بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلۡفَجۡرِ ١Sa pamamagitan ng Bukang Liwayway وَلَيَالٍ عَشۡرٍ ٢Sa pamamagitan ng sampung gabi (alalaong baga, ang unang sampung araw ng buwan ng Dhul-Hijja) وَٱلشَّفۡعِ وَٱلۡوَتۡرِ ٣Sa pamamagitan (ng bilang) na pantay at gansal (sa lahat ng mga nilalang ni Allah) وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَسۡرِ ٤At sa pamamagitan ng gabi kung ito ay lumilipas هَلۡ فِي ذَٰلِكَ قَسَمٌ لِّذِي حِجۡرٍ ٥Katotohanang narito (sa mga sumpang pahayag) ang sapat na katibayan sa mga tao na may ganap na pang-unawa (at dahil dito, sila ay marapat na umiwas sa lahat ng mga kasalanan at kawalang pananalig, atbp) أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِعَادٍ ٦Hindi mo ba namamalas ([o napagtatanto] O Muhammad) kung paano itinuring ng iyong Panginoon ang angkan ni A’ad إِرَمَ ذَاتِ ٱلۡعِمَادِ ٧Ng lunsod ng Imran, na may matataas na haligi ٱلَّتِي لَمۡ يُخۡلَقۡ مِثۡلُهَا فِي ٱلۡبِلَٰدِ ٨Ang katulad nito ay hindi ginawa sa (lahat) ng lupain وَثَمُودَ ٱلَّذِينَ جَابُواْ ٱلصَّخۡرَ بِٱلۡوَادِ ٩At sa angkan ni Thamud na bumabaak ng malalaking bato sa paanan ng bundok (upang gawing tirahan) وَفِرۡعَوۡنَ ذِي ٱلۡأَوۡتَادِ ١٠At kay Paraon na may mga talasok (na nagpapahirap sa mga tao sa pamamagitan ng pagtatali sa mga talasok) ٱلَّذِينَ طَغَوۡاْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ ١١Na nagmalabis sa lahat ng hangganan ng kalupaan (sa pagsuway kay Allah) فَأَكۡثَرُواْ فِيهَا ٱلۡفَسَادَ ١٢At nagsagawa rito ng napakaraming kabuktutan فَصَبَّ عَلَيۡهِمۡ رَبُّكَ سَوۡطَ عَذَابٍ ١٣Kaya’t ang iyong Panginoon ay naggawad sa kanila ng iba’t ibang uri ng kaparusahan إِنَّ رَبَّكَ لَبِٱلۡمِرۡصَادِ ١٤Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Laging Nagmamasid (sa kanila) فَأَمَّا ٱلۡإِنسَٰنُ إِذَا مَا ٱبۡتَلَىٰهُ رَبُّهُۥ فَأَكۡرَمَهُۥ وَنَعَّمَهُۥ فَيَقُولُ رَبِّيٓ أَكۡرَمَنِ ١٥At ang tao, kung siya ay subukan ng (kanyang) Panginoon at gawaran ng biyaya at karangalan; kanyang sasalitain (ng may pagmamalaki): “Ang aking Panginoon ay nagparangal sa akin!” وَأَمَّآ إِذَا مَا ٱبۡتَلَىٰهُ فَقَدَرَ عَلَيۡهِ رِزۡقَهُۥ فَيَقُولُ رَبِّيٓ أَهَٰنَنِ ١٦Datapuwa’t ang tao, kung siya ay Kanyang subukan at higpitan ang pinagkukunan ng kanyang biyaya; kanyang sasalitain (sa kawalang pag-asa): “Ang aking Panginoon ay humamak (umaba) sa akin!” كـَلَّاۖ بَل لَّا تُكۡرِمُونَ ٱلۡيَتِيمَ ١٧Hindi! Katotohanang ikaw ay hindi lumilingap sa mga ulila (maging ang pakitunguhan sila ng mabuti, o ipagkaloob sa kanila ang nararapat nilang mana) وَلَا تَحَٰٓضُّونَ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ ١٨At walang malasakit na pakainin ang naghihikahos وَتَأۡكُلُونَ ٱلتُّرَاثَ أَكۡلًا لَّمًّا ١٩At kinamkammoang(kanilang) pamana, anglahat- sapagiging gahaman وَتُحِبُّونَ ٱلۡمَالَ حُبًّا جَمًّا ٢٠At nagmamahal ka sa iyong kayamanan ng labis-labis na pagmamahal كـَلَّآۖ إِذَا دُكَّتِ ٱلۡأَرۡضُ دَكًّا دَكًّا ٢١Hindi! Kung ang kalupaan ay durugin ng pinung-pino وَجَآءَ رَبُّكَ وَٱلۡمَلَكُ صَفًّا صَفًّا ٢٢At ang iyong Panginoon ay pumarito na kasama ng pangkat-pangkat na anghel وَجِاْيٓءَ يَوۡمَئِذِۭ بِجَهَنَّمَۚ يَوۡمَئِذٍ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ وَأَنَّىٰ لَهُ ٱلذِّكۡرَىٰ ٢٣At ang Impiyerno, sa Araw na ito ay matatambad ng malapit. Sa Araw na ito, ang tao ay makakaala-ala, datapuwa’t paano kaya na ang gayong pag-aala-ala ay makakatulong sa kanya يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي قَدَّمۡتُ لِحَيَاتِي ٢٤Siya ay magsasabi: “Ah! Sana ay pinaghandaan ko ito (ng mabubuting gawa) tungo sa aking darating na (ibang) buhay!” فَيَوۡمَئِذٍ لَّا يُعَذِّبُ عَذَابَهُۥٓ أَحَدٌ ٢٥Sa Araw na ito, ang Kanyang kaparusahan (ng sakit at lumbay) ay hindi maipadadama ng sinuman (maliban sa Kanya) وَلَا يُوثِقُ وَثَاقَهُۥٓ أَحَدٌ ٢٦At ang Kanyang paggapos (sa piitan) ay hindi maipadadama ng sinuman (maliban sa Kanya) يَٰٓأَيَّتُهَا ٱلنَّفۡسُ ٱلۡمُطۡمَئِنَّةُ ٢٧(At sa mabubuting kaluluwa ay ipagbabadya): “o (ikaw na) kaluluwa, sa (ganap) na kapahingahan at kasiyahan ٱرۡجِعِيٓ إِلَىٰ رَبِّكِ رَاضِيَةً مَّرۡضِيَّةً ٢٨Magbalik ka sa iyong Panginoon, na nalulugod (sa iyong sarili) at iyong tamasahin ang Kanyang lugod فَٱدۡخُلِي فِي عِبَٰدِي ٢٩Halika, pumasok ka sa lipon ng Aking mararangal na alipin وَٱدۡخُلِي جَنَّتِي ٣٠Katotohanan, pumasok ka sa Aking Langit (Paraiso)!”