بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
نٓۚ وَٱلۡقَلَمِ وَمَا يَسۡطُرُونَ ١Nun (titik Na). Sa pamamagitan ng Panulat at sa isinulat (ng mga anghel) sa (Talaan ng mga tao) مَآ أَنتَ بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ بِمَجۡنُونٍ ٢Ikaw nga (o Muhammad), sa pamamagitan ng biyaya ng iyong Panginoon ay hindi isang baliw وَإِنَّ لَكَ لَأَجۡرًا غَيۡرَ مَمۡنُونٍ ٣Katotohanan na sasaiyo (O Muhammad), ang gantimpala na walang maliw وَإِنَّكَ لَعَلَىٰ خُلُقٍ عَظِيمٍ ٤At katotohanang ikaw (o Muhammad) aynag-aangkinngkapuri-puringasalatmataas na pamantayan ng pag-uugali فَسَتُبۡصِرُ وَيُبۡصِرُونَ ٥Hindi maglalaon na iyong mapagmamasdan at kanilang mapagmamasdan بِأَييِّكُمُ ٱلۡمَفۡتُونُ ٦Kung sino sa inyo ang inaalihan ng pagkabaliw إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ ٧Katotohanan, ang iyong Panginoon ang lubos na nakakaalam kung sino (sa karamihan ng mga tao) ang napaligaw sa Tamang Landas at lubos Niyang talastas kung sino sa inyo ang sumusunod sa Tamang Patnubay فَلَا تُطِعِ ٱلۡمُكَذِّبِينَ ٨Kaya’t huwag mong sundin (O Muhammad) ang mga nagtatatwa (sa Kaisahan ni Allah at nagpapabulaan sa Kanyang mga Talata, sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, atbp) وَدُّواْ لَوۡ تُدۡهِنُ فَيُدۡهِنُونَ ٩Ang kanilang hangarin ay pumayag ka na makipagkasundo sa kanila (sa pananampalataya mula sa iyong kagandahang loob), kaya’t sila (rin) ay makikipagkasundo sa iyo وَلَا تُطِعۡ كُلَّ حَلَّافٍ مَّهِينٍ ١٠At huwag mong dinggin ang mga tao na nanunumpa ng lubhang marami (sa kasinungalingan), at maipapalagay na walang halaga هَمَّازٍ مَّشَّآءِۭ بِنَمِيمٍ ١١Na mapangwasak (sa katotohanan) at nagkakalat ng paninirang-puri مَّنَّاعٍ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ ١٢Na pumipigil sa mga kabutihan at lumalabag (sa utos) sa pagiging palalo, at nababalot ng mga kasalanan عُتُلِّۭ بَعۡدَ ذَٰلِكَ زَنِيمٍ ١٣Marahas (at malupit), at sa lahat ng mga ito, ay may alinlangan sa pagkapanganak (anak sa labas) أَن كَانَ ذَا مَالٍ وَبَنِينَ ١٤(Gayon siya), sapagkat siya ay nagtataglay ng mga kayamanan at maraming anak إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ١٥Na kung ang Aming mga Talata (ng Qur’an) ay ipinaparinig sa kanya, siya ay nagsasabi : “Mga kathang kuwento lamang ng mga tao ng panahong sinauna (lumipas)!” سَنَسِمُهُۥ عَلَى ٱلۡخُرۡطُومِ ١٦Tatatakan Namin ang kanyang ilong إِنَّا بَلَوۡنَٰهُمۡ كَمَا بَلَوۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ إِذۡ أَقۡسَمُواْ لَيَصۡرِمُنَّهَا مُصۡبِحِينَ ١٧Katotohanang Aming sinubukan sila na katulad rin ng ginawa Naming pagsubok sa mga Tao ng Halamanan, nang sila ay magkaisa na kanilang pipitasin ang mga bunga (ng Halamanan) sa kinaumagahan وَلَا يَسۡتَثۡنُونَ ١٨At sila ay hindi nag- aatubili (kung ito ang Kalooban ni Allah) فَطَافَ عَلَيۡهَا طَآئِفٌ مِّن رَّبِّكَ وَهُمۡ نَآئِمُونَ ١٩At dumating (sa halamanan) ang isang pagdalaw ng inyong Panginoon (na may taglay na bagay, ang Apoy) nang kinagabihan at sumunog sa lahat ng palibot habang sila ay natutulog فَأَصۡبَحَتۡ كَٱلصَّرِيمِ ٢٠Kaya’t sa kinaumagahan, ang halamanan ay natulad sa nasalantang lugar at maitim, (na ang kanyang bunga ay natipon na) فَتَنَادَوۡاْ مُصۡبِحِينَ ٢١At nang lumiwanag na (ang umaga), sila ay nagtawagan sa isa’t isa أَنِ ٱغۡدُواْ عَلَىٰ حَرۡثِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰرِمِينَ ٢٢Na nagsasabi: “Kayo ay magsiparoon sa inyong bukirin kung nais ninyong anihin ang mga bunga.” فَٱنطَلَقُواْ وَهُمۡ يَتَخَٰفَتُونَ ٢٣Kaya’t sila ay nagsilakad na nagsasalitaan ng lihim sa isa’t-isa sa mahinang tinig (na nagsasabi) أَن لَّا يَدۡخُلَنَّهَا ٱلۡيَوۡمَ عَلَيۡكُم مِّسۡكِينٌ ٢٤Huwag hayaan ang sinumang mahirap na tao na makapasok sa (halamanan) sa araw na ito وَغَدَوۡاْ عَلَىٰ حَرۡدٍ قَٰدِرِينَ ٢٥At sinimulan nila ang umaga na may matibay na hangarin, na nag-aakala na sila ay may kapangyarihan (na hadlangan ang mahirap sa pagkuha ng anuman sa mga bunga nito) فَلَمَّا رَأَوۡهَا قَالُوٓاْ إِنَّا لَضَآلُّونَ ٢٦Ngunit nang kanilang mamasdan (ang halamanan), sila ay nagsipagsabi: “Katotohanang tayo ay napaligaw sa ating patutunguhan!” بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ ٢٧(At sila ay nagsabi): “Tunay ngang tayo ay pinagkaitan sa mga bunga (ng ating paghihirap)!” قَالَ أَوۡسَطُهُمۡ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ لَوۡلَا تُسَبِّحُونَ ٢٨Ang pinakamagaling (makatarungan) sa kanila ay nagsabi: “Hindi ba aking tinuran sa inyo: Bakit hindi ninyo luwalhatiin si Allah?” قَالُواْ سُبۡحَٰنَ رَبِّنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ ٢٩At sila ay nagbadya: “Luwalhatiin ang ating Panginoon! Katotohanang kami ay naging Zalimun (mga mapaggawa ng kamalian, buktot, tampalasan)!” فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٍ يَتَلَٰوَمُونَ ٣٠At sila ay bumaling sa isa’t-isa na nagsasalita ng panunumbat قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا طَٰغِينَ ٣١Na nagsasabi: “Kasawian sa atin! Tunay ngang tayo ay mga Taghub (mapaglabag sa kautusan at palasuway, atbp) عَسَىٰ رَبُّنَآ أَن يُبۡدِلَنَا خَيۡرًا مِّنۡهَآ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا رَٰغِبُونَ ٣٢Tayo ay umasam na mangyaring pahintulutan ng ating Panginoon na tayo ay pagkalooban Niya ng higit na mainam (na halamanan) kaysa rito. Katotohanang kami ay nagbalik- loob sa aming Panginoon (na naghahangad ng mabuti na Siya ay magpapatawad sa aming kasalanan at magbibigay ng gantimpala sa Kabilang Buhay).” كَذَٰلِكَ ٱلۡعَذَابُۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ ٣٣At ito ang kaparusahan (sa buhay na ito), datapuwa’t katotohanang higit na matindi ang kaparusahan sa Kabilang Buhay, kung kanila lamang nababatid إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ ٣٤Katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na may pagkatakot kay Allah at umiiwas sa lahat ng masama at kasalanan na Kanyang ipinagbawal, at nagmamahal sa Kanya ng labis), ay sasakanila ang Hardin ng Kaligayahan (Paraiso) sa harapan ng kanilang Panginoon أَفَنَجۡعَلُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ كَٱلۡمُجۡرِمِينَ ٣٥Ituturing ba Namin na magkatulad ang mga sumasampalataya (mga Muslim) sa mga makasalanan (mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp) مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ ٣٦Ano ang nagpapagulo (suliranin) sa inyo? Paano kayo humahatol أَمۡ لَكُمۡ كِتَٰبٌ فِيهِ تَدۡرُسُونَ ٣٧At mayroon baga kayong Kasulatan na sa pamamagitan nito, kayo ay may mapag-aaralan إِنَّ لَكُمۡ فِيهِ لَمَا تَخَيَّرُونَ ٣٨Na sa pamamagitan nito ay mapapasainyo ang anumang inyong piliin أَمۡ لَكُمۡ أَيۡمَٰنٌ عَلَيۡنَا بَٰلِغَةٌ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ إِنَّ لَكُمۡ لَمَا تَحۡكُمُونَ ٣٩o mayroon ba kayong Kasunduan sa Amin na (inyong) sinumpaan, na makakaabot sa Araw ng Paghuhukom (at magkakaloob) na inyong matatamasa ang anumang inyong hilingin سَلۡهُمۡ أَيُّهُم بِذَٰلِكَ زَعِيمٌ ٤٠Iyong tanungin sila (o Muhammad) kung alin sa kanila ang makakapanagot dito أَمۡ لَهُمۡ شُرَكَآءُ فَلۡيَأۡتُواْ بِشُرَكَآئِهِمۡ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ ٤١o mayroon ba silang mga katambal (sa Diyos)? Hayaang dalhin nila ang kanilang mga katambal (sa diyos), kung sila ay nagsasabi ng katotohanan يَوۡمَ يُكۡشَفُ عَن سَاقٍ وَيُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ ٤٢(Alalahanin) ang Araw na ang lulod (alalaong baga, ang pagiging huwad) ay matatambad, at sila ay pag-uutusan na magpatirapa (kay Allah), datapuwa’t (sila na mapagkunwari) ay hindi makakagawa nito خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٌۖ وَقَدۡ كَانُواْ يُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ وَهُمۡ سَٰلِمُونَ ٤٣Ang kanilang mga mata ay nakatuon sa lupa, at ang pagkaaba ay bumabalot sa kanila, sapagkat napagtanto nila (na sa buhay sa mundong ito), sila ay pinag-utusan na magpatirapa (sa pag-aalay ng panalangin), habang sila ay buo pa (malusog at mainam) at hindi nasasaktan (subalit sila ay hindi sumunod) فَذَرۡنِي وَمَن يُكَذِّبُ بِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِۖ سَنَسۡتَدۡرِجُهُم مِّنۡ حَيۡثُ لَا يَعۡلَمُونَ ٤٤Kaya’t Ako ay hayaan ninyo na humarap sa kanila na nagpasinungaling sa Kapahayagang ito (ang Qur’an). Sila ay Aming parurusahan ng dahan-dahan sa lahat ng paraan na hindi nila napag-uunawa وَأُمۡلِي لَهُمۡۚ إِنَّ كَيۡدِي مَتِينٌ ٤٥Ang mahabang pagkakataon (at palugit) ay Aking ipagkakaloob sa kanila. Katotohanan, ang Aking balak ay makapangyarihan أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ أَجۡرًا فَهُم مِّن مَّغۡرَمٍ مُّثۡقَلُونَ ٤٦o ikaw ba (o Muhammad) ay humingi ng ganting biyaya sa kanila, kaya’t sila ay nasadlak sa mabigat na pagkakautang أَمۡ عِندَهُمُ ٱلۡغَيۡبُ فَهُمۡ يَكۡتُبُونَ ٤٧o nasa kanila bang mga kamay ang susi ng Al-Ghaib (mga nalilingid na bagay), upang ito ay kanilang maisulat فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تَكُن كَصَاحِبِ ٱلۡحُوتِ إِذۡ نَادَىٰ وَهُوَ مَكۡظُومٌ ٤٨Kaya’t maghintay ng may pagtitiyaga sa Pasya ng iyong Panginoon, at huwag matulad sa Kasamahan ng Isda, nang siya ay manikluhod (sa Amin) samantalang siya ay nasa matinding kapighatian. (Tunghayan ang Qur’an) لَّوۡلَآ أَن تَدَٰرَكَهُۥ نِعۡمَةٌ مِّن رَّبِّهِۦ لَنُبِذَ بِٱلۡعَرَآءِ وَهُوَ مَذۡمُومٌ ٤٩Kung nangyaring ang Biyaya ng kanyang Panginoon ay hindi sumapit sa kanya, katotohanang siya (ay naiwan sa tiyan ng Isda, datapuwa’t Aming pinatawad siya), kaya’t siya ay itinapon sa hantad na dalampasigan habang siya ang dapat sisihin فَٱجۡتَبَٰهُ رَبُّهُۥ فَجَعَلَهُۥ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ ٥٠Datapuwa’t pinili siya ng kanyang Panginoon at inihanay siya sa lipon ng mga matutuwid وَإِن يَكَادُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَيُزۡلِقُونَكَ بِأَبۡصَٰرِهِمۡ لَمَّا سَمِعُواْ ٱلذِّكۡرَ وَيَقُولُونَ إِنَّهُۥ لَمَجۡنُونٌ ٥١At katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya ay halos palagpasin ka ( o mabilis na makaraan) sa pamamagitan ng kanilang namumuhing mga mata kung kanilang napapakinggan ang Paala-ala (ang Babala, ang Qur’an) at sila ay nagsasabi: “Katotohanang siya (Muhammad) ay isang baliw!” وَمَا هُوَ إِلَّا ذِكۡرٌ لِّلۡعَٰلَمِينَ ٥٢Datapuwa’t ito ay wala ng iba, maliban na isang Paala-ala sa lahat ng mga nilalang