ملة الإسلام

السورة 84 · 25 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة الانشقاق باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة الانشقاق (1,276 قارئاً)
مكيةسورة الانشقاق٢٥ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنشَقَّتۡ ١Kung ang langit (alapaap) ay lansag-lansag na mabiyak وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ ٢At duminig sa (pag-uutos ng) kanyang Panginoon, at marapat na gumawa (nito) وَإِذَا ٱلۡأَرۡضُ مُدَّتۡ ٣At kung ang kalupaan ay unatin at patagin وَأَلۡقَتۡ مَا فِيهَا وَتَخَلَّتۡ ٤Atiluwaniyanglahatangkanyanglamanatmaging hungkag وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ ٥At duminig at tumalima sa kanyang Panginoon, at marapat na gumawa (nito) يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ إِنَّكَ كَادِحٌ إِلَىٰ رَبِّكَ كَدۡحًا فَمُلَٰقِيهِ ٦O tao! Katotohanang ikaw ay magbabalik patungo sa iyong Panginoon –na kasama ang iyong mga gawa (mabuti man at masama), isang tiyak na pagbabalik, kaya’t iyong matatagpuan (ang bunga ng iyong mga ginawa) فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ ٧At siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang kanang kamay فَسَوۡفَ يُحَاسَبُ حِسَابًا يَسِيرًا ٨Katiyakan na tatanggap siya ng magaan na pagbabalik-tanaw وَيَنقَلِبُ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورًا ٩At siya ay magbabalik sa kanyang pamayanan na lubhang nagagalak وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ وَرَآءَ ظَهۡرِهِۦ ١٠Datapuwa’t siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang likuran فَسَوۡفَ يَدۡعُواْ ثُبُورًا ١١walang pagsala! Siya ay maninikluhod sa kanyang pagkawasak وَيَصۡلَىٰ سَعِيرًا ١٢At siya ay papasok sa Nag-aalimpuyong Apoy upang lasapin ang kanyang lagablab إِنَّهُۥ كَانَ فِيٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورًا ١٣Katotohanan! Siya ay namuhay sa kanyang pamayanan na maligaya (at walang pangamba) إِنَّهُۥ ظَنَّ أَن لَّن يَحُورَ ١٤Katotohanang itinuring niya na hindi siya kailanman babalik (sa Amin) بَلَىٰٓۚ إِنَّ رَبَّهُۥ كَانَ بِهِۦ بَصِيرًا ١٥Hindi! Katotohanan, ang kanyang Panginoon ay lagi nang nagmamasid sa kanya فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلشَّفَقِ ١٦Kaya tatawagin (Namin) upang sumaksi ang mapanglaw (na kulay) ng takipsilim وَٱلَّيۡلِ وَمَا وَسَقَ ١٧At ang gabi sa kanyang nananawagang dilim at anumang kanyang tinitipon وَٱلۡقَمَرِ إِذَا ٱتَّسَقَ ١٨At ang buwan sa kanyang kabilugan لَتَرۡكَبُنَّ طَبَقًا عَن طَبَقٍ ١٩Katiyakang ikaw ay maglalakbay sa magkakaibang antas (sa buhay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay) فَمَا لَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ ٢٠Ano ang nagpapagulo sa kanila at sila ay hindi sumasampalataya وَإِذَا قُرِئَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقُرۡءَانُ لَا يَسۡجُدُونَۤ ۩ ٢١At kung ang Qur’an ay ipinahahayag sa kanila, sila ay hindi nagpapatirapa (sa kapakumbabaan) بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُكَذِّبُونَ ٢٢Bagkus, sa kabalintunaan, ang mga hindi sumasampalataya ay nagtatakwil (dito) وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يُوعُونَ ٢٣Datapuwa’t talastas ni Allah ang lahat ng ikinukubli (ng kanilang puso, mabuti man o masama) فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ ٢٤Kaya’t ipahayag sa kanila ang Kasakit-sakit na Kaparusahan إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونِۭ ٢٥Maliban sa mga sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, katotohanang tatanggapin nila ang Gantimpala na hindi magmamaliw (Paraiso)

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.