بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
لَآ أُقۡسِمُ بِيَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ ١Ako ay sumasaksi sa pamamagitan ng Araw ng Muling Pagkabuhay وَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلنَّفۡسِ ٱللَّوَّامَةِ ٢At Ako ay sumasaksi sa pamamagitan ng tao na nagsisi sa kanyang sarili (isang sumasampalataya) أَيَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَلَّن نَّجۡمَعَ عِظَامَهُۥ ٣Napag-aakala ba ng tao (na walang pananampalataya) na hindi Namin muling maisasaayos ang kanyang mga buto بَلَىٰ قَٰدِرِينَ عَلَىٰٓ أَن نُّسَوِّيَ بَنَانَهُۥ ٤Katotohanan! Muli Naming maibabalik nang ganap at maayos (ang kanyang mga buto) maging ang dulo ng kanyang daliri بَلۡ يُرِيدُ ٱلۡإِنسَٰنُ لِيَفۡجُرَ أَمَامَهُۥ ٥Hindi! Ang tao ay nagtatatwa ng Muling Pagkabuhay at Pagsusulit. Kaya’t siya ay nagnanais na magpatuloy sa kanyang kasamaan يَسۡـَٔلُ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلۡقِيَٰمَةِ ٦Siya ay nag-uusisa: “Kailan baga matutupad ang Araw ng Muling Pagkabuhay?” فَإِذَا بَرِقَ ٱلۡبَصَرُ ٧At sa katagalan, kung ang paningin ay masilaw وَخَسَفَ ٱلۡقَمَرُ ٨At ang buwan ay lagumin ng kadiliman وَجُمِعَ ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ ٩At ang araw at buwan ay pagsamahin (sa pamamagitan ng paglapit sa isa’t isa o ang matiklop at mawalan ng kanilang liwanag, atbp) يَقُولُ ٱلۡإِنسَٰنُ يَوۡمَئِذٍ أَيۡنَ ٱلۡمَفَرُّ ١٠Sa Araw na ito, ang tao ay magsasabi: “Saan ako tatalilis (na may kaligtasan) كـَلَّا لَا وَزَرَ ١١Hindi, sa anumang kaparaanan! Walang matatakbuhan (sa kaligtasan) إِلَىٰ رَبِّكَ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡمُسۡتَقَرُّ ١٢Tanging sa harap ng inyong Panginoon lamang ang lugar ng kapahingahan sa Araw na ito يُنَبَّؤُاْ ٱلۡإِنسَٰنُ يَوۡمَئِذِۭ بِمَا قَدَّمَ وَأَخَّرَ ١٣Sa Araw na ito, ang tao ay pagsasabihan ng lahat ng kanyang inilagay sa harapan (ang kanyang mabubuti at masasamang gawa), at lahat ng kanyang naiwan (na mabuti at masama) بَلِ ٱلۡإِنسَٰنُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦ بَصِيرَةٌ ١٤Katotohanan! Ang tao ang saksi ( at katibayan) laban sa kanyang sarili (sapagkat ang mga bahagi ng kanyang katawan ang magsasalita hinggil sa kanyang mga ginawa) وَلَوۡ أَلۡقَىٰ مَعَاذِيرَهُۥ ١٥Kahima’t magsulit siya ng dahilan at umiwas (upang pagtakpan ang kanyang masasamang gawa) لَا تُحَرِّكۡ بِهِۦ لِسَانَكَ لِتَعۡجَلَ بِهِۦٓ ١٦Huwag mong pagalawin ang iyong dila (O Muhammad) tungkol sa Qur’an upang magmadali rito إِنَّ عَلَيۡنَا جَمۡعَهُۥ وَقُرۡءَانَهُۥ ١٧Kami (Allah) ang may kapamahalaan na magtipon at dumalit (ng Qur’an) فَإِذَا قَرَأۡنَٰهُ فَٱتَّبِعۡ قُرۡءَانَهُۥ ١٨At matapos na ito ay Aming dalitin sa iyo (o Muhammad, sa pamamagitan ni Gabriel), kung gayon, iyong sundin ang pagbigkas (ng Qur’an) ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا بَيَانَهُۥ ١٩Katotohanan! Kami (Allah) ang may kapamahalaan na ito ay maging maliwanag sa inyo كـَلَّا بَلۡ تُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ ٢٠Hindi (ng ayon sa inyong iniisip na kayo [sangkatauhan] ay hindi ibabangong muli at babayaran sa inyong mga gawa), datapuwa’t tunay nga na higit ninyong minahal ang panandaliang buhay na ito وَتَذَرُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ ٢١At nagwawalang bahala kayo sa Kabilang Buhay وُجُوهٌ يَوۡمَئِذٍ نَّاضِرَةٌ ٢٢Sa Araw na ito, ang ibang mukha ay magniningning sa kislap at kagandahan إِلَىٰ رَبِّهَا نَاظِرَةٌ ٢٣Na nagmamalas sa kanilang Panginoon (Allah) وَوُجُوهٌ يَوۡمَئِذِۭ بَاسِرَةٌ ٢٤At sa Araw na ito, ang ibang mukha ay kakikitaan ng lumbay, hapis, pagkunot (ng noo), dilim at kalungkutan تَظُنُّ أَن يُفۡعَلَ بِهَا فَاقِرَةٌ ٢٥Na nag-aakala na ang ilang kapahamakan at kapinsalaan ay sasapit na sa kanila كـَلَّآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلتَّرَاقِيَ ٢٦Katotohanan! Kungang kaluluwa ay umabotna sa buto ng kuwelyo (alalaong baga, hanggang sa lalamunan sa kanyang paglabas sa sandali ng kamatayan) وَقِيلَ مَنۡۜ رَاقٍ ٢٧At may magsasabi: “Sino ang makakapagpagaling sa kanya at makakapagligtas sa kanya sa kamatayan وَظَنَّ أَنَّهُ ٱلۡفِرَاقُ ٢٨At siya na rin (ang mamamatay na tao) ang makakatalos na ito na (ang sandali) ng paglisan (kamatayan) وَٱلۡتَفَّتِ ٱلسَّاقُ بِٱلسَّاقِ ٢٩At ang binti ay idurugtong sa ibang binti (alalaong baga, ang sakit at hirap ay idurugtong sa ibayong sakit at hirap) إِلَىٰ رَبِّكَ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡمَسَاقُ ٣٠Sa Araw na ito, ang pagtataboy ay sa iyong Panginoon فَلَا صَدَّقَ وَلَا صَلَّىٰ ٣١Sapagkat siya (na hindi sumasampalataya) ay hindi sumampalataya (sa Qur’an at sa Mensahe ni Muhammad), o nagdasal kaya وَلَٰكِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ ٣٢At sa kabalintunaan, siya ay nagpabulaan (sa Qur’an at sa Mensahe ni Muhammad), at tumalikod ثُمَّ ذَهَبَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ يَتَمَطَّىٰٓ ٣٣At siya ay pumaroon sa kanyang pamilya na batbat ng kapalaluan na humahanga sa kanyang sarili أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰ ٣٤Kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya)! Tunay nga (o tao na walang pananampalataya), kasawian sa iyo ثُمَّ أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰٓ ٣٥Minsan pa, kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya) at muli, kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya) أَيَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَن يُتۡرَكَ سُدًى ٣٦Inaakala ba ng tao na siya ay hahayaan (at kakalimutan na hindi napaparusahan o nagagantimpalaan sa kanyang mga takdang katungkulan na itinagubilin sa kanya ng kanyang Panginoon [Allah) أَلَمۡ يَكُ نُطۡفَةً مِّن مَّنِيٍّ يُمۡنَىٰ ٣٧Hindi baga siya ay isa lamang Nutfah (magkahalong katas ng semilya ng lalaki at babae) na ibinuhos (sa mababang anyo) ثُمَّ كَانَ عَلَقَةً فَخَلَقَ فَسَوَّىٰ ٣٨At siya ay naging Alaqa (namuo sa paglaki); at binigyan siya ni Allah ng hugis at anyo sa ganap na sukat فَجَعَلَ مِنۡهُ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ ٣٩At mula sa kanya ay lumikha Siya ng dalawang kasarian, lalaki at babae أَلَيۡسَ ذَٰلِكَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يُحۡـِۧيَ ٱلۡمَوۡتَىٰ ٤٠Hindi baga Siya na lumalang (sa kanya) ay makakapagpanumbalik ng buhay ng patay? (Katotohanang Siya ay makakagawa ng lahat ng bagay)