بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡغَٰشِيَةِ ١Nakarating na ba sa iyo ang balita ng kasindak- sindak na sandali (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay) وُجُوهٌ يَوۡمَئِذٍ خَٰشِعَةٌ ٢Sa Araw na yaon, ang maraming mukha ay magiging aba (alalaong baga, ang mukha ng mga Hudyo at Kristiyano, atbp) عَامِلَةٌ نَّاصِبَةٌ ٣Na gumagawa (ng buong pagsisikap sa makamundong buhay sa pagsamba sa mga iba tangi pa kay Allah), na tigib ng sakit at napapagal (sa Kabilang Buhay dahilan sa pagkadusta at kahihiyan) تَصۡلَىٰ نَارًا حَامِيَةً ٤Sila ay magsisipasok sa Naglalagablab na Apoy تُسۡقَىٰ مِنۡ عَيۡنٍ ءَانِيَةٍ ٥Sila ay dudulutan ng inumin mula sa kumukulong batis لَّيۡسَ لَهُمۡ طَعَامٌ إِلَّا مِن ضَرِيعٍ ٦At walang anumang pagkain dito para sa kanila maliban sa mapait at matinik na bungangkahoy at halaman لَّا يُسۡمِنُ وَلَا يُغۡنِي مِن جُوعٍ ٧Na hindi makakapagbigay lakas o kabusugan sa kanila at makakapawi ng gutom وُجُوهٌ يَوۡمَئِذٍ نَّاعِمَةٌ ٨Sa Araw na ito, ang ibang mukha ay magagalak لِّسَعۡيِهَا رَاضِيَةٌ ٩Na nasisiyahan sa kanilang pinagsikapan (sa mabubuting gawa na kanilang ginawa sa mundong ito, kasama na ang Tunay na Pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٍ ١٠Sa mataas na Halamanan (Paraiso) لَّا تَسۡمَعُ فِيهَا لَٰغِيَةً ١١Na rito ay hindi nila mapapakinggan ang masamang usapan at kabulaanan فِيهَا عَيۡنٌ جَارِيَةٌ ١٢Na rito ay may dumadaloy na batis فِيهَا سُرُرٌ مَّرۡفُوعَةٌ ١٣Na rito ay may Luklukan ng Karangalan na nakataas وَأَكۡوَابٌ مَّوۡضُوعَةٌ ١٤At mga kopita na laging laan وَنَمَارِقُ مَصۡفُوفَةٌ ١٥At mga diban na nakasalansan وَزَرَابِيُّ مَبۡثُوثَةٌ ١٦At mga ginintuang alpombra (karpeta) na nakalatag أَفَلَا يَنظُرُونَ إِلَى ٱلۡإِبِلِ كَيۡفَ خُلِقَتۡ ١٧Hindi baga nila isinasaalang-alang ang kamelyo kung paano sila nilikha وَإِلَى ٱلسَّمَآءِ كَيۡفَ رُفِعَتۡ ١٨At ang langit kung paano yaon itinaas وَإِلَى ٱلۡجِبَالِ كَيۡفَ نُصِبَتۡ ١٩At ang kabundukan kung paano ito nilagyan ng ugat at itinayo nang matatag وَإِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَيۡفَ سُطِحَتۡ ٢٠At ang kalupaan kung paano ito inilatag nang malawak فَذَكِّرۡ إِنَّمَآ أَنتَ مُذَكِّرٌ ٢١Kaya’t paalalahanan mo sila (o Muhammad), ikaw ay isa lamang tagapagpaala-ala لَّسۡتَ عَلَيۡهِم بِمُصَيۡطِرٍ ٢٢Ikaw ay walang pananagutan na pamahalaan ang kanilang pamumuhay إِلَّا مَن تَوَلَّىٰ وَكَفَرَ ٢٣Datapuwa’t kung sinuman ang tumalikod at hindi sumampalataya (kay Allah) at walang pananalig فَيُعَذِّبُهُ ٱللَّهُ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَكۡبَرَ ٢٤Kung gayon, si Allah ang magpaparusa sa kanya ng kasakit-sakit na Kaparusahan إِنَّ إِلَيۡنَآ إِيَابَهُمۡ ٢٥Katotohanang sa Amin ang kanilang hantungan ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا حِسَابَهُم ٢٦At katotohanang Kami ang nakakapangyari upang tawagin sila sa Pagsusulit