ملة الإسلام

السورة 74 · 56 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة المدثر باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة المدثر (1,220 قارئاً)
مكيةسورة المدثر٥٦ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُدَّثِّرُ ١o ikaw (Muhammad) na nababalot (ng balabal) قُمۡ فَأَنذِرۡ ٢Magbangon ka at ipahayag mo ang iyong babala وَرَبَّكَ فَكَبِّرۡ ٣Ang iyong Panginoon (Allah) ang iyong ipinagbubunyi sa kapurihan وَثِيَابَكَ فَطَهِّرۡ ٤Ang iyong kasuotan ay gawin mong dalisay وَٱلرُّجۡزَ فَٱهۡجُرۡ ٥Ang lahat ng kabuktutan ay iyong layuan (Ar-Rujz, mga imahen o diyus-diyosan) وَلَا تَمۡنُن تَسۡتَكۡثِرُ ٦At huwag maghangad ng ganti kung ikaw ay nagbigay, na dagdag sa makamundong pakinabang (o huwag mong ipalagay na ang gawang kabutihan sa pagsunod kay Allah ay isang biyaya sa Kanya) وَلِرَبِّكَ فَٱصۡبِرۡ ٧At maging matimtiman (sa pagtitimpi) sa kapakanan ng iyong Panginoon (alalaong baga, iyong ganapin ang iyong tungkulin sa Kanya) فَإِذَا نُقِرَ فِي ٱلنَّاقُورِ ٨At kung hihipan na ang Tambuli (sa kanyang pangalawang pag-ihip) فَذَٰلِكَ يَوۡمَئِذٍ يَوۡمٌ عَسِيرٌ ٩Katotohanan! Ang Araw na yaon ay Araw ng Hapis عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ غَيۡرُ يَسِيرٍ ١٠Na kasakit-sakit sa mga walang pananalig ذَرۡنِي وَمَنۡ خَلَقۡتُ وَحِيدًا ١١Hayaang Ako lamang (ang makitungo) sa mga (nilalang) na Aking nilikha (na hubad at walang pinagkukunan ng anuman) وَجَعَلۡتُ لَهُۥ مَالًا مَّمۡدُودًا ١٢Na Aking ginawaran ng lahat ng bagay ng kasaganaan وَبَنِينَ شُهُودًا ١٣At mga anak na nasa kanyang tabi وَمَهَّدتُّ لَهُۥ تَمۡهِيدًا ١٤Aking iginawad ang buhay na maayos at maginhawa sa kanya ثُمَّ يَطۡمَعُ أَنۡ أَزِيدَ ١٥Datapuwa’t siya ay sakim, - na Ako ay marapat pang magbigay ng higit كـَلَّآۖ إِنَّهُۥ كَانَ لِأٓيَٰتِنَا عَنِيدًا ١٦Katotohanan, (siya ay pagkakaitan)! Sapagkat siya ay hindi nagbigay ng halaga sa Aming Kapahayagan at Tagubilin (at nanatiling matigas ang ulo) سَأُرۡهِقُهُۥ صَعُودًا ١٧Hindi magtatagal, siya ay Aming dadalawin ng gabundok na kapahamakan (ang umakyat sa madulas na bundok ng As-Sa’ud sa Impiyerno) إِنَّهُۥ فَكَّرَ وَقَدَّرَ ١٨Katotohanang siya ay nag-isip at nagbalak فَقُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ ١٩Kaya’t kasawian sa kanya ( sa kaparusahan)! Paano siya nagbalak ثُمَّ قُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ ٢٠At minsan pa, kasawian sa kanya (sa kaparusahan), paano siya nagbalak ثُمَّ نَظَرَ ٢١At siya ay nagmuni-muni (nagmalas sa kanyang kapaligiran) ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ ٢٢At siya ay kumunot at siya ay nayamot ثُمَّ أَدۡبَرَ وَٱسۡتَكۡبَرَ ٢٣At siya ay tumalikod at naging palalo فَقَالَ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٌ يُؤۡثَرُ ٢٤At siya ay nagturing : “Ito ay wala ng iba kundi salamangka, mula pa noong unang panahon إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا قَوۡلُ ٱلۡبَشَرِ ٢٥Ito ay wala ng iba maliban sa salita lamang ng isang tao!” سَأُصۡلِيهِ سَقَرَ ٢٦Hindi magtatagal , Aking ihahagis siya sa Apoy ng Impiyerno وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سَقَرُ ٢٧Ah! Ano nga ba ang makakapagbigay paliwanag sa iyo kung ano ang Apoy ng Impiyerno لَا تُبۡقِي وَلَا تَذَرُ ٢٨Ito ay hindi nagpapaubaya (sa sinumang makasalanan), gayundin, ito ay hindi nag-iiwan (ng anumang bagay na hindi sunog) لَوَّاحَةٌ لِّلۡبَشَرِ ٢٩Na nagpapaitim at nagpapabago sa kulay ng tao (dahilan sa pagkasunog) عَلَيۡهَا تِسۡعَةَ عَشَرَ ٣٠Sa itaas nito ay may labingsiyam (na mga anghel bilang tagapagbantay at tagapanatili ng Impiyerno) وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَٰٓئِكَةًۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةً لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنًا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلًاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ ٣١At Kami ang nagtalaga ng mga anghel bilang tagapagbantay ng Apoy, at Aming itinakda lamang ang kanilang dami (19) bilang isang pagsubok sa mga hindi nananampalataya, - upang ang mga tao ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay dumatal sa katiyakan (na ang Qur’an ay katotohanan na umaayon sa kanilang mga Aklat, alalaong baga, ang kanilang bilang [19] ay nasusulat sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo), at upang ang mga sumasampalataya ay lalong mag-ibayo sa Pananalig 922 (sapagkat ang Qur’an ang katotohanan), - at upang ang mga tao ng Angkan ng Kasulatan at ang mga sumasampalataya ay hindi mag-alinlangan dito, at ang mga tao na ang laman ng kanilang puso ay isang sakit (ng pagkukunwari) at ang mga hindi nananampalataya ay makapagsabi: “Ano baga ang ibig ipakahulugan ni Allah sa pamamagitan nito? Kaya’t si Allah ang umaakay na mapaligaw ang sinumang Kanyang maibigan at namamatnubay sa sinumang Kanyang maibigan. At walang sinuman ang nakakatalos ng mga kapangyarihan ng iyong Panginoon maliban sa Kanya. At ito (Impiyerno) ay wala ng iba pa maliban na isang Paala-ala (babala at tagubilin) sa sangkatauhan كـَلَّا وَٱلۡقَمَرِ ٣٢Hindi, at katotohanang sa pamamagitan ng Buwan وَٱلَّيۡلِ إِذۡ أَدۡبَرَ ٣٣At sa pamamagitan ng gabi kung ito ay humimlay وَٱلصُّبۡحِ إِذَآ أَسۡفَرَ ٣٤At sa pamamagitan ng bukang liwayway kung ito ay namamanaag إِنَّهَا لَإِحۡدَى ٱلۡكُبَرِ ٣٥Katotohanang ito ay isa lamang sa mga Matitibay na Palatandaan (Impiyerno, o ang kanilang pagtatatwa kay Propeta Muhammad, o ang Araw ng Muling Pagkabuhay) نَذِيرًا لِّلۡبَشَرِ ٣٦Bilang pagpapaala-ala sa sangkatauhan لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَتَقَدَّمَ أَوۡ يَتَأَخَّرَ ٣٧Sa sinuman sa inyo na nagpasyang tumahak nang pasulong (sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan), o magpaiwan sa likuran (sa pamamagitan ng paggawa ng kasamaan) كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ رَهِينَةٌ ٣٨Ang bawat tao (kaluluwa) ay isang sanla sa kanyang mga gawa إِلَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡيَمِينِ ٣٩Maliban sa kanila na nanatili sa Kanan (alalaong baga, ang mga tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) فِي جَنَّٰتٍ يَتَسَآءَلُونَ ٤٠Sila ay mapapasa- Halamanan ng Kaligayahan, at nagtatanungan sa isa’t isa عَنِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ ٤١Ng tungkol sa Al-Mujrimun (mga makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig, kriminal, atbp.), [at sila ay mangungusap sa kanila] مَا سَلَكَكُمۡ فِي سَقَرَ ٤٢“Ano ang naghatid sa inyo tungo sa Apoy ng Impiyerno?” قَالُواْ لَمۡ نَكُ مِنَ ٱلۡمُصَلِّينَ ٤٣Sila ay magsasabi: “Kami ay kabilang sa mga hindi nag-aalay ng palagiang panalangin وَلَمۡ نَكُ نُطۡعِمُ ٱلۡمِسۡكِينَ ٤٤At kami rin ay hindi kabilang sa nagbibigay ng pagkain sa naghihikahos وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ ٱلۡخَآئِضِينَ ٤٥Bagkus kami ay nangag-uusap ng kabulaanan (na kinamumuhiang lahat ni Allah) sa mga walang saysay na pangungusap وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ ٤٦At kami ay lagi nang nagpapasinungaling sa Araw ng Paghuhukom حَتَّىٰٓ أَتَىٰنَا ٱلۡيَقِينُ ٤٧Hanggang sa sumapit sa amin ang tiyak na Takdang Oras (kamatayan).” فَمَا تَنفَعُهُمۡ شَفَٰعَةُ ٱلشَّٰفِعِينَ ٤٨At ang pamamagitan ng mga namamagitan ay walang kapakinabangan sa kanila فَمَا لَهُمۡ عَنِ ٱلتَّذۡكِرَةِ مُعۡرِضِينَ ٤٩Kung gayon, ano ang nagpapagulo sa kanila (alalaong baga,angmgahindisumasampalataya),atsilaaytumatalikod (sa pagtanggap) ng Paala-ala كَأَنَّهُمۡ حُمُرٌ مُّسۡتَنفِرَةٌ ٥٠Na wari bang sila ay mga nasisindaknaasno فَرَّتۡ مِن قَسۡوَرَةِۭ ٥١Natumatalilissaleon بَلۡ يُرِيدُ كُلُّ ٱمۡرِيٍٕ مِّنۡهُمۡ أَن يُؤۡتَىٰ صُحُفًا مُّنَشَّرَةً ٥٢Katotohanan! Ang bawat isa sa kanila ay nagnanais na sila ay bigyan ng nakaladlad na dahon ng kapahayagan (mula kay Allah, na may nakasulat na ang Islam ang tamang Pananampalataya, at si Muhammad ay dumatal na may dalang katotohanan mula kay Allah, ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, atbp) كـَلَّاۖ بَل لَّا يَخَافُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ ٥٣Hindi, sa anumang kaparaanan! Sapagkat sila ay hindi nangangamba sa (kaparusahan ni Allah) sa Kabilang Buhay كـَلَّآ إِنَّهُۥ تَذۡكِرَةٌ ٥٤Hindi! Katotohanang ito (ang Qur’an) ay isang Paala-ala فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ ٥٥Kaya’t sinuman ang magnais, (hayaan siyang bumasa nito), at tumanggap ng tagubilin (mula rito) وَمَا يَذۡكُرُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ هُوَ أَهۡلُ ٱلتَّقۡوَىٰ وَأَهۡلُ ٱلۡمَغۡفِرَةِ ٥٦Datapuwa’t sila ay hindi tatanggap ng tagubilin malibang pahintulutan ni Allah. Siya ang Panginoon ng Kabutihan at Panginoon ng Pagpapatawad (alalaong baga, sinuman ang umiwas sa masamang gawa na Kanyang ipinagbabawal at gumawa ng mabuti na Kanyang ipinag-uutos, Siya [kung gayon] ay magpapatawad sa kanila at sila ay hindi Niya parurusahan

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.