ملة الإسلام

السورة 70 · 44 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة المعارج باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة المعارج (1,289 قارئاً)
مكيةسورة المعارج٤٤ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

سَأَلَ سَآئِلُۢ بِعَذَابٍ وَاقِعٍ ١Ang isang nagtatanong ay nagtanong tungkol sa Kaparusahan na napipinto لِّلۡكَٰفِرِينَ لَيۡسَ لَهُۥ دَافِعٌ ٢Sa mga hindi sumasampalataya, na walang sinuman ang makakahadlang مِّنَ ٱللَّهِ ذِي ٱلۡمَعَارِجِ ٣(Isang Kaparusahan) mula kay Allah, ang Panginoon ng mga daan ng Pag-akyat تَعۡرُجُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٍ كَانَ مِقۡدَارُهُۥ خَمۡسِينَ أَلۡفَ سَنَةٍ ٤Ang mga anghel at ang ruh (Gabriel) ay umaakyat sa Kanya sa loob ng isang araw, na ang katumbas noon ay limampung taon فَٱصۡبِرۡ صَبۡرًا جَمِيلًا ٥Kaya’t maging matiyaga ka (o Muhammad ), sa pagtitiyaga na may magandang maaasam إِنَّهُمۡ يَرَوۡنَهُۥ بَعِيدًا ٦Katotohanang napag-aakala nila na ang Araw (ng Kaparusahan) ay malayo sa pangyayari وَنَرَىٰهُ قَرِيبًا ٧Datapuwa’t napagmamalas Namin ito na (lubhang) malapit na يَوۡمَ تَكُونُ ٱلسَّمَآءُ كَٱلۡمُهۡلِ ٨Sa Araw na ang himpapawid (alapaap) ay matutulad sa maruming langis na kumukulo (o naaagnas na tanso o pilak, atbp) وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ ٩At ang kabundukan ay matutulad sa maninipis na himaymay ng lana وَلَا يَسۡـَٔلُ حَمِيمٌ حَمِيمًا ١٠At walang kaibigan ang magtatanong sa isang kaibigan يُبَصَّرُونَهُمۡۚ يَوَدُّ ٱلۡمُجۡرِمُ لَوۡ يَفۡتَدِي مِنۡ عَذَابِ يَوۡمِئِذِۭ بِبَنِيهِ ١١Bagama’t sila ay biniyayaan na magkatinginan sa isa’t isa (alalaong baga, sa Araw ng Muling Pagkabuhay ang lahat ay makakakilala sa kanyang ama, mga anak at mga kamag-anak, datapuwa’t siya ay hindi mangungusap sa kanila o hihingi sa kanila ng tulong). Ang ninanais ng Mujrimun (mga makasalanan, kriminal, walang pananalig kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita na si Muhammad, atbp.) sa Araw na yaon ay matubos niya ang kanyang sarili sa Kaparusahan na ang kabayaran ay ang kanyang mga anak وَصَٰحِبَتِهِۦ وَأَخِيهِ ١٢At kanyang asawa at kanyang kapatid وَفَصِيلَتِهِ ٱلَّتِي تُـٔۡوِيهِ ١٣At kanyang kamag-anak na nagbigay sa kanya ng masisilungan وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعًا ثُمَّ يُنجِيهِ ١٤At ng lahat-lahat ng nasa kalupaan; kung ito ang makakapagligtas sa kanya كـَلَّآۖ إِنَّهَا لَظَىٰ ١٥Sa anumang kaparaanan, ito ay walang saysay! Katotohanang ito ay Apoy ng Impiyerno نَزَّاعَةً لِّلشَّوَىٰ ١٦Na bumubunot (sa ganap na pagkatupok) ng anit تَدۡعُواْ مَنۡ أَدۡبَرَ وَتَوَلَّىٰ ١٧At tumatawag: “O mga Kafir (walang paniniwala kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang Aklat, sa Kanyang mga Tagapagbalita, sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sa Qadar [maka-Diyos na kahihinatnan]) at, O mga Mushrik (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah) na nag-aanyaya sa kanilang lahat na magsitalikod ( sa katotohanan ) at naglihis ng kanilang mukha (sa Pananampalataya).” وَجَمَعَ فَأَوۡعَىٰٓ ١٨At nagsipagtipon (ng mga kayamanan) at nagtago nito (tutol sa paggugol tungo sa Kapakanan ni Allah) ۞ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ خُلِقَ هَلُوعًا ١٩Katotohanan, ang tao (na walang pananalig) ay nilikha na lubhang mainipin (walang pasensya) إِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ جَزُوعًا ٢٠Na naiinis (walang kasiyahan) kung ang kasamaaan ay sumaling sa kanya وَإِذَا مَسَّهُ ٱلۡخَيۡرُ مَنُوعًا ٢١At lubhang gahaman kung ang kasaganaan ay dumatal sa kanya إِلَّا ٱلۡمُصَلِّينَ ٢٢Maliban sa mga matimtiman sa pananalangin ٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ دَآئِمُونَ ٢٣Sila na namamalagi sa kanilang pagdalangin وَٱلَّذِينَ فِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقٌّ مَّعۡلُومٌ ٢٤At sa kanilang kayamanan ay mayroong nakalaan لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ ٢٥Sa mga pulubi na humihingi at sa mga sawimpalad na nawalan ng ari-arian at kayamanan (at ang pinanggagalingan ng kanyang ikabubuhay ay naghigpit o umunti) وَٱلَّذِينَ يُصَدِّقُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ ٢٦At sila na nananangan sa katotohanan ng Araw ng Paghuhukom o Kabayaran وَٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ عَذَابِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ ٢٧At sila na may pangangamba sa Kaparusahan ng kanilang Panginoon إِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمۡ غَيۡرُ مَأۡمُونٍ ٢٨SapagkatangKaparusahanngkanilangPanginoonayisang bagay na kabaligtaran ng kapayapaan at katahimikan وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ ٢٩At sila na nagpapanatili ng kanilang kalinisan (sa kapurihan, at umiiwas sa bawal na pakikipagtalik) إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ ٣٠Maliban sa kanilang mga asawa at sa mga (babaeng alipin) na angkin ng kanilang kanang kamay, (dito) sila ay hindi susumbatan فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ ٣١Datapuwa’t ang sinuman na magnais ng higit pa rito, kung gayon, sila ang tunay na lumalabag (sa kautusan) وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ ٣٢At sila na nagpapanatili ng kanilang mga pangako at kasunduan وَٱلَّذِينَ هُم بِشَهَٰدَٰتِهِمۡ قَآئِمُونَ ٣٣At sila na naninindigan nang matatag sa kanilang mga patotoo وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ ٣٤At sila na nagbabantay sa kanilang pagdalangin nang mainam أُوْلَٰٓئِكَ فِي جَنَّٰتٍ مُّكۡرَمُونَ ٣٥Sila nga ang papupurihan at magsisitahan sa Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso) فَمَالِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ قِبَلَكَ مُهۡطِعِينَ ٣٦Kaya’t ano ang nagpapagulo sa mga hindi sumasampalataya at nagmamadali (alumpihit) na makinig sa iyo (o Muhammad), upang ikaw ay kanilang pasinungalingan at kutyain, at (gayundin) sa Aklat ni Allah (ang Qur’an) عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ عِزِينَ ٣٧(Na nakaupo) sa mga pangkat, sa iyong kanan at sa iyong kaliwa (o Muhammad) أَيَطۡمَعُ كُلُّ ٱمۡرِيٍٕ مِّنۡهُمۡ أَن يُدۡخَلَ جَنَّةَ نَعِيمٍ ٣٨At bawat isa kaya sa kanila ay umaasam na makakapasok sa Hardin ng Kaligayahan (Paraiso) كـَلَّآۖ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّمَّا يَعۡلَمُونَ ٣٩Hindi, sa anupamang kaparaanan! Sila ay nilikha Namin mula sa sangkap na kanilang batid فَلَآ أُقۡسِمُ بِرَبِّ ٱلۡمَشَٰرِقِ وَٱلۡمَغَٰرِبِ إِنَّا لَقَٰدِرُونَ ٤٠Narito! Ako ay nananawagan upang saksihan ang Panginoon ng lahat ng lugar sa Silangan at Kanluran, na katiyakang Aming magagawa عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ خَيۡرًا مِّنۡهُمۡ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ ٤١Na palitan sila (sa pamamagitan ng iba) ng higit na mainam kaysa kanila; at Kami ay hindi nila magagapi sa Aming kapasiyahan فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ ٤٢Kaya’t hayaan sila na malubog sa walang saysay na pag- uusap at palibot-libot na paglalaro, hanggang sa sapitin nila ang Araw na sa kanila ay ipinangako يَوۡمَ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ سِرَاعًا كَأَنَّهُمۡ إِلَىٰ نُصُبٍ يُوفِضُونَ ٤٣Sa Araw na sila ay magsisilabas sa kanilang libingan na nagmamadali, na katulad ng pag-uunahan (karera) na marating ang punong pananda خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٌۚ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ ٤٤Na ang kanilang mga mata ay nakatungo sa lupa sa pangamba at pagkaaba, ang kahihiyan ang lumulukob sa kanila (ng buo). Ito ang Araw na sa kanila ay ipinangako! 910 ProPetA noe

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.