ملة الإسلام

السورة 69 · 52 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة الحاقة باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة الحاقة (1,346 قارئاً)
مكيةسورة الحاقة٥٢ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

ٱلۡحَآقَّةُ ١Ang Tiyak na kaganapan (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay) مَا ٱلۡحَآقَّةُ ٢Ano nga ba ang Tiyak na Kaganapan وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحَآقَّةُ ٣At ano nga ba ang makakapag-utos sa iyo upang magmuni-muni kung ano ang Tiyak na Kaganapan كَذَّبَتۡ ثَمُودُ وَعَادُۢ بِٱلۡقَارِعَةِ ٤Ang Angkan ni Thamud at ni A’ad ay hindi sumampalataya sa Qariah (ang Araw ng Kaguluhan at Kaingayan sa Oras ng Paghuhukom) فَأَمَّا ثَمُودُ فَأُهۡلِكُواْ بِٱلطَّاغِيَةِ ٥Datapuwa’t sina Thamud; sila ay winasak ng nag-aalimpuyong unos ng kulog at kidlat وَأَمَّا عَادٌ فَأُهۡلِكُواْ بِرِيحٍ صَرۡصَرٍ عَاتِيَةٍ ٦At sina A’ad; sila ay winasak ng nagngangalit na hagupit ng hangin na tunay na mapangwasak سَخَّرَهَا عَلَيۡهِمۡ سَبۡعَ لَيَالٍ وَثَمَٰنِيَةَ أَيَّامٍ حُسُومًاۖ فَتَرَى ٱلۡقَوۡمَ فِيهَا صَرۡعَىٰ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٍ خَاوِيَةٍ ٧Hinayaan Niyang salantahin sila sa loob ng sunod-sunod na pitong mahahabang araw, upang mapagmalas ninyo ang mga tao roon na nakahandusay, na waring sila ba’y katawan ng mga nalugmok na punong 904 palmera فَهَلۡ تَرَىٰ لَهُم مِّنۢ بَاقِيَةٍ ٨Sa ngayon, nakikita mo ba ( o Muhammad ) ang mga latak nila وَجَآءَ فِرۡعَوۡنُ وَمَن قَبۡلَهُۥ وَٱلۡمُؤۡتَفِكَٰتُ بِٱلۡخَاطِئَةِ ٩Si Paraon, at ang mga nangauna sa kanya, at ang Pinalugmok na Bayan (ang mga bayan ng pamayanan ni Lut)? Sila ay nagsigawa ng kamalian فَعَصَوۡاْ رَسُولَ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَهُمۡ أَخۡذَةً رَّابِيَةً ١٠Ang bawa’t isa sa kanila ay naghimagsik nang laban sa Tagapagbalita ng kanilang Panginoon, kaya’t Aming ginawaran sila ng mahigpit na sakmal (ng kaparusahan) إِنَّا لَمَّا طَغَا ٱلۡمَآءُ حَمَلۡنَٰكُمۡ فِي ٱلۡجَارِيَةِ ١١Katotohanan! Nang tumaas ang tubig ng labis sa kanyang hangganan (malaking baha o dilubyo sa panahon ni Noe), ay Aming kinandili kayo (O sangkatauhan) sa Lumulutang na Arko (barko na ginawa ni Noe) لِنَجۡعَلَهَا لَكُمۡ تَذۡكِرَةً وَتَعِيَهَآ أُذُنٌ وَٰعِيَةٌ ١٢Upang gawin Namin ito bilang Tagapagpaala-ala sa inyo, upang ang tainga na nakakarinig ay mapananganan ito bilang isang aral na magugunita فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ نَفۡخَةٌ وَٰحِدَةٌ ١٣At sa sandaling ang Tambuli ay hipan ng isang matinding pagsabog (sa unang ihip) وَحُمِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ فَدُكَّتَا دَكَّةً وَٰحِدَةً ١٤At ang kalupaan at kabundukan ay matinag sa kanilang lugar, at mayanig at madurog sa minsan lamang فَيَوۡمَئِذٍ وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ ١٥At sa Araw na yaon, ang dakilang Pangyayari (Sindak) ay magaganap وَٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَهِيَ يَوۡمَئِذٍ وَاهِيَةٌ ١٦At ang kalangitan ay mahahati, sapagkat sa Araw na yaon, ito ay magiging marupok (at mahina), at mapupunit وَٱلۡمَلَكُ عَلَىٰٓ أَرۡجَآئِهَاۚ وَيَحۡمِلُ عَرۡشَ رَبِّكَ فَوۡقَهُمۡ يَوۡمَئِذٍ ثَمَٰنِيَةٌ ١٧At ang mga anghel ay nasa magkabilang panig nito, at walong anghel ang pumapasan sa Araw na yaon, sa Luklukan ng inyong Panginoon sa ulunan nila يَوۡمَئِذٍ تُعۡرَضُونَ لَا تَخۡفَىٰ مِنكُمۡ خَافِيَةٌ ١٨Sa Araw na yaon, kayo ay ihaharap sa Pagsusulit at walang anumang lihim ang inyong maikukubli فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ فَيَقُولُ هَآؤُمُ ٱقۡرَءُواْ كِتَٰبِيَهۡ ١٩At tunay ngang siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang kanang kamay ay magsasabi: “Tingnan ninyo at basahin ang aking Aklat إِنِّي ظَنَنتُ أَنِّي مُلَٰقٍ حِسَابِيَهۡ ٢٠Tunay ngang talastas ko na kakaharapin ko ang aking pag-uulat!” فَهُوَ فِي عِيشَةٍ رَّاضِيَةٍ ٢١At sa gayon, siya ay makakaranas ng buhay ng kaligayahan فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٍ ٢٢Sa Mataas na Halamanan (Paraiso) قُطُوفُهَا دَانِيَةٌ ٢٣Na ang kumpol ng mga bunga ay malapit at mababa (abot-kamay sa pagpitas) كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَآ أَسۡلَفۡتُمۡ فِي ٱلۡأَيَّامِ ٱلۡخَالِيَةِ ٢٤(At sa kanila ay ipagtuturing): “Magsikain kayo at uminom ng ganap at nasisiyahan bilang gantimpala sa (kabutihan) na inyong ginawa sa mga panahong nagdaan!” وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِشِمَالِهِۦ فَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُوتَ كِتَٰبِيَهۡ ٢٥At siya na pagkakalooban ng kanyang Talaan sa kanyang kaliwang kamay ay magsasabi: “Sana’y hindi na ako pinagkalooban ng aking Aklat وَلَمۡ أَدۡرِ مَا حِسَابِيَهۡ ٢٦At nang hindi ko na mapagbalikan ang aking mga gawa (at ano ang aking ipagsusulit) يَٰلَيۡتَهَا كَانَتِ ٱلۡقَاضِيَةَ ٢٧Ah! Sana’y ito na ang aking naging wakas (kamatayan) مَآ أَغۡنَىٰ عَنِّي مَالِيَهۡۜ ٢٨Ang kayamanan ko ay nawalang saysay هَلَكَ عَنِّي سُلۡطَٰنِيَهۡ ٢٩Ang kapangyarihan ko ay kagyat na pumanaw!” خُذُوهُ فَغُلُّوهُ ٣٠(At ang makapangyarihang utos ay ipagbabadya): Kunin siya at igapos (ng kadena) ثُمَّ ٱلۡجَحِيمَ صَلُّوهُ ٣١At sunugin siya sa Naglalagablab na Apoy ثُمَّ فِي سِلۡسِلَةٍ ذَرۡعُهَا سَبۡعُونَ ذِرَاعًا فَٱسۡلُكُوهُ ٣٢At bukod pa rito, taliansiyangtanikalanaanghabanitoaypitumpongkubiko إِنَّهُۥ كَانَ لَا يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ ٱلۡعَظِيمِ ٣٣Katotohanang siya ay hindi sumampalataya kay Allah, ang Kataas-taasang Diyos وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ ٣٤At hindi nagmamalasakit na pakainin ang mga kapus-palad فَلَيۡسَ لَهُ ٱلۡيَوۡمَ هَٰهُنَا حَمِيمٌ ٣٥Kaya’t siya ay walang kaibigan dito sa Araw na ito وَلَا طَعَامٌ إِلَّا مِنۡ غِسۡلِينٍ ٣٦At wala siyang anumang pagkain maliban sa mabahong nana mula sa pinaghugasan ng mga sugat لَّا يَأۡكُلُهُۥٓ إِلَّا ٱلۡخَٰطِـُٔونَ ٣٧At walang ibang magsisikain nito maliban sa Khati’un (mga makasalanan, walang pananampalataya, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp) فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَا تُبۡصِرُونَ ٣٨Kaya’t tinatawagan Ko ang lahat (ng mga nilikha) na inyong nakikita upang sumaksi وَمَا لَا تُبۡصِرُونَ ٣٩At ang lahat (ng nilikha) na hindi ninyo nakikita إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٍ كَرِيمٍ ٤٠Na katotohanang ito ang salita ng kapuri-puring Tagapagbalita (alalaong baga, si Gabriel o Muhammad na kanyang dinala mula kay Allah) وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَاعِرٍۚ قَلِيلًا مَّا تُؤۡمِنُونَ ٤١Ito ay hindi salita ng isang makata, kakarampot lamang ang inyong pinaniniwalaan وَلَا بِقَوۡلِ كَاهِنٍۚ قَلِيلًا مَّا تَذَكَّرُونَ ٤٢At hindi rin ito salita ng isang manggagaway (o isang manghuhula), kakatiting lamang ang inyong nagugunita تَنزِيلٌ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٤٣Ito ay isang Kapahayagan na ipinanaog (sa inyo) mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang وَلَوۡ تَقَوَّلَ عَلَيۡنَا بَعۡضَ ٱلۡأَقَاوِيلِ ٤٤At kung siya (Muhammad) ay gumawa ng salita ng kabulaanan tungkol sa Amin (Allah) لَأَخَذۡنَا مِنۡهُ بِٱلۡيَمِينِ ٤٥Katotohanang siya ay Aming sasakmalin sa kanyang kanang kamay (ng may kapangyarihan at lakas) ثُمَّ لَقَطَعۡنَا مِنۡهُ ٱلۡوَتِينَ ٤٦At katotohanang Aming puputulin ang ugat ng kanyang puso فَمَا مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ عَنۡهُ حَٰجِزِينَ ٤٧At walang sinuman sa inyo ang makakapananggalang sa Amin upang (parusahan) siya وَإِنَّهُۥ لَتَذۡكِرَةٌ لِّلۡمُتَّقِينَ ٤٨Datapuwa’t katotohanan, ang Quran ay isang Paala-ala para sa Muttaqun (mga may pangangamba kay Allah, matimtiman at mapaggawa ng kabutihan, at umiiwas sa lahat ng kasalanan, atbp) وَإِنَّا لَنَعۡلَمُ أَنَّ مِنكُم مُّكَذِّبِينَ ٤٩At katotohanang talastas Namin na sa lipon ninyo ay may mga nagpapabulaan (sa Qur’an) وَإِنَّهُۥ لَحَسۡرَةٌ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ ٥٠At katotohanan, ang Kapahayagan (Qur’an) ay makakapagpaligalig sa mga hindi sumasampalataya (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) وَإِنَّهُۥ لَحَقُّ ٱلۡيَقِينِ ٥١At tunay ngang ito (ang Qur’an) ay isang lubos na Katotohanan na may katiyakan فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ ٥٢Kaya’t luwalhatiin ninyo ang Pangalan ng inyong Panginoon, ang Pinakadakila

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.