang dakilang kapinsalaan (alalaong baga, ang Araw ng Kabayaran, atbp) يَوۡمَ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا سَعَىٰ ٣٥Sa Araw na ang tao ay makakaala-ala ng lahat ng kanyang pinagsumikapan (pinagdaanang mga gawa) وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِمَن يَرَىٰ ٣٦At ang Apoy ng Impiyernoayganapnamatatambadngmalapitsa(bawat) isa na nakakamasid فَأَمَّا مَن طَغَىٰ ٣٧At sa kanya na nag-Tagha (lumabag at sumuway sa lahat ng hangganan na itinakda ni Allah, kawalan ng paniniwala, pang-aapi, kasamaan, atbp) وَءَاثَرَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا ٣٨At minahalaga ang buhay sa mundong ito (sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang masamang hangarin at mga pagnanasa) فَإِنَّ ٱلۡجَحِيمَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ ٣٩Katotohanan! Ang kanyang pananahanan ay Apoy ng Impiyerno وَأَمَّا مَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ وَنَهَى ٱلنَّفۡسَ عَنِ ٱلۡهَوَىٰ ٤٠Datapuwa’t siya na may pagkatakot sa kanyang pagharap (sa pagsusulit) sa kanyang Panginoon, at nagtimpi ng kanyang sarili sa marumi at maitim na hangarin at pagnanasa فَإِنَّ ٱلۡجَنَّةَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ ٤١Katotohanan! Ang kanilang pananahanan ay Halamanan (ng Paraiso) يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرۡسَىٰهَا ٤٢Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) tungkol sa oras? Kailan kaya ang kanyang takdang panahon فِيمَ أَنتَ مِن ذِكۡرَىٰهَآ ٤٣Ikaw ay walang Kaalaman na magpahayag ng anuman (tungkol) dito إِلَىٰ رَبِّكَ مُنتَهَىٰهَآ ٤٤Nasa iyong Panginoon lamang (ang Kaalaman) ng Takdang Araw إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرُ مَن يَخۡشَىٰهَا ٤٥At ikaw (o Muhammad) ay isa lamang Tagapagbabala sa mga may pangangamba rito كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَهَا لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا عَشِيَّةً أَوۡ ضُحَىٰهَا ٤٦Sa Araw na ito ay kanilang mapagmamalas, (wari) bang sila ay umidlip lamang ng isang gabi sa mundong ito, (o ang pinakamatagal) ay hanggang sa pagdatal ng umaga