ملة الإسلام

السورة 85 · 22 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة البروج باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة البروج (1,332 قارئاً)
مكيةسورة البروج٢٢ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡبُرُوجِ ١Sa pamamagitan ng alapaap (langit), na naghahawak ng malalaking pangkat ng mga bituin وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡمَوۡعُودِ ٢At sa pamamagitan ng ipinangakong Takdang Araw (ng Paghuhukom) وَشَاهِدٍ وَمَشۡهُودٍ ٣At sa pamamagitan ng araw na sumasaksi (alalaong baga, ang Biyernes), at sa Araw na sinaksihan (alalaong baga, 950 ang Araw ng Arafat [Hajj], sa ikasiyam ng Dhul Hijja قُتِلَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأُخۡدُودِ ٤Kasawian sa mga gumagawa ng balon (ng apoy) ٱلنَّارِ ذَاتِ ٱلۡوَقُودِ ٥Na ang apoy ay tinutustusan ng (maraming) panggatong إِذۡ هُمۡ عَلَيۡهَا قُعُودٌ ٦Pagmasdan! Sila ay magsisiupo rito (sa apoy) وَهُمۡ عَلَىٰ مَا يَفۡعَلُونَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ شُهُودٌ ٧At kanilang nasaksihang (lahat) ang kanilang ginagawa laban sa mga sumasampalataya (alalaong baga, ang pagsunog sa kanila na mga sumasampalataya sa buhay sa mundong ito) وَمَا نَقَمُواْ مِنۡهُمۡ إِلَّآ أَن يُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَمِيدِ ٨Na walang ginawang masama laban sa kanila maliban na sila ay nananampalataya kay Allah, ang Sukdol sa Kapangyarihan at nagtatangan ng Lubos na Kapurihan ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ شَهِيدٌ ٩Siya (Allah) ang nag-aangkin ng ganap na kapamahalaan at paghahari sa kalangitan at kalupaan! At si Allah ang Saksi sa lahat ng bagay إِنَّ ٱلَّذِينَ فَتَنُواْ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ ثُمَّ لَمۡ يَتُوبُواْ فَلَهُمۡ عَذَابُ جَهَنَّمَ وَلَهُمۡ عَذَابُ ٱلۡحَرِيقِ ١٠Katotohanan! Sila na umuusig (at nang- aalipusta) sa mga sumasampalataya, lalaki man at babae, (sa pamamagitan ng pagpapahirap at pagsunog sa kanila) at hindi nagtika (sa pagsisisi kay Allah), katotohanang sasakanila ang lupit ng Impiyerno at makakamtan nila ang kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ جَنَّٰتٌ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡكَبِيرُ ١١Katotohanan! Sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, sasakanila ang Halamanan (ng Kaligayahan) na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso). Ito ang dakilang Tagumpay إِنَّ بَطۡشَ رَبِّكَ لَشَدِيدٌ ١٢Katotohanan (O Muhammad)! Ang Sakmal (Kaparusahan) ng iyong Panginoon ay matindi إِنَّهُۥ هُوَ يُبۡدِئُ وَيُعِيدُ ١٣Katotohanan! Siya ang Lumikha sa pinakasimula, at muling magpapanumbalik dito (sa pagkabuhay sa Araw ng Muling Pagbangon), [o di kaya ay: Siya ang nagpasimula ng Kaparusahan at muling magsasagawa nito sa Kabilang Buhay] وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلۡوَدُودُ ١٤At Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Tigib ng Pagmamahal (sa mga matimtiman at matapat na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) ذُو ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡمَجِيدُ ١٥Ang Panginoon ng Luklukan, ang Puspos ng Kaluwalhatian فَعَّالٌ لِّمَا يُرِيدُ ١٦Na gumagawa ng lahat na Kanyang maibigan هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡجُنُودِ ١٧Nakarating na ba sa inyo ang kasaysayan ng mga Hukbo فِرۡعَوۡنَ وَثَمُودَ ١٨Ni Paraon at Tribu ni Thamud بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي تَكۡذِيبٍ ١٩Hindi! (Magkagayunman), ang mga hindi sumasampalataya ay nanatili sa pagtatakwil (kay Propeta Muhammad at sa Kanyang Mensahe ng Katotohanan, ang Islam) وَٱللَّهُ مِن وَرَآئِهِم مُّحِيطُۢ ٢٠Datapuwa’t si Allah ang nakalukob sa kanila mula sa likuran! (alalaong baga, talastas Niyang lahat ang kanilang mga gawa at Siya ang magbibigay ganti sa kanilang mga gawa) بَلۡ هُوَ قُرۡءَانٌ مَّجِيدٌ ٢١Walang pagsala! Ito ang Maluwalhating Qur’an فِي لَوۡحٍ مَّحۡفُوظِۭ ٢٢Na nakatitik sa Al Lauh Al Mahfuz (Napapangalagaang Tableta [Kalatas)

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.