ملة الإسلام

السورة 86 · 17 آية · Abdullatif Eduardo M. Arceo

سورة الطارق باللغة الفلبينية

السورة بالعربية مع التفسير استمع إلى سورة الطارق (1,326 قارئاً)
مكيةسورة الطارق١٧ آية

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

وَٱلسَّمَآءِ وَٱلطَّارِقِ ١Sa pamamagitan ng langit at At-Tariq (ang dumarating na panauhin sa gabi, alalaong baga, ang maningning na bituin) وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلطَّارِقُ ٢Ah! Ano baga kaya ang ipinapahiwatig sa inyo ng At-Tariq (ang panggabing panauhin) ٱلنَّجۡمُ ٱلثَّاقِبُ ٣Ito ay isang Bituin (na may naglalagos) na liwanag إِن كُلُّ نَفۡسٍ لَّمَّا عَلَيۡهَا حَافِظٌ ٤walang sinumang tao (kaluluwa) ang walang may tagapangalaga sa kanya (alalaong baga, ang mga Anghel na nakatalaga sa bawat tao at nagbabantay sa kanya, na nagtatala ng kanyang mabuti at masamang gawa, atbp) فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ مِمَّ خُلِقَ ٥Ngayon, (hayaan) ang tao ang makatunghay 952 kung ano ang pinagmulan ng kanyang pagkalikha خُلِقَ مِن مَّآءٍ دَافِقٍ ٦Siya ay nilikha mula sa isang patak na sumago يَخۡرُجُ مِنۢ بَيۡنِ ٱلصُّلۡبِ وَٱلتَّرَآئِبِ ٧Na nanggagaling sa pagitan ng gulugod at mga tadyang إِنَّهُۥ عَلَىٰ رَجۡعِهِۦ لَقَادِرٌ ٨Katotohanan! Siya (Allah) lamang ang may kakayahan na muling magsauli ng (kanyang) buhay يَوۡمَ تُبۡلَى ٱلسَّرَآئِرُ ٩Sa Araw na ang lahat ng mga lihim (mga gawa, pagdarasal, pag-aayuno, kawanggawa, atbp.) ay mabubunyag at susuriin (kung katotohanan) فَمَا لَهُۥ مِن قُوَّةٍ وَلَا نَاصِرٍ ١٠Kaya’t (ang tao) ay walang magiging kapangyarihan at wala ring magiging katuwang وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلرَّجۡعِ ١١Sa pamamagitan ng alapaap (na may balongngtubig) nanagpapamalisbisngulannangpaulit-ulit وَٱلۡأَرۡضِ ذَاتِ ٱلصَّدۡعِ ١٢At sa kalupaan na nagbibitak (sa pagsulpot at pagtubo ng mga puno at halaman) إِنَّهُۥ لَقَوۡلٌ فَصۡلٌ ١٣Pananganan! Katotohanang ito (ang Qur’an) ang Pahayag na nagbubukod (sa pagkakaiba) ng katotohanan at kabulaanan (ng tumpak at mali at nag- uutos ng mahigpit na mga batas sa sangkatauhan upang masugpo ang ugat ng kasamaan) وَمَا هُوَ بِٱلۡهَزۡلِ ١٤At ito ay hindi isang bagay na paglilibang lamang إِنَّهُمۡ يَكِيدُونَ كَيۡدًا ١٥Katotohanang sila ay nagbabalak ng isang pakana (laban sa iyo, o Muhammad) وَأَكِيدُ كَيۡدًا ١٦At Ako (Allah) rin ay nagbabalak ng isang pakana (laban sa kanila) فَمَهِّلِ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَمۡهِلۡهُمۡ رُوَيۡدَۢا ١٧Kaya’t bigyan ninyo ng palugit ang mga hindi sumasampalataya (na mamahinga). (Sa ngayon), sila ay pansamantala ninyong pakitunguhan nang mabayanad

الترجمة: Abdullatif Eduardo M. Arceo.