ملة الإسلام

السورة 87 · 19 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة الأعلى باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة الأعلى (1,435 قارئاً)
مكيةسورة الأعلى١٩ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

سَبِّحِ ٱسۡمَ رَبِّكَ ٱلۡأَعۡلَى ١Luwalhatiin ang Pangalan ng iyong Tagapagtangkilik na Panginoon, ang Kataas-taasan ٱلَّذِي خَلَقَ فَسَوَّىٰ ٢Na Siyang lumikha (ng lahat ng bagay) at nagbigay ng anyo at kaayusan وَٱلَّذِي قَدَّرَ فَهَدَىٰ ٣Na nagtakda ng Ganap na Sukat (kahihinatnan ng lahat at bawat isa maging sa kabutihan o kasamaan) at nagbigay ng Patnubay (nagturo sa sangkatauhan ng Tumpak at Maling Landas) وَٱلَّذِيٓ أَخۡرَجَ ٱلۡمَرۡعَىٰ ٤At nagpatubo ng mga luntiang halamanan at pastulan فَجَعَلَهُۥ غُثَآءً أَحۡوَىٰ ٥At muli ay ginawa, (at Kanyang) ginawa ito na dayami (at bagaso) سَنُقۡرِئُكَ فَلَا تَنسَىٰٓ ٦Sa sunod-sunod na antas ay ipahahayag Namin sa iyo (o Muhammad) ang Mensahe (ang Qur’an) upang hindi mo malimutan إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلۡجَهۡرَ وَمَا يَخۡفَىٰ ٧Maliban sa anumang pahintulutan ni Allah. Talastas Niya ang nakalantad at nalilihim وَنُيَسِّرُكَ لِلۡيُسۡرَىٰ ٨At gagawin Naming magaan ito sa iyo (O Muhammad) upang masunod mo ang Landas (sa paggawa ng mga kabutihan) فَذَكِّرۡ إِن نَّفَعَتِ ٱلذِّكۡرَىٰ ٩Kaya’t paalalahanan mo (ang mga tao) kung ang pagpapaala-ala ay magbibigay kapakinabangan (sa mga makikinig) سَيَذَّكَّرُ مَن يَخۡشَىٰ ١٠Ang panawagan at paala-ala ay diringgin niya na may pangangamba (kay Allah) وَيَتَجَنَّبُهَا ٱلۡأَشۡقَى ١١Datapuwa’t ito ay itatakwil ng mga masasawing palad (sa kaparusahan) ٱلَّذِي يَصۡلَى ٱلنَّارَ ٱلۡكُبۡرَىٰ ١٢Na mahuhulog sa Nag-aalimpuyong Apoy at lalasap ng kanyang paglalagablab ثُمَّ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ ١٣dito, siya ay hindi mamamatay (upang maginhawahan), o mabubuhay (sa mabuting kalagayan) قَدۡ أَفۡلَحَ مَن تَزَكَّىٰ ١٤Katiyakan, ang magtatamo 954 ng tagumpay ay siya na nagpapadalisay ng kanyang sarili (sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagsamba sa mga diyus- diyosan at pagtanggap sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) وَذَكَرَ ٱسۡمَ رَبِّهِۦ فَصَلَّىٰ ١٥At lumuluwalhati sa Pangalan ng kanyang Tagapagtangkilik na Panginoon (sumasamba lamang kay Allah at wala ng iba), at bukas ang puso sa pananalangin (alalaong baga, ang limang takdang panalangin sa maghapon bukod pa ang mga dasal na ipinagtatagubilin) بَلۡ تُؤۡثِرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا ١٦Datapuwa’t minahalaga ninyo ang buhay sa mundong ito na hindi magtatagal وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٌ وَأَبۡقَىٰٓ ١٧Bagama’t ang Kabilang Buhay ay higit na mainam at mananatili إِنَّ هَٰذَا لَفِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ ١٨Katotohanang ito ay nasa mga Aklat ng unang kasulatan صُحُفِ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ ١٩Sa mga Kasulatan ni Abraham at Moises

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.